You are on page 1of 2

Magandang araw sa ating lahat!

Ang Kapisanang Inang Wika o KIW ay isang maliit na organisasyon na binubuo ng


mga mag-aaral na kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya,
dalubhasa sa Filipino ng Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos-
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro. Pinapatnubayan ito ni Gng. Melanie Arellano at
pinamumunuan ng mga nahalal na opisyal upang maisakatuparan ang mga
programa at aktibidad ng organisasyon. Kasapi at kaagapay natin sa pagpapatupad
ng mga programa at aktibidad ang Sentro ng Wika at Kultura o SWK na
pinangangasiwaan ni Dr. Maria Eliza S. Lopez. Matatagpuan ang tanggapan ng mga
kapisanang ito sa Tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura ng Pampamahalaang
Pamantasan ng Mariano Marcos- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.

Ayon sa nirebisang saligang batas at alituntunin ng Kapisanang Inang Wika,


Ikatlong artikulo, seksyon 1; Bilang isang akademikong samahan o organisasyong
nagpapasidhi at nagsusulong sa pagmamahal at pagdambana sa wikang pambansa,
ang kapisanan ay naglalayong;

1. Mahimok ang kawilihan ng mga mag-aaral upang makibahagi o makilahok


sa mga pangkomunidad na gawain.
2. Mahikayat ang mga mag-aaral na bigyang pagpapahalaga ang panitikan sa
pamamagitan ng pagsali ng mga iba’t ibang aktibidad na pinangangasiwaan
ng kapisanan
3. Mahasa at mahubog ang mga kasanayang likas sa mga mag-aaral tulad ng
mga makrong kasanayan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing
pinangungunahan ng kapisanan
4. Mabigyang kabuluhan ang mga usaping pangwika at pampanitikan sa
pamamagitan ng paghihimok sa mga mag-aaral na makilahok sa
isinasagawang tertulya na pinagtitibay ng kapisanan at ng Sentro ng Wika at
Kultura; at
5. Mapaigting ang tunay na kahalagahan ng wikang Filipino bilang isang mag-
aaral at bilang isang mamamayan ng Filipinas.

Sa pamamagitan ng mga layuning ito nakagagawa at nakaiisip ng mga aktibidad


ang kapisanan upang mas mapaigting ang pagkakaisa at pagpapaunlad ng ating
wika at kultura. Lubos na pinagtutuunan ng pansin ng KIW at SWK ang Buwan ng
Panitikan tuwing Abril at Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Ang
dalawang ito ay pinaghahandaan ng mga opisyal sapagkat nagkakaroon tayo ng
Tertulyang Pangwika, Tertulyang Pampanitikan, seminar at mga patimpalak na
sinasalihan ng mga mag-aaral na binibigyang pagkilala sa pamamagitan ng mga
sertipiko. Isa rin ang ating kapisanan sa mga aktibong organisasyon na
nagtataguyod ng mga aktibidad sa ating kolehiyo.

At bilang pagtatapos, hayaan niyong basahin ko sa inyo ang paunang salita ng


nirebisang saligang batas at alituntunin ng Kapisanang Inang Wika.
Kaming (Tayong) mga kasapi ng Kapisanang Inang Wika (KIW) ng
Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos- Kolehiyo ng Edukasyong
Pangguro ay naniniwala na ang kahusayan, pagtutulungan at pag-uunawaan ay
maaaring maisakatuparan at mapanatili sa aming organisasyon; na kami (tayo) ay
maaaring magtulungan upang itaguyod ang aming kagalingan; na maaari kaming
(tayong) maging huwaran ng kabutihang asal bilang mag-aaral ng pamantasan; na
maaari kaming mag-ambag ng mabuting paniniwala bunga ng matamang
pagsisikap sa pagkamit ng mga layunin ng aming (ating) kapisanan at matatamo
lamang nang lubusan sa pamamagitan ng mga pamantayang alinsunod sa batas na
inihayag sa konstitusyong ito.

You might also like