You are on page 1of 19

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nasusuri ang binasang kabanata na nobela bilang isang akdang papanitikan sa
pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw (F10PB-Ig-h-68).
 Naibibigayang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo. (F10PN-
Ig-h-67).
 Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugan pinapahayag nito (F10PT-Ig-h-67).
 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata (F10PS-Ig-h-
69).
 Naisusulat ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga
piling pangyayari sa kabanata ng nobela (F10PU-Ig-h-69).
 Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng nobela (F10PD-Ig-h-66).

Subukin Natin
A. Panuto. Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Ang orihinal na sumulat sa nobelang, “The Hunchback of Notre Dame”
A. Willita A. Enrijo B. Willian Blake C. Victor Hugo D. William Shakespears
____2. Ang “The Hunchback of Notre Dame” ay sinalin sa tagalog na “Ang Kuba ng Notre
Dame”na galing sa bansang:
A. Italy B. France C. Belguim D. Rome
____3. Ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis
na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris.
A. Quasimodo B. Quantum C. Querubin D. Eziquiel
____4. Ang magandang dalaga na mananayaw sa Paris.
A. Pierre Gringoire B. Victor Hugo C. La Esmeralda D. Claude Frollo
____5. Ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar ng Paris
A. Phoebus B. Claude Frollo C. La Esmeralda D. Pierre Gringoire
____6. Ang pari ng Notre Dame ng Paris na pinagkakautangan ng loob ni Quasimodo.
A. Claude Frollo B. Phoebus C. La Esmeralda D. Pierre Gringoire
____7. Ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.
A. Claude Frollo B. Phoebus C. La Esmeralda D. Pierre Gringoire
____ 8. Ang babaeng humahabol kay La Esmeralda na inakala niyang anak na matagal ng
nawawala dahil sa kwintas na nasa leeg nito.
A. Gudule B. Phoebus C. Claude Frollo D. Pierre Gringoire
____9. Ang kuba ng Notre Dame ay tumatalakay sa teoryang nagpapahalaga sa kalayaan
ng kaisipan, nagpapahalaga ng dignidad at karanasan ng bawat nilalang kaya
nakikita niya ang katotohanan at kabutihan para maging responsible at maghangad
ng mainam
A. Ideyalismo B. Realismo C. Humanismo D. Romantisismo
____10. Aling bahagi sa Kuwento ang nagpapakita ng Humanismo?
A. Paparusahan si La Esmeralda sa kasong pagpatay kay Phoebus.
B. Hinabol ni Gudule si La Esmeralda na inakalang anak niya itong nawawala.
C. Ang ginawa ni Esmeralda kay Quasimodo, nang ito ay binigyan niya ng tubig na
maiinom.
D. Ang paring si Claude Frollo ng Notre Dame ng Parisay may lihim na pagtatangi

1
kay La Esmeralda
____11. Ano ang aral na makukuha sa kwento ng ang Kuba ng Notre Dame.
A. Tanggapin at mahalin maging sinuman siya
B. Maging mapagbigay sa kapwa, Huwag maghinaty ng kapalit.
C. Huwag nating husgahan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao.
D. Tibayin ang kalooban anumang pagsubok ang dumating sa buhay.
____12. Ang Kulturang Pilipino na masasalamin natin sa kulturang Frances?
A. Mahilig manlait at manukso ang mga Pilipino sa kapwa
B. Mahilig ang mga Pilipino sa pagdiriwang ng kapistahan.
C. Mahilig magsimba ang mga Pilipino lalo na tuwing linggo.
D. Mahilig magbisita Iglesia ang mga Pilipino tuwing mahal na araw
____ 13. Akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit-kabit sa
pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay
maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing
pagsasalaysay
A. Maikling Kuwento B. Piksyon C. Nobela D. Dula
____14. Pinagsikapan ni Pierre Grigoire, isang baguhang makata at pilosopo na ibaling ng
mga tao ang pansin sa kanyang palabas, manaood ang mga tao sa halip sa
parada ng kuba sila nakatingin. Ano ang naging damdamin ni Pierre Grigoire?
A. Nagalit B. Nanghinayang C. Nagtatampo D. Nalungkot
____15. Ito ay may pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita ukol sa tindi ng
emosyon na ipinapahiwatig ng bawat salita. 
A. Klino B. Banghay C. Nobela. D. Damdamin

Modyul
Nobela mula sa France
5
A. Panitikan: Ang Kuba ng Notre Dame (Nobela mula sa France)
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
B. Gramatika at Retorika: Mga Hudyat sa pagsusunod-sunod ng
Pangyayari

Balikan Natin
Gawain 1. Kuwintas na Makinang
Panuto. Sa tulong ng kwintas ilahad ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa akdang
“Ang Kuwintas” ayon sa bahagi ng Maikling Kuwento.

2
Tuklasin Natin
Gawain 2. Kilalanin mo Kami
Panuto: Isulat sa patlang ang mga kilalang Manunulat ng Nobela sa Iba’t ibang lugar o
bansa.
Mga Kilalang Manunulat

________1. isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala bílang


pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at preminenteng dramaturgo ng mundo.
Madalas siyang tinatawag na pambansang makata ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng
Avon".
_________2.Isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng
pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ay makata,
manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli
Me Tángere, at ang kasunod nitong El Filibusterismo.
_________3.Isang pangunahing manunulat na Intsik nong ika-20 dantaon.Tinuturing na
tagapagtatag ng makabagong panitikang baihua, isa siyang manunulat ng maikling kuwento
namamahalang patnugot , tagapagsalin, manunuri at sanaysayista.
__________4.Isang Pranses na makata, mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay
,artistang pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng
kilusang Romantiko. Sa labas ng Pransiya, pinakakilala ang kanyang mga nobelang Les
Misérables at Notre-Dame de Paris.
__________5. Isang Hapones na manunulat ng maikling kuwento at nobelista na nagwagi
ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1968 na unang may akdang Hapones na
nakatanggap ng gantimpalang ito.
__________6. isang nobelang Vietnamese, sanaysay at manunulat ng mga maikling
kwento, na kilala para sa kanyang unang nobela, na inilathala sa Ingles bilang The Sorrow
of War. May dalawang salin sa Hapon, "Sad of War" at "Patungo sa Labanan ng Pag-ibig".

3
B. Ano ang nakatulong sa kanila upang makilala sila sa buong Mundo?
________________________________________________________________
C. Malaki ba ang naiambag nila sa pagkilala ng iba’t ibang literatura sa buong
mundo? Pangatwiranan. _____________________________________________
D. Sino sa mga manunulat na ito, ang iyong nanaising maging kahalintulad niya?
Bakit? ____________________________________________________________

Mahalagang malaman natin at maunawaan kung ano ang nobela, layunin, katangian
at elemento nito.
NOBELA – Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas sa tulong ng kabanta - isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng
isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. Maaari ring
milapat ang teoryang Humanismo na nagtatanghal ng pagpapahalaga sa kalayaan ng
kaisipan, nagpapahalaga ng dignidad at karanasan ng bawat nilalang kaya nakikita niya ang
katotohanan at kabutihan para maging responsible at maghangad ng mainam.
LAYUNIN:
1. Gumising sa diwa at damdamin.
2. Nananawagan sa talino ng guni-guni.
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
7. Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.
8. Nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
KATANGIAN:
1. Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
2. Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
3. Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
4. Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5. Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
7. Malinis at maayos ang pagkakasulat
8. Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang
mga tauhan

Talakayin Natin

Pagbasa sa Lunsarang Teksto


Handa ka na ba at sabik nang basahin ang kuwento nobela mula sa Pranses. Ikinagagalak
ko na ang gagawin mong pagbasa ay makakatulong nang malaki upang matuklasan mo ang
pagkakaiba ng nobela Pranses sa nobelang Pilipino. Halina’t magbasa at maglibang.
Ang Kuba ng Notre Dame
(Nobela mula sa France)
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Mga Tauhan:
1. Quasimodo - ang kuba sa kwento na binansagang ang Papa ng kahangalan

4
2. La Esmeralda- ang babaeng mananayaw ang nag iisang babaeng inibig ni
Quasimodo.
3. Pierre Gringoire- ang kilalang tauhan na nagpupunyagi na makata at pilosopo
4. Claude Frollo- ang paring umampon kay Quasimodo, ang kapatid ni Jehan
5. Phoebus- ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris
6. Sister Gudule - ang babaeng nawala sa sarili dahil sa pagkawala ng kanyang anak
na babae
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang
magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-
taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng
Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit
na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang
lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa
kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar.
Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng
nasabing parade. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang
nagtangkang manood sa kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga
panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang
pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La
Esmeralda – ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang
pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban
siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang
dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya’t nawalan siya ng
malay. Dagli naming nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna
ni Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.
Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat
ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno
ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang
magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni
Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng
palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat
latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang
pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo – na kailanman
ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob
Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat
panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig
subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay
lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La
Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya.
Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag
siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw”.
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating
mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na
ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng
Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa

5
mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay
napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya
ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay
nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho
sa nasasaksikan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa
kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang
masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre
Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pagkikipagtipan kay La
Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay bilang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng
mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng
paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi nya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay
nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat
ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang
kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na
monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago
ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang
kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng
binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na
tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang
sandali’y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La
Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis
na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang
araw
na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong
sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa
naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas
hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La
Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan
ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw – sila ang
kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat
narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa
katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La
Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.
Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo,
sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang
pagpipilian ng dalaga: ang mahalin sya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang
mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na
kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay
mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito
ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule
na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok
ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si
La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang

6
nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya
na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang
mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog
niya ito mula sa tore – ang paring kumupkop sa kaniya.
Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang
minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga,
sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal.” Mula noon, hindi na muling
nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod
ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan –
nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.
Gawain 3. Talasan ang Isip!
A. Panuto. Hanapin at bilugan ang salitang maysalungguhit sa loob ng pagungusap ayon sa
antas ng damdamin.
1. Iniluklok sa trono ang pinakamapangit na si Quasimodo kaya ang mga taong nasa paligid
niya ay kitang-kita niya sa mga mata ang labis na panlalait sa kaniya.
2. Nagbubunyi na naman ang mga tao sa kagalakan dahil sa muling pagdiriwang ng
kapistahan sa lugar ng Hangal sa Paris.
3. Malaki ang panghihinayang ni Pierre Gringoire dahil wala man lamang nagtakang
manood ng kanyang inihandang palabas sa kapistahan kaya ganoon na lamang ang
kanyang kalumbayan sa mga oras na iyon.
4. Biglang sumigaw si Quasimodo mula sa pagkakabitin nito sa lubid mula sa Notre Dame.
Kinagagalak niyang dinakip nito si La Esmeralda at dinala nga niya ito sa katedral, kaya
tuwang-tuwa ito dahil nakuha niya ang babaeng nagpatibok sa puso niya.
5. Sa pagkamatay ni La Esmeralda at sumigaw ng malakas si Quasimodo nang “Narito ang
aking mahal”. Ang paghihinagpis na nadarama nito.

B. Pag-unawa sa Akda
Panuto. Sagutin ng may pang-unawa ang mga tanong batay sa isinasaad sa tekstong
binasa.
1. Bakit Gayon na lang ang panlilibak ng mga tao sa kapistahan kay Quasimodo?
_________________________________________________________________

2. Paano ipinakita ni Quasimodo ang kagandahang loob kahit itinakwil at nilait na siya ng
mga tao dahil sa kanyang kalagayan? ____________________________

3. Ano-ano ang mga katangian ng mga tauhan sa akda


A. Quasimodo - _____________________________________________
B. La Esmeralda - ___________________________________________
C. Pierre Gringoire –__________________________________________
D. Claude Frollo – ___________________________________________
E. Phoebus – _______________________________________________.
F. Gudule - _________________________________________________

4. Paano ipinakita ni Quasimodo ang isang tapat na pag-ibig? Ipaliwanag


_________________________________________________________________________

5. Ilahad ang bahagi ng akda na nangingibabaw sa kultura at kaugalian ng Frances


na masasalamin sa kultura ng Pilipinas.
________________________________________________________________________

7
Pagyamanin Natin

BUOD NG DEKADA 70
ni Lualhati Bautista

Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng


sariling katangi-tanging pagkakakilanlan. Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay
isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa
mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan. Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni
Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa
mga awiting nagsasaad ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga
kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang
bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa
inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.
Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya
ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol.
Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa
ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si
Jules. Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni
Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.
Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong
pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na
tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong
sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang
bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi,
lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason.
Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang
buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang
marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng
kanilang pagkakaunawaan. Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi
nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang
pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang
bilanggong pulitikal. May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules
hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at
maiiwan na sila ni Julian.
Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito.
Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa
kapwa at bayan.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang
Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at
trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si
Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang
kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay
naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na
isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima
ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento
ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa
digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at
pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng
mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar. Sa paggamit ng awtor ng first
person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang

8
sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping
bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol
sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa
pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.Hindi
tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga
pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti
niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well
honey, it's a man's world."
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga
kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang
lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang
isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang
nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng
sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng
makatang si Kahlil Gibran:
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay!
Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo, sila'y walang
pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang
estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa
kanilang ginagawa! At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang
anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina:
panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang
baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar
nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras
matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan
ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng
hustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome,
nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi
nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang
mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may
paglalapit din." Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing
panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng
sumunod na dekada.

Gawain 4. Kilatisin Natin!


A. Panuto. Isulat ang katangian ng ilang tauhan na pinakilala sa akda.

9
B. Panuto: Ipaliwanag ang pahayag na ito mula sa akda:

1. "Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay!
Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo, sila'y walang
pananagutan sa inyo…" (2 puntos)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano man ang dumating na matitinding trahedya ng pamilyang Bartolome,
nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit
hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang
mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may
paglalapit din." (2 puntos)
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Panoorin ang bahagi ng Dekada 70. https://youtu.be/jY6P6mDKPNo. Isulat
Ang mga nais ipabatid na pahayag ni Vilma sa mga sitwasyon maririnig dito. At
pagkatapos tukuyin ang damdamin nakapaloob sa bawat pahayag.
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 5. Pag-unawa sa Binasang Nobela.

1. Bakit mahalagang magkakaugnay ang paglalahad ng pangyayari sa nobela?


___________________________________________________________________
2. Paano nakatulong ang teoryang Humanismo sa pagpapalutang ng kaisipan at
mensahe ng nobela? _______________________________________________
3. Ano ang pagkakaiba ng nobelang ito sa iba pang uri ng akdang pampanitikan?
_________________________________________________________________________
4. Ano ang mga kahinaan ni Quisimodo ang nais mong baguhin sa kanya?
Ipaliwaang kung bakit? ___________________________________________________
5. Anong sitwasyon sa bahagi ng akda ang may tinataglay na kabutihan na makikita
sa mga Pilipino? _________________________________________________________
6. Ibigay ang simbolo nakapaloob sa dalawang nobelang, “Dekada 70” at “Kuba sa
Notre Dome”. _____________________________________________________

Ang klino ay ang pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita ukol sa tindi ng emosyon
na ipinapahiwatig ng bawat salita. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay: inis, galit at poot.
Magkakasing-kahulugan ang tatlong salita ngunit magkakaiba ng tindi.
Halimbawa:
• Inis ako sa kanya sa di ko malaman na dahilan.
• Ako ay galit na dahil hindi man lamang siya sumasagot sa mga tawag ko.
• Matinding poot ang nararamadam niya sa mga oras na ito.
Poot
Galit
Inis

10
Gawain 6. Pagsunud-sunurin
Panuto. Pagsunud-sunurin ang ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin. Lagyan ng
letrang A-C ang kahon. Mula sa pinakamababaw hanggang pinakamataas na antas ng salita

1.Mahirap 2. Maganda
Dukha Marikit
Hampaslupa Kaakit-akit

3. Malambot 4. Masaya
Mahina Natutuwa
Marupok Nagagalak

Gawain 7. Paghambingin / Venn Diagram!


Panuto. Paghambingin ang dalawang nobela ayon sa hinihingi nito. Gamit ang salitang
ayon sa tindi ng damdamin

Tandaan Natin

Gawain 8. Magmasid Tayo!


Panuto. Marami tayong bagay na hindi nakikitang maganda sa loob at labas ng simbahan
ganoon pa man, ano ang maaari mong baguhin sa kanila o maging sa iyong sarili. Gumamit
ng mga salita ayon sa tindi ng damdamin at salungguhitan ito.

11
Ako bilang isang mag-aaral……...
Pabaguhin ko
___________________________________________________________________
Patutunayan ko
___________________________________________________________________

Isabuhay natin

Gawain 9. Video mo, Balita ko!

Sa nabasa at nasuri natin na nobela. Sa panahon ng


pandaigdigan pandemik ang COVID-19, kapag ang isang tao
nagkasakit. Anong sitwasyon ang di magandang nararansan nila
sa panahon ngayon. Magsagawa ng isang ulat sa tulong ng
Newscasting na nagpapakita ng Humanismo, gumamit ng mga
salita ayon sa tindi ng pagpapakahulugan nito.

Pamantayan sa Paggawa/Pagsulat ng Komposiyon


10 NAPAKAHUSAY - Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye at
malinaw (gumamit ng wastong bantas at Anapora at katapora)
8 MAHUSAY - May kaisahan at sapat na detalye, may malinaw na intensyon
(gumamit ng wastong bantas at Anapora at Katapora
6 KATAMTAMAN - Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye at di gaanong
Malinaw ang intensyon (gumamit ng wastong bantas at Anapora at Katapora)
4 MAHINA – Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye, ‘di-malinaw ang
Intensyon hindi wasto ang batas na ginamit at walang ginamit na Anapora at
Katapora

12
Tayahin Natin

A. Panuto. Punan ang patlang ng tamang sagot ayon hinihingi ito.


Claude Frollo Gadule Klino Nobela France
____1. Ang kura paroko ng Notre Dame na umampon at nag-alaga kay Quasimodo.
____2. Ang babaeng nawala sa sarili dahil sa pagkawala ng anak na babae kung kaya
napagbalingan niya si La Esmerlda dahil sa kuwintas na suot nito.
____3. Ang tawag sa mga salitang may pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita
ukol sa tindi ng emosyon na ipinapahiwatig ng bawat salita
____4. Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas sa tulong ng kabanta-isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay.
____5. Ang “The Hunchback of Notre Dame” ay sinalin sa tagalog ni Willita A. Enrijo na
“Ang Kuba ng Notre Dame” na mula sa bansang:

B. Panuto. Hanapin ang mali at bilugan ito sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang
tamang sagot ng maling binilugan sa pangungusap. Kung wala namang mali ang buong
pangungusap. Isulat ang salitang TAMA sa patlang.
_____6. Kung ang nobelang “Dekada 70” ay sinulat ni Lualhati Bautista, nobelang
“Ang Kuba sa Notre Dame” ay sinulat ni Victor Allan Hugo.
_____7. Ang Layunin ng nobela ay gumising sa diwa at damdamin ng mga tao,
mapukaw ang damdamin at magbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa,
_____8. Ang Teoryang Realismo ay nagtatanghal ng pagpapahalaga sa kalayaan ng
kaisipan, nagpapahalaga ng dignidad at karanasan ng bawat nilalang kaya nakikita
niya ang katotohanan at kabutihan para maging responsible at maghangad na
mainam.
_____9. Si Clade Frollo ang kilalang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris
na sa unang tigin ni La Esmeralda ay napaibig siya nito.
_____10. Si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilangay tinaguriang “Papa ng
Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na
pinakapangit na nilalang sa Paris

C. Panuto. Pagsunod-sunurin ang pangyayaring nakapaoob sa akdang, “Ang Kuba sa Notre


Dame”. Isulat sa patlang ang letrang A-E.
_____ 11. Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni
La Esmeralda – ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga
sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat
niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo.
_____ 12. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng
kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na
katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong
minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
_____ 13. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang
“Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang
itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris.
_____ 14. Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi nya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam.
Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo.
_____ 15. Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw sila
ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda

13
Gawin natin

Magpakailanman!
Panuto. Nabatid natin ang layunin, katangian at elemento ng nobela. Dahil sa mahabang
bakasyong naranasan, batid natin na nakapanood ka ng mga telenobela tulad ng Korean-
Drama, Chinese-Drama, Indo-Drama at iba pa na bansa. Pumili ng isang telenobelang
napanood. Sundin ang mga sumusunod na pormat. Isulat sa malinis na papel

1. Pamagat ng Telenobela :
2. Ano-ano pangalan ng Tauhan at mga Katangiang panlabas at panloob ng awat isang
karakter :
3. Ano ang nakaakit sa iyo upang panoorin ang tele-nobela? Ipaliwanag
4. Ano ang damdamin mo habang pinapanood mo ito? Ipaliwanag
5. Magbigay ng mga patunay o sitwasyon na may pagkakapareho ang kultura ng
Pilipinas sa Kultural nila. (5 patunay)
6. Anong pangyayari naman sa telenobela ang hindi mo nagustuhan o ‘di kanais-nais
para sa manonood? Bakit?
7. Lahat ng pelikula may tema rin ito? Ibigay ang tema ng pinanood mo. Akma ba ang
tema sa istorya? Pangatwiranan.
8. Magbigay ng positibo at negatibong reaksyon mula sa Tele-nobela
9. May bagay ka bang natutuhan sa pinanood mo? Ilahad kung ano-ano ang mga iyon
10. Ano ang rekomendasyon mo para dito? Ipaliwanag.

14
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12 Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday,
Angela Ong, Magdela O. Jocson at Dr. Ana Maria Cabuhat Leo-Ross Publication. No.1
Broine St., Block 39, Lot 33Phase III,Golden City, Imus Cavite

Teksto/Babasahin/imahe

https://www.facebook.com/g10lessons/posts/-filipino-buod-ng-nobelang-dekada-
70-ni-lualhati-b-ang-dekada-70-ay-tumatalakay-/2021064941331368/

(http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuba-ng-notre-dame.html?
m=1

https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela

https://youtu.be/jY6P6mDKPNo

https://brainly.ph/question/181215#readmore

https://images.app.goo.gl/ixGw75uQApDJ8a1T8

15
Development Team of the Module
Writer:
Editors:
Content Evaluator:
Language Evaluator:
Reviewer: JENNIFER G. RAMA

Illustrator: MS. CAMILLE JEWEL L. GARCIA


Layout Artist: MR. LEO U. PANTI
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MS. JENNIFER RAMA, EPS – Filipino
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

16

You might also like