You are on page 1of 19

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan (F10PN-Ia-b-62).
 Naiuugnay kahulugan ng salita batay sa kayarian nito (F10PT-Ia-b-61).
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sarili, pamilya,
pamayanan, lipunan at daigdig (F10PB-Ia-b-62).
 Naipapahayag ng malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay (F10PS-Ia-b-
64).
 Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at karanasan
(F10WG-Ia-b-57).
 Nakasusulat ng isang Mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa.
 Naisasagawa ang isang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng
impormasyon (internet, aklat at iba pa) (F10EP-Ia-b-27).

Subukin Natin
A. Panuto. Basahin mabuti ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Ang Cupid at Psyche ay isang akdang pampanitikan na:
A. Sanaysay B. Nobela C. Mitolohiya D. Dula
2. Ang Hari ng mga Diyos, ang sandata niya at ang kulog at kidlat na asawa ni Juno.
A. Poseidon B. Ares C. Zeus D. Apollo
3. Si Venus ay Diyosa ng Kagandahan, Si Psyche ay Diyosa ng Kaluluwa. Saan Diyosa
si Athena?
A. Mangangaso B. Karagatan C. Karunungan D. kabundukan
4. Ang Mitolohiyang, “Si Cupid at Si Psyche” ay nagmula sa Imperyong Romano na
isinalin sa Tagalog ni:
A. Angelo Ong B. Andrea Ong C. Angelika Ong D. Angela Ong
5. Ang tema ng mitolohiyang, “Si Cupid at Si Psyche” ay tumatalakay sa:
A. Tungkol sa pagmamahal ng magulang ni Cupid at ni Psyche.
B. Tungkol sa mga tao kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng magulang nila.
C. Tungkol sa mga taong naghahanap ng pagmamahal at magmamahal sa kanila
D. Tungkol sa wagas na pag-ibig na nababalutan ng katapatan at pagtitiwala sa isa't-isa
upang mapanatili itong matatag.
6. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika ni Cupid bago tuluyang
lumipad papalayo.
A. Paalala B. Pagkagalit C. Pagkalungkot D. Pagtitiwala
7.“Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking
pangako sa kaniya. Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?”
A. Pagkatakot B. Pangamba C. Pang-aasar D. Pagkagalit
8.“Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong
asawa ay wala nang pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang mamatay dahil sa
natamong sugat mula sa kumukulong langis na dulot moIsa kang kasumpa-sumpang
nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa butas
ng karayom.”
A. Pagkatakot B. Pangamba C. Pangkutya D. Pagkalungkot

1
9. “Darating ang iyong mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,”
wika ng asawa “Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat
magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin ng
lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.
A. Pagtataka B. Paalala C. Pangamba D. Pagsumamo
10.“Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng
panibugho ng langit,” sumbat niya sa kaniyang ama.
A. Pagkalungkot B. Pagkabahala C. Pagkatakot D. Pagtatampo

A. Panuto: Tukuyin kung anong angkop na gamit ng pandiwa sa loob ng pangungusap.


Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Kilos, Aksyon at Gawa B. Karanasan C. Pangyayari
_____ 11. Upang makatiyak, lumipad si Cupid sa itaas ng bundok ng Olympus at siya
mismo ang nakipag-usap kay Jupiter.
_____ 12. Sinuong ni Psyche ang kadiliman ng gabi sa paghahanap sa asawa sa malayo
at malawak na lupain.
_____ 13. Naguguluhan si Psyche kung paniniwalaan niya ang kanyang kapatid na
halimaw ang kanyang napangasawa.
_____ 14. Habang si Psyche ay nakaupo sa tuktok ng bundok, umiiyak at nanginginig sa
takot di niya alam kung ano na ang mangyayari.
_____ 15. Dahil sa galit at selos ni Venus, nag-isip ng paraan kung paano niya pahihirapan
si Psyche.

Modyul
Mitolohiya mula sa Rome
1
Panitikan: Cupid at Psyche (Mitolohiya)
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Gramatika at Retorika: Angkop na Gamit ng Pandiwa
Bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari

Balikan Natin

Gawain 1. Nawawalang Letra


Panuto. Punan ng nawawalng letra ang pangalan na tinutukoy na Diyos at Diyosa
mula sa Mitolohiyang
Tagalog. A i u a a
1. Diyosa ng hangin at Ulan

2. Diyos ng Ani - u a n a
3. Diyos ng Panahon -
M p L n
4. Diyosa ng Mangingibig at Kapayapaan –

D i M s l n a
5. Diyosa ng Mangagawa at mabuting gawa
I i n e

2
Tuklasin Natin
Gawain 2. Magbasa at Unawain
Basahin at alamin natin ang maikling pinagmulan ng mitolohiya at katangiang taglay nito sa
paglalahad ng kuwento. At pagkatapos na kasunod na bahagi ay bilugan ang titik ng tamang
sagot.
Ang salitang Mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng
tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang
panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na
muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin
ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya, ang mito/myth ay representasyon
ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo ng tao, ng mga
katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakakatakot na puwersa ng
kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, apoy.
Ang Mitolohiya ng Taga-Rome
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang nauukol sa politika, ritwal, at
moralidad na naaayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang Taga-
Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay napalitan na ng
Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng
mga Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mitolohiya kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.
Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa bansang Greece na kanilang sinakop.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila
at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos
at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.
1. Ang mitolohiya ay nangangahulugan na:
A. Papuri B. Agham C. Mito
2. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na
Muthos, Ang muthos ay halaw pa sa mu ang ibig sabihin ay:
A. paglikha ng tunog sa bibig
B. Paglikha ng tunog sa kalikasan
C. Paglikha sa tunog ng mga hayop
3. Bakit nakatutulong ang Mitolohiya sa pag-unawa ng mga mambabasa?
A. Dahil nalalaman nila ang iba’t ibang kapangyarihang nilalang sa mundo
B. Dahil Nalalaman nila ang istorya ng paglalang sa mundo at kalikasan.
C. Dahil nalalaman nila na ang sinaunang tao at misteryo ng pagkakalikha ng
mundo ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang
4. Kadalasan ang mitolohiyang Rome ay tumatalakay ang akda nila tungkol sa:
A. Politika, ritwal, at B. Politika, pag-ibig at C. Politika, moralidad
moralidad ritwal at pag-ibig
5. Ano ang dahilan kung bakit napalitan ang mga pangalan ng Mitolohiyang Romano
ng mitolohiyang Griyego?
A. Upang mapalawak pa ang mitolohiya ng mga Romao at makilala ng labis
kaysa sa bansang Griyego
B. Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang Griyego, kaya inaangkin

3
nilang parang kanila at pinagyaman nang husto
C. Dahil sinakop ng mga taga-Romano ang bansang Griyego upang palaganapin
ang Kristyanismo
Gawain 3. Mag-isip Tayo!
Panuto. Isulat sa kahon ang pangalan ng iba’t ibang Diyos at Diyosa mula sa Mitolohiyang
Griyego o Romano.
7 8 10 PAHALANG
1. Diyosa ng karunungan, digmaan at
1 9 katusuhan
11 2. Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika
at panulaan
3. Diyosa ng pa-ibig.
2 4. Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at
ng buwan.
3 12 5. Diyosa ng kaluluwa
4 6. Diyos ng karagatan at lindol, kapatid ni
Jupiter
5
6 PABABA
7. Diyos ng impyerno, kapatid ni Jupiter
8. Hari ng mga Diyos, Diyos ng kalawakan at
ng panahon
9. Diyos ng kagandahan
10.Mensahero ng mga Diyos, manlalakbay,
mangangalakal at siyensya
11. Reyna ng Diyos at asawa ni Jupiter
12. Diyos ng digmaan

Talakayin Natin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagbasa sa Lunsarang Teksto. Handa ka na ba at sabik nang basahin ang kuwentong


mitolohiya mula sa Miditerranean. Ikinagagalak ko na ang gagawin mong pagbasa ay
makakatulong nang malaki. Halina’t magbasa at maglibang o maaaring panoorin.
(https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A&featue=share

CUPID AT PSYCHE (Mitolohiya)


Panitikang Miditerranean
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae.
Ang pinakamaganda sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis siyang hinahangaan at
sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng kagandahan, ay
hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng alay at
magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang templo ay wala nang mga alay, naging
marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay
napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid, ang kaniyang

4
anak upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya naisip ang
maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid
at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang
kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling puso. 
Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis namang
nagtitiwala si Venus at hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa ng
kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.
Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni Venus. Hindi umibig si Psyche sa
isang nakatatakot na nilalang o kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay walang
umiibig sa kaniya. Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit hindi
ang ibigin siya. Ang kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay niyang
kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang
palasyo. Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang nais magmahal sa
kaniya.
Nabahala ang magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni Psyche upang
humingi ng tulong kay Apollo. Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo kung paano
makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid sa kaalaman ng hari
naunang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang sitwasyon at
nagmakaawang tulungan siya. Kaya sinabi ni Apollo sa hari na makapangangasawa si
Psyche ng isang nakakatakot na nilalang. Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol
si Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok at iwan nang mag-isa. Doon ay susunduin siya
ng kaniyang mapapangasawa na isang halimaw, isang ahas na may pakpak.
Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo subalit
agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang
anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Habang
naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring mangyari kay Psyche. Sa kabila
naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na hinarap ng dalaga ang kaniyang
kapalaran. “Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan ang
sanhi ng panibugho ng langit,” sumbat niya sa kaniyang ama. Pagkatapos nito ay pinaalis
na ni Psyche ang kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang
kaniyang katapusan.
Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong bundok.
Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. Patuloy
siyang tumatangis at nanginginig sa takot hanggang sa dumating ang malambing na ihip
ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at inilapag sa isang damuhang parang na
kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng mababangong bulaklak. Napakapayapa ng
lugar na tila nawala ang lahat ng kaniyang kalungkutan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng
gabi. Nang magising si Psyche sa tabi ng ilog, natanaw niya sa pampang nito ang isang
mansiyon na parang ipinatayo para sa mga diyos. Nagmasid-masid siya at labis ang
kaniyang pagkamangha sa kagandahan nito. Yari sa pilak at ginto ang mga haligi, at ang
sahig ay napalamutian ng mga hiyas. Nag-aalinlangan niyang buksan ang pinto subalit
may tinig na nangusap sa kaniya. “Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka,
magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin,” wika ng
mga tinig.
Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain. Buong
araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi niya nakikita.
Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa mansiyon. Subalit sa
hindi maipaliwanag na dahilan, batid niyang sa pagsapit ng gabi ay darating ang kaniyang
mapapangasawa. Lumipas ang maghapon nang hindi niya namamalayan. Pagsapit ng
gabi nangyari nga ang inaasahan niya. Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad
ng mga tinig hindi niya ito nakikita. Bumulong ang lalaki sa kaniyang tainga. Nang marinig
niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng takot na kaniyang nararamdaman. Sa
kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi isang mangingibig at asawang
matagal na niyang hinihintay.

5
Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may
panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. “Darating ang iyong
mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,” wika ng asawa. “Subalit
huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat magbubunga ito ng matinding
kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin ng lalaki. Nangako naman si Psyche na
tatalima sa kagustuhan ng asawa.
Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Labis na
naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang ibsan ang kanilang
kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa maging siya ay umiiyak na rin.
Kinagabihan ay inabutan pa siya ng kaniyang asawa na umiiyak. Sinabi ng lalaki na
maaari na niyang makita ang kaniyang mga kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang
babala. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong
kapahamakan,” wika ng lalaki. Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang
pabubuyo kaninuman na subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito,
magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya. “Nanaisin kong mamatay nang
isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang ang
kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid,” buong pagmamakaawang
hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.
Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni
Psyche. Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang magkakapatid. Walang
mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa mansiyon
labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid. Sila ay nakatira sa palasyo
subalit walang kasingganda ang mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino ang
napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang ipinangako inilihim ni Psyche ang tunay na
pagkatao ng asawa. Nang matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mga kapatid, dumakot
si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kaniyang mga kapatid. Ipinahatid niyang
muli ang mga kapatid kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang naramdaman ng mga ate
ni Psyche sa kaniya. Ang kanilang kayamanan ay hindi maihahambing sa kayamanang
kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang labis na inggit ang kanilang puso
na humantong sa pagpaplano nila ng ikapapahamak ng kanilang bunsong kapatid.
Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng lalaki si Psyche. Nagmakaawa siyang
huwag na muling patuluyin sa kanilang tahanan ang kaniyang mga kapatid. “Tandaan
mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong pangako,” masidhing
paalala ng kaniyang asawa. “Bawal na kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong
kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni Pysche. Muling pinagbigyan ng lalaki ang asawa na
makita ang kaniyang mga kapatid.
Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang malagim
na balak sa kanilang bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa hanggang malito na
si Psyche sa kaniyang mga pagsisinungaling. Napilitan siyang sabihin ang katotohanang
bawal niyang makita ang mukha ng kaniyang asawa at hindi niya alam ang anyo nito.
Ikinumpisal ng magkapatid na alam na nila noon pa na ang asawa ni Psyche ay isang
halimaw batay sa sinabi ng orakulo ni Apollo.
Nagsisisi sila kung bakit nila ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila si Psyche na dapat
na niyang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat. Mabait lamang daw ang
kaniyang asawa ngayon subalit darating ang araw na siya ay kakainin nitoTakot ang
nangibabaw sa puso ni Psyche sa halip na pagmamahal. Ngayon lamang niya
napagtagni-tagni ang katanungan sa kaniyang isip. Kaya pala pinagbabawalan siyang
makita ang hitsura ng kaniyang asawa sapagkat halimaw ito. At kung hindi man ito
halimaw, bakit ito hindi nagpapakita sa liwanag? Magkahalong takot at pagkalito ang
naramdaman ni Psyche. Humingi siya ng payo sa kaniyang kapatid. Isinagawa na ng
nakatatandang mga kapatid ang masama nilang balak.
Pinayuhan nila si Psyche na magtago ng punyal at lampara sa kaniyang silid.
Kapag natutulog na ang kaniyang asawa sindihan niya ang lampara at buong tapang
niyang itarak ang punyal sa dibdib ng asawa. Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at
nasa di kalayuan lamang ang dalawa. Kapag napatay na ni Psyche ang asawa

6
sasamahan siya ng kaniyang mga kapatid sa pagtakas. Iniwan nila si Psyche na litong-lito.
Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa subalit paano kung halimaw nga ito? Nabuo
ang isang desisyon sa kaniya. Kailangan niyang makita ang hitsura ng kaniyang asawa.
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si
Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga ito.
Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa. Laking
ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya sa
unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi halimaw ang kaniyang nakita
kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan
ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at
kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na
niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang kamay, at nahulog
ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil sa
kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng kaniyang asawa,
inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat nito. Nagising ang
lalaki at natuklasan ang kaniyang pagtataksil. Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita.
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang
lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino
siyang talaga. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago
tuluyang lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “Siya
ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa
kaniya.
Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili.
Inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak
ng aking buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin,
maipakikita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche ang
kaniyang paglalakbay.
Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang
kaniyang sugat. Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa galit si
Venus at lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche. Iniwan niya si Cupid nang hindi
man lang tinulungang gamutin ang sugat nito. Determinado si Venus na ipakita kay
Psyche kung paano magalit ang isang diyosa kapag hindi nasiyahan sa isang mortal.
Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.
Siya ay palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos subalit wala sa
kanila ang nais maging kaaway si Venus. Nararamdaman ni Psyche na wala siyang pag-
asa sa lupa o sa langit man. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian ni Venus at ialay
ang kaniyang sarili na maging isang alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa siyang
lalambot din ang puso ni Venus at huhupa rin ang kaniyang galit. Nagbabakasakali rin
siyang naroon sa kaniyang ina si Cupid. Sinimulan na niya ang paglalakbay.
Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus, humalakhak nang malakas ang
diyosa. Pakutya niyang tinanong si Psyche, “Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng
mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong asawa ay wala nang pakialam sa iyo,
sapagkat muntik na siyang mamatay dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong langis
na dulot mo. Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon
ng asawa kung hindi ka daraan sa butas ng karayom.” Sinabi ng diyosa na tutulungan niya
si Psyche sa pagsasanay. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan
na puno ng iba’t ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo niya. Inutusan niya si
Pysche na bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya ang magkakauring buto.
Agad lumisan ang diyosa.
Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto. Napaka-imposible
ng ipinagagawa sa kaniya ng diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si Psyche nang
pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga mortal at imortal ay hindi naaawa sa
kaniya, hindi ang maliliit na nilalang. Nagtawag ang mga langgam ng kanilang mga
kasama at sinimulan ang pagbubukod-bukod ng mga buto. Agad natapos ang gawain.
Pagdating ni Venus, hindi siya nasiyahan sa kaniyang nakita. Sinabi niyang hindi pa tapos

7
ang mga pagsubok ni Psyche. Binigyan niya si Psyche ng matigas na tinapay. Sinabi rin
ng diyosa na sa sahig siya matutulog. Inisip ng diyosa na kung pahihirapan at gugutumin
niya si Psyche mauubos rin ang nakaiinis nitong ganda. Samantala, tiniyak ni Venus na
hindi makalalabas si Cupid sa kaniyang silid habang pinahihilom nito ang kaniyang sugat.
Nasisiyahan si Venus sa magandang takbo ng mga pangyayari.
Kinaumagahan, isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni Venus kay
Psyche. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog. Ang
mga tupa ay mababangis at mapanganib. Nang marating ni Psyche ang ilog, natutukso
siyang tumalon at magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang paghihirap.
Nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa tabi ng ilog. “Huwag kang
magpapakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang ipinagagawa sa iyo. Kailangan mo
lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong balahibo ng tupa.
Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula sa malalabay na halamanan ay magtutungo
dito sa ilog upang magpahinga. Magtungo ka sa halamanan at doon ka kumuha ng mga
gintong balahibong nasabit sa mga sanga.” Sinunod ni Psyche ang payo ng halamang
nasa tabi ng ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang mga gintong balahibo ng
tupa.
“May tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay Psyche. “Hindi mo ginagawa nang
mag-isa ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng pagkakataong
patunayan na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso at magaling.” Itinuro ni
Venus sa malayo ang itim na tubig ng talon. Binigyan niya si Psyche ng praskoat pupunuin
ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche sa ilog ng Styx. Nakita niyang malalim ang bangin
at mabato. Tanging may pakpak lamang ang maaaring makaigib ng tubig. Sa lahat ng
kaniyang pagsubok, ito na ang pinakamapanganib. Tulad ng inaasahan may tumulong kay
Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni Psyche at lumipad malapit sa
talon. Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang prasko.
Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang
magmukhang tanga sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa
kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng
kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpine, ang reyna sa ilalim ng lupa. Inutos
ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya ito sapagkat napagod siya sa pag-aalaga
ng kaniyang anak na maysakit. Katulad ng mga nauna agad tumalima si Psyche. Dala ang
kahon, tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni Hades.
Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya ng detalyadong hakbang
patungo sa kaharian sa ilalim ng lupa. Una, kailangan niyang pumasok sa isang butas na
lagusan patungo sa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng kamatayan. Kailangan niyang
sumakay sa isang bangkang ang bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran ng
pera si Charon upang siya ay makatawid. Makikita na niya ang lansangan patungo sa
palasyo. Sa pintuan ng palasyo may nagbabantay na isang asong tatlong ulo. Kapag
binigyan ng cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang magpapasok sa
palasyo.
Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni Proserpine
ang kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis pa kaysa kaniyang
pagbaba. Gayunman, nasubok muli ang karupukan ni Psyche. Sa paghahangad niya ng
karagdagang kagandahan upang umibig muli si Cupid sa kaniya, natukso siyang kumuha
ng kaunting ganda sa loob ng kahon. Nang buksan niya ito, tila walang laman subalit
nakadama siya ng matinding panghihina at agad nakatulog.
Sa mga panahong ito ay magaling na si Cupid. Sabik na siyang makita ang
kaniyang asawa subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap bihagin ang
pagmamahal. Kaya humanap si Cupid ng paraan upang makatakas. Nakita niya ang
bukas na bintana at doon siya nakatakas. Nahanap niya agad si Psyche malapit sa
palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at agad sinilid ang gayuma sa kahon.
Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche upang magising. Pinagalitan niyang
muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa nito na humantong muli sa
kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina at ibigay ang

8
kahon. Dito na magtatapos ang pagpapahirap ng kaniyang ina.
Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay
lumipad patungo sa kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling niya na
tiyaking hindi na sila gagambalain ng kaniyang ina. Pumayag si Jupiter.
Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si
Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala
nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche sa
kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang pagkain ng
mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na rin si Venus na maging manugang si
Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At kung maninirahan na ang manugang sa kaharian
ng mga diyos, hindi na muling makagagambala si Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus.
Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na
pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

Gawain 4. Talasan mo, Isipan mo!


Panuto. Hanapin ang kasingkahulugan ng salitang maysalungguhit sa loob ng pangungusap
at bilugan ang tamang sagot. Pagkatapos, gamitin sa wastong pangungusap ang salitang
may salungguhit.
1. Nahapis ang ama sa pagkalayo ni Psyche sa kanyang pamilya.
A. Natuwa C. Nalungkot
B. Nayamot D. Nagkasakit
Pangungusap: ______________________________________________________
2. Si Psyche ang magandang babae na tumalima agad sa lahat ng pinag-uutos ni
Venus.
A. Tumakbo C. Nahulog
B. Sumunod D. Lumipad
Pangungusap: ______________________________________________________
3. Nagpupuyos sa galit na umalis si Cupid dahil sa nakitang kataksilan ni Psyche.
A. Nagagalit C. Natatakot
B. Naiiyak D. Nagwawala
Pangungusap: ______________________________________________________
4. Ang mga langgam ay nakadama ng simpatiya kay Psyche kaya inihiwalay ng mga
ito ang binhi.
A. Nakikiisa C. Nahihiya
B. Nagtataka D. Natatakot
Pangungusap: ______________________________________________________
5. Si Venus ay tinuturing na Diyosa ng kagandahan ay nagkaroon ng pangingimbulo
kay Psyche dahil sa dami ng tagahanga nito kaya tinawag niya ang anak na si
Cupid na panain si Psyche
A. Naiinis C. Nagpupuyos
B. Naiiiyak D. Nagseselos
Pangungusap: _______________________________________________________

Gawain 5. Unawain mo, Binasa mo!


Tauhan Kalakasan Kahinaan
Venus
Cupid
Psyche
Panuto. Kilalanin ang bawat tauhan ayon sa kanilang katagian na kakayahan at kahinaang
taglay.
2. Dapat bang mainggit si Venus kay Psyche? Pangatwiranan ang sagot.
3. Sa makabagong panahon at malawakang teknolohiya, paano mo maipapalaganap
ang ganitong uri ng babasahin?

9
4. Magbigay ng magandang mensahe/ aral na nakapaloob sa akda.

Sarili Magulang

Kapwa Mamamayan

Pagyamanin Natin

Si Proserpina ay anak ni Zeus (ang Diyos ng mga Diyos)


at Demeter (Diyosa ng Anihan).

Siya ay isang dalagang maganda na katu-katulong ng inang si Demeter sa


pangangalaga sa mga halaman sa lupa. Siya ang kasama ng ina kapag namimitas ng
bulaklak. Si Proserpina ay masayang nakikipagsayawan sa parang kasama ang iba pang
kadalagahan. Masayang nagsasama ang mag-ina.
Samantalang si Pluto (Ang Diyos sa ilalim ng lupa at Diyos ng mga namayapa) ng
mga panahong iyon ay malungkot. Nag-iisa lang siya sa kanyang kaharian sa ilalim ng
lupa. Ang gusto nya ay magkaroon ng kasama. Ang magkaroon ng Reyna sa kanyang
kaharian ngunit maraming dalaga ang tumangging tumira sa kanyang kaharian.
Isang araw nagtungo sa ibabaw ng lupa si Pluto doon niya natanaw si Proserpina
na kasama ng mga kaibigan. At kanyang sinambit “Siya na ang gagawin kong reyna ng
aking kaharian”. Kanya ngang kinuha si Proserpina habang namimitas ng mga bulaklak.
Humingi man ng tulong si Proserpina sa kanyang ama ngunit siya ay hindi nito
narinig. Ang tanging nakarinig lang ay ang mahiwagang diyosa na si Hikate. Sumigaw ng
sumigaw ang dalaga. Ang alingawngaw ng kanyang sigaw ay ikinalat ng hangin sa mga
burol at kagubatan hanggang sa ito ay marinig ng kanyang inang si Demeter.
Dali dali itong bumalik sa Sisilya at hinanap ang kanyang anak sa kanilang bahay
ngunit wala doon ang kanyang anak. Hinanap ni Demeter ang kanyang anak na si
Proserpina ng siyam na araw ngunit di nya ito matagpuan. Dahil sa kalungkutan di siya
kumain o uminom man lang.
Nang ikasampung araw dumating si Hekate at ibinalita nga nito ang narinig niyang
sigaw ni Proserpina. Ngunit di nito nakita kung sino ang kumuha sa dalaga. Pumunta si
Demeter sa Diyos ng araw, sinabi ni Apollo na ang kumuha sa kanyang anak na si
Proserpina ay si Pluto.
Nalungkot si Demeter kung kaya’t hindi nya naasikaso ang mga gawain sa ibabaw
ng lupa. Namatay ang mga halaman at nagutom ang mga tao. Dumaan ang mga araw ay
lalong nagkagutom gutom ang mga tao. Lumapit sila kay Demeter hiniling nila na patubuin
na ang mga halaman sa lupa ngunit dahil sa kanyang kalungkutan naging matigas ito.
Hinanap niya ng hinanap si Proserpina nang wala na siyang pag-asa ay lumapit
siya kay Zeus, hiniling nya na ibalik ang kanyang anak. At kanyang sinabi “Kung siya ay

10
ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa”.
Naawa si Zeus sa kanya kung kaya’t ipinangako nito na ibabalik si Proserpina kung ang
dalaga ay hindi pa kumakain ng kahit na ano habang nasa kaharian ni Pluto.
Natuwa si Demeter, Nagpunta siya sa kaharian ni Pluto sa ilalim ng Lupa. Nakita
nya ang kanyang anak na si Proserpina at sila’y masayang nagyakap. Ngunit si
Proserpina pala ay nakakain na ng anim na buto ng Granada.
Minarapat ni Pluto na mamalagi si Proserpina sa kanya ng anim na buwan
(taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa) at sa piling naman ni Demeter ang nalalabing
anim na buwan (tag-sibol at tag-araw sa ibabaw ng lupa).

Gawain 6. Magsuri Tayo!


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ilarawan ni Proserfina bilang anak, at si Demeter bilang isang ina?
2. Kung si Venus ang Diyos ng Kagandahan ay ina ni Cupid at si Demeter ay Diyos
ng Agrikultura ay ina ni Proserfina, Ihambing sina Venus at Demeter bilang isang
ina na nagmamahal sa kanilang anak.
3. Batay sa talata, maraming dalaga ang tumangging mapangasawa si Apollo at
tumira sa Kanyang kaharian. Ano sa palagay mo ang ipinakitang ugali ni Apollo
kay Proserfina upang maging asawa at makasama sa buhay?
4. Bakit ganoon na lamang ang pagkahilig ng mga Griyego o Romano sa mga
babasahin tulad ng Mitolohiya? Ipaliwanag.
5. Bilang mag-aaral, Kaya mo bang makipagsabayan sa pagsulat ng mitolohiya tulad
nila? Ipaliwanag.

Gawain 7. Kultura Nila, Kultura Natin


Panuto. Basahin ang ilang bahagi ng pangungusap na nagpapakita ng Kultura mga
Romano sa akda. Isulat ang kaugaliang pinakita at Magbigay ng kulturang Pilipino na
kahalintulad nito.
1. Kulturang Romano: Lumipad si Cupid sa itaas ng bundok Olympus at siya mismo ang
nakiusap kay Jupiter. Bagama’t si Cupid ay may dating nagawang masama kay Jupiter
na ginawa niyang toro at swan sa kabila nito pumayag si Jupiter na tulungan si Cupid.
Kaugalian: ______________________________________________________
Kulturang Pilipino: ________________________________________________
2. Kulturang Romano: Si Venus ay tinuturing na Diyosa ng kagandahan ay napabayaan
na naging madumi at ang paboritong siyudad ay naging magulo na, ang lahat ng
tagahanga ni Venus ay pawang naging tagahanga ni Psyche.Kaya inutusan niya ang
kanyang anak na si Cupid na panain upang mapaibig sa pinakasusuklamang nilalang sa
lupa.
Kaugalian: ________________________________________________________
Kulturang Pilipino: _________________________________________________
3. Kulturang Romano: Dahil gusto ng ama ni Psyche na makapg-asawa na siya.
Pagkagaling ng nito kay Apollo, nahapis ito at pinarating sa pamilya ang nakalulungkot
na balita. Binihisan nila si Psyche ng damit na panluksa at dadalhin siya sa tuktok ng
bundok, na kung saan ililipad siya ng serpyenteng may pakpak, mas malakas pa kaysa
sa mga Diyos upang maging asawa.
Kaugalian: _________________________________________________________
Kulturang Pilipino: __________________________________________________
4. Kulturang Romano: Tumungo si Cupid sa kanyang Iang si Venus upang ipagamot ang
kanyang sugat. Nang malaman ng ina ang nangyari, iniwanan siya sa gitna ng sakit,
sapagkat lalo itong napuno ng selos. Isinumpa niyang ipakita kay Psyche kung ano ang
maaaring mangyari na ang poot ng isang diyosa ay ilalagay sa pagsubok.
Kaugalian: _________________________________________________________
Kulturang Pilipino: __________________________________________________

11
WIKA AT GRAMATIKA
ANGKOP NA GAMIT NG PANDIWA
Bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari
1. Kilos, Aksiyon o Gawa
• May aksiyon, kilos o galawang pandiwa kapag may aktor o Tagaganap ng
aksiyon, tao man o bagay.
• Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-,
ma-, mang-, maki-, mag-an.
Halimbawa:
A. Nag-isip si Pluto na mag asawa na at magkaroon ng kasama sa
kaharian.
B. Sumang-ayon na si Demeter na anim na buwan si Proserpina sa
kanya at anim na buwan kay Pluto.
Pandiwa: Nag-isip Sumang-ayon
Aktor: Pluto Demeter
2. Karanasan
• Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin o
saloobin. Dahil dito may tagaranas ng damdamin o saloobin gayon na
inihuhudyat ng pandiwa.
Halimbawa:
A. Nasiyahan si Pluto kay Proserfina dahil naging asawa na niya ito.
B. Nakiusap si Demeter kay Zeus na kuhanin si Proserfina kay Pluto.
Damdamin: Nasiyahan Nag-alala
Tagaranas ng Damdamin: si Pluto Demeter
3. Pangyayari
• Kapag nagsasabing isang pangyayariang pandiwa, may proseso ng
nagaganap, Ipinahihiwatig na naapektuhan ng naturang proseso na
karaniwang sadya o di-sadya, nilikas o di-likas. Tatawaging tagatanggap ng
proseso ang bagay na naaapektuhan na tinatawag na pangyayari.
Halimbawa:
A. “Natatakot ako?” Ang sabi ni Demeter kay Zeus
B. Mamamatay si Proserfina dahil nakakain na ito ng anim na buto ng
granada.
Pagsusuri: Natatakot Mamamatay
Tagatanggap: Demeter Proserfina
Gayunpaman, may mga pandiwang naghahayag ng mga pangyayari na hindi
tinitiyak ang tagatanggap ng pangyayari tulad ng pandiwang nagpapahayag ng
mga pangyayaring naganap sa kalikasan.
Halimbawa:
A. Lumilindol! B. Nasusunog!

Gawain 8. Panuto. Bilugan ang mga salitang nagsasaad ng kilos at pagkatapos tukuyin
kung anong angkop na gamit nito. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
A. Kilos, Aksyon at Gawa B. Karanasan C. Pangyayari
____1. Naglalakbay si Psyche dahil iniwanan siya ni Cupid sa hindi inaasahang
pangyayari.
____2. Inaayos ni Cupid ang ang pag-iibigan nila ni Psyche kaya pinuntahan
niya si Jupiter.
____3. Gusto ni Venus na maghiwalay sina Cupid at Psyche dahil nalalamangan
siya ni Psyche sa kagandahan nito.
____4. Hinahanap ni Psyche si Cupid upang humingi ng tawad kay Cupid.

12
____5. Dinala ni Venus ang kahon na walang laman ngunit ito’y naging sanhi ng
pagkawalang malay niya.

Tandaan Natin

Gawain 9. Panuto. Sa nalaman at natunghayan natin sa kuwento, may ilang bahagi na


nakapaloob ang tungkol sa gamit ang mito na nabanggit sa akda. Kung ikaw ay gagawing
Diyos sa sangkatauhan sa apat na nabanggit sa ibaba. Paano mo babaguhin ang sarili,
pangangalagaan ang kalikasan, pananatilihin ang kabutihan at abutin ang pangarap ng mga
tao. Isulat sa kahon at gumamit ng angkop ng pandiwa.

Isabuhay natin

Gawain 10. Guhit mo, Kuwento mo!


Panuto. Sa Maikling kasaysayan ng Mitolohiya at mga halimbawa ng kuwento nito. Gumuhit
ng sariling pangalan ng Diyos o Diyosa. Pagkatapos sumulat ng sariling kuwentong
mitolohiya na ang karakter ay ang sarili pangalan na ginuhit mo. Sa Pagsasalaysay gamitin
at salungguhitan ang mga salitang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at
karanasan nito. Basahin ang pamantayan na nakakahon sa bandang ibaba.

Pamantayan sa Paggawa/Pagsulat ng Komposiyon


10 NAPAKAHUSAY - Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang
detalye at malinaw at may garamatika
8 MAHUSAY - May kaisahan at sapat na detalye, may malinaw na
intensyon at may gramatika
6 KATAMTAMAN - Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye at
di-gaanong malinaw ang intensyon at may gramatika
4 MAHINA – Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye,
di- malinaw ang intensyon, hindi wasto ang batas na ginamit
at walang gramatika

13
Tayahin Natin

A. Panuto. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
___1. Diyosa ng Kagandahan A. Psyche
___2. Diyos ng mga Diyos B. Demeter
___3. Diyosa ng Kaluluwa C. Venus
___4. Diyosa ng Pagtatanim D. Cupid
___5. Diyos ng Pag-ibig E. Jupiter

B. Panuto. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ikinilos ng mga tauhan sa akda. MALI
naman kung hindi wasto ang ikinilos ng mga tauhan sa akdang “Cupid at Psyche”.
_____1. Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang
may panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid.
_____2. Lahat ng papuri’t karangalang dapat kay Venus napunta na lahat sa isang
mortal na si Psyche ang lahat na humanga sa kanya. Nagalit si Venus at
inutusan niya si Cupid na panain ito upang paibigin si Psyche sa isang
nakatatakot na nilalang.
_____3. Nabahala ang magulang ni Psyche dahil wala pa itong asawa. Naglakbay
ang haring ama ni Psyche upang humingi ng tulong kay Jupiter. Hiniling
niyang payuhan siya ni Jupiter kung paano makahahanap ng mabuting
lalaking iibig sa kaniyang anak.
_____4. Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman
ay lumipad patungo sa kaharian ni Apollo, ang diyos ng mga diyos at tao.
Hiniling niya na tiyaking hindi na sila gagambalain ng kaniyang ina.
_____5. Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong
bundok. Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang
naghihintay sa kaniya. Patuloy siyang tumatangis at nanginginig sa takot
hanggang sa dumating ang malambing na ihip ng hangin ni Zephyr.

C. Panuto. Punan ng angkop na pandiwa ang talata upang mabuo ang diwa nito. Hanapin
sa kahon ang tamang sagot.

nakiusap pinuntahan mamamatay pumunta nagpatawag

Isa sa pinakamagandang babae si Psyche. _______ ni Venus si Cupid para panain


ito. __________ si Cupid kay Apollo dahil sa naradaman niyang pag-ibig kay Psyche. Tila
__________ sa takot si Psyche nang malaman na halimaw ang magiging asawa niya kay
balak niya itong saksakin. Umalis si Cupid ng walang paalam sa ginawa nito sa kanya.
__________ si Psyche kay Venus subalit sa galit at selos ang naramdaman nito kay Psyche
kaya pinahirapan niya ito. Nalagpasan ni Psyche ang lahat ng pagsubok. ________ si
Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si Venus. Ipinahayag niya sa
lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala nang dapat gumambala sa
kanila maging si Venus.

14
Gawin natin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Magsaliksik Tayo!

Sa gawaing ito, sumulat ng isang


kuwentong mitolohiya ng iyong
bayan o barangay, probinsya.
Magtanong sa mga nakatatanda,
magsaliksik o sariling gawa. Gamit
ang angkop na gamit ng pandiwa.
isulat sa malinis na papel at
sumunod sa pamantayan.

Pamantayan
1. Orihinal 40
2. Kaakit-akit na panimula at wakas 30
3. Maayos at pagkakasunod-sunod
ng pangyayari 30
___
100

15
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12
Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at
Dr. Ana Maria Cabuhat
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33Phase III,
Golden City, Imus Cavite
Teksto/Babasahin/Video
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-psyche-mitolohiya-
panitikang.html
https://brainly.ph/question/1597697#readmore
https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A&featue=share

16
Development Team of the Module
Writer:
Editors:
Content Evaluator:
Language Evaluator:
Reviewers:

Illustrator: MS. CAMILLE JEWEL L. GARCIA


Layout Artist:MR. LEO U. PANTI
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MS. JENNIFER G. RAMA, EPS – Filipino
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

17

You might also like