You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

10
SARILING LINANGAN KIT
SA FILIPINO

ARALIN:
SI PYGMALION AT SI GALATEA

Kuwarter 1 MELC NO. 2

MELC: Naiuugnay ang mga mahalagang kaisipang


nakapaloob sa binasang akda na nangyari sa:
 sariling karanasan
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig
F10PB-Ia-b-62

CYNTHIA T. VALENCIA
San Juan National High School

0
KUWARTER 1
SARILING LINANGAN KIT 2
BILANG (MELC NO.)

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ang Sariling Linangan Kit o Self-Learning Kit (SLK) na ito ay karagdagang


kagamitan na tiyak na makatutulong sa iyo sa gitna ng banta ng COVID-19. Ang
kagamitang ito ay magsisilbing gabay sa iyong pag-aaral kahit nasa loob ka ng
bahay. Ito ang magsisilbing katuwang mo upang magkaroon ng makabagong
kaalaman sa iba’t ibang paksa.
Huwag kang mag-aalala, nariyan ang kapamilya mo na tutulong sa iyo at
gagabay sa pagsagot ng mga gawain. Ang bawat gawain ay kinakailangan sagutin
upang masukat ang kakayahan ng pag-unawa sa bawat aralin. Tandaan na isulat
ang mga sagot sa kuwaderno.
Ito ang magsisilbing kaagapay mo habang ikaw ay natututo at nag-iimbak ng
mga kaalaman na magagamit sa hinaharap.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naiuugnay ang mga mahalagang kaisipang nakapaloob sa
binasang akda na nangyari sa:
 sariling karanasan
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig
F10PB-Ia-b-62

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang isyung panlipunan batay sa akda.
2. Naibabahagi ang sariling karanasan at kaalaman
mula sa mga sitwasyong hango sa akda.
3. Nakabubuo ng isang orihinal na hugot lines mula sa
paksang pinag-aralan.

1
PAGGANYAK/PAGBABALIK-ARAL

Mula sa pinag-alarang isang halimbawa ng mitolohiya na may


kaugnayan sa usaping pag-ibig, tiyak na marami kang
natutuhan dito. Ngayon, isa na namang kuwento ng pag-ibig
ang matutunghayan na tungkol sa kahiwagaan ng pag-ibig.
Ngunit bago mo simulan, pansinin at pagnilayan mo muna ang
larawan sa ibaba.

Panuto: Pag-aralang mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod


na tanong.

Mula sa Juantambayan.com

1. Anong bagay ang kapansin-pansin sa mga magkasintahan o mag-asawang


nasa larawan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit kaya sinasabi ng ilan na hindi sila nababagay? Nararapat bang sabihin
ito sa relasyon ng iba? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon? Magpapadala ka rin
bas a sasabihin ng iba o ipaglalaban mo ang iyong nararamdaman para sa
iyong minamahal?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

Binabati kita at nasagot mo ito ng ayon sa iyong


nalalaman at pag-unawa. Tiyak kong handang-handa ka ng
basahin ang susunod na kuwentong iyong pag-aaralan. Kaya’t
halika na at simulan ang pagbabasa.

ARALIN

Si Pygmalion at si
Galatea

Buod ng Kuwento

Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga


kababaihan dahil sa ugali ng mga ito. Ang kanyang oras ay iginugugol niya sa
paglililok hanggang makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang babae
na nagtataglay ng mga katangian na nais niya para sa isang babae. Pinangalanan
niya ito ng Galatea at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana ang opinyon ng iba.
Hanggang sa dumating ang araw ng pista at napag-alaman ni Aprodite, ang
diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang tunay na pagmamahal ni Pygmalion kay
Galatea. Siya ay naantig at kanyang binigyang buhay ang babaeng
pinakamamahal ni Pygmalion. Sina Pygmalion at Galatea ay nakabuo ng isang
masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak na sina Paphos at Metharme.
Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa, ang kanilang pamilya ay taon-taon na
nag-aalay sa templo ni Aprodite.

Mula sa binasang buod ng kuwento maraming mga nakatagong mga pahiwatig, kaya
alamin at unawain ang mga ito sa pagsagot sa mga gawain. Natitiyak kong
naunawaan ang buod ng kuwento. Kaya, maaari ka ng magsimulang sagutin ang mga
pagsubok.

3
GAWAIN 1: IUGNAY MO!

I.Panuto: Mula sa binasang kuwento, banggitin kung saan maaaring iugnay ang
mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang L kung ito ay maiuugnay sa
lipunan, P para sa pamilya, D sa daigdig, at S para sa sariling karanasan.
Isulat ang letra sa kuwaderno.
______1. Ang pag-iibigan nina Galatea at Pygmalion ay tulad ng pagmamahalan ng
ina at tatay ni Yezza.

______2. Dahil sa pagiging mailag ni Pygmalion sa mga kababaihan, maraming tao


ang nag-uusap-usap tungkol sa kaniyang pagkatao.

______3. Ang paglililok ay isang kakayahan na ipinagmamalaki ng buong mundo


dahil sa mga obrang nagagawa nito.

______4. Ang pag-aalay na ginawa ni Pgymalion kay Aprodite ay katulad din ng


pag-aalay ng mga tao sa isang lugar sa kanilang patron lalo na kung may pista.

______5. Dahil sa kahiwagahan ng pag-ibig hindi lumiban sa pag-aalay ang mag-


asawa dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila, lalo na ang pagkakaroon ng isang
masayang pamilya.

GAWAIN 2: IBAHAGI MO NAMAN!

II. Panuto: Isulat ang iyong naging karanasan, mga kaalaman, mga naoobserbahan
sa paligid tungkol sa mga sumusunod na sitwasyon na may
kaugnayan sa binasang kuwento. Ilagay ang sagot sa kuwaderno.

1. Sitwasyon: Ang pagiging aloof o walang hilig makipag-usap ni Pygmalion sa


mga kadalagahang nagkakagusto sa kaniya.

Kaalaman:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sitwasyon: Ang unti-unting pagkahulog ng loob ni Pygmalion sa dalagang


inuukit niya at panlilibak sa kaniya ng mga taong nag-aakalang nababaliw na
siya.

4
Kaalaman:_____________________________________________________
______________________________________________________________
3. Sitwasyon: Ang mga kababaihang pinag-uusapan si Pygmalion dahil
kinakausap niya ang kaniyang inuukit na obra maestro.

Kaalaman:_____________________________________________________
______________________________________________________________

4. Sitwasyon: Ang pagkakaroon ng katuparan sa hiniling ni Pygmalion kay


Aphrodite.

Kaalaman:_____________________________________________________
______________________________________________________________

5. Sitwasyon: Ang ipinakitang pasasamalat ng mag-asawa sa diyosa ng pag-


ibig.

Kaalaman:_____________________________________________________
______________________________________________________________

ISAISIP
GAWAIN 3: Iuugnay Kita sa Puso’t Isip Ko !

Panuto: Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang “Si Pygmalion at si


Galatea”, paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong
kaisipan. Ilagay ang sagot sa kuwaderno.

sarili pamilya

Ang Aking
Kaisipan at
nararamdaman

pamayanan lipunan daigdig

PAGLALAGOM
5
 Sa paksang pinag-aralan, naisapuso natin ang tunay
na kahulugan ng pag-ibig tulad na lamang sa pag-
iibigan nina Pygmalion at Galatea.
 Walang imposible sa Diyos, alam ng Diyos kung ano
ang kagustuhan at nakapagpapasaya sa isang tao.
 Ipinakita sa binasang kuwento na, kung bibigyan at
pupunuin mo ng pagmamahal ang iyong ginagawa,
masusuklian ito ng higit pa, may buhay man o wala.
 Kapag nakamit ang inaasam sa buhay, huwag nating
kalimutang mag-alay ng pasasalamat sa Kanya,
sapagkat lahat ng pinapanalangin natin ay naririnig
Niya.
 Sa binasang salita ng Diyos kailangang manaig ang
tunay na pag- ibig sa puso ng bawat tao.
 Ang tunay na pag-ibig ay walang pinipili basta
naramdaman mo na ipakita moa ng iyong tunay na
intensiyon tulad ng pag-iibigang Pygmalion at
Galatea.
 Sa lipunang ating ginagalawan may mga taong hindi
maiiwasan na may masabi sila sa iyong likuran lalo
pa kung ito ay hindi normal sa kanilang paniniwala o
paningin.

APLIKASYON

Lahat ng nabasang mga kuwento ay tinatalakay ang pag-ibig, isa rin ang
Bibliya o banal na aklat ay may napakagandang pagpapakahulugan sa
tunay na pag-ibig. Basahin ito sa ibaba.

6
“ Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi
mainggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi
magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi
Panuto: Isulat ang mga kaisipan na may kaugnayan sa pag-ibig sa tanong na,
paano maipapakita ang tunay na pag-ibig sa mga sumusunod na
sitwasyon.

1. Sa iyong sarili: Umaabot ng mula apat hanggang anim na oras ang tagal ng
paggamit mo sa Internet at computer o tablet araw-araw para sa pag-update
ng iyong social media account, paglalaro ng video games, panonood ng mga
video sa Youtube, at iba pa. Lagi ka tuloy puyat at kapansin-pansin ang
kawalan mo ng sigla kapag nasa paaralan ka. Paano mo maipapakita ang
pagmamahal mo sa sarili sa sitwasyong ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa iyong pamilya: Ugali mong tumambay muna sa paaralan at


makipagkuwentuhan sa iyong mga kaibigan pagkatapos ng klase. Subalit
alam mo ng ang iyong nanay na pagod din mula sa trabaho ay
nangangailangan ng tulong sa paghahanda ng inyong hapunan at iba pang
gawain sa bahay. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa pamilya sa
sitwasyong ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Sa iyong kaibigan: Napansin mong lumalabis ang pagiging palaasa ng iyong


kaibigan. Pati pagkopya ng kuwaderno ay hindi na niya ginagawa at umaasa
na lang sa iyong kinopya. Ang proyektong dapat pagtulungan ninyo ay ikaw
na lang ang gumagawa. Umabot din siya sa pagkopya na lang ng iyong sagot
kapag may pagsusulit. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong
kaibigan sa sitwasyong ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Sa iyong pamayanan o bansa: Mas gusto mo ng anumang bagay na


imported kaysa sa mga bagay na gawang Pinoy. Subalit alam mong ito ay
may epekto sa ating mga manggagawa at sa ekonomiya. Paano mo

7
maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong pamayanan o bansa sa
sitwasyong ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Sa daigdig: Ang buong daigdig ay patuloy na nakararanas ng malalang krisis


na sanhi ng Corona Virus o COVID 19. Malaki ang naging epekto nito sa
bawat tao, mamamayan, bansa at iba pang aspeto. Ano- ano ang magagawa
mo at ng iyong pamilya upang maipakita ang pagmamahal mo sa daigdig sa
kalagayan niyang ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGTATAYA

I. Panuto: Isulat ang sagot sa kuwaderno.


1. Siya ay isang makisig na eskultor na kinahuhumalingan ng maraming
kababaihan.
2. Ito ang ipinangalan ng eskultor sa kaniyang obra maestra.
3. Siya ang diyosa ng pag-big na nagbigay buhay sa babaeng minahal niya.
4. Ano ang ginugol ng manlilikok upang mabuo ng maayos ang kaniya obra?
5. Mga anak nina Pygmalion at Galatea na bunga ng kanilang pagmamahalan.

II. Panuto: TAMA o MALI. Suriing mabuti ang bawat pangungusap, isulat ang tama
kung ang mga pahayag ay wasto at kung MALI,isulat ang
salita/pahayag na nagpapamali sa pangungusap. Ilagay ang sagot sa
kuwaderno.

_________1. Ang pag-iibigan ni Pygmalion at Galatea ay isang inspirasyon para sa


iba.

_________2. Si Venus ang diyosa ng pag-ibig na nagbigay buhay sa obra ni


Pygmalion.

_________3. Laging pinag-uusapan si Pygmalion sa kanilang lugar dahil kinakausap


niya ang kaniyang linililok.

_________4. Simula ng `magkabuhay si Aphrodite ay hindi parin nakakalimot sa


pag-aalay ang mag-asawa.

8
_________5. Naging masaya ang pagsasama ng mag-asawa dahil nabiyayaan sila
ng mga anak.

III. Panuto: Bumuo ng isang hugot lines na may kaugnayan sa pinag-aralang paksa.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. Basahin ang pamantayan sa
ibaba.

Pamantayan sa pagbuo ng Hugot Lines


Batayan Puntos
Kaangkupan sa paksa 15

Hikayat sa mambabasa 5
Orihinal na gawa. 10
KABUOAN 30

SANGGUNIAN

9
Marasigan,Emily V., Del Rosario, Mary Grace G. and Dayag,
Alma M. Pinagyamang Pluma 10. Phoenix Publishing House Inc.,2016

Locano, Diana Gracia L., Ipong-Maida L., and Royo, Jean L., Parola 10.
JO-ES Publishing House, Inc. 2015

Google: “Buod ng Pygmalion at si Galatea.” Nakuha noong Mayo 15, 2020, sa


https://brainly.ph/question/801686#readmore

10
SUSI SA PAGWAWASTO

MGA SAGOT SA GAWAIN 1

1. S
2. L
3. P
4. 1.
L May ibang kalalakihan talaga na mailap sa mga babae lalo na kung
5. P hindi nagugustahan ang paraan ng pananalita, pananamit o pag-
uugali ng mga babae.
2. Nahuhulog ang loob ng isang tao lalo na kung napamahal na ito sa
kaniya, ito ang lagi niyang kasama o nakikita kahit wala itong
buhay. Halimbawa na lang may mga tao na kahit walang buhay ang
kanilangMGA MAAARING
laruan, SAGOT
mas minabuti nilang GAWAIN
ito ang lagi2 nating kasama
kaysa makipaglaro sa mga bata.
3. Sa paligid hindi maiiwasan ang mga taong makikitid ang utak, lalo
na kung hindi pangkaraniwan ang nakikita nila sa isang tao.
4. Natutupad ang mga hiling natin dahil may paniniwala tayo sa diyos
na walang imposible kapag siya ang gumawa.
5. Kaugalian na ng mga Pinoy ang pag-aalay sa diyos bilang
pasasalamat sa lahat ng kabutihang bigay nito.

Note:Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

MGA MAAARING SAGOT SA GAWAIN 3

pamilya

sarili
Ang pamilya ni Pygmalion
at Galatea ay naging
Ang Aking masaya sapagkat hindi sila
Sa ating sarili, may
Kaisipan at nakalilimot sa biyayang
kanya-kaniya tayong interes
nararamdaman ipinagkaloob sa kanila ng
na nakapagpapasaya sa atin 11
Diyos tulad ng pagbibigay
tulad ni Pygmalion ang
ng buhay sa estatwang si
paglililok.
Galatea.
p

daigdig

pamayanan

lipunan
Maiuugnay ko ang
sa panahon na nar
amin ngayon tulad
Ang pag-aalay ng mga bagay na dulot ng COV
Tulad ng naranasan ni
at dasal kung may pista o Kailangang pag-ibi
Pygmalion sa mga tao,
pagdiriwang sa isang isa ang mas mana
maraming mga taong
barangay. Tulad ng ginawa ni sa lahat pananalig
mapanghusga at
Pygmalion tuwing may na walag impo
madaldal kapag
pagdiriwang o pista sa maibibigay ang h
nakakita sila ng bagay
kanilang lugar ay nag-aalay at bawat puso ng mg
na hindi karaniwan.
nagdarasal ito sa at ng buong mu
paniniwalang matutupad ang
hiling ng kaniyang puso.

Note:Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

SAN 1
MGA MAAARING SAGOT SA APLIKASYON

1. Sa iyong sarili
Kailangang bawasan ang oras ng paggamit ng mga gadgets
lalo na kung hindi naman ito kailangan. Kailangang isaalang-alang
ang kalusugan dahil kung laging puyat at babad sa internet baka
humina at mapabayan ang sarili na magdudulot ng hindi maganda
sa katawan. Kailangan din na bigyan ng oras ang pag-aaral at
pagbabasa ng mga leksiyon sa paaralan nang sa gayon matutuhan
mo ang dapat malaman sa paaralan.
12
2. Sa iyong pamilya
Umuwi ng maaga upang makatulong sa pamilya at magawa
ng iba pang gawaing bahay upang mas mabilis matapos ang mga

You might also like