You are on page 1of 42

TALUMPATI AT

SANAYSAY
KAHULUGAN, KASAYSAYAN AT URI NG SANAYSAY
Ano ang pinagkaiba
ng sanaysay at
talumpati?
Ano ang sanaysay?
• Ang sanaysay ay isang uri ng komposisyon na
naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon ng may
akda. Ito ay nakatuon lamang sa iisang diwa at
pananaw, mayroong tiyak na paksa at laging
nakasulat sa anyong prosa. Maaring ito ay isinulat
upang magbigay ng impormasyon, manghikayat, o
para mailahad ang nais ipabatid at nararamdaman ng
manunulat. Ito ay hinango sa salitang Pranses na
“ESSAYER”, na ang kahulugan ay sumubok o
tangkilikin.
• Ayon kay FRANCIS BACON, ang sanaysay
ay isang kasangkapan na tumutulong upang
maipahayag ang maikling komentaryo sa
buhay ng tao.
Sa depinisyon ni ALEJANDRO G. ABADILLA,
isang sikat na Pilipinong manunulat, ang sanaysay
ay “Nakasulat na karansan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.” Ito ay nanggaling sa dalawang
salita, “sanay” at “salaysay“. Ito ay nakasulat sa
anyo ng panitikang tuluyan na kung saan
naipahahayag ng manunulat ang kaniyang
matalinong kuro-kuro, damdamin, at reaksyon
tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa.
Ayon naman sa manunulat na si PAQUITO
BADAYOS, ito ay naglalahad ng matalinong
kuro at makatuwirang paghahanay ng
kaisipan. Nabanggit din niya na ito ay
naglalahad ng personal na pananaw ng
manunulat tungkol.
Kasaysayan ng
Sanaysay
Michael de Montaigne
Ang manunulat, pilosopo at guro na si Michel de
Montaigne ay nanirahan sa isang panahon nang ang
Renaissance ay nakumpleto na at nagsimula ang
Repormasyon. Ipinanganak siya noong Pebrero 1533, sa
lugar ng Dordogne (Pransya). Parehong ang buhay at
gawa ng nag-iisip ay isang uri ng pagmuni-muni sa
panahon na "gitna" na ito, inter-time.
At ang ilan sa mga pananaw ng kamangha-manghang
tao na ito ang nagpapalapit sa kanya sa modernong
panahon. Ito ay hindi para sa wala na ang mga
mananalaysay ng pilosopiya ay nagtalo tungkol sa kung
ito ay karapat-dapat na maiugnay ang tulad ng isang
orihinal na tulad ng Michel de Montaigne sa Bagong
Oras.
➢Isang Pranses na pinamagatang Essais
➢ESSAIS
Isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang
pagsubok sa anyo ng pagsusulat.
Francisco Bacon
Sino siya: pilopo o siyentipiko? Si Francis Bacon ay isang
mahusay na nag-iisip ng Renaissance ng Inglatera. Isang
maraming nagagawa na nagbago ng maraming posisyon,
nakakita ng maraming mga bansa at nagpahayag ng
higit sa isang daang matalinong mga saloobin na
sinusunod pa rin ng mga tao.
Ang pagnanais para sa kaalaman at oratory kakayahan ng Bacon
mula sa isang maagang edad ay may pangunahing papel sa
reporma ng pilosopiya ng panahong iyon. Sa partikular, ang
iskolarismo at mga turo ni Aristotle, na batay sa mga halagang
kultural at ispiritwal, ay pinabulaanan ng empirisikong Francis sa
ngalan ng agham. Nagtalo si Bacon na ang pag-unlad na pang-
agham at teknolohikal lamang ang makakapagtaas ng
sibilisasyon at sa gayon ay mapayaman ang sangkatauhan sa
espirituwal.
➢Nagsimula siyang magsulat ng sanaysay 1597 na
naglalaman ng mga saloobin at kaisipang
punong-puno ng buhay.
➢“Ama ng Sanaysay” na Nasusulat sa Ingles.”
Sir Izaak Walton
• Si Izaak Walton (c. 1593 - 15 Disyembre 1683) ay
isang manunulat ng Ingles. Pinakilala bilang may-akda
ng The Compleat Angler , sumulat din siya ng ilang
maiikling mga talambuhay na nakolekta sa ilalim ng
pamagat ng Walton's Lives .
• The Compleat Angler noong 1653.
• Naging paksa niya ang ang tungkol sa pamimingwit at
pakikipagkaibigan.
Sir Thomas Browne
➢Ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y
masusi niyang inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial.sa
mga katutubong Kaugalian.
➢Masusi niyang inilalarawan sa Religio Medici at Urn
Burial.
John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa
panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga nag
papahalaga sa dalawang
disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na
sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics
Poesy.
MGA TAON NG PAG-USBONG NG
SANAYSAY
1800 –sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard
Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith
atb.
1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng
sanaysay.
–bukod sa panitikan at sining naging malaganap ang
paksang panlipunan at panrelihiyon.
–nanaluktok sa panahong ito ang pangalang John
Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnold atb.
Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang
sanaysay sa Pransya ang sinilangang bansa ni
Montaigne. Binigyan lang ito ng pansin noong ika-17
dantaon ang tinuturing na Gintong Panahon ng
Panitikang Pranses. -ang mga sanaysay na isnilat ni
Francois de Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay
mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwensyahan ay
siVoltaire. -noong ika-19 dantaon sumikat ang mga
pangalang Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand
Brunetiere at Anatole France.
Sa EstadosUnidos -napatunayan ang mga sanaysay
ni Washington Irving sa Sketch Book na nailathala
noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng
mga mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo
sa pagkat higit na matimpi ang istilo ni Irving. -nakilala
rin angmgasanaysayninaRalph Waldo Emerson, John
Burroughs, atb. At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar
Allan Poe na hindi lamang mahusay sa makata’t
manunulat kund iisa ring institusyon sa larangan ng
pagsulat ng sanaysay.
Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito
sina Oliver Wendell Holmes at James Russell.-
lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing
naglathatla ng mga sanaysay ng ilang piling manunulat,
ang The Atlantic Monthly at ang Harper’s Magazine.
Sa Pilipinas - ang kasaysayan ng sanaysay saTagalog
bilang sangay ng panitika ay nagsimula sa mga isinulat
nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino
People at The Philipines. - ang A Century Hence niMarcelo
H. del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La
Solidaridad
at itinuturing na nangunasap angkat ng mga
mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano
Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles
ay nakilala sa tulong ng The College Folio at Literary
Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang
mahhusay na mananaysay sa panahong ito sina I. V.
Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez,atb.
Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklakan nina
Pascula Poblete, Lope k. Santos, Julian Cruz Balmaceda,
Inigo Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong
iyon ang magasing Liwayway nanaglalthalang
maiklingkwento at sanaysay bago makidigma ang mga
sanaysay ay kina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang
kinagiliwan ng mga tao.
Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro
A. Agoncillo, Liwayway Arceo, Brigdo C. Batungbakal,
Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso,
Epifanio Matute, Clodualdo del Mundo,
Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes
at Vito C. Santos.
Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag
kabilang na dito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro
G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa
AmingSulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y isang Tinig ni
Genoveva Edroza. Sa mga aklat na pampaaralan
mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala nasa
sanaysay tulad ng DiwangGinto, Diwang Kayumanggi at
Panitikan Para sa Mataas na Paaralan.
Sa mga magasin na nalathala ay angPanitikanni
Alejandro G. Abadilla at Free Press na naglalaman ng
mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na
pinamagatang “ Lubos na Sumasainyo” Si Direktor
Ponciano ng Surian ngWikang Pambansa ay may aklat na
naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng
kanyan ilang piling sanaysay na karamihan sa paksa ay
tumatalakay sa mga araling pangwika.
Naging masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang
patimpalak ng Carlos Memorial Awards For Literature ang
pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay
yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang
sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay
ng“Palanca” sina Pedro L. Ricarte, VirgilioAlmario, RuelAguila,
Rosario Torres, atb.
URI NG SANAYSAY
PORMAL O MAANYO
Ang sanaysay na pormal o baguhan – sanaysay na tinatawag
din na impersonal – Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga
materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang
tinatalakay. Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y
talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita
kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan,
matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod
sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di
kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay
seryoso, paintelektuwal, at walanghalong pagbibiro.
Elementong Sanaysay: Panimula, Katawan at Wakas.
PORMAL O MAANYO

Bukod rito, ang isang pormal na sanaysay ay nagbibigay


sa atin ng mga tunay na datos at walang halong
opinyon. Samantala, ang di-pormal naman na sanaysay
ay gumagamit ng mga pananalita na parang pinag
uusapan lamang. Kasama na rito ang mga pansariling
opinyon.
IMPORMAL O DI-MALAYA
Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-
lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-
araw at personal o isyung maaaring magpakilalang
personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga
mambabasa. Idinidiin nito ditto ang mga bagay-bagay
,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan
ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan
o kasangkutan ng mambabasang medya.
Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang
usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang
tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig,
kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang
tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing
gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat
pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang
pananaw.
Kabaligtaran ito ng unang uri at tinatawag itong personal
na sanaysay. Karaniwan ay ayon lamang sa nais o hilig at
karanasan ng mananaysay ang mga paksa nito. Ito’y
karaniwang himig na nakikipag-usap lamang. Ang mga
pananalita ay karaniwan at hindi na nangangailangan ng
masusing pag-aaral upang makasulat ng ganitong uri ng
sanaysay. Ito ay higit na madali at magaang sulatin
sapagkat simple at kadalasang natural ang paglalahad ng
mga kaisipan. Ito ang dahilan kung bakit waring pamilyar
o malapit ito sa damdamin ng mga mambabasa. Madali
itong maunawaan at parang nakikipag-usap lamang.
Sangkap ng Sanaysay
Tema at Nilalaman – anuman ang
nilalaman ng isang sanaysay ay
itinuturing na paksa dahil sa layunin sa
pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng
sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa; ang maayos at lohikal na
pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa
sanaysay.
Wika at Istilo – ang uri at antas ngwika at
istilong pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin
sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na
mabuting gumamit ng simple, natural at
matapat na mga pahayag.
BAHAGI NG SANAYSAY
Panimula- Ang pinakamahalagang bahagi ng isang
sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga
mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang
panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa
sa akda.
KATAWAN- Sa bahaging ito ng sanaysay
makikita ang pagtalakay sa mahahalagang
puntos ukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang
bawat puntos upang maunawaan ito nang
magiging mambabasa
WAKAS- Pagsasara sa talakayang naganap sa
katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon
ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay ng sanaysay.
Katangiang Dapat Taglay ng isang
Mabuting Mananaysay:

➢May malawak nakaalaman o karanasan sa paksa.


➢Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
➢Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng
ideya.
➢Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng
kaisipan at kaalaman ukol sa paksa.
➢May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa.
REFERENCES
http://henzcabrejas.blogspot.com/
https://tgl.agromassidayu.com/mishel-de-monten-filosof-epohi-
vozrozhdeniya-biografiya-trudi-news-009748
https://mimirbook.com/tl/a74e91117b2
https://pdfcoffee.com/modyul-lit-105-sanaysay-at-talumpati-1-pdf-
free.html
https://www.slideshare.net/cherriemaepanergabasa/kasaysayan-ng-
sanaysay-49620687?qid=aec4f576-6d08-4e40-9438-
d67ac5c4a955&v=&b=&from_search=3
MARAMING
SALAMAT

You might also like