You are on page 1of 24

10

Unang Markahan-Modyul 4:
MAIKLING KUWENTO
Kaisipan, Ideya at Ugnayan
Filipino– Grade 10
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 4: MAIKLING KUWENTO-Kaisipan, Ideya at UgnayanUnang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Ganunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul


Manunulat: Ronnie Ibay Matela
Editor: Antia D. Dela Pena
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo
Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Unang Markahan – Modyul 4:
MAIKLING KUWENTO
Kaisipan, Ideya at Ugnayan
Alamin

Isang mapagpalang araw sa iyo!

Narito ang panibagong modyul para sa iyo. Tulad ng mga nakaraang modyul. Napakadali
lamang nito. Mahalaga lamang ay magpokus at maglaan ka ng kaunting oras upang matugunan ang
mga kailangan sa modyul na ito.
Inaasahan sa iyo na maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa pagbasa at pakikinig sa mga
teksto sa modyul na ito.Sa araling ito mapag-aaralan mo ang isang maikling kuwento na pinamagatang
“Ang Kuwintas” na galing sa bansang France .Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa pangunahing ideya
at mga pantulong na ideya sa isang babasahin at mga mapapakinggang impormasiyon sa radyo at iba
pang anyo ng media.

Sa Modyul na ito ay matatalakay at matututunan natin ang tungkol sa:

PANITIKAN: “Ang Kuwintas” Original na isinulat ni Guy de Maupassant


Isinalin sa Filipino ni: Joselyn C. Sayson

GRAMATIKA: Pagtukoy ng Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Ideya

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Nabibigyang reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang


pagiging makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.
(F10PB – Ic-d – 64)
2. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.
(F10PT – Ic - d – 63)
3. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.
(F10PN – Ic- d – 64)
Subukin

Kaibigan, marahil ay marami kanang natutunan sa mga modyul na pinag-aralan


nitong nakaraang araw. Para madagdagan pa ang iyong kaalaman naghanda ako ng
isa pang modyul na tiyak na maaaliw ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko.

www.google.com
Pamilyar ka ba sa mga larawan na ito? Nakita mo na ba ito sa telebisyon, mga
babasahin o sa social media? Maari mo bang tukuyin kung ano ang tawag nila sa mga
magagandang lugar na nasa larawan? Pinangarap mo rin bang makapunta rito? Alam mo ba
kung saang bansa matatagpuan ang mga ito?
Tama ba na France ang naging tugon mo? Kung ganoon ay binabati kita! Kung hindi
naman, ayos lang iyon dahil ibabahagi ito sa iyo ng aking panitik.
Ang mga ito ay matatagpuan sa bansang France na makikita sa Kanluran ng Europa.
Ang France ay kilala sa kagandahan nito.
Tayahin natin ngayon kung gaano kalawak ang iyong kaalaman.

Panuto: Iugnay ang sagot sa Hanay B mula sa mga pahayag sa Hanay A na batay
sa kultura at tradisyon ng mga tao sa France.Isulat ang sagot sa sagutang papel
_________1. Ito ang kapitolyo ng France. a. Chauvinism
_________2. Ito ay isang likhang sining sa France. b. Egalite
_________3. Siya ay kinilala sa larangan ng sining. c. French
_________4. Ito ay ekspresiyong nagmula sa France. d. Katoliko
_________5. Ito ang pinakamalaking museo ng France. e. Keso
_________6. Ito ang pangunahing sangkap sa pagkaing France. f. Louvre museum
_________7. Ito ang pangunahing relihiyon sa bansang France. g. Marso 10
_________8. Ito Ang pangunahing wika ng mga mamayan sa France. h. Mayo
_________9. Ito ay bahagi ng kanilang paniniwala na nanganga. i. Monalisa
hulugang pagkapantay-pantay.. k. Paris
_________10. Ito ay petsa kung kailan ipinagdiriwang ng mga j. Pablo Picasso
Pranses Ang kanilang kalayaan o tagumpay.
Lesson
MAIKLING KUWENTO
4 Kaisipan, Ideya at Ugnayan

Balikan

Kumusta kaibigan? Nasagutan mo ba ng tama ang mga aytem sa unang bahagi ng


modyul? Handa ka na bang alamin ang isang Maikling Kuwento na galing sa bansang France?
Marahil nabasa muna ang mga ilang maikling kuwento tulad ng “ Anim na Sabado ng
Beyblade” na tungkol sa anak na may malalang sakit ngunit ibinigay lahat ng ama habang
nabubuhay pa siya, ito na iyong nabasa noong nasa ika-9 na baitang ka pa lamang. Napag-
aralan mo na rin na ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito ay nag-iiwan ng
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Babasahin natin ngayon ang isang maikling kuwento na pinamagatang “ Ang Kuwintas” na
isang akda mula sa France na sumasalamin sa kanilang kultura.Gayundin, bigyan mo rin ng
pansin kung paano nakatutulong ang mga kaisipan o ideya sa binasa na akda sa pagbuo ng
iyong sariling pananaw. Pagkatapos ay tatayahin natin ang iyong pag-unawa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan hinggil sa nabasang akda.
Handa ka na ba?
Tara na!
ANG KUWINTAS

Mula sa France

(orihinal na isinulat ni: Guy de Maupassant)

Isa si Matilde sa mga babaeng biniyayaan


ng pambihirang kariktan na sa minsang
pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa isang abang
pamilya. Wala siyang ibang kayamanan, at walang
inaasahan. Wala ring paraan upang makilala siya,
maunawaan, mahalin, at pakasalan ng kahit na
sinong mayaman at kilalang tao. Ito’y taliwas sa
pangarap niya at hinahangad sa kanyang buhay at
pinayagan niya ang sariling mapakasal sa isang
karaniwang empleyado lamang ng isang
Instruksiyong pampubliko.

Simple lamang ang kanyang pananamit


dahil mahirap lamang sila at ito’y labis niyang
ikinalungkot sapagkat dama niyang lalo siyang
bumaba sa dapat niyang kalagyan.Nagdurusa siya
ng walang katapusan sapagkat nadarama niyang
ang katulad niya ay nababagay lamang sa luho at karangyaan.

Nagdurusa rin siya sa kaliitan ng kanilang tahanan, sa sira-sirang dingding, lumang upuan, at
sa kupasing kurtina. Lahat ng ito’y nagpapahirap at nagpapangitngit ng kanyang kalooban. Ang
tanawin ng isang maliit na manggagawa habang inaasikaso ang mga gawaing-bahay ay lalong
nakapagpapatindi sa kanyang pagsisisi dahil sa mga pangarap na hindi nagkaroon ng kaganapan.
Kapagdaka ay sumagi sa kanyang isipan ang larawan ng karangyaan. Isang silid na napapalamutian ng
mamahaling kagamitan na tinatanuran ng dalawang nakaunipormeng lalaki, isang marangyang silid na
sadya lamang para sa malalapit na kaibigan na nabibilang sa mataas na lipunan, mga tanyag at
makikisig na binata na ninananis makamit ng kababaihan, ang tanging makakadaupang-palad niya.

Sa oras ng hapunan, habang inaalis ng kanyang asawa ang takip ng ulam nila at pagdaka’y
sinabi nitong wala nang sasarap sa pagkain nilang iyon, ang isipan naman ni Matilde ay lumilipad, nag-
iisip na naman na nasa harapan siya ng masasarap na pagkain na nakalagay sa mamahaling
kasangkapan at habang siya’y kumakain ay humuhuni naman ang magigiting na binata.
Wala siyang magagandang damit, walang alahas, wala lahat. Kung bakit naman iyon pa ang
pinakamimithi niya sa kanyang buhay. Ninanais niya na siya’y kagiliwan

Mayroon siyang kaibigan, isang dating kamag-aral sa kumbento, mayaman iyon subalit ayaw na niya
itong makita sapagkat nagdusa siya ng labis nang ito ay bumalik.

Isang gabi, masayang dumating ang kabiyak ni Matilde. May dala itong imbitasyon at masaya
itong iniabot sa kanya. Binasa iyon ni Matilde at nakasaad doon na silang mag-asawa’y iniimbitahan
na dumalo sa Ministri na pinaglilingkuran ng lalaki. Ngunit taliwas sa inaasahan ng asawa na magiging
masaya ang babae, bigla na lamang nitong tinapon ang imbitasiyon sa mesa. Pagkatapos ay inis na
tinanong sa asawa kung ano ang gagawin niya roon. “ Ngunit mahal” ,sabi ng kabiyak, “ akala ko’y
matutuwa ka. Hindi ka pa lumalabas at ito’y bihirang pagkakataon. Nagkandahirap ako upang
makakuha niyan. Lahat gustong pumunta, piling-pili lamang ang panauhin at hindi lahat ng empleyado
ay bininigyan ng imbitasyon. Lahat ng opisyal ay paparoon.”

Tinignan ni Matilde nang may pagkainis ang asawa at pagkatapos ay tinanong ito kung ano
ang isusuot niya sa pagtitipong iyon. Nag-iisip ang asawa at sinabing iyong damit na isinuot niya nang
manood sila sa teatro ay maganda at puwedeng iyon ang isuot niya; pagdaka’y tumigil ang lalaki sa
pagsasalita sapagkat nakita niyang umiiyak ang kanyang asawa.

“ Ano’ng nagyayari sa iyo?” tanong ng lalaki kay Matilde.

Sumagot si Matilde “ Wala, kaya lang, wala akong damit kaya hindi ako makakadalo sa
pagtitipon iyon, mabuti pa’y ibigay mo na lang ang imbitasiyon sa iba mong kasamahan na may mga
asawang maraming kagamitan sa sarili!”.

Napayuko ang lalaki pagkatapos ay sinabi ang ganito sa asawa. “ Halika, Matilde. Magkano ang
magagastos mo sa damit na iyong isusuot sa okasyon?”.

Nag-isip si Matilde at kinalkula ang magagastos niya na hindi maaaring tanggihan ng kanyang
asawa. “Hindi ko alam ang eksaktong halaga subalit, ang apat na raang prangko ay husto na.” Sabi ni
Matilde.

Namutla nang bahagya ang lalaki pagkat ang naturang halaga ay gagamitin sana nito sa pagbili
ng baril na magagamit sa pamamaril kasama ang ilan niyang kaibigan sa pagdating ng tag-init.

“Sige, bibigyan kita ng halagang kailangan mo. Siguraduhin mo lang na makabibili ka ng


magandang damit” sabi ng kabiyak ni Matilde na si G. Loisel.

Habang papalapit ang pagtitipon si Matilde ay malungkot, hindi mapalagay at nag-aalala.


Handan na ang kanyang damit. Isang gabi ay kinausap siyang muli ng kanyang asawa. “Ano na naman
ba ang problema? Napapansin ko na kakaiba ang kinikilos mo nitong mga huling araw.”

At siya’y sinagot ng babae, “Naiinis ako sapagkat wala man lang ako kahit isang alahas, walang
mamahaling bato, wala kahit isa. Mabuti pa huwag na lang akong pumunta roon.”

Ngunit hindi kumbinsido ang lalaki sa ideya ng asawa.

“Hindi, wala nang hihigit pang kahihiyan kaysa magmukha kang kawawa at mahirap sa pagitan
ng babaeng mayayaman.”

Sumigaw ang asawa, “Napakahangal mo naman! Hanapin mo ang kaibigan mong si Gng.
Forestier at hilingin mong pahiramin ka ng ilang alahas.
Pagkatapos ay napaiyak si Matilde.

“Oo nga. Hindi ko naisip iyon.”

Nang sumunod na araw, pumunta siya sa kanyang


kaibigan at sinabi ang kanyang malungkot na kalagayan.
Kinuha ni Gng. Forestier ang isang malaking kahon na
naglalaman ng mga alahas at sinabi kay Matilde na pumili
na siya. Ipinakita sa kanya ang mamahaling alahas, mga
hiyas at bato na kapuri-puri ang pagkakagawa. Isinuot niya
ang mga iyon

subalit parang hindi pa rin siya kuntento. Pagkatapos ay tinanong


niya ang kaharap kung mayroon pa ba itong ibang alahas. Ipinakita pa ng kaibigan ang iba pang alahas
at natuklasan ni Matilde ang isang pagkaganda-gandang kuwintas na diyamante at iyon ay nagpabilis
sa tibok ng kanyang puso. Naroon ang matinding pagnanais. Nangangatal ang kanyang kamay nang
kunin ito. Isinuot iyon sa kanyang leeg at hindi makapaniwala si Matilde sa nakitang anyo sa salamin.
Tinanong niya ang kaibigan. “ Pwede mo bang ipahiram sa akin ito?”

“Oo, bakit hindi?”

Niyakap niya ang kaibigan at hinalikan, pagkatapos ay umalis na dala ang alahas.

Dumating ang araw ng pagtitipon, nagtagumpay si Matilde. Pinakamaganda siya, elegante,


kagalang-galang, parating nakangiti, at tuwang-tuwa. Lahat ng lalaki ay nakatingin sa kanya at bawat
isa ay nagnanais na makilala siya at kahit na ang pinakamataas na opisyal ay gusto siyang makasayaw.
Nilunod niya ang sarili sa kaligayahan. Nagsayaw,nakipag-inuman at pansamantalang kinalimutan ang
anomang suliraning bumabalot sa kanyang katauhan. Umalis si Matilde nang alas-kuwatro ng umaga
sa kasayahang iyon. Ang kanyang asawa ay nakatulog na kasama ng iba pang lalaki na ang mga asawa
ay nagsisipagdiwang pa.

Binabalan si Matilde ng asawa, isang maruming tela, ngunit tinanggihan niya ito sapagkat
alangan ito sa kanyang mamahaling damit. Nag-aalala siya nab aka Makita siya ng ibang babaeng may
mamahaling balabal

Umalis si Matilde at hinabol siya ng asawa. Hindi sila nakakita ng masasakyan. Mayamaya ay may
nakita silang sasakyan na narararpat lamang sa mahihirap. Nakarating sila sa kanilang tahanan at para
kay Matilde, tapos na ang isang magandang pangarap sapagkat balik na naman siya sa dati. Muli ay
humarap siya sa larawan upang masdan muli ang kagandahanghinangaan ng marami subalit laking
gulat niya sapagkat nawawala ang kuwintas sa kanyang leeg. Nilapitan siya ng kaniyang asawa at
tinanong kung ano ang nangyari sa kanya.

“Naiwala ko ang kuwintas.”

Tumayo ang asawa, “Ano, paano? --- imposible!”

Pagkatapos ay nagsimula silang maghanap, sa bulsa ng kanyang damit, kung saan-saan. Hindi
nila iyon nakita.

Tinanong siya ng lalaki.”Sigurado ka ba na nang umalis tayo ay suot mo pa amg kuwintas?”

“Oo naramdaman ko pang suot ko iyon habang nasa kasayahan.”


“Kung naiwala mo iyon sa kalsada, maririnig natin ang tunog noon nang malaglag. Maaaring
naiwan iyon sa taksi.”

“Hindi e, at hindi mo napansin iyo?” “Hindi.”

Nagkatinginan ang mag-asawa. Litong-lito, pagkuwa’y, nagbihis muli si Loisel, ang asawa.
Pupuntahan niyang lahat ang lugar na pinanggalingan nila at hahanapin ang kuwintas. Bumalik ang
asawa ni Matilde nang ikapito ng gabi. Ngunit hindi niya natagpuan ang kuwintas. Pumunta siya sa
himpilan ng pulisya, sa mga palimbagan ng diyaryo upang mag-alok ng gantimpala sa sino mamng
makakukuha nito. Subalit bigo pa ring umuwi ang lalaki. Sinabi nit okay Matilde na sulatan ang kaibigan
upang sabihin na may nasira sa kuwintas kung kaya’t hindi pa maisasauli. Pagkaraan ng isang lingggo
ay nawalan na sila ng pag-asa at si Loisel, kabiyak ni Matilde, ay tila tumanda ng limang taon dahil sa
laki ng problema. Napagkasunduan nila na kailangang palitan nila ang nawalang alahas. Nagpunta sila
sa iba’t-ibang tindahan ng alahas at naghanap ng katulad na katulad ng nawalang alahas. May
natagpuan naman sila at ito’y nagkakahalaga ng apatnapung libong prangko ngunit makukuha nila ng
tatlumpu’t anim na libong prangko.

Si Loisel ay may labing walong libong prangko na minana sa kanyang ama at ang iba’y
hihiramin na lamang nila. Lahat na lamang ng mauutangan ay nilapitan ni Loisel maging ito’y mga
usurer na nagpapatubo nang masyadong malaking interes, mabayaran lamang ang kuwintas.

Matapos makaipon ng malaking halaga ay binayaran nila ang kuwintas at isinauli kay Gng.
Forestier. Hindi na nila sinabi ang mga pangyayari sapagkat nangangambang baka sila
mapagbintangang magnanakaw.

Upang makabayad sa pagkakautang, pinaalis nila ang mga katulong at lumipat sila ng tirahan.
Ngayon, naranasan ni Matilde ang mabibigat na gawaing-bahay, ang pangangalaga ng kusina,
nagliligpit siya ng mga plato,

naglalaba, umiigib ng tubig, at namamalengke.

Bawat buwan, kailangan nilang magbayad ng iba nilang utang.

Ang asawa naman ni Matilde ay dobleng sipag din da trabaho ang ginawa. Ganito nang ganito
ang kanilang nagging pamumuhay. Pagkatapos ng sampung taon ay nabayaran nilang lahat ang
kanilang mga pagkakautang kasabay ng mga ipinataw na interes ditto. Tumanda ang anyo ni Matilde.
Pinatanda siya ng mga gawaing-bahay. Magulo ang kanyang buhok, magaspang ang mga kamay, at
hindi maayos ang pagkakasuot ng palda. Minsan, kapag ang asawa niya ay nasa opisina, uupo siya sa
may tabi ng bintana at muling babalikan ang nakaraan, ang gabing siya ay pinakamaganda at
hinahangaan ng marami. Siguro kung hindi niya nawala ang kuwintas, maaring iba rin ang nagging
takbo ng kanilang buhay.

Isang araw ng lingo, habang namamasyal ay nakita niya ang isang babae na may akay-akay na
bata. Si Gng. Forestier iyon, ang kanyang kaibigan. Hindi malaman ni Matilde kung kakausapin niya si
Gng. Forestier o hindi. Ngunit nakabayad na siya, kaya’t naipasya niyang ipaftapat ito sa kaibigan.

“Magandang umaga, Jeanne.”

Hindi siya agad nakilala ng binati.

“Subalit, Ginang! Hindi ko kayo nakikilala.”

“Ako si Matilde.”
Nabigla ang kaibigan.

“O, kawawang Matilde! Ang laki ng

ipinagbago mo!”

“OO, marami akong pinagdaanang hirap, dahil sa iyo!”

“Dahil sa akin? Paano nangyari iyon?”

“Natatandaan mo ba ang kuwintas na hiniram ko sa iyo?”

“Oo.” “Naiwala ko iyon.”

“Anong ibig mong sabihin? Ibinalik mo iyon, diba?”

“Dinala ko sa iyo ang katulad ng nawalang alahas. Sampung taon naming binayaran iyon.
Siguro naman naiintindihan mo ang kalagayan naming na salat sa buhay. Sa wakas natapos din at
Masaya ako.”

Natigilan si Gng. Forestier...

“ Ang ibig mong sabihin, bumili ka ng kuwintas upang mapalitan ang nawalang alahas?”

“Oo. Hindi mo lang napansin dahil magkatulad sila.”

Pagkatapos ay ngumiti si Matilde na may pagmamalaki. Kinuha ni Gng. Forestier ang dalawang
kamay ni Matilde at pagkuwa’y sinabing, “ Kawawang Matilde! Hindi mo baa lam na ang kuwintas na
iyon ay nagkakahalaga lamang ng limandaang prangko at ito’y gawa lamang sa puwet ng baso?”

Matapos mabatid iyon ay namangha si Matilde at nanlambot.

Halaw mula kina D.Lacano at M. Ipong, Parola 10, p25-29

Suriin

KARAGDAGANG IMPORMASIYON!
Ang iyong binasa ay uri ng kwento ng tauhan. Ito ay isang uri ng kwento na ang higit
na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, pagsasalita at pangungusap at kaisipan
ng isang tauhan. Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o
pinapaksa. Kumakatawan siya sa kabuuan ng kuwento sa pamamagitan ng anomang
nangingibababaw na ideya o ng mga kabuluhan sa kuwento. Nangingibabaw rito ang
isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa akda.

Bonjour! kaibigan, ang kasanayan sa pag-unawa sa akademikong pagbasa ay


nararapat lamang pagtuunan ng pansin. Napakahalaga ng pag-unawa sa pagbasa. Sabi nga
“Walang saysay ang pagababasa kung Walang Pag-unawa”. Ang isang mambabasa ay
kailangang malinang sa pag-unawa. Tara na at tayahin natin kung naunawaan mo ba ang
iyong binasa.
Unawain at sagutin
Piliin ang titik ng salitang kapareho o kaugnay na salita ng nakasalungguhit sa
pangungusap mula sa akda. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Isa si Matilde sa mga babaeng biniyayaan ng pambihirang kariktan na sa minsang


pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa isang abang pamilya.
a. kapuspalad c. mayaman
b. mariwasa d. malungkot

_____2. Nagdurusa siya nang walang katapusan pagkat nadarama niyang ang katulad niya
ay nababagay lamang sa luho at karangyaan.
a. kagipitan c. karukhaan
b. kahirapan d. kasaganaan

______3. Nangangatal ang kanyang kamay nang kunin ito. Isinuot iyon sa kanyang leeg at
hindi makapaniwala si Matilde sa nakitang anyo sa salamin.
a. mahinahon c. nangangati
b. nangangalay d. nangangatog

______4. Lahat na lamang ng mauutangan ay nilapitan ni G. Loisel, maging ito’y mga


usurero na nagpapatubo nang masyadong malaking interes, mabayaran lamang ang
kuwintas.
a. bangkero c. pulitiko
b. buwaya d. tsismoso

______5. Binalabalan si Matilde ng asawa, isang mumurahing tela, ngunit tinanggihan niya
ito sapa`wqgkat alangan ito sa kanyang mamahaling damit
a. binalutan c. hinubaran
b. dinamitan d. inakbayan
Paglimiin at Suriin
Maraming mga pangyayari mula sa binasa ang makatotohanang mangyayari sa
buhay ng isang tao.Sagutin Ang mga tanong batay sa binasa at pananaw ninyo.

Ano ang napakalaking suliranin ni


Matilde? Bakit naging kumplikado
lalo ito?

Sa paanong paraan binigyang


kalutasan ang suliranin ni
Matilde? Tama ba ang ginawa
niyang pagpapasya?Bakit?

Ano ang pangunahing ideya ng


maikling kuwento?

Sa iyong palagay, ang mga


pangyayari ba sa kuwento ay
makatotohanan? Patunayan.

Magbahagi nga ng pagkakatulad na


pangyayari na naranasan mo na?

Anong kultura ng bansang France


ang masasalamin sa akdang
binasa?
Pagyamanin

PAGTUKOY SA PANGUNAHING PAKSA AT PANTULONG NA MGA IDEYA

• Ito ay isang kasanayan na kailangan malinang sa mambabasa. Dito


naisusukat ang kakayahan sa pag-unawa sa isang teksto.

➢ Ano ba ang pangunahing paksa o kaisipan?


• Ito ang punong kaisipan na nalilinang sa paggamit ng mga pantulong
na ideya.
• Sinasagot nito ang tanong na “ Ano ang tinatalakay sa teksto?”
• Nagsasaad kung ano ang tema at aral na makukuha sa kuwento o
anomang akdang pampanitikan.
➢ Ano ang mga pantulong na ideya?
• Hindi mabubuo ang sulatin kung walang mga pantulong na ideya o
susumusuportang ideya.
• Nagbibigay linaw ito sa pangunahing kaisipan.
• Nagtataglay ng mga mahahalagang impormasiyon upang pagtibayin
ang pangunahing paksa o kaiisipan.

Halimbawa

Mabilis na lumabas ng paaralan si Paul upang mag-abang ng sasakyan. Nakita niya


na may lumabas na mag-ama . Sa unang tingin palang niya kitang kita na masama
ang pakiramdam ng bata. lumapit ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng
masasakyan maya-maya pa ay huminto ang sasakyan sa harapan ni Paul.
Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata.
Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil nais niyang mapanood ang kanyang paboritong
palabas sa telebisiyon ngunit naawa siya sa bata kaya pinauna niya ang mga ito..

Pangunahing Paksa o Kaisipan Ang pangunahing paksa sa teksto ay ang


pagiging maunawain at mapagbigay ng
tauhan.
Pantulong na Ideya Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil nais
niyang mapanood ang kanyang
paboritong palabas sa telebisiyon ngunit
naawa siya sa bata kaya pinauna niya ang
mga ito.
Linang-aral

A. Basahin ang mga sumusunod na teksto. Tukuyin ang pangunahing paksa o kaisipan nito. Isulat Ang
sagot sa sagutang papel.

1. Binago ni Joed ang pagsisikap sa pag-aaral. Kung siya’y makakatapos ng pag-aaral, sa paano’t
paano man ay hindi na kahiya-hiyang mangibig kahit kanino. Ang titulo ay isang kalasag na
malaki ang nagagawa. Kung wala mang paglingap si Maureen sa kanya ngayon baka kung siya
ay isang pulis na ay lalambot din ang kalooban nito. Kaya nagsikap nang husto si Joed sa pag-
aaral.

Pangunahing Paksa o Kaisipan:

2.
Araw-araw si Joymee ay pumapasok ng maaga sa paaralan. Gusto niya kasing makapagbasa
pa ng kanilang mga leksiyon bago dumating ang kanilang guro. Palagi siyang nagtataas ng
kamay kapag may tanong ang kanyang guro. Pagdating sa bahay, ginagawa muna niya ang
kanyang mga takdang-aralin bago manood ng mga paboritong palabas sa telebisiyon. Ito ang
dahilan kung bakit matataas ang kaniyang nakukuhang grado.

Pangunahing Paksa o Kaisipan:

3. May mga kuwento na ang layunin ay aliwin ang mga mambabasa at manonood. May mga
kuwento namang nakakaiyak o nakakatakot. Lubhang naaaliw ang manonod ng mga palabas
sa telebisyon, mga video sa social media at mga mambabasa sa aklat. Mayroong ding mga
pelikula na mapapanood kung saan nakakatagpo tayo ng kuwento ng taong lumilipad, multo,
hayop na nagsasalita, at labanan ng mga tao.

Pangunahing Paksa o Kaisipan:

4.
Ang ating mga katutubong Ifugaw ay gumugol ng mahigit na 2,000 na taon upang matapos
ang Hagdan-Hagdang Palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng
mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at kagamitan pambungkal. Ipinagpapalagay na
ito ay mahigit 6,000 taong gulang.

Pangunahing Paksa o Kaisipan:


Naniniwala ang mga Muslim na ang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di-
kailangang binyagan upang sila’y malinis sa kasalanan. Ganoon pa man, mayroon ilang
seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na Pagislam, na ginagawa ilang oras
pagkapanganak. Isang Pandita ang babasa ng Adzan sa kanang tainga ng sanggol. Ito ay
ginagawa upang ikintal na siya ay ipinanganak na Muslim.

Pangunahing Paksa o Kaisipan

B. Panoorin at pakinggan ang isang pagsasalaysay sa buhay ng isang mag-aaral . Isulat lahat ng mga
impormasiyon o pantulong na ideya na ibinigay sa video presentation at tukuyin ang pangunahing
paksa nito. kompletuhin ang grapikong representasiyon sa iyong sagutang papel.Maaring dagdagan
ang mga kahon kung may idadagdag na ideya.

https://m.youtube.com/watch?v=lZxJ-S47sCw

PANTULONG
NA IDEYA

PANTULONG NA PANGUNAHING PAKSA O PANTULONG


IDEYA KAISIPAN NA IDEYA

PANTULONG
NA IDEYA
Isaisip

Kaibigan! Marahil ay naantig ang iyong damdamin sa napanood na bidyo at inaasahan ko


na makuha mo ang bagong ideya. Halika at tayahin natin ang iyong pag-unawa mula sa unang
leksiyon sa modyul na ito.
A. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Anong uri ng kuwento ang higit na binibigyang-halaga o diin ang kilos o galaw ng tauhan?

a. Kuwento ng Katutubong-kulay c. Kuwento ng Pag-ibig


b. Kuwento ng Madulang Pangyayari d. Kuwento ng Tauhan

_____2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI katangian ng isang maikling kuwento?
a. Nahahati ito sa mga kabanata.
b. Ito ay natatapos sa isang upuaan lamang.
c. Layunin na magsalaysay ng mga pangyayari.
d. Nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa.

_____3. Anong pagbabago ang nangyari sa buhay nina Matilde nang nawala ang kuwintas?
a. Guminhawa ang kanilang buhay.
b. Naging magulo ang kanilang pamumuhay.
c. Nagkaroon ng pagkaka-utang ngunit siya ay yumaman ang mag-asawa.
d. Naging mahirap at nagkaroon ng pagkaka-utang ang dalawang mag-asawa
.
_____4. Anong uri ng asawa si Matilde sa akda?
a. Mapagmahal at maaruga na asawa.
b. Marunong magpasalamat at may pagpapahalaga sa asawa.
c. Malungkutin subalit kuntento na sa kung ano ang binibigay ng asawa.
d. Hindi marunong makuntento at hindi iniisip ang kapakanan ng asawa.

_____5. Ano Ito na nagtataglay ng mga mahahalagang impormasiyon upang pagtibayin ang
kaisipang nakapaloob sa akda?

a. Kabahaging ideya c. Pantulong na ideya


b. Pangunahing ideya d. Punong ideya
_____6. Ano ang pangunahing ideya ng maikling kuwento na “Ang Kuwintas”?
a. Magsabi ng katotohanan sa lahat ng oras.
b. Maging maunawain at mapagbigay sa kapwa.
c. Magsikap at matutong makuntento sa mga bagay na ibinigay sa iyo.
d. Ang pagkakaintindihan ng mag-asawa ay susi sa matagal na pagsasama.
Isagawa

Kaibigan! Sa aking palagay ikaw ay may lubos ng kaalam sa pagsusuri ng mga


ideya ng isang maikling kwento. Sa gawaing ito ng modyul ikaw naman ang magsusulat ng
sarili mong maikling kuwento. Humango ng ideya sa sarili mong karanasan na may
maituturo sa mga kabataan ngayon dahil isa sa pinakamayamang maaaring pagkunan ng
ideya ay ang ating karanasan. Gumuhit ng bituin sa ibabang bahagi ng iyong sulatin at isulat
ang pangunahing paksa ng iyong maikling kuwento para matukoy ang iyong pangunahing
ideya. Tatayahin ang iyong isinulat sa pamamagitan ng pamantayan sa paggagrado sa
ibaba.

Kuha ni Ven Francis(2010)

Pamantayan 25 20 15 10

Maayos ang Napakahusay ng May isang May dalawa o Halos lahat ng


pagkakabalangkas ng pagbabalangkas pangyayari na tatlo na pangyayari pangyayari ay
mga pangyayari ng mga hindi nasunod sa na hindi nasunod hindi nakasunod
pangyayari pagbabalangkas sa pagbabalangkas sa pagbabalangkas

Naipapakita ang pag- Mahusay na Naipakita ang Naipakita ang Naipakita ang
uugnay sa realidad naipakita ang pag-uugnay ng pag-uugnay ng pag-uugnay ng
ng buhay sa Diyos,
pag-uugnay sa realidad ng realidad ng realidad ng
bayan, sa kalikasan,
sa kapwa at sarili
realidad ng buhay sa tatlong buhay sa buhay sa isa sa
buhay sa lahat core values dalawang core mga core values
ng core values values
Makabuluhan, naging Makabuluhan, Makabuluhan, Maayos, bagamat Sadyang hindi
parang bago dahil sa naging parang bagamat hindi hindi nagmistulang maayos ang
pamamaraan ng bago dahil sa nagmistulang orihinal pagsasalaysay ng
pagsasalaysay at estilo pamamaraan ng orihinal mga pangyayari
pagsasalaysay at
estilo

Naipaliwanag nang Napakahusay na Mahusay na Hindi gaanong Sadyang hindi


maayos ang naipaliwanag ang naipaliwanag ang mahusay na maayos na
pangunahing ideya pangunahing ideya pangunahing naipaliwanag ang naipaliwanag ang
sa kuwento ideya pangunahing ideya pangunahing
ideya

Kabuang puntos

Tayahin

Natitiyak kong nakatulong sa iyo ang modyul na ito para malinang ang iyong kaalaman. Narito
pa ang mga aytem na tatasa sa iyong natutunan. Sanayin pa natin ang iyong kasanayan sa pagbasa at
ang pinakamahalaga ay ang pag-unawa. Basahin mo ngayon ang isang maikling kuwento “Pingkaw”
na isinulat ni Isabelo S. Sobrevega na isa sa magaling na manunulat sa ating bansa. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba pagkatapos basahin ang teksto.

PINGKAW
ni: Isabelo S. Sobrevega

Si Pinkaw ang babaeng kaawa-awa nasiraan siya ng bait nang pumanaw


ang kanyang tatlong anak, dahil sa pagkain ng mga ito ng sirang sardinas. Balikan
natin ang mga pangyayari noong mga araw na hindi pa nasisiraan ng bait si Pinkaw,
siya ay mabait at masipag na ina ikinabubuhay nila ang pagbabasura o pagkuha
nila ng mga basurang maaring ibenta bilang kalakal. Ang mga kalakal na nakukuha
nila ay ibenebenta nila sa isang intsik. Ngunit namatay ang kanyang asawa sa sakit
na epilepsy habang ipinagbubuntis niya ang kanyang bunsong anak.
Mag-isang itinaguyod ni Pinkaw ang kanyang tatlong anak sa kabila ng
hirap na nararanasan nila may positibong pananaw parin sa buhay si Pinkaw sa
katunayan habang nag kakalkal ng basura ay nagagawa parin niyang umawit at
nakakatulong parin sa iba parang hindi nya iniinda ang hirap ng buhay. Iniuuwi
niya ang mga tira tirang pagkain na nakukuha niya sa basurahan at mga bagay na
maari pang pakinabangan at ipinasasalubong niya ito sa kanyang mga anak.

Siya ay may tatlong anak si Poray ang kanyang panganay na anak na labing
tatlong taong gulang mataas at payat sinasabing para daw itong panakot sa uwak
sa maisan. Si Basing ang pangalawa niyang anak na isang sungi, ngunit mahilig
pumangos ng tubo samantalang umaagos lamang ang katas nito sa biyak niyang
labi. At si Takoy ang bunso niyang anak maputi at gwapong gwapo sinasabing ito
ay ibang iba sa kanyang mga kapatid. Kaya naman pinag uusapan ng mga kapait
bahay isa na si Pisyang Tahur na nagsasabing iba-iba daw ang ama ng anak ni
Pingkaw ngunit di nalang ito pinapansin ni Pingkaw.

Isang umaga namimilipit sa sakit ng tiyan ang kanyang tatlong anak dahil
sa pagkain ng panis na sardinas. Nangatal sa takot si Pinkaw agad niyang isinakay
sa kanyang kariton ang kanyang tatlong anak humingi siya ng tulong sa kakilala
niyang doktor ngunit wala ito. Kung kani-kanino pa siya humingi ng tulong pero ni
isa ay walang tumulong sa kanya. Nakita nalang niya na binawiaan ng buhay ang
kanyang isang anak habang nakasakay sa kariton, nang makarating sila sa
pampublikong pagamutan ay hindi inunang gamutin ang kaniyang anak, bagkus
inuna pa ang mga mayayamang wala naming malubhang karamdaman. Nang
sumunod na araw habang nasa pagamutan binawian ng buhay ang isa pa niyang
anak. Di rin nag tagal ay namatay din ang isa pa. Hindi kinaya ni Pinkaw ang mga
nangyari sa kanya kaya siya ay nawala sa katinuan. makikita mo nalang si Pinkaw
na pagala-gala sa kalsada at tinutukso ng ilang kabataan at pinagtatawanan ng
ilang mga taong walang habag sa may mga ganitong kalagayan.

https://brainly.ph/question/1021728
Subukin Natin

A. Isulat ang NK Kung naganap sa kuwento at HK Kung hindi naganap sa


kuwento ang mga ideya sa bawat aytem.

_____1. Ipinapakita sa teksto ang pagiging mapagmahal at maarugang


ina ng tauhan.
_____2. Ang tauhan sa kuwento ay may negatibong pananaw sa buhay
dahil na rin sa kanyang kahirapan.
_____3. Inilalahad sa kuwento ang pagiging pantay ng pamahalaan sa
mga mahirap at mayaman.
_____4. Ipinapakita sa kuwento na may diskriminasyong nangyayari sa
lipunan.
____ 5. Ang pamilya sa kuwento ay walang pagmamalasakit sa bawat
isa. _____6.Ipinapakita ang pagbibigay bang paglingap sa sinumang
nangangailangan ng tulong anoman ang kaniyang itsura.
_____ 7. Naiiugnay sa kuwento ang kasalukuyang kalagayan sa
lipunan.
_____8. Nailalarawan ang pagsasakripisyo ng tauhan sa teksto.
_____9. Ipinakikita ang kahalagaan ng papel ng isang ina .
_____10. Makikita na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtupad ng
mga pangarap.

B. Humanap ng dalawang salitang magkasingkahulugan sa binasang


teksto at kumpletuhin ang vocabulary web na nasa ibaba.

Salita
Salita Kahulugan:

Paggamit sa
Paggamit sa
pangungusap:
pangungusap:

Kasalungat na
kahulugan:
Karagdagang Gawain

Binabati kita Kaibigan dahil nalagpasan mo lahat ng mga gawain sa modyul na ito.
Upang lubusan nang mahasa ang iyong kalaman. Suriin ang larawan sa ibaba at isulat ang
mga ideya na nakapaloob sa larawan gamit ang grapikong representasiyon sa ibaba.

Kuha ni Ed Canuto

SURING LARAWAN

IDEYA IDEYA

IDEYA IDEYA IDEYA


Subukin Suriin Isaisip Tayahin
Natin Gawain 2 Gawain 5
Gawain 1
1. k 1.a 1. d 1. NK
2. i 2. d 2. a 2. HK
3. j 3. d 3. d 3. HK
4. a 4. b 4. d 4. NK
5. f 5. a 5. c 5. HK
6. e 6. c 6. HK
7. d 7. NK
8. c 8. NK
9. b 9. NK
10. h 10. HK
Susi sa Sagot-Lesson
Sanggunian

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng may-akda ng modyul na ito sa lahat


ng mga may-akda ng mga seleksiyong isinama sa modyul.

AKLAT

Lacano, D. & Ipong, M.2015.Parola 10.Valenzuela City:JO-ES Publishing House, Inc.


Ambat,Vilma C.et.al. 2015. Filipino 10:Panitikang Pandaigdig.Pasig City: Vibal Group Inc.
INTERNET
GMAnews,(Hulyo 29,2017).Reel Time: Babaeng pinanganak na walang kamay at paa, patuloy na nagsisikap sa
pagaaral. Retrived from https://m.youtube.com/watch?v=lZxJ-S47sCw

Bautista,G.Brainly Questions. Buod ng Pinkaw. Retrieved Mayo 10,2020,https://brainly.ph/question/1021728

https://www.google.com/search?q=sikat+na+pasyalan+sa+france&tbm=isch&ved=2ahUKEwjnosq59sjpAhWPA
6YKHa62A5EQ2-
cCegQIABAB&oq=sikat+nan&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQARgAMgcIIxCwAhAnMgcIIxCwAhAnMg
QIABANMgQIABANMgYIABANEB46BwgjEOoCECc6BAgjECc6AggAOgQIABAeOgQIABATOgYIABAeEBNQsFxY_KU
BYJqyAWgIcAB4AYAB4QSIAY8fkgELMC4yLjUuMS4xLjOYAQCgAQGwAQU&sclient=mobile-gws-wiz-
img&ei=p4jIXqezMY-HmAWu7Y6ICQ&bih=598&biw=360&client=ms-opera-
mobile&prmd=ivn&hl=fil#imgrc=DKgk0fu9wLoSfM&imgdii=kY3ohvnaAUCAkM

https://www.google.com/search?q=sikat+na+pasyalan+sa+france&tbm=isch&ved=2ahUKEwjnosq59sjpAhWPA
6YKHa62A5EQ2-
cCegQIABAB&oq=sikat+nan&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQARgAMgcIIxCwAhAnMgcIIxCwAhAnMg
QIABANMgQIABANMgYIABANEB46BwgjEOoCECc6BAgjECc6AggAOgQIABAeOgQIABATOgYIABAeEBNQsFxY_KU
BYJqyAWgIcAB4AYAB4QSIAY8fkgELMC4yLjUuMS4xLjOYAQCgAQGwAQU&sclient=mobile-gws-wiz-
img&ei=p4jIXqezMY-HmAWu7Y6ICQ&bih=598&biw=360&client=ms-opera-
mobile&prmd=ivn&hl=fil#imgrc=tgaJ7pVz2PRzbM

https://www.google.com/search?q=sikat+na+pasyalan+sa+france&tbm=isch&ved=2ahUKEwjnosq59sjpAhWPA
6YKHa62A5EQ2-
cCegQIABAB&oq=sikat+nan&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQARgAMgcIIxCwAhAnMgcIIxCwAhAnMg
QIABANMgQIABANMgYIABANEB46BwgjEOoCECc6BAgjECc6AggAOgQIABAeOgQIABATOgYIABAeEBNQsFxY_KU
BYJqyAWgIcAB4AYAB4QSIAY8fkgELMC4yLjUuMS4xLjOYAQCgAQGwAQU&sclient=mobile-gws-wiz-
img&ei=p4jIXqezMY-HmAWu7Y6ICQ&bih=598&biw=360&client=ms-opera-
mobile&prmd=ivn&hl=fil#imgrc=FX6vI2kMJt30jM&imgdii=aAdu_58oxVNdgM

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+bata+sa+kalsada&client=ms-opera-
mobile&prmd=ivn&sxsrf=ALeKk00linPnLrRua05t40zxlMpIFpbX9Q:1590558109002&source=lnms&tbm=isch&s
a=X&ved=2ahUKEwi_ldPYqtPpAhUCGaYKHezpD7gQ_AUoAXoECAoQAQ&biw=360&bih=598#imgrc=jGslb1YqYG
aeSM&imgdii=y-OOk_WWWRno_M

You might also like