You are on page 1of 18

Sina Thor at Loki sa

Lupain ng mga Higante


Aralin 2.5 Paglalahad ng Pangunahing
Paksa at Kaisipan
Pagkatapos ng araling ito ay inaasahang:
Mailalahad mo ang mga pangunahing paksa at
ideya batay sa napakinggang usapan ng mga
tauhan
Maisasama mo ang salita sa iba pang salita upang
makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
Maihahambing mo ang mitolohiya sa bansang
kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
Ang mitolohiya ay kalipunan ng mga
mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang
lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga
diyos-diyosan noong unang panahon na
sinasamba, dinadakila at pinipintakasi ng
mga sinaunang tao.
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari.
Dito rin malalaman ang mga sinaunang
paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo din ito ng aral at nagpapaliwanag ng
kasaysayan.
Narito ang mga elemento ng
mitolohiya:
1. Tauhan. Ang mga tauhan ay mga diyos at
diyosa na may taglay na pambihirang
kapangyarihan.
2. Tagpuan. May kaugnayan ang tagpuan sa
kulturang kinabibilangan noong unang
panahon.
3. Banghay. Ito ay tumutukoy sa mga
pangyayari.
4. Tema. Maaaring ang tema ay nakatuon
sa pagpapaliwanag ng natural na
pangyayari, pinagmulan ng buhay sa
daigdig, pag-uugali ng tao, paniniwalang
panrelihiyon, katangian at kahinaan ng
tauhan, at mga aral sa buhay.
Ang mga Diyos ng Norse
Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag
na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga diyos ng
digmaan at ng kalangitan. Sila ay kawangis ng
mga mortal na tao subalit mas malalaki na
tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo
sa mga tao hindi tulad ng Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard
ay iba sa langit na iyong pinapangarap na Makita.
Wala itong ningningng kasiyahan o labis na
kaligayahan. Ito ay isang tahimik na lugarna may
nagbabantang tiyak na kamatayan. Alam ng mga diyos
na darating ang panahon na sila ay mawawasak.
Darating ang kanilang mga kalaban na handa silang
sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga
mortal nilang kalaban ay ang mga higante na
nananahanan naman sa Jotunheim.
Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng mga
nanahanan sa Asgard lalo na sa kanilang pinuno na
si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga
diyos at lumikha sa mga tao. Siya ang may
pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng
Pagwawakas. Ang kaniyang asawa ay si Frigga, isang
makapangyarihang diyosa na may kakayahang
Makita ang hinaharap.
Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima
sa kanila ang pinakamahalaga. Sila ay sina Balder, Thor,
Freyr, Heimdall, at Tyr.
Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga Diyos.
Ang kaniyang kamatayan ang maituturing na
pinakamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir. Si Thor
ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas
sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa kaniya ring pangalan
hinango ang araw ng Huwebes. Makikitang madalas
niyang dala ang malaking martilyo na tinatawag na
Mjolnir.
Ang tagapangalaga naman ng mga prutas sa mundo
ay nasa kamay ni Freyr. Samantalang si Heimdall ang
tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa
Asgard. At si Tyr ang diyos ng digmaan at sa kaniyang
pangalan hinango ang araw ng Martes.

-Mula sa Mythology (Hamilton, 1969)


GAWAIN 1: Mag-isip ng iba pang salita na maaaring isama sa mga
sumusunod na salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.
Hal: PUSO + MAMON= pusong mamon (maramdamin
GAWAIN 2: Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ikinagalit ni Thor sa magsasaka at sa
pamilya nito?
2. Kung ikaw si Thor at ang kanyang mga kasama
ano ang iyong magiging damdamin kapag
nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan? Bakit?
3. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa
mitolohiyang nabasa sa pamumuhay ng mga tao
ngayon?
Kilalanin si Bathala ng mitolohiyang
Tagalog “Ako si Bathala ng Mitolohiyang
Tagalog. Ako ang sinaunang diyos ng
mundo kasama sina Amihan at Aman
Sinaya.”
“Napagkasunduan naming
paghatian ang mundo. Ako ang
naghari sa langit, si Aman Sinaya sa
dagat at si Amihan sa hangin.”
“Ang aking katunggali ay si Bakonawa
na hari ng kasamaan.”
GAWAIN 3: Paghambingin ang mitolohiyang Norse at
mitolohiyang Tagalog. Maaaring magsaliksik para sa
karagdagang impormasyon at sagot.

You might also like