You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Sorsogon City
AY:2022-2023

PLANONG PAMPAGKATUTO
Baitang 10

Markahan: Una Linggo: Ikalima Araw: Ikalawa

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga


sa mga akdang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa
mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang
pampanitikan ng Mediterranean.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto • Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita
ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito
(clining). F10PT-Ig-h-67
• Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang
akdang pampanitikan sa pananaw humanismo o
alinamang angkop na pananaw. F10PB-Ig-h-68
• Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na
masasalamin sa kabanata. F10PS-Ig-h-69

II. NILALAMAN Panitikan: “Ang Kuba ng Notre Dame”

III. MGA KAGAMITANG


PANTURO

A. Sanggunian

1. Gabay ng Guro

2. Kagamitang Pang-Mag-aaral Filipino 10: Panitikang Pandaigdig (Pahina 77-79)

3. Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Papel, chalk/whiteboard marker, cartolina, mga larawan

IV. PAMAMARAAN
• Manalangin, pagpapaayos ng mga hanay ng upuan,
A. Balik-aral sa Nakaraang pagpapapulot ng mga nakakalat na basura at pagtsek ng
Aralin at/o Pagsisimula ng atendans.
Bagong Aralin • Pagbabalik-aral ng mga pinag-usapan o tinalakay
noong nakaraang sesyon.
• Sa araling ito ay babasahin natin ang buod ng isang
B. Paghahabi sa Layunin ng nobela mula sa France na pinamagatang “Ang Kuba ng
Aralin Notre Dame”. Ito ay isinulat ni Victor Hugo at isinalin
naman sa wikang Filipino ni Willita A. Enrijo.
C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa • Bago natin basahin ang buod ng “Ang Kuba ng Notre
Bagong Aralin Dame” ay magkaroon muna tayo ng isang laro.
• Hatiin sa apat na grupo ang klase. Ibibigay ng guro ang
dalawang larawan na may “Masayang mukha at
malungkot na mukha”

• Itataas ng bawat pangkat ang “Masayang mukha” kung


TAMA ang sinasabi ng pahayag at “Malungkot na
mukha” naman kung MALI ang sinasabi ng pahayag.

1. Ang nobela ay kayang basahin sa isang upuan lamang.


2. Apat na elemento ang karaniwang matatagpuan sa
isang mahusay na nobela.
3. Isinalin ni Victor Hugo sa wikang Filipino ang
nobelang “Ang kuba ng Notre Dame”.
4. Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong
prosa.
5. Hindi kinakailangan na magkakaugnay ang mga
pangyayari sa isang nobela.
6. Manlibang ang pangunahing layunin ng isang nobela.
7. Ang Teoryang Humanismo ay itinatanghal ang buhay,
dignidag, halaga, at karanasan ng bawat nilalang.
8. “Ang kuwintas” ay isang halimbawa ng nobela.
9. Nagmula sa Italy ang nobelang “Ang Kuba ng Notre
Dame”.
10. Ang mahusay na nobela ay naglalarawan ng mga
tauhan.

Panitikan: Pagganyak

• Kung ikaw ay pinarangalang may pinakamagandang


mukha sa buong bayan, ano ang mararamdaman mo?
At kung sakaling ikaw naman ay parangalan na walang
kaaya-ayang mukha, ano naman ang mararamdaman
mo?
• Tumawag ng ilang mag-aaral.
D. Pagtalakay ng Bagong • Sino si Victor Hugo?
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #1

➢ Pranses na manunulat, makata, mandudula, politiko,


ilustrador at memoirist. Isa siya sa mga pangunahing
tauhan sa French romanticism.
➢ Ang pinakasikat na mga nobela sa Hugo ay Les
Miserables, Notre Dame Cathedral at The Man Who
Laughs.

➢ Si Victor Marie Hugo ay ipinanganak noong Pebrero


26, 1802 sa lungsod ng Besançon sa silangan. Lumaki
siya sa isang mayamang pamilya na nakatira sa tatlong
palapag na mansyon.
➢ Ang kanyang ama, si Leopold Sigisber Hugo, ay isang
heneral sa hukbo. Si Nanay, si Sophie Trebuchet, ay
anak ng isang may-ari ng barko.
➢ Sinulat ni Hugo ang kanyang mga gawa sa istilo ng
romantikismo. Sa kanila, binigyan niya ng espesyal na
pansin ang iba't ibang mga isyu sa politika at
panlipunan, na sa panimula ay naiiba sa romantikismo,
na nagbigay ng kagustuhan sa mga katangian ng tao.
➢ Noong 1831, ipinakita ni Hugo ang kanyang unang
nobela sa kasaysayan, ang Notre Dame Cathedral.
Tinunton nito ang impluwensya ng isang sikat na
manunulat sa Ingles.
➢ Sa kanyang nobela, hinawakan ni Victor Hugo ang iba't
ibang isyu sa politika, at itinaguyod din ang
pagpapanumbalik ng mga monumento ng kultura. Iyon
ang dahilan kung bakit ang Parisian cathedral, na
binalak na gibain, ay naging pangunahing lugar para sa
pagbuo ng mga kaganapan.
➢ Namatay si Victor Hugo sa pulmonya noong Mayo 22,
1885 sa edad na 83. Ang isang kagiliw-giliw na
katotohanan ay ang seremonya ng libing ay naganap sa
loob ng 10 araw.
➢ Humigit-kumulang isang milyong tao ang dumating
upang makita ang mahusay na manunulat na Pranses sa
kanyang huling paglalakbay.
➢ Ang mga labi ni Victor Hugo ay nagpapahinga sa
Parisian Pantheon.

• Tawagin ang isa/dalawang mag-aaral upang basahin sa


harapan ang buod ng “Ang Kuba ng Notre Dame” at
susundan naman ito ng tahimik na pagbabasa ng buong
klase.
• Gabay na Tanong:
E. Pagtalakay ng Bagong a. Sinu-sino ang mga tauhan sa nobela?
Konsepto at Paglalahad ng b. Ano ang paksa ng nobela?
Bagong Kasanayan #2 c. Paano naipakita ng nobela ang kahulugan ng
pagibig?
F. Paglinang sa Kabihasaan • Pangkatang Gawain:
(Tungo sa Formative
Assessment) Pangkat I: (GAME SHOW) Ayusin ang mga salita ayon sa
antas o tindi ng kahulugan. Gamitin ang teknik pagkiklino.

a. kagunggungan
kahangalan
kabaliwan
kalokohan
b. galit muhi poot
ngitngit
c. kinupkop
inalagaan
tinangkilik
kinalinga
d. hapis lungkot
pighati lumbay

Pangkat II: (TALK SHOW) Maglahad ng mga pangyayari o


bahagi ng nobela na magpapakilala sa kultura o
pagkakakilanlan ng bansang pinagmulan ng nito.

Pangkat III: (PATUNAYAN MO) Sa pananaw humanismo,


ipinakikita na ang tao ay ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t
binibigyang halaga ang kanyang saloobin at damdamin.
Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at
paano ipinakikilala ang kultura ng bansang pinagmulan?

Tauhan Paano Ano ang Paano


magisip? kanyang ipinakita ang
damdamin? mga
namumukod
na katangian
n amula sa
bansang
kanyang
pinagmulan?

Quasimodo

Claude Frollo

La
Esmeralda

Phoebus
Pangkat IV: (PATUNAYAN MO) Ibigay ang pananaw ng
may-akda tungkol sa pamilya at pag-ibig.

PAMILYA PAG-IBIG

Pamantayan sa Pagmamarka:

ANG KUBA NG NOTRE DAME


Kaangkupan sa Task o Layunin – 50%
Kalinawan ng presentasyon - 25%
Kooperasyon - 15%
Pagkamalikhain - 10%
100%
• Paghambingin natin ang mga pangyayari sa nobela sa
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- totoong buhay.
Araw-araw na Buhay • Magtawag ng ilang mag-aaral
• Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga
H. Paglalahat ng Aralin natutuhan sa araw na ito.
• Maglahad ng konklusyon tungkol sa aralin
I. Pagtataya ng Aralin
MAIKLING PAGSUSULIT:

Panuto: Tukuyin ang angkop na kasagutan sa bawat bilang.

1. Ito ang teoryang pampanitikang nagtatanghal ng


pagpapahalaga sa 4ap ag4n ng kaisipan, nagpapahalaga sa
dignidad at karanasan ng bawat nilalang kaya nakikita niya ang
kabutihan at katotohanan.

a. Feminismo c. Historikal

b. Humanismo d. Realismo

2. Nagbubunyi ang mga mamamayan sa pagdiriwang ng


Kapistahan ng mga hangal.
a. Natatawa c. Natutuwa

b. Nagagalak d. Naliligayahan

3. Iniluklok sa trono ang pinakapangit sa Paris.

a. Panunukso c. Pang-iinis

b. Pang-uuyam d. Panlalait

4. Malaki ang kanyang panghihinayang. Wala man

lamang nagtangkang manood ng kanyang inihandang palabas.

a. Nahahapis c. Nalulungkot

b. Namimighati d. Nalulumbay

5. Ang kuba ng Notre Dame ay itinanghal bilang ____?

a. Hari ng Roma

b. Hari ng Notre Dame

c. Papa ng Notre Dame’

d. Papa ng Kahangalan

6. Ito ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling


pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.

a. Dula b. Maikiling Kwento c. Nobela d. Sanaysay

7. Nagtampo ang kuba nang malaman na ang iniibig niya ay


gusto din ng kanyang ama-amahan. Kung pasisidhiin ang
kahulugan ng salitang (nagtampo). Ano ang kahulugan nito?

a. Nainis b. Nagalit c. Nasuklam d. Napoot

8. Masaya ang kuba nang pansinin siya ng magandang si La


Esmeralda. Alin sa sumusunod ang pinakamasidhing kahulugan
ng ‘masaya’

a. naiiyak sa tuwa

b. lumulutang sa alapaap

c. nag-uumapak ang puso sa galak

d. walang pagsidlan ang puso sa tuwa

9. Namatay si La Esmeralda at sumigaw si Quasimodo “Narito


ang aking pagmamahal.” Anong kultura ng France ang
masasalamin sa pangyayaring ito?

a. Pagdadalamhati sa pagpanaw ng minamahal

b. Wagas na pag-ibig

c. Pagsuko sa mga pagsubok

d. Pagiging matatag sa hamon ng buhay

10. “Sama-samang lumusob ang mga pulubi upang iligtas mula


sa kamatayan ang kaibigan nilang si La Esmeralda”. Anong
Kultura ang lutang sa pangyayaring ito?

a. Ang pagkainosente ng mga tao sa maling Gawain


b. Ang pagpapakitang gilas ng mga tao upang purihin sila

c. Ang pagkakaisa ng mga tao upang labanan ang


kasamaan

d. Ang pagiging matulungin ng mga mababang uri ng


mamamayan

Susi sa Pagwawasto

1. B 2. C 3.D 4.C 5. D 6. C 7. C 8. A 9. B 10. C

J. Takdang
Aralin/Karagdagang Gawain

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

INIHANDA NI:
Louie A. Dolot
BSED – FILIPINO 4A

You might also like