You are on page 1of 35

FILIPINO

10
Ms. De La Vega, LPT
1. Sino ang karakter na inakahinahangaan mo
dahil sa kanyang
pambihirang katangian? Maaaring isa siyang tao,
karakter sa pelikula, o bida sa isang laro sa
kompyuter.
2. Tukuyin ang pambihira niyang
kakayahan at pangatwiranan kung
bakit nasabi mong pambihira ang
kakayahang ito.
Manood at
Makinig 
• Ano kaya ang kahulugan ng ating
pagkabuhay sa mundo bilang isang
anak, kapatid, kaibigan at ibp.?

• Ano-anong katangian ba ang kailangan


nating taglayin upang maging
makabuluhan ang ating buhay?
Si Thor
sa Mitolohiyang
Norse
Pagtaboy Pinaalis

Salamangka mahika

Nagtimpi nagtiis

Makipagbuno Makipag-away
Pagkalipas ng
Tagsibol tagyelo

Pagkamayabong Mabunga
• Si Thor, ang diyos
na tagapaghatid ng
kidlat

• Anak siya nina


Fjorgyn (Jord) at ni
Odin
• Siya ang
tagapagtanggol ng
buong Midgard.
Dalawang Sandata ni Thor
Isang
martilyong sa isang
kumpas ay
lumilikha ng kidlat

Isang sinturon na
dumudoble sa
dating pambihirang
lakas si Thor kapag
isinusuot niya ito.
• Hindi matatawaran ang katapatan ni Thor
sa Aesir, ang tribo ng mga diyos at diyosa
na pinamumunuan ng kanyang amang si
Odin. Mahigpit niyang binabantayan ang
Asgard, ang mundo ng mga Aesir, sa
pagsalakay ng mga higante
Iniikot ni Thor ang
ang buong kalangitan
sakay ng kalesang
pandigma na hila ng
dalawang kambing,
habang ang tangan
niyang martilyo ay
lumilikha ng kidlat sa
kalangitan.
• Kinakalaban din niya at
walang awang
pinapaslang ang
anumang mabangis na
hayop na makasagupa.
Pero lagi din siyang
handang tumulong sa
sinumang tumawag.
Ipinagtatanggol niya ang
kapwa diyos sa
pamamagitan ng
kanyang Mjolnir na
wawasak sa sinumang
mabangis na kalaban.
• Ginagawa naman niyang kanais-nais ang
pamumuhay ng mga Midgard sa pamamagitan ng
pagtaboy sa taglamig at pagtawag sa banayad na
hangin at mainit-init na ulan ng tag-sibol na siyang
nagpalaya sa lupain mula sa niyebe. At siya nga
kinikilalang diyos ng bawat tahanan at ng simpleng
mamamayan.
• Pinakasalan niya si Sif, isang
mambubukid at diyosa ng
pagkamayabong. At dahil dito si Thor
narin ang hinihingan upang maging
mabunga ang pananim sa Midgard.
• Katulad ng kanyang amang si Odin, mahilig
maglakbay at makipagsapalaran si Thor. Gusto
niyang laging nasusubok at napapatunayan ang
kanyang kakayahan.
• Minsan, ay bumisita siya sa Jotunheim, ang lupain
ng mga kaaway niyang higante. Sinalubong siya ng
mga higante na may pagtataka.
“Mukhang mas malakas kapa sa iyong
pangangatawan. Saan ka ba magaling?

“Mahahamon ang sinuman sa aking galing


sa pag-inom ng alak,” may ngiting sabi ni
Thor.
Tinawag ng hari ang isang utusan upang
dalhin ang tambuli at nagsabi, “Sinumang
magaling uminom ng alak ay may
kakayanang tuyuin ang tambuling ito sa
isang inuman.”
Nilapat ni Thor ang tambuli sa kanyang
labi at nagsimulang uminom ng matagal
at maymalalim na paglunok. Ngunit ang
laman nitong alak ay halos hindi
nabawasan. Tatlong ulit niya itong
sinubukan, at panghuli inihagis niya ito na
may halong pagkainis.
Sumunod nito,
hinamon siyang
iangat ang pusa mula
sa sahig. Matapos ng
kanyang pagsisikap,
tanging ang isang paa
lamang nito ang
kanyang naiangat.
“Ito ba ang dakilang diyos na aming
kinatatakutan?” sabi ng hari.
Nagtimpi si Thor at naghamon ng
sinumang nais na makipagbuno sa kanya, at
isang matandang babae ang siyang
tumanggap ng kanyang hamon. Hinawakan
niya ang babae upang ilapit sa kanya ngunit
hindi niya ito kayang igalaw mula sa
kinatatayuan.
Napakamot si Thor sa kanyang ulo at
sumubok muli, ngunit hindi parin niya ito
mapagalaw. Sinubukan niyang itulak ng malakas
ang matanda ngunit bigo parin siya.

Sa kanyang pagkainis, sinubukan niyang ihagis ang


matanda sa sahig, ngunit hindi niya talaga ito
magawa. Naging suwerte lang siya na hindi siya
tuluyang naibagsak ng kalaban ng silay nagbuno
na. Umalis siya sa palasyong iyon na may malaking
kahihiyan.
Nang siya’y papalabas na ng kaharian, hinabol siya
ng hari. “Dakilang Thor,” aniya, “nang sinubukan
mong ubusin ang laman ng inumang tibuli, ginawa
mo itong kahanga-hanga na kung hindi ito nakita,
hindi ako maniniwala. Sa dulo ng tambuli ay ang
mismong dagat, at kung titingnan mo ang
dalampasigan, malalaman mo kung gaano karaming
tubig ang nawala.
Pagkatapos nito, natakot ang lahat sa pagkakaangat
mo sa paa ng pusa, sapagkat ang pusang ito ang
siyang ahas na pumapaikot sa mundo, nanginig ang
buong daigdig nang lumuwang ang pagkakapit nito.
Ang humarap at makipagbuno nang matagal sa
matandang babaeng iyon ay kahanga-hanga, sa
kanyang katandaan, walang tao ang maaaring
makapagbagsak sa kanyang salamangka.”
Galit na galit si Thor sa panlilinlang sa kanya,
inabot ang Mjolnir, at nang akma niyang ihagis
ito, naglaho ang hari ng mga higante. Lubha
ang kalungkutang ibinigay kay Thor ng
pangyayari,
matagal siyang nanatili sa tuktok ng
pinakamataas na bundok na kanyang nakita at
paulit-ulit na inihahampas ang kanyang
Mjolnir. Nagdulot ito ng mababangis na kidlat
sa buong sanlibutan.
• Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ni
Thor sa Diyos na kinikilala/sinasamba
mo?
• Ano-anong katangian ni Thor ang maihahalintulad
mo sa bagay na ginagawa mo upang patuloy na
maging matibay ang iyong relasyon sa ating Poong
May-kapal?
• Bilang isang Marian, anong kakayahan ang maaari
mong maibahagi at maitulong sa iyong kapwa?
• Batay sa mitolohiyang “Thor”, napakahalaga ng
dalawang sandata ng pangunahing tauhan. Sa
asignaturang TLE, gaano naman ba kahalaga ang
pagkakaroon ng mga materyales lalo na sa
pagluluto?
–“5 Sikapin ninyong idagdag sa inyong
pananampalataya ang kabutihan; sa
inyong kabutihan, ang kaalaman; 6sa
inyong kaalaman, ang pagpipigil sa
sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili,
ang katatagan; sa inyong katatagan,
ang pagiging maka-Diyos; 7sa inyong
pagiging maka-Diyos, ang
pagmamalasakit sa kapatid; at sa
inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig.
8Ang mga katangiang iyan ang
kailangan ninyong taglayin at
pagyamanin, upang ang inyong
pagkakilala sa Panginoong Jesu-
Cristo” - Pedro 2:5-21
Gawain
Panuto: Mamili ng isang gawain at gawan
ng may kaugnayan sa iyong natutunan
patungkol sa naging paksa.
• Pagbuo ng sariling tula
• Pag rap ng mga pahayag na natutunan
• Pagbuo ng slogan
• Pagbuo ng sariling awitin
• Pagsasadula
Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4 Pangkat 5
Tan Grapa Barcelona Variacion Bulanon
Verson Magriña Yee Tag-at Laurio
Kasey L. Romanillos Jien Malbarosa Pabellan
Saria Edpalina Baliwag Cempron Ruiz
Pasu-it Bagona Jumawid Visande Aniñon
Villalon Kiamco Flores Pornia
Luzana Mercado Sios-e
Pua Fabiaña
Kaitleen L. Pepito
• Ano kayang mahahalagang kaalaman at asal ang
nais iparating ng mitolohiyang “Si Thor sa
Mitolohiyang Norse”?

• Paano mo magagamit ang iyong mga natutunang


kaalaman batay sa mitolohiyang “Si Thor sa
Mitolohiyang Norse” sa tunay na buhay?
TAKDANG-GAWAIN 
• Mangalap sa internet, sa pahayagan, o mga
magasin ng mga artikulo, balita o mga
sulatin na nagpapahayag patungkol sa
katangian ng mga mamamayang nabibilang
sa ASEAN.

• Isulat o idikit sa saring kwaderno ang iyong


makakalap at huwag kaligtaang lagyan ng
sanggunian o bibliyograpi ng pinagkunan
nito.

You might also like