You are on page 1of 44

Maikling Kwento

(Ang Bansang France)

Inihanda ni : Gng. Gerlie G. Padua


Layunin:
• Nakabubuo ng konsepto tungkol sa mga
nasaliksik na impormasyon.
• Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan
• Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na
pagsusuri sa mga isinagawang critique
tungkol sa alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean
• Naipapaliwanag ang ilang mga pangyayaring
napakinggan o napanood na may kaugnayan
sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig.
TANONG :
• Nasasalamin ba sa uri ng
kasuotan ang antas sa lipunan ng
isang tao? Patunayan.
• Nakikilala rin ba ang ugali o
pagpapahalaga ng isang tao sa
pamamagitan ng kanyang
pananamit
• Paano makatutulong ang mga
panghalip bilang panuring sa mga
tauhan sa pagsulat ng sariling
wakas ng kuwento?
TANONG :

Ano – anong
impormasyon ang
nakuha mula sa
napanood na bidyu?
PANGKATANG GAWAIN :
Pangkat 1 Bumuo ng isang maikling
skit tungkol sa kultura ng France
Pangkat 2 Bumuo ng slogan na
tumatalakay sa katangian ng mga
Pranses
Pangkat 3 Lumikha ng awit tungkol
sa isyung panlipunan na tinalakay sa
bidyung napanood.
Pangkat 4 Bumuo ng isang saknong
ng tula na may kaugnayan sa
nilalaman ng bidyung napanood.
• 1.Ano ang pinahahalagahan ng mga
taga-France? Bakit? Magbigay ng
halimbawang pangyayari batay sa iyo ng
napapakinggan sa balita.
• 2.Para sa mga taga-France, ano ba ang
katangian ng isang huwarang babae o
lalaki? Bakit?
• 3.Ihambing ito sa Pilipinas. Ano ba ang
pinahahalagahan ng mga Pilipino bilang
katangian ng isang huwarang babae o
lalaki? Bakit? Magbigay ng halimbawa
ng pangyayari na magpapatunay sa
iyong kasagutan.
Nalaman ko na ang
kultura ng France ay
____________________
Ang mga katangian ng
mga babaeng Franses
ay _____________ na
maihahambing sa mga
Pilipina.
Ilarawan Mo.
Para sa iyo, anu-ano ang
katangiang dapat taglayin ng
isang huwarang babae o lalaki?
Magbigay ng tatlong katangian
at isulat sa loob ng hugis puso.
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ano ang kahalagahan ng
kultura at tradisyon ng
mga taga-France upang
kilalanin sila sa lipunan?
Ihambing ito sa Pilipinas.
Pareho/magkaiba ba ang
kanilang paniniwala
tungkol dito? Bakit?
Takdang Aralin :
1.Basahin ang maikling kuwento ng
pinamagatang “Ang Kuwintas” ni
Guy de Maupassant.
2.Tukuyin kung ano ang ugali ng
mga sumusunod na tauhan.
Ipaliwanag ang sagot sa
pamamagitan ng pagsasalaysay ng
pangyayaring magpapatunay dito.
A. Mathilde
B. G. Loisel
C. Madame Forestier
Ang Kwintas
(Guy de Maupassant)

Inihanda ni : Gng. Gerlie G. Padua


Layunin:
• Naibubuod ang kuwento sa
pamamagitan ng story ladder
batay sa elemento nito.

• Napapatunayang ang mga


pangyayari sa akda ay
maaaring maganap sa tunay
na buhay
Iguhit Mo…
Iguhit ang bagay na hinahangad
mo. Ipaliwanag kung bakit gusto
mo itong makamit.

1. Ano ang bagay na nais


mong makamit? Bakit?
2. Paano mo ito makakamit?
Ang Kwintas
Guy de Maupassant
Pangkatang Gawain:

Pangkat 1 Pumili ng isang


makatotohanang pangyayari sa akda
at itanghal ito. Ihandang ipaliwanag
kung bakit ito makatotohanan.
Pangkat 2 Kilalanin Mo (character
map ng bawat pangunahing tauhan
sa kuwento)
Pangkatang Gawain:
Pangkat 3 Ihambing ang mga pangunahing tauhan
sa kuwento

Pangkat 4 (Think-Pair-Share)
Paghambingin ang ang kulturang natuklasan mula
sa mga pangunahing tauhan ng kuwentong pinag-
aralan sa kultura nating mga Pilipino sa larangan ng
kababaihan, pagkain at pananamit. Hanapin ang
pagkakatulad at pagkakaiba. Maaaring gumamit ng
talahanayan upang malinaw itong magawa.
Magbigay ng mga pagpapatunay sa pamamagitan
ng mga halimbawa.
Pagbubuod ng Maikling Kwento
gamit ang Story Ladder
Patunayan na ang sumusunod na mga
pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa
tunay na buhay.
Takdang Aralin :

1. Ano ang panghalip?


2. Ano-ano ang panghalip
na panuring?
Panghalip Panuring

Inihanda ni : Gng. Gerlie G. Padua


Layunin:
▪Isulat ang angkop na
panghalip panuring sa
bawat pangungusap

▪Nagagamit ang angkop na


mga panghalip bilang
panuring sa mga tauhan
Patunayan na ang
sumusunod na mga
pangyayari sa akda
ay maaaring
maganap sa tunay na
buhay.
Bumuo ng tig - limang
pangungusap kaugnay ng
napanood na bidyu.
Salungguhitan ang pangngalan
na ginamit sa pangungusap.
Tatagal ang gawain sa loob ng
limang minuto.
Halimbawa:
Namatay ang pitumpo at
tatlong mga Pranses dahil sa
rumaragasang trak.
Kohesyong Gramatikal
• Gamit Pang-ugnay na
nagdudugtong o nag-
uugnay sa mga
pangungusap o sugnay ng
isang babasahin o teksto
• Tinatawag na referents o
reperensiya
2 Uri ng Reperensiya
1. Anapora
❖ ay mga reperensiyang
kadalasan ay panghalip sa
hulihang bahagi na tumutukoy
sa mga nabanggit na sa unahan
ng teksto o pangungusap.

❖kapag ito ay pamalit o


pagpapatungkol sa
pangngalang ginamit sa
unahan
Halimbawa:
1. Karamihan sa mga tao ay
ikinakabit ang kulturang
Pranses sa Paris. Ito ang
sentro ng moda, pagluluto,
sining at arkitektura.
2. Ang France ay mula sa
salitang “Francia”. Noong
panahon ng Iron Age at
Roman era, ito ay una nang
tinawag na Gaul.
2. Katapora
❖ ay mga panghalip sa
unahang tutukoy sa mga
babanggiting Pangngalan sa
hulihan ng teksto o
pangungusap

❖kapag ito ay pamalit o


pagpapatungkol sa pangngalang
ginamit sa hulihan nito
Halimbawa:
1. Sila ay sopistikado kung
manamit. Mahilig din sila sa
masasarap na pagkain at
alak. Ang mga taga-France
ay masayahin at mahilig
dumalo sa mga kasayahan.
Halimbawa:
2. Labis ang kaniyang
pagdurusa at paghihinagpis
dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig
upang magtamasa nang lubos
na kaligayahan sa buhay.
Taglay ni Mathilde ang alindog
na hindi nababagay sa
kasalukuyang kalagayan sa
buhay.
Pagsasanay: Panuto: Isulat ang angkop
na panghalip panuring sa bawat
pangungusap.
1. Ang France ay una nang
tinawag na Rhineland. Noong
panahon ng Iron Age at Roman era,
____ ay tinawag na Gaul.
2. _____ ay sopistikado kung
manamit. Mahilig din sila sa
masasarap na pagkain at alak. Ang
mga taga-France ay masayahin at
mahilig dumalo sa mga kasayahan.
Pagsasanay: Panuto: Isulat ang angkop
na panghalip panuring sa bawat
pangungusap.

3. Karamihan sa mga tao ay


ikinakabit ang kulturang Pranses
sa Paris. _____ ang sentro ng
moda, pagluluto, sining at
arkitektura.
Bakit mahalaga sa pagsulat
at pakikipagtalastasan ang
paggamit ng mga panuring
sa pang araw – araw na
buhay?
Paano makatutulong ang
mga panghalip bilang
panuring sa mga tauhan
upang maging malinaw ang
paglalahad ng mga
pangyayari sa kuwento?
Tukuyin ang uri ng kohesyong gramatikal na
ginamit sa mga sumusunod na pahayag ni Pang.
Rodrigo Duterte sa kanyang SONA.(State of the
Nation’s Address). Pagkatapos, bilugan ang
referents nito.
1.Sa tulong ng mga ekonomista,
nakapag-balangkas sila ng mga
polisiya na magsisilbing pundasyon ng
ekonomiya sa mga susunod na taon.
2. Isinaad ni Pang. Marcos na
palawigin pa ang KADIWA sa buong
bansa dahil sa magandang resulta
nito.
3. Pinapalawak natin ang kanilang
kaalaman sa makabagong mga
teknolohiya at pamamaraan. Isa na
rito ang paggamit ng bio-fertilizers, na
gawa sa Pilipinas at subok din at maa-
asahan. Sa balanced fertilizer
strategy, gaganda ang ani ng mga
magsasaka. Hindi na nila kailangan
pang umasa sa mas mahal at
imported na fertilizer.
Takdang-Aralin:
Sumulat ng sariling wakas ng kuwentong
“Ang Kuwintas”.Salungguhitan ang
panghalip panuring at bilugan ang
pangngalang binigyang turing nito.
Pamantayan:
1. Makabuluhan at
naiibang wakas - 5
2. Angkop na gamit ng
panghalip panuring - 5
KABUUAN 10
Story board

Inihanda ni : Gng. Gerlie G. Padua


Story board
• isang grapikong representasyon ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng mga
larawan na inaayos ayon sa pagkakasunod-
sunod sa layuning buhayin sa isip o diwa
ang larawang gumagalaw, animation at
motion graphic
• Nagsimula ang storyboarding sa Walt
Disney Productions sa pagsisimula ng 1930,
pagkaraan ng ilang taon ng katulad na
proseso nang paggamit sa Walt Disney at
iba pang animation studios.
Ikaw ay lalahok sa paligsahan na
inilunsad ng Palanca Memorial
Awards tungkol sa pagbabago o
pagpapalit ng wakas ng
natatanging maikling kuwento na
may malungkot at nakabiting
wakas tulad ng “Ang Kwintas”. Ang
iyong nabuong wakas ay
isasalaysay mo sa mga hurado sa
pamamagitan ng storyboard.
Pamantayan sa Pagbuo ng Story Board

Makabuluhan at Naiibang
50%
Wakas
Pagkamalikhain 30%

Daloy ng Kaisipan 20%

KABUUAN 100%

You might also like