You are on page 1of 2

Ang Magkaibigang Pato at Pabo

Sa bukirin ni Mang Ganso nagtratrabaho ang magkaibigang Pabo at Pato. Masipag

ang dalawa bukod doon ay pasensyoso at masinop rin sa pera kung kaya’t hindi nauubusan

ng pang-gastos. Magkapit bahay sila at matalik rin na magkaibigan ang kanilang mga

magulang.

“Pabo, wala ka bang balak mag-aral,” tanoong ni Pato sa kaibigan isang araw habang

nagpapakain sa mga alagang hayop ni Mang Ganso. “Mayroon naman, balak ko sanang

pumasok diyan sa malapit na paaralan, ngunit hindi pa sapat ang aking ipon,” sagot ni Pabo.

Hindi makapaniwala si Pato sa sagot ng kaibiga, hindi iyon ang inaasahan niyang sagot mula

rito. “Diyan sa malapit na paaralan?” Hindi naiwasan ni Pato na magtaas ng boses sa

kaibigan. “Oo, anong masama roon,” nagtatakang tanong naman ni Pabo dahil hindi niya

makuha ang nais iparating ng kaibigan. “Wala ka bang balak bumalik sa pag-aaral?” Dagdag

tanong nito ng hindi nagsalita ang kaibigan at umiling-iling pa.

“Mayroon, pero mataas ang aking pangarap, hindi lamang diyan sa malapit na paaralan ang

nais kong pasukan kung hindi doon sa matayog na unibersidad sa kabilang bayan,” sagot ni

Pato na may pagmamalaki. Matalino ang dalawang magkaibigan ngunit si Pabo ay praktikal

sa mga nais habang si Pato naman ay mataas ang nais makamit. “Aba, Pato, ayos yan ah!

Huwag mo akong kalimutan kapag naroon ka na ha.”

Natuloy ng si Pato sa kaniyang pangarap na mag-aral sa isang unibersidad. Malayo ‘ito sa

kanilang bahay kung kaya’t minsan lang ito kung makauwi. Naging madalang ang pagkikita

at pag-uusap ng dalawa.

“Aba, ayos ang pormahan natin Pato, ah,” bati ni Pabo, isang arawa, sa kaibigan. “Ganito

talaga ang pormahan doon, kumusta ka naman? Ano nga palang kurso ang kinuha mo?”

Tanong nito sa kaibigan na. “Ako? Kumuha ako ng agrikultura para matuto ako sa
pananaim,” sagot naman ni Pabo na ikina-tawa ni Pato. “Mabuti kung ganoon, ako ay

inihinyero, para makapatayo ako ng mga nagtataasang gusali rito,” sagot nito, napatango-

tango naman si Pabo.

Lumipas ang maraming taon na nagkayod ang dalawa sa pag-aaral at paghahanap buhay.

Naitaguyod nila ito ang nagkaroon ng kaniya-kaniyang buhay. Hindi na rin nagkaroon ng

pakakataon na mag-usap ang dalawa at tuluyang nagkahiwalay ng landas.

“Oh! Pato, bilisan mo riyan, parating ang boss natin para sa buwanang bisita,” tumango si

Pato bilang tugon sa kasamahan. “Mga kasama, magtipon na tayo roon para salubungin ang

ating boss,” nagtipon-tipon nga sila sa isang lugar at ng marinig ang hindi ng mga kabayo na

lunan ng kanilang boss ay na-excite ang karamihan lalo na ng makarating ito sa kanilang

kinaroroonan at bumaba sa kaniyang kabayo.

Si Pato naman, sa kabilang banda ay lumilipad-lipad upang makita ang kanilang boss ngunit

wala itong nakita kaya inantay na lamang nitong makapapunta sa kaniyang pwesto ang boss

na tinutukoy ng mga kasamahan.

Ng makarating ang boss sa kanilang pwesto, napalunok ito at pinunasan ang pawis sa noo.

Pinunasa niya rin ang may mga putik pang kamay at ngumiti.

“Pabo!”

You might also like