You are on page 1of 3

ANG BALITA

Pamamahayag - isang gawain na nauukol sa paglalathala


ng mga babasahin at balita.
Uri ng Pamamahayag

1. Print Media (babasahin) 2. Broadcast Media (Radyo at Telebisyon).

Balita - Isang ulat na hindi pa nailalathala, hinggil sa mga ginagawa ng mga tao na
inaakalang pananabikang mabatid at mapaglilibangan ng mga mambabasa (Alejandro
19). Maaari rin naman, ito ay anumang bagay na ngayon mo lamang nalaman at bago
sa iyong kabatiran na makapagdaragdag sa iyong kaalaman.

- Naglalahad ng kabatiran tungkol sa mga mahahalagang pangyayari na


naganap, nagaganap o maaari pa lamang maganap sa loob at labas ng bansa.
- Alamin kung saan at kung paano makakakuha ng mahahalagang impormasyon
ng balita.

Uri ng Balita
1. Balitang Panlokal – tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring
naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa gaya ng munisipyo,
lungsod o lalawigan.
2. Balitang Pambansa – tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring
nagaganap sa buong bansa.
3. Balitang Pandaigdig – tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring
nagaganap sa iba’t ibang bansa sa buong daigdig.
4. Balitang Pang-edukasyon – tumatalakay sa mga pangyayaring may
kinalaman sa edukasyon.
5. Balitang Pampulitika – tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
pulitika o gobyerno.
6. Balitang Pampalakasan – tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman
sa palaro at kompetisyong pampalakasan.
7. Balitang Pangkabuhayan – tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring
may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
8. Balitang Pantahanan – tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa pamamahala ng ahanan.
9. Balitang Panlibangan – tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring
may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radio, pelikula, tanghalan, at iba
pa.

Pamantayan sa Pagsulat ng Balita


1. Isipin kung anong uri ng balita ang nais pagtuunan ng pansin.
2. Magtala ng mahahalagang tanong bilang batayan sa pagsulat ng isang
kawili-wili at makabuluhang balita. Gamitin ang tanong na ano, sino, saan,
kailan, bakit at paano.
3. Upang maging mahalaga at malinaw ang balita, kailangang maging payak,
tiyak, maikli, bago o sariwa, walang kinikilingan, at higit sa lahat ay
makatotohanan ang balitang isusulat.
4. Higit na magiging kawili-wili kung ang balita ay may kahalagahan ang
pangyayari, hindi pangkaraniwan, may drama at tanyag ang pinag-uusapan.
5. Isulat palagi sa unahan ang pinakamahalagang balita. Maaaring buuin sa
isa o dalawang talata.
Pamamaraan ng Pagbuo ng Balita

Bahagi ng Balita
a. Ulo ng Balita– dito matatagpuan ang paksa ng balita.
b. Pamatnubay – pinakamahalagang bahagi ng balita na matatagpuan sa
unahan. Sumasagot sa tanong na ano, sino, saan, kailan, bakit at paano.
c. Katawan ng Balita– naglalaman ng datos na naglalahad ng patnubay
mula sa pinakamahalagang datos hanggang sa pinakamaliit na detalye ng
impormasyon ng balita.

Ilang Payo sa Reporter: Inverted


Pyramid/Triangle
1. Unawain ang istorya bago ito hanapin.
2. Alamin ang maaring pagmumulan ng balita;
kunin ang buong pangalan ng tao, titulo nila
at tamang baybay ng mga pangalan.
3. Alamin ang uri ng balitang angkop - advance,
sports o follow-up.
4. Alamin ang mga bagay-bagay sa likod ng balita.
5. Gumawa ng appointment o pakikipagtipan bago
ang deadline.
6. Alamin ang tamang pakikipanayam, harapan man
o sa telepono.
7. Maging magalang at matapat.
8. Kunin ang mabuting pagtingin ng kinakapanayam.
9. Iplano ang mga itatanong.
10. Sabihin kaagad na ikaw ay isang reporter.
11. Huwag makipagtalo kundi kunin ang opinion
at facts ng kinakapanayam.
12. Dapat marunong gumawa ng tala. Huwag magtiwala sa memorya.
13. Kumuha ng mg adagdag na impormasyon tungkol sa istoryang susulatin.
14. Maging masigla at maasahan.
15. Maging maagap, maagang dumating sa tipanan.
16. Magkaroon ng kalugud-lugod na personalidad.
17. Linangin ang kakayahang magmasid.
18. Magkaroon ng malinaw na isipan at kakayahang ipahayag ang iniisip.
19. Sumulat ng tama.

You might also like