You are on page 1of 6

SERYE NG TANONG...

Sa lawak ng social media hindi maiiwasan na magkaroon ng iba’t ibang trending na


gawain na patok sa mga mag-aaral at kabataan. Isa ang serye ng tanong sa pinagkakaguluhan
ng mga mag-aaral sa Twitter, isang social media site. Sa patimpalak na ito ng Kapisanang
Inang Wika, nais ng mga kawani na dalhin sa Facebook ang kinagigiliwang gawaing ito.

Layunin ng patimpalak na ito na palawakin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral


tungkol sa ating panitikan. Sa pamamagitan nito makikita kung hanggang saan ang nalalaman
at hanggang saan ang natatandaan ng mga mag-aaral sa kanilang asignaturang Filipino.
Maganda itong pagsasanay upang mapalago at madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral
sa panitikang Filipino.

Alituntunin:

1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University –


College of Teacher Education.

2. Magpapaskil ng mga katanungan ang mga kawani ng KIW sa kanilang Facebook page
tuwing Biyernes na siyang pagninilayan at bibigyang kasagutan ng mga mag-aaral.

3. Ang unang makapagbibigay ng tamang kasagutan ang siyang tatanghaling panalo.

4. Ang mga mananalo ay bibigyang pagkilala sa katapusan ng buwan na makakatanggap


ng sertipiko ng pagkilala at papremyo.
FLASHFIC POST!

Ang ating panitikang Filipino ay patuloy pa rin sa pag-unlad lalo na sa pagbuo ng


mga kontemporaryong panitikan na nagsisilbing patunay na nakikisabay rin ang ating
panitikan sa agos ng pagbabago ng lipunan. Isang halimbawa na rito ay ang Flash Fiction na
nangangahulugang isang maikling maikling kuwento.

Gayunpaman, nais ng mga opisyal ng KIW na isakatuparan ang Flash Fiction bilang
patimpalak sa mithiin ng tema ng Buwan ng Panitikan sa taong ito; “Limandaang Taon ng
Pagsulat sa Kalibutang Filipino”. Layunin nito na mapalutang ang kahusayan ng mga mga
mag-aaral sa pagsusulat ng maikling kwento na isang kahusayan at kategorya ng panitikan.

Alituntunin:

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University-


College of Teacher Education.
2. Ang mga opisyal ng KIW ay gagawa ng isang post sa Facebook, sa comment section
ng post na ito maaaring ipaskil ng mga sasali ang kanilang gawang piksyon.
3. Ang gustong sumali ay may karapatang pumili ng kaniyang ninanais na paksa. Iwasan
ang paggamit ng mga salitang bulgar at may hindi kaaya-ayang kahulugan. Sundin
ang pamantayang ibinigay ng mga kawani ng KIW para sa mas magandang
kakalabasan.
4. Sa inilaan na official post lamang ng organisasyon maaaring ilagay ang ginawang
Flash Fiction, hindi ito maaaring direktang ipasa sa mga kawani ng patimpalak.
5. Ang pagsusumite ng komento ay opisyal lamang kapag nagkaroon na ng signal ang
mga tagapamahala ng patimpalak. Magsisimula ang patimpalak kapag naaprubahan
na ito.
6. Ang mga mananalo ay ipakikilala sa pagtatapos ng buwan ng Abril at mabibigyan ng
sertipiko ng pagkilala at papremyo.
7. Narito ang gabay sa pagpili ng mananalo:

Kaangkupan sa Tema 30%


Kaayusan ng Kuwento 25%
Pagkamalikhain 20%
Nilalaman 15%
Orihinalidad 10%
Kabuoan 100%
PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO

Hindi maikakaila na mayaman ang ating bansa sa larangan ng panitikan, marami


tayong ipinagmamalaking manunulat na hindi lamang namamayagpag sa loob ng ating bansa
kung hindi maging sa mga karatig bansa. Kung kaya’t nais ng KIW na bigyang-pansin ang
mga manunulat na may angking kahusayan sa larangan ng pagsusulat ng maikling kwento.

Ang layunin ng patimpalak na ito ay mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na


ipakita ang kanilang husay at galing sa malikhaing pagsusulat sa pamamagitan ng pagsulat ng
maikling kuwento. Palutangin natin ang husay sa pagiging mailkahin sa paghahabi ng mga
salita upang makalikha ng isang obra.

Alituntunin:

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University-


College of Teacher Education.
2. Ang gustong sumali ay may karapatang pumili ng kaniyang ninanais na paksa at
sagisag-panulat. Subalit, inaanyayahan ang ma kalahok na iwasan ang paggamit ng
mga salitang hindi kaaya-aya sa mga mambabasa.
3. Ang isusumiteng akda ay kinakailangan na orihinal na akda.
4. Kinakailangan na ang akda ay nasa letter size paper, Times New Roman, font 12, no
spacing at justify ang isusumiteng soft copy. Ito ay isusumite sa
kapisananginangwika@gmail.com
5. Ang mga mananalo ay ipakikilala sa pagtatapos ng buwan ng Abril at mabibigyan ng
sertipiko ng pagkilala at papremyo.
6. Narito ang gabay sa pagpili ng mananalo:

Panukatan:

Nilalaman 40%
Pagkamalikhain 25%
Gramatika 20%
Orihinalidad 15%
Kabuoan 100%
PAGGAWA NG DIGITAL POSTER ISLOGAN

Likas na ang pagiging malikhain at mahusay ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
Lalo na sa umuusbong na teknolohiya, nagkalat na ang mga obrang digital, kaya’t nais ng
mga kawani ng KIW na sila’y bigyang pagkakataon upang ipamalas ang natatago nilang
husay.

Layunin ng patimpalak na ito na ipakitang walang limitasyon ang nagagawa ng


panitikan at maaaring ipakita ang pagmamahal dito sa ibang paraan. Sa pamamagitan ng
patimpalak na ito ay maipapakita ang kahusayan sa sining ng mga mag-aaral gamit ang iba’t
ibang online application. Gayundin, upang mabigyan ng kakaibang kulay at ningning ang
panitikang Filipino.

Alituntunin:

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University-


College of Teacher Education.
2. Ang bawat mag-aaral na lalahok ay bubuo ng malikhaing obra na nakatuon sa tema ng
pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan na may temang “Limandaang Taon ng Pagsulat
sa Kalibutang Filipino”.
3. Ang bawat kalahok ay maaaring gumamit ng anumang online application.
4. Ang soft copy ng pinal na produkto ay direktang ipapasa sa
kapisananginangwika@gmail.com
5. Ang mga mananalo ay ipakikilala sa pagtatapos ng buwan ng Abril at mabibigyan ng
sertipiko ng pagkilala at papremyo.
6. Narito ang gabay sa pagpili ng mananalo:

Panukatan:
Nilalaman 45%
Pagkamalikhain 25%
Disenyo (estilo at kulay na ginamit) 20%
Pangkalahatang Impact 10%
Kabuoan 100%
BLACKOUT POETRY

Maraming mukha ang pagsusulat ng tula, nariyan ang mga minana nating Tanaga at
Haiku, isa na rito ang blackout poetry na may kakaibang istilo sa paghabi ng mga talinghaga.
Layunin ng patimpalak na ito na bigyan ng kakaibang timpla ang pagsusulat ng tula upang sa
gayon ay maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang natatagong kahusayan.

Instruksiyon sa Blackout Poetry

1. Gamit ang marker, burahin ang mga salita na hindi kailangan


2. Ang mga salita naman na magagamit ay maaari mong bilugan upang mas madali na
makita ang mga ito
3. Kapag napili at nabilugan na ang mga salita ay nasa sa inyo kung paano ang inyong
pamantayan sa pagbibigay ganda sa inyong ginawa
4. Basahin at tingnan upang mas makita ang magandang daloy ng tulang nagawa

Alituntunin:

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University-


College of Teacher Education.
2. Ang bawat kalahok ay maaaring pumili at gumamit ng dyaryo, article at pahina ng
libro lamang.
3. Kuhanan ng before and after na litrato ang gagamitin sa blackout poetry at ipasa
kasama ng pinal ng produkto.
4. Ang soft copy ng pinal na produkto ay direktang ipapasa sa official page ng
Kapisanan ng Inang Wika o sa kapisananginangwika@gmail.com
5. Ang mga mananalo ay ipakikilala sa pagtatapos ng buwan ng Abril at mabibigyan ng
sertipiko ng pagkilala at papremyo.
6. Narito ang gabay sa pagpili ng mananalo:
Panukatan:
Nilalaman 40%
Pagkamalikhain 20%
Disenyo (estilo ) 20%
Kaayusan 20%
Kabuoan 100%
PAGGAWA NG TIKTOK VIDEO

Hindi maikakaila na marami ang nahuhumaling sa Tiktok, halos lahat ng mga mag-
aaral ay ito na ang nagmimistulang libangan dahil sa iba’t ibang aktibidad na maaaring gawin
dito. Ngayon na patok sa mga mag-aaral ang Tiktok application ay naisipan ng mga kawani
ng KIW na maaari itong gamitin sa pagbibigay kahalagahan at pagpapalawak sa kaalaman ng
mga mag-aaral tungkol sa mga iba’t ibang karakter na makikita sa mga aklat sa Filipino.

Layunin ng patimpalak na ito na bigyan ng kakaibang timpla ang pagpapakilala sa


mga tanyag na nilalang na kadalasang nababasa sa mga aklat gamit ang Tiktok upang mas
mapahalagahan at maalala ang mga mukha ng panitikang Filipino. Bukod pa rito,
maipapamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang pagiging malikhain at maging ang
pagpupugay sa panitkang Filipino.

Alituntunin:

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University-


College of Teacher Education.
2. Ang bawat mag-aaral na lalahok ay bubuo ng isang video kung saan pinoportray ang
sinumang napiling karakter mula sa libro na nasa Filipino
3. Ang bawat kalahok ay magbibigay ng maliit na deskripsiyon sa napiling karakter.
4. Ang soft copy ng pinal na produkto ay direktang ipapasa isa official page ng
Kapisanan ng Inang Wika lamang.
5. Ang mga mananalo ay ipakikilala sa pagtatapos ng buwan ng Abril at mabibigyan ng
sertipiko ng pagkilala at papremyo.
6. Narito ang gabay sa pagpili ng mananalo:
Panukatan:
Nilalaman 40%
Pagkamalikhain 50%
Pangkalahatang Impact 10%
Kabuoan 100%

You might also like