You are on page 1of 17

Filipino

Unang Markahan Modyul 5


Ikalimang Linggo
Alamin Natin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa Modyul 1 matutunghayan
ang mga akdang pampanitikan. Ang mga araling ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng
mga mag-aaral na maunawaan at matatanggap ang kultura, tradisyon at pamumuhay ng iba’t
ibang bansa. May mga gawain at aktibidades na inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng
pagbabasa ng mga piling teksto at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawaing
panggramatika at retorika upang maging interaktibo at aktibo ang pagtalakay sa mga aralin.
Ang Modyul na ito ay hinati sa mga aralin. Ito ay ang mga sumsunod:
Aralin 5 – Nobela mula sa France
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
Nobela

 Nasusuri ang binasang kabanata na nobela bilang isang akdang papanitikan sa


pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw. F10PB-Ig-h-68
 Naibibigayang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo. F10PN-Ig-h-
67
 Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan
pinapahayag nito. F10PT-Ig-h-67
 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata. F10PS-Ig-h-69
 Naisusulat ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga piling
pangyayari sa kabanata ng nobela. F10PU-Ig-h-69
 Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng nobela. F10PD-Ig-h-66

Subukin Natin

Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang orihinal na sumulat sa nobelang, “The Hunchback of Notre Dame”
A. Willita A. Enrijo C. Victor Hugo
B. Willian Blake D. William Shakespears
2. Ang “The Hunchback of Notre Dame” ay sinalin sa tagalog na “Ang Kuba ng Notre Dame”
na galing sa bansang, ____________
A. Italy B. France C. Belguim D. Rome
3. Ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na
kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris.
A. Quasimodo B. Quantum C. Querubin D. Eziquiel
4. Ang magandang dalaga na mananayaw sa Paris.
A. Pierre Gringoire B. Victor Hugo C. La Esmeralda D. Claude Frollo
5. Ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar ng Paris
A. Phoebus B. Claude Frollo C.La Esmeralda D. Pierre Gringoire

2
6. Ang pari ng Notre Dame ng Paris na pinagkakautangan ng loob ni Quasimodo
A. Claude Frollo B. Phoebus C. La Esmeralda D. Pierre Gringoire
7. Ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.
A. Claude Frollo B. Phoebus C.La Esmeralda D. Pierre Gringoire
8. Ang babaeng humahabol kay La Esmeralda na inakala niyang anak na matagal ng
nawawala dahil sa kwintas na nasa leeg nito.
A. Gudule B. Phoebus C. Claude Frollo D. Pierre Gringoire
9. Ang kuba ng Notre Dame ay tumatalakay sa teoryang nagpapahalaga sa kalayaan ng
kaisipan, nagpapahalaga ng dignidad at karanasan ng bawat nilalang kaya nakikita niya
ang katotohanan at kabutihan para maging responsible at maghangad ng mainam
A. Ideyalismo B. Realismo C. Humanismo D. Romantisismo
10. Aling bahagi sa Kuwento ang nagpapakita ng Humanismo?
A. Paparusahan si La Esmeralda sa kasong pagpatay kay Phoebus.
B. Hinabol ni Gudule si La Esmeralda na inakalang anak niya itong nawawala.
C.Ang ginawa ni Esmeralda kay Quasimodo, nang ito ay binigyan niya ng tubig na
maiinom.
D.Ang paring si Claude Frollo ng Notre Dame ng Parisay may lihim na pagtatangi kay
La Esmeralda
11. Ano ang aral na makukuha sa kwento ng ang Kuba ng Notre Dame.
A. Tanggapin at mahalin maging sinuman siya
B. Maging mapagbigay sa kapwa, Huwag maghinaty ng kapalit.
C. Huwag nating husgahan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao.
D. Tibayin ang kalooban anumang pagsubok ang dumating sa buhay.
12. Ang Kulturang Pilipino na masasalamin natin sa kulturang Frances?
A. Mahilig manlait at manukso ang mga Pilipino sa kapwa
B. Mahilig ang mga Pilipino sa pagdiriwang ng kapistahan.
C. Mahilig magsimba ang mga Pilipino lalo na tuwing linggo.
D. Mahilig magbisita Iglesia ang mga Pilipino tuwing mahal na araw
13. Akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit-kabit sa
pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay
maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing
pagsasalaysay
A. Maikling Kuwento B. Piksyon C. Nobela D. Dula
14. Pinagsikapan ni Pierre Grigoire, isang baguhang makata at pilosopo na ibaling ng
mga tao ang pansin sa kanyang palabas, manaood ang mga tao sa halip sa
parada ng kuba sila nakatingin. Ano ang naging damdamin ni Pierre Grigoire?
A. Nagalit B. Nanghinayang C. Nagtatampo D. Nalungkot
15. Ito ay may pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita ukol sa tindi ng emosyon
na ipinapahiwatig ng bawat salita.
A. Klino B. Banghay C. Nobela. D. Damdamin

3
Karagdagang Gawain (online class)
Maaring lumikha ang guro ng Gawain gamit ang google classroom/google meet.Ibibigay ng
guro ang link na gagamitin.

Modyul
Nobela ng France
5

Panitikan: Ang Kuban g Notre Dame


(Nobela mula sa France)
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Mga Hudyat sa pagsusunod-sunod ng
Gramatika at Retorika: pangyayari

Balikan Natin

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
unang leksyon.

Gawain 1. Kuwintas na Makinang


Panuto. Sa tulong ng kwintas ilahad ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa akdang
“Ang Kuwintas” ayon sa bahagi ng Maikling Kuwento.

Gitna

Suliranin Kasukdulan

Panimula Wakas

Tuklasin Natin

Sa seksyon ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan

Gawain2. Kilalanin mo Kami

4
A. Panuto.Isulat sa patlang ang mga kilalang Manunulat ng Nobela sa Ibat ibang lugar
o bansa
Mga Kilalang Manunulat

William Yasunari
LU XUAN VICTOR Shakespear Jose Rizal Bảo Ninh Kawabata
HUGO s

________1.Isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala bílang


pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at preminenteng dramaturgo ng mundo.
Madalas siyang tinatawag na pambansang makata ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng
Avon".
_______ 2. Isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago
sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ay makata, manunulat, at
nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at
ang kasunod nitong El filibusterismo.
_______3.Isang pangunahing manunulat na Intsik nong ika-20 dantaon.Tinuturing na
tagapagtatag ng makabagong panitikang baihua , isa siyang manunulat ng maikling kuwento
namamahalang patnugot , tagapagsalin , manunuri at sanaysayista.
_______4.Isang Pranses na makata , mandudula , nobelista , manunulat ng sanaysay
,artistang pangbiswal , politiko , aktibistang pangkarapatan ng tao ,at tagapagtaguyod
ng kilusang Romantiko. Sa labas ng Pransiya, pinakakilala ang kanyang mga nobelang Les
Misérables at Notre-Dame de Paris.
_______5. Isang Hapones na manunulat ng maikling kuwento at nobelista na nagwagi
ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1968 na unang may akdang Hapones na
nakatanggap ng gantimpalang ito.
_______6. isang nobelang Vietnamese, sanaysay at manunulat ng mga maikling kwento, na
kilala para sa kanyang unang nobela, na inilathala sa Ingles bilang The Sorrow of War. May
dalawang salin sa Hapon, "Sad of War" at "Patungo sa Labanan ng Pag-ibig".

B. Ano ang nakatulong sa kanila upang makilala sila sa buong Mundo?


________________________________________________________________
C. Malaki ba ang naiambag nila sa pagkilala ng iba’t ibang literatura sa buong
mundo? Pangatwiranan. _____________________________________________
D. Sino sa mga manunulat na ito, ang iyong nanaising maging kahalintulad niya?
Bakit? ____________________________________________________________

Panitikang Nobela

- Mahalagang malaman natin at maunawaan kung ano ang nobela, layunin,

5
katangian at elemento nito.
NOBELA – Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas sa tulong ng kabanta - isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga
pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. Maari ring milapat ang teoryang
Humanismo na nagtatanghal ng pagpapahalaga sa kalayaan ng kaisipan, nagpapahalaga ng
dignidad at karanasan ng bawat nilalang kaya nakikita niya ang katotohanan at kabutihan para
maging responsible at maghangad ng mainam.

LAYUNIN:
1.gumising sa diwa at damdamin.
2.nananawagan sa talino ng guni-guni.
3.mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
4.magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
5.nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
7.nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.
8.nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

KATANGIAN:
1. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
2. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
3. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
4. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
7. malinis at maayos ang pagkakasulat
8. Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang
mga tauhan

Talakayin Natin

Pagbasa sa Lunsarang Teksto


Handa ka na ba at sabik nang basahin ang kuwento nobela mula sa Pranses.
Ikinagagalak ko na ang gagawin mong pagbasa ay makakatulong nang malaki upang matuklasan
mo ang pagkakaiba ng nobela Pranses sa nobelang Pilipino. Halina’t magbasa at maglibang.

Ang Kuba ng Notre Dame


(Nobela mula sa France)
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Mga Tauhan:
1. Quasimodo - ang kuba sa kwento na binansagang ang Papa ng kahangalan
2. La Esmeralda- ang babaeng mananayaw ang nag iisang babaeng inibig ni
Quasimodo.
3. Pierre Gringoire- ang kilalang tauhan na nagpupunyagi na makata at pilosopo
4. Claude Frollo- ang paring umampon kay Quasimodo, ang kapatid ni Jehan
5. Phoebus- ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris

6
6. Sister Gudule - ang babaeng nawala sa sarili dahil sa pagkawala ng kanyang anak
na babae
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan
upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre
Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya
ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya
sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya
ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire,
ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na
agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parade. Malaki ang
kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood sa
kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay
Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang.
Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La
Esmeralda – ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa
kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya
nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang
tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo
kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli naming nakatakas si Frollo. Dumating ang
ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian.
Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng
pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La
Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay
sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon,
mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng
palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng
bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng
kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo
– na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob
Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa
bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan
siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging
gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan.
Dumating si La Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig.
Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay
La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng
magnanakaw”.
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na
dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae,

7
labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat
ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni
Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda
si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang
marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na
magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at
nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksikan. Ang kaniyang matinding
pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon
at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang
bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang
hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pagkikipagtipan kay La Esmeralda. Habang
masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay bilang may sumunggab ng saksak
kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari
si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa
kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi nya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay
nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at
ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at
magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La
Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya
sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming
tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni
Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa
tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at
tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si
Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang
tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw
ang katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw
na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong
sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda
sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling
ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap
para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal,
naging magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw –
sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La
Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng
mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang
dalaga.
Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang
nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng

8
dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin sya o ang mabitay? Mas pinili ni La
Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni
Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa
nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil
sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang
anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang
lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang
tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo
ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa
kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa
man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si
Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na
nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore – ang paring kumupkop sa kaniya.
Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng
kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan
ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal.” Mula noon,
hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng
puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang
katotohanan – nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.

Gawain 3. Talasan ang Isip


A. Panuto. Hanapin at bilugan ang salitang maysalunguhit sa loob ng pagungusap
ayon sa antas ng damdamin.
1. Iniluklok sa trono ang pinakamapangit na si Quasimodo kaya ang mga taong nasa paligid
niya ay kitang-kita niya sa mga mata ang labis na panlalait sa kaniya.
2. Nagbubunyi na naman ang mga tao sa kagalakan dahil sa muling pagdiriwang ng
kapistahan sa lugar ng Hangal sa Paris.
3. Malaki ang panghihinayang ni Pierre Gringoire dahil wala man lamang nagtakang
manood ng kanyang inihandang palabas sa kapistahan kaya ganoon na lamang ang
kanyang kalumbayan sa mga oras na iyon.
4. Biglang sumigaw si Quasimodo mula sa pagkakabitin nito sa lubid mula sa Notre Dame.
Kinagagalak niyang dinakip nito si La Esmeralda at dinala nga niya ito sa katedral, kaya
tuwang-tuwa ito dahil nakuha niya ang babaeng nagpatibok sa puso niya.
5. Sa pagkamatay ni La Esmeralda at sumigaw ng malakas si Quasimodo nang “Narito ang
aking mahal”. Ang paghihinagpis na nadarama nito.
B. Pag-unawa sa Akda
Panuto. Sagutin ng may pang-unawa ang mga tanong batay sa isinasaad sa tekstong
binasa.
1. Bakit Gayon na lang ang panlilibak ng mga tao sa kapistahan kay Quasimodo?
___________________________________________________________________
2. Paano ipinakita ni Quasimodo ang kagandahang loob kahit itinakwil at nilait na

9
siya ng mga tao dahil sa kanyang kalagayan? ______________________________
3. Ano-ano ang mga katangian ng mga tauhan sa akda
A. Quasimodo - _____________________________________________
B. La Esmeralda - ___________________________________________
C. Pierre Gringoire –__________________________________________
D. Claude Frollo – ___________________________________________
E. Phoebus – _______________________________________________.
F. Gudule - _________________________________________________
4. Paano ipinakita ni Quasimodo ang isang tapat na pag-ibig? Ipaliwanag
___________________________________________________________________
5. Ilahad ang bahagi ng akda na nangingibabaw sa kultura at kaugalian ng Frances
na masasalamin sa kultura ng Pilipinas.
___________________________________________________________________________

Pagyamanin Natin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtiay ang iyong pag-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto.

Buod ng DEKADA 70
Ni Lualhati Bautista
Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling
katangi-tanging pagkakakilanlan. Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang
maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga
anak sa paaralan. Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak,
lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaad ng pagkamakabayan ay nagtulak
dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit
nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa
inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.
Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol.
Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules.
Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito
at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. Nahuli si Jules at dinala sa Kampo
Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.
Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong
pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap
sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto.
Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na
isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si
Jason.
Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay.
Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang
dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan.
Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik
siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang

10
maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal. May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak,
mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal
at maiiwan na sila ni Julian.
Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan
siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung
papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila.
Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na
lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's
Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis
ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging
biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng
panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga
paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping
mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng
batas militar. Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang
hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa
mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol
sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't
pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.Hindi tipikal na babae si
Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng
mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa
limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya
laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang
pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para
palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang
kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula
sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan
sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa
pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap
sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa! At gaya ng maraming magulang,
hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina:
panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang
kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang
awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng
PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang
silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding
trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng
prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang
mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at
umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na
dekada.

11
Gawain 4. Kilatisin Natin!
A. Panuto. Isulat ang katangian ng ilang tauhan na pinakilala sa akda.

AMANDA

Bilang isang Ina Bilang isang Mamamayan

JULES

Bilang isang Anak Bilang isang Mamamayan

B. Panuto. Ipaliwanag ang pahayag na ito mula sa akda:

1. "Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay!
Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo, sila'y walang
pananagutan sa inyo…" (2 puntos)
___________________________________________________________________
2. Ano man ang dumating na matitinding trahedya ng pamilyang Bartolome,
nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit
hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang
mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may
paglalapit din." (2 puntos)
___________________________________________________________________
3. Panoorin ang bahagi ng Dekada 70. https://youtu.be/jY6P6mDKPNo. Isulat
Ang mga nais ipabatid na pahayag ni Vilma sa mga sitwasyon maririnig dito. At
pagkatapos tukuyin ang damdamin nakapaloob sa bawat pahayag.
__________________________________________________________________
Gawain 5. Pag-unawa sa Binasang Nobela.
1. Bakit mahalagang magkakaugnay ang paglalahad ng pangyayari sa nobela?
___________________________________________________________________
2. Paano nakatulong ang teoryang Humanismo sa pagpapalutang ng kaisipan at
mensahe ng nobela? _______________________________________________
3. Ano ang pagkakaiba ng nobelang ito sa iba pang uri ng akdang pampanitikan?
__________________________________________________________________________
4. Ano ang mga kahinaan ni Quisimodo ang nais mong baguhin sa kanya?
Ipaliwaang kung bakit? ___________________________________________________
5. Anong sitwasyon sa bahagi ng akda ang may tinataglay na kabutihan na makikita
sa mga Pilipino? _________________________________________________________

12
6. Ibigay ang simbolo nakapaloob sa dalawang nobelang, “Dekada 70” at “Kuba sa
Notre Dome”. _ ____________________________________________________

Wika at Gramatika

Ang klino ay ang pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita ukol sa tindi ng emosyon na
ipinapahiwatig ng bawat salita. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay: inis, galit at poot. Magkakasing-
kahulugan ang tatlong salita ngunit magkakaiba ng tindi.
Halimbawa:
• Inis ako sa kanya sa di ko malaman na dahilan.
• Ako ay galit na dahil hindi man lamang siya sumasagot sa mga tawag ko.
• Matinding poot ang nararamadam niya sa mga oras na ito.
Poot
Galit
Inis

Gawain 6. Pagsunud-sunurin
A.Panuto. Pagsunud-sunurin ang ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin. Lagyan ng
letrang A-C ang kahon. Mula sa pinakamababaw hanggang pinakamataas na antas ng
salita
1. 2.
Mahirap Maganda
Dukha Marikit

Hampaslupa Kaakit-akit

3.. 4.
Malambot Masaya
Mahina Natutuwa

Marupok Nagagalak

Tandaan Natin

Gwain 7. Magmasid Tayo!


Panuto. Marami tayo bagay na nakikita di maganda sa loob at labas ng simbahan ganoon pa
man, ano ang maaari mong baguhin sa kanila o maging sa iyong sarili. Gumamit ng mga salita
ayon sa tindi ng damdamin at salungguhitan ito.

POSITIBO NEGATIBO

13
Ako bilang isang mag-aaral…….
Babaguhin ko_____________________________________________________________
atutunayan ko ___________________________________________________________

Isabuhay natin

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa inyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay
Gawain 8. Ibalita mo
Sa nabasa at nasuri natin na nobela. Sa panahon ng
pandaigdigan pandemik na kung tawagin ay Covid-19,
kapag ang isang tao ay tinamaan nito, Ano ang hindi
magandang nararansan nila? Magsagawa ng isang ulat
sa tulong link na ito https://youtube.be/bvwaOVCGWvw
na nagpapakita ng Humanismo Gumamit ng mga salita
ayon sa tindi ng pagpapakahulugan nito para sa pagbuo
ng inyong pag-uulat.
Pamantayan sa Paggawa/Pagsulat ng Komposiyon

10 NAPAKAHUSAY - Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye at


Malinaw at may gramatika
8 MAHUSAY - May kaisahan at sapat na detalye, May malinaw na intensyon
at may gramatika
6 KATAMTAMAN - Konsistent, may kaisiahan, kulang sa detalye at di gaanong
Malinaw ang intensyon at may gramatika
4 MAHINA – Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye, Di malinaw ang
Intensyon hindi wasto ang batas na ginamit at walang gramatika.

Tayahin Natin

Ito ay gawain na naglalayon na matasa o masukt ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
A. Panuto. Punan ang patlang ng tamang sagot ayon hinihingi ito.

Claude Frollo Gadule Klino Nobela France

____1. Ang kura paroko ng Notre Dame na umampon at nag-alaga kay Quasimodo.
____2. Ang babaeng nawala sa sarili dahil sa pagkawala ng anak na babae kung kaya
napagbalingan niya si La Esmerlda dahil sa kuwintas na suot nito.
____3. Ang tawag sa mga salitang may pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita

14
ukol sa tindi ng emosyon na ipinapahiwatig ng bawat salita
____4. Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas sa tulong ng kabanta-isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay.
____5. Ang “The Hunchback of Notre Dame” ay sinalin sa tagalog ni Willita A. Enrijo na
“Ang Kuba ng Notre Dame” na mula sa bansang:

B. Panuto.Hanapin ang mali at bilugan ito sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang
tamang sagot ng maling binilugan sa pangungusap. Kung wala namang mali ang
buong pangungusap. Isulat ang salitang TAMA sa patlang.
_____6. Kung ang nobelang “Dekada 70” ay sinulat ni Lualhati Bautista, nobelang
“Ang Kuba sa Notre Dame” ay sinulat ni Victor Allan Hugo.
_____7. Ang Layunin ng nobela ay gumising sa diwa at damdamin ng mga tao,
mapukaw ang damdamin at magbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa,
_____8. Ang Teoryang Realismo ay nagtatanghal ng pagpapahalaga sa kalayaan ng
kaisipan, nagpapahalaga ng dignidad at karanasan ng bawat nilalang kaya nakikita
niya ang katotohanan at kabutihan para maging responsible at maghangad na
mainam.
_____9. Si Clade Frollo ang kilalang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris
na sa unang tigin ni La Esmeralda ay napaibig siya nito.
_____10. Si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilangay tinaguriang “Papa ng
Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na
pinakapangit na nilalang sa Paris
C. Panuto.Pagsunod-sunurin ang pangyayaring nakapaoob sa akdang, “Ang Kuba
sa Notre Dame”. Isulat sa patlang ang letrang A-E
_____ 11. Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni
La Esmeralda – ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang
dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang
daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina
Quasimodo at Frollo.
_____ 12. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng
kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay
na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae
akong minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
_____ 13. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang
“Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang
itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris.
_____ 14. Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi nya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam.
Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo.
_____ 15. Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw sila
ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda

15
Gawin Natin
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain 9. Magpakailanman!
Panuto. Nabatid natin ang Layunin, katangian at elemento ng Nobela. Dahil sa mahabang
bakasyong naranasan, batid natin na nakapanood ka ng mga tele-nobela tulad ng
Korean-Drama, Chinese -Drama, Indo-Drama at iba pa na bansa. Pumili ng isang
Tele-nobelang napanood. Sundin ang mga sumusunod na pormat. Isulat malinis na papel

I. Pamagat ng Tele-Nobela:
2. Ano-ano pangalan ng Tauhan at mga Katangiang panlabas at panloob ng awat isang
karakter:
3. Ano ang nakaakit sa iyo upang panoorin ang tele-nobela? Ipaliwanag
4. Ano ang damdamin mo habang pinapanood mo ito? Ipaliwanag
5. Magbigay ng mga patunay o sitwasyon na may pagkakapareho ang kultura ng
Pilipinas sa Kultural nila. (5 patunay)
6. Anong pangyayari naman sa telenobela ang hindi mo nagustuhan o di kanais-nais
para sa manonood? Bakit?
7. Lahat ng pelikula may tema rin ito? Ibigay ang tema ng pinanood mo. Akma ba ang
tema sa istorya? Pangatwiranan.
8. Magbigay ng positibo at negatibong reaksyon mula sa Tele-nobela
9. May bagay ka bang natutuhan sa pinanood mo ? Ilahad kung ano-ano ang mga iyon
10.Ano rekomendasyon mo para dito? Ipaliwanag.
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12
Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at
Dr. Ana Maria Cabuhat
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33Phase III,
Golden City, Imus Cavite

Teksto/Babasahin/imahe
https://www.facebook.com/g10lessons/posts/-filipino-buod-ng-nobelang-dekada-70-
ni-lualhati-b-ang-dekada-70-ay-tumatalakay-/2021064941331368/
(http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuba-ng-notre-dame.html?m=1
https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela
https://youtu.be/jY6P6mDKPNo
https://brainly.ph/question/181215#readmore
https://images.app.goo.gl/ixGw75uQApDJ8a1T8
https://youtube.be/bvwaOVCGWvw

16
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: RAQUEL SALCEDO
Editors: VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE MENDEZ - PAGALING
Content Evaluator: MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluator : JHON LESTER SANDIGAN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA , EPS-FILIPINO
Illustrator: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Layout Artist: LEO U. PANTI
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

17

You might also like