Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay at Talumpati
(Fil 24)
_____________________________________
V. COURSE OUTLINE:
A. PRELIM-FINAL PERIOD
Module 1 – Ang Sanaysay
Module 2 – Kontemporaryong Anyo ng Sanaysay
Module 3 – Ang Talumpati
Module 4 – Paraan sa Paghahanda ng Talumpati
Kasaysayan ng Sanaysay
Pagpapakahulugan
Isang komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda
Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay
panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa., ng
manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa
inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. Nakikita rin ng mambabasa ang
manunulat dahil sa paraan ng pagsulat nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman sa paksa.
Pinagmulan ng Sanaysay
1580 – nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa kalipunan ng mga palagay at damdamin ni
Michael de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais. - sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay
nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga
may-akda.
1597 – nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng mga saloobin at
kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang “Ama ng Sanaysay na
Nasusulat sa Ingles”.
1700 – kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay ngunit maraming naghahangad na sundan ang
mga yapak ni Bacon. Isa na rito sina: Sir Thomas Izaak Walton – sumulat ng aklat na pinamagatang The
Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan.
Sir Thomas Browne – ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y masusi niyang
inilalarawan sa Religio Medici at Um Burial.
John Dryden – ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga
nagpapahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni
Dryden ang An Essay of Dramatic Poesy.
1800 – sumigla ang pagsulat ng sanaysay nina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver
Smith atbp.
1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay bukod sa panitikan at sining, naging
malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon, nanaluktok sa panahong ito ang pangalang John
Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnold, atbp.
Sa Pransya – hindi masyadong lumaganap ang sanaysay kung saan ito ang lugar na sinilangang bansa ni
Motaigne. Binigyan lang ito ng pansin noon ika-17 dantaon na itinuturing na Gintong Panahon ng
Panitikang Pranses. Ang mga sanaysay na isinulat ni Francois de Rochefoulldcauld tungkol sa mga
sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwensyahan ay si Voltaire – noong ika-19 dantaon
sumikat ang mga pangalang Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France.
Sa Estados Unidos – napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch Book na nailathala
noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang
sa istilo sapagkat higit na matimpi ang istilo ni Irving – nakilala rin ang mga sanaysay nina Ralph Waldo
Emerso, John Burroughs, atbp., at sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi lamang
mahusay sa makata’t manunulat kundi isa ring institusyon sa larangan ng pagsulat ng sanaysay.
Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at James Russell.
Lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing naglalathala ng mga sanaysay ng ilang piling
manunulat, ang “The Atlantic Monthly” at ang Harper’s Magazine.
Sa Pilipinas – ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga
isinulat nina Jose Rizal sa kanyang “The Indolence of the Filipino People at the Philippines. Ang
“Century Hence” ni Marcelo H. Del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at
itinuring na nanguna sapagkat ang mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez
Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The College Folio at
Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mahuhusay na mananaysay sa panahong ito
sina I.V. Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez, atbp.
Mga Sanaysay sa Tagalog
Ito ay pinamulaklakan nina Pascula Poblete, Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda, Iñigo Ed. Regalado,
atbp. Ang lumaganap sa panahong ito ang magasing “Liwayway” na naglalathala ng maikling kuwento
at sanaysay bago makidigma ang mga sanaysay ay kina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagiliwan
ng mga tao.
Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo, Brigido C.
Batungbakal, Genoveva Edroza Matute, Alfredo Enriquez, Pablo Glorioso, Epifanio de los Santos,
Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C. Santos.
Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na ditto ang Mga Piling Sanaysay ni
Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemillano Pineda, Buhat sa Aming Sulok ni Paraluman Aspillera at
Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza Matute. Sa mga aklat na pampaaralan mayroon ring mangilan-
ngilan na nalathala nasa sanaysay tulad ng Diwang Ginto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa
Mataas na Paaralan.
Sa mga magasin na nalathala ay ang Panitikan ni Alejandro G. Abadilla at Free Press na naglalaman ng
mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pilak na pinamagatang “Lubos na Sumasainyo” si Direktor
Ponciano ng Surian ng Wikang Pambansa ay may aklat na naipalimbag, ang Bata sa Kathedral na
katipunan ng kanyang ilang piling sanaysay na karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling
pangwika. Naging masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos
Memorial Awards for Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay
yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t ibang sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay
na mananaysay ng “Palanca” sina Pedro L. Ricarte, Virgilio Almario, Rosario Torres atbp.
Pagpapakahulugan ng Sanaysay
- Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuru-kuro, o
opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa.
- Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa
isang paksa o isyu.
- Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may
katha. Maaari itong magkaroon ng mga elementong pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon,
kuru-kuro, pang-araw-araw na panyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmuni-muni ng isang tao.
Impormal o Di-pormal
- Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at
paglalarawan ng isang may-akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanya obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa
kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di-pormal ay naglalaman ng nasasaloob
at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may-
akda.
2. Gitna/Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o ideya ukol sa
paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag
ng maayos at Mabuti ang paksang pinag-uusapan o binigyang pansin.
3. Wakas – sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya.
Dito rin naghahamon ang akda sa mga isip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinalakay
niya.
Elemento ng Sanaysay
a. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin
sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinabahagi.
b. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o
pangyayari ay makakatulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
c. Kaisipan – mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
d. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa
ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
e. Larawan ng Buhay – inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na
paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.
f. Damdamin – naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may
kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
g. Himig – naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring malungkot, mapanudyo at iba pa.
Gawain:
Panuto: Pumili ng paksa na nasa ibaba at gawan ng isang sanaysay.
A. Pandemyang COVID19
B. Modular Distance Learning
C. Pagkatutong Online
D. Kalusugang Pangkaisipan
Pamantayan sa Paggawa
Mapanghikayat na Panimula 10
Makabuluhang mga Talata 10
Organisasyon ng mga Ideya 10
Mapanghamong Konklusyon 10
Paggamit ng bantas, kapitalisasyon at 5
pagbabaybay
Gamit ng salita at pagbuo ng pangungusap 5
Kabuuan 50