You are on page 1of 3

kasaysayan ng sanaysay

1.

Kasaysayan ng Sanaysay Mula pa noong panahong sinauna,

ang unang lumabas at siyang pinag-ugatan ng sanaysay ay ang ETHICS na isinulat ni Aristotle at CHARACTERS ni
Theoprastus. Ang mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga sumunod na mananaysay. Ang dalawang materyal na
ito ay naglalarawan ng ibat-ibang katangian ng tao: mabait, mapanlinlang, galante, madaldal, mareklamo, at iba
pa. Subalit ang kinilalang unang naglabas ng pormal na sanaysay ay si Michel Eyquem de Montaigne (1533-1593).
Siya ang nagpakilala ng salitang ESSAY bilang isang anyong pampanitikan nang pinamagatan niyang ESSAIS ang
kalipunan ng mga kaisipan, opinyon, pananaw at damdamin na kanyang isinulat. Lumitaw ito noong 1580 at
nagsilbing panimula sa pagpapaunlad ng sanaysay. Bagamat kung ating pagbabatayan ang Banal na Aklat o
Bibliya kung saan binubuo ng mga tula at awit, at mga prosa na nasa hugis pasalaysay at sanaysay, masasabing
kasintanda na rin ng sanaysay ang panahon kung gayon. Mapapansin din na ang tema ng bibliya ay nasa tonong
seryoso o may pagkadidaktiko kung ihahambing sa mga gawa ni Montaigne na magaan lamang. Marami pa ang
mga sumunod na mananaysay katulad nila William Hazlitt, Ralph Waldo Emerson, at Bacon. Ang talong ito ang
siyang huling naimpluwensiyahan ng malaki ni Montaigne ang nagpanumbalik ng pagkaseryoso, didaktiko at
pagkamabigat ng sanaysay. Subalit sa mga nagdaang siglo, matapos lumabas ang ibat-ibang mananaysay, lalo na
bago sumapit ang ika-19 siglo, masasabing may apat na naging kapuna-punang katangian ang sanaysay. Ito ay
ang: kumbersasyunal, himig-nakikipag-usap, personal, masaya at masiste. Hindi nalalayo sa mga unang isinulat ni
Montaigne. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagsikap ang mga mananakop, sa tulong ng
mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na maaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito
ay ang Declaracion de losmandamientos de la ley de dios, isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang Arte y
reglas de las lengua tagala na nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Tagalog. Si Padre
Modesto de Castro rin ay nagsulat ng Colleccion de Semones en Tagalo, ito ay ay pagsusulatan ng dalawang
binibini na sina Urbana at Feliza at ang Platicas.
2. Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino ay ang Librong PagAaralan nang manga Tagalog
nang Uicang Castila ni Tomas Pinpin. Dito ay sunod-sunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng
apuntes (memoirs) at informes (accounts). Kahit na pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din dito
ang ilang mga isyu sa pulitika, relihiyon at ekonomiya. Sa panahon ng propaganda, dito nangibabaw ang mga
naisulat na sanaysay kasabay ang paggamit ng panudyo at parodi. Sa pagsisimula ng Samahang Repormista,
nagsimula ang mga manunulat na magsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga
mananakop. Ilan sa mga nakilalang manunulat noon ay si Fr. Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar.
Naging popular na bayaning repormista si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang akdang sanaysay na Caiigat Cayo
at Dasalan at Tocsohan. Si Jose Rizal ay nagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan sa kanyang mga
pampubikong pananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng mga sanaysay at
artikulo ng mga repormista. Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga manunulat patungo sa
pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa mga Kastila. Nagsimulang isulat ang mga salaysay gamit ang mga
katutubong wika. Una sa mga ito si Andres Bonifacio, ang lider ng Katipunan, sa kanyang maalab na mga akdang
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, Sa Aking mga Kababayan at Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng
Bayan. Si Emilio Jacinto ay may sariling koleksyon ng mga sanaysay na pinamagatan niyang Liwanag at Dilim at
Kartilya ng Katipunan. Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles bilang wika sa
pagsusulat ng mga sanaysay. Madalas itong impormal at sentimental, ngunit ang iba'y nanatili sa pagsusulat
tungkol sa kalayaan ng bansa. Nakilala sina Carlos Romulo, Fernando Marang, Maria Paz Mendoza Guanzon at
Vicente Hilario. Pagkatapos ng digmaan ng Amerikano laban sa Hapon, marami sa mga naisulat na sanaysay ay
ginagamit sa pagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na ito sila Nick Joaquin, Kerima
Polotan, Gilda Fernando at Renato Constantino. Ang mga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang kritisismo sa
Amerika at ang nasyonalismo na laganap bago ang pagdating ng Martial Law. Sa panahon ng Pangulong Marcos,
nasikil ang
3. mga sanaysay na ito at nauso ang mga satirikong pagsusulat o mga sanaysay na personal ang tema. Sa
modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga sanaysay na lumabas. May mga nakilala sa mga
sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay Barbara Gonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon. Si Cristina PantojaHidalgo naman ay nakilala sa mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez at
Edilberto Alegre ay nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalez at Ildefonso Santos ay lumipat
sa pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang mga akdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga
kontemporaryong isyu, tulad ng HIV-AIDS. Dahil nagbabagong panahon, umunlad ang pagsulat ng sanaysay bunga
na rin ng pagdami ng pwedeng maging paksain. Hindi mananatiling ganoon na lamang kalimitado ang pagsusulat
at sulating sanaysay katulad ng sa panahon nila Montaigne, Emerson, Hazlitt, at Bacon. O kayay sa pamamaraan
nila Padre de Castro, del Pilar, Bonifacio, Rizal, atbp. Susulpot ang maraming anyo ng pagpapahayag tulad ng
liham, lathalain sa peryodiko (editoryal), komposisyon sa klase, panunudyo, pananaliksik, pamumuna, at
pagpupuri. Sa mga nakaraang dekada, nagging magandang pagkakataon sa mga makabagong mananaysay ang
pagkakatatag ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Marami na ang naparangalang mga akda at
mananaysay sa bawat taong nagdaan sa kategoryang FilipinoSanaysay. Sanggunian: Evasco, Eugene., Ligya

Tiamson Rubin, Arthur P. Casanova, at Joseph Salazar. 2001. Ideya at Estilo sa Sanaysay. Lunsod ng Quezon: Rex
Publishing House, Inc. Casanova, Arthur P., Ligaya Tiamson Rubin, Teresita Perez Semorlan, at Olivia F. de Leon.
2006. Retorika. Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Lungsod ng Quezon: Rex Publishing House, Inc.

Sanaysay
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
[baguhin]Dalawang Uri ng Sanaysay
[baguhin]Pormal o Maanyo
Ang sanaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon.
Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng
mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat
ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya
makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay
obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong
pagbibiro.
Pamilyar o Palagayan
Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa
mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at
mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng
mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan
ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling
maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan.
Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw
Tatlong Bahagi ng Sanaysay
[baguhin]Unang Bahagi/Simula
Dito ng simula ang sanaysay
[baguhin]Ikalawang Bahagi/Gitna
Dito ipinaliliwanag o kaya'y pinatutunayan ang paksa o tesis.
[baguhin]Ikatlong Bahagi/Wakas
Dito inilalahad ang kongklusyon o paglalagom.
[baguhin]Panlabas na Kawing

Halimbawa ng sanaysay, mula sa Pinoy Blogero.com


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

URL:
1.

http://www.slideshare.net/alser3/kasaysayan-ng-sanaysay

You might also like