You are on page 1of 6

YUNIT I

KATUTURAN AT KALIKASAN NG SANAYSAY


1. Ang Sanaysay
a. Katuturan

b. Alejandro G. Abadilla
(1904-1969) ang nagbinyag
ng pangalan “sanaysay” na
hinango
c. sa mga salitang “sanay”
(Mahusay) at salaysay
(pasalaysay)
d. Alejandro G. Abadilla
(1904-1969) ang nagbinyag
ng pangalan “sanaysay” na
hinango
e. sa mga salitang “sanay”
(Mahusay) at salaysay
(pasalaysay)
f. Alejandro G. Abadilla
(1904-1969) ang nagbinyag
ng pangalan “sanaysay” na
hinango
g. sa mga salitang “sanay”
(Mahusay) at salaysay
(pasalaysay)
h. Alejandro G. Abadilla
(1904-1969) ang nagbinyag
ng pangalan “sanaysay” na
hinango
i.sa mga salitang “sanay”
(Mahusay) at salaysay
(pasalaysay)
 Alejandro G. Abadilla (1904-1969) ang nagbinyag ng pangalan
“sanaysay” na hinango sa mga salitang “sanay” (Mahusay) at salaysay
(pasalaysay)

 Genovera E. Matute Ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at


sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng
kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay-kaalaman o magturo.

 Basil Blackwell- isang komposisyon na karaniwang na sa anyo ng prosa na


maaring naglalaman ng ilang daan-daang salita na nagtatalakay ng isang
paksa o maraming mga paksa.

 Francis Bacon- isang malitt at literal na komposisyon na katotothanan.

 Dr. Samuel Johnson- ang sanaysay ay sang malayang igpaw ng pag-iisip.


 Adlous Huxley (1894-1963) tulad ng nobela, ang sanaysay ay isang
panitikan tungkol sapagsasabi ng kahit ano tungkol sa halos lahat ng
bagay.

 RUBIN, et.al., 1989:91 - Anyong pampanitikan na naglalahadng mga


kontemporaryong usapin atpaksain sa nagbabagong mundo. Angmahalaga
sa anyong ito angpagbabahagi ng manunulat ngkanyang karanasan at di
panamamalayang pananaw ukol sa mganagbabago niyang paligid
kayamaituturing ito na makabagong anyo.

 Belvez(1985) - isang komposisyong pampanitikan saisang natatanging


paksa na higit namaikli at pormal kaysa alinmangakda. Sa
kasalukuyan,angkomposisyon ay naglalaman ngmaikling pag-aaral na
naglalaman ngsariling pananaw, paniniwala atkaisipan ng sumulat.
b. Kalikasan
 PORMAL NA SANAYSAY - (MAANYO) kapag ang sanaysay
aymay lohikal na paglalahad ng mgakaisipan o may maayos na
balangkas.Maingat din ang pagsusuri ng paksanito. Samakatwid,
masusi ang pag-aaral ng temang tatalakayin.Binibigyang-diin ang
katotohanan,tuwirang pagpapahayag at seryosongpagtalakay.
 SANAYSAY NA DI-PORMAL - (DI-MAANYO) may kalayaan sa
ayosng paglalahad, may himig ng pakikipag-usap at pagbibiro at
higitna kawili-wiling basahin. Subalit hindirin dapat na kaligtaan na
lakip dinnito ang katalinuhan ng pag-iisip atmasusing pagsusuri.
c. Sangkap
 Temaat Nilalaman -anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na
paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi.

 Anyo at Istruktura- ang anyo atistruktura ng sanaysay ay isangmahalagang


sangkap sapagkatnakaapekto ito sa pagkaunawa ngmga mambabasa; ang
maayos atlohikal na pagkasunud-sunod ngideya o pangyayari ay
makatutulongsa mambabasa sa pagkaunawa sasanaysay.

 Wika at Istilo - ang uri at antas ngwika at istilo ng pagkakagamit nito


aynakaaapekto rin sa pagkaunawa ngmambabasa; higit na mabutinggumamit
ng simple, natural atmatapat na mga pahayag.

d. Mga Mananaysay at ang kanilang katangian


 May malawak nakaalaman o karanasan sapaksa.
 Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
 Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ngpaglalahad ng ideya.
 Malinaw at hindi madamot o matipid sapagpapaliwanag ng kaisipan at
kaalaman ukolsa paksa.
 May kakayahang pumukaw o manghikayat ngmambabasa.

2. Kasaysayan ng Sanaysay

§ 1580-nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at


damdamin ni Michael de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais. -sa mga
nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga
pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akda.

§ 1597 -nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman


ng mga saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin
siya bilang “ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Inlges “.

§ 1700 -kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming


naghangad na sundan ang mga yapak ni Bacon. Isa naritosina:Sir Thomas Izaak
Walton– sumulat ng aklat na pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya
ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan.

Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y
masusi niyang inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial.

John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay


kinalugdang basahin ng mga nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit.
Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics
Poesy.

§ 1800 –sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison,
Samuel Johnson, Oliver Smith atb.

§ 1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. –bukod sa panitikan at


sining naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. –nanaluktok sa
panahong ito ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew
Arnoldatb.

Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang


bansa ni Montaigne. Binigyan lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing
na Gintong Panahon ng Panitikang Pranses. -ang mga sanaysay na isnilat ni Francois
de Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa
naimpluwensyahan ay siVoltaire. -noong ika-19 dantaon sumikat ang mga pangalang
Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France.

Sa EstadosUnidos -napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch


Book na nailathala noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga
mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo sa pagkat higit na matimpi ang
istilo ni Irving. -nakilala rin angmgasanaysayninaRalph Waldo Emerson, John
Burroughs, atb. At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi lamang
mahusay sa makata’t manunulat kund iisa ring institusyon sa larangan ng pagsulat ng
sanaysay.

Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at
James Russell.-lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing naglathatla ng
mga sanaysay ng ilang piling manunulat, ang The Atlantic Monthly at ang Harper’s
Magazine.

§ Sa Pilipinas - ang kasaysayan ng sanaysay saTagalog bilang sangay ng panitika ay


nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino
People at The Philipines. - ang A Century Hence niMarcelo H. del Pilar ang naging
patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nangunasap angkat ng
mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose
Burgos, at Apolinario Mabini.

Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The


College Folio at Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mahhusay
na mananaysay sa panahong ito sina I. V. Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P.
Lopez,atb.

Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklakan nina Pascula Poblete, Lope k. Santos,


Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong iyon
ang magasing Liwayway nanaglalthalang maiklingkwento at sanaysay bago
makidigma ang mga sanaysay ay kina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang
kinagiliwan ng mga tao.

§ Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway


Arceo, Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso,
Epifanio Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla,
Narciso G. Reyes at Vito C. Santos.

Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga
Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa
AmingSulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y isang Tinig ni Genoveva Edroza. Sa
mga aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala nasa
sanaysay tulad ng DiwangGinto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na
Paaralan

§ Sa mga magasin na nalathala ay angPanitikanni Alejandro G. Abadilla at Free Press


na naglalaman ng mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na pinamagatang “
Lubos na Sumasainyo” Si Direktor Ponciano ng Surian ngWikang Pambansa ay may
aklat na naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng kanyan ilang piling
sanaysay na karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling pangwika. Naging
masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial
Awards For Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na
nagwagi ay yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang sangay ng
panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ng“Palanca” sina Pedro L. Ricarte,
VirgilioAlmario, RuelAguila, Rosario Torres, atb.

MGA PINAGKUNAN NG MGA DATOS


 Ching Ann Aragon, Sanaysay, https://www.academia.edu/36950663/Sanaysay
 Hennecy B. Cabrejas, Februaru 12, 2013, Sanaysay, http://henzcabrejas.blogspot.com/

You might also like