You are on page 1of 12

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 6

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng limampung munting talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nasusuri ang epiko;
b. nasusuri ang mga dahilan ng pagkilos o paggalaw ng tauhan at pangyayari sa
kwento;
c. naibibigay ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa kwento.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Epiko (Tuwaang)
Sanggunian: Gamtimpala, Pahina 54-60
Carolino Dizon Manlapas et. Al.
Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation, mga larawan mula sa google

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

(Panalangin)
Lahat ay magsitayo at tayo’y manalangin

Sa ngalan ng Ama, ng anak at ng espirito


santo, salamat mo panginoon sa mga
biyayang ipinagkaloob mo sa amin. Sa
araw na ito, sana kami ay iyong gabayan
tungo sa isang matagumpay na pag-aaral.
Iyo rin sanang gabayan ang mga mahal sa
buhay. Nawa’y tulungan mo ang mga
taong nangangailangan ng tulong at
nawa’y panatilihin mo kaming malakas
sa araw-araw. Amen.

(Pagbati)
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga titser!

Bago natin simulan ang ating talakayan,


magkakaroon muna tayo ng munting
aktibidad.

Magpapakita ako ng mga larawan at ating


kilalanin ang mga ito. Maliwanag ba mga
bata? Opo.

Sino ang nasa larawan na ito?

Captain Barbell!

Magaling! Sino naman ito?

Si Darna!

Mahusay! Sino naman ang dalawang ito?

Si Thor at Superman po titser!

Tama! Ngayon naman, sabihin niyo kung


ano ang inyong pagkakakilala sa kanila
bilang mga tauhan. Si Captain Barbell po ay isang
superhero na may kapangyarihang
lumipad at may mahigpit na
paninindigan sa katarungan.

Tama! Ano naman sa tingin niyo ang


tungkol kay Darna? Si Darna po ay isang babae na may
kakayahan maging superhero kapag
kinain niya yung buto.

Paano naman si Thor? At paano niyo


ilalarawan si Superman? Si Thor po ay may hawak siyang
martilyo na maaaring gamitin para sa
laban at proteksyon.

Si Superman po ay tagapagtanggol ng
mga mahihina at may mga
superpowers tulad ng paglipad at super
lakas.
Tama kayo sa inyong mga pagkakakilala
sa kanila. Ang mga karakter na ito ay
mga halimbawa ng mga epikong bayani.
Sa kani-kanilang paraan, sila ay
lumalaban laban sa kasamaan at
nagtatanggol sa katarungan.

B. Paglalahad ng Aralin

Kanina, ipinakita ko sa inyo ang mga Ano po ba ang ibig sabihin ng epiko,
larawan nina Captain Barbell, Darna, titser?
Thor, at Superman. Ngayon, tayo ay
mag-uusap tungkol sa isang epiko. May
ideya na ba kayo kung ano ang paksang
tatalakayin natin ngayong araw?

Ang epiko ay isang uri ng panitikan na


naglalarawan ng mga kabayanihan at
pakikipagsapalaran ng mga tauhan nito.
Ito ay may malalim na kahulugan at
nagbibigay-inspirasyon sa mga
mambabasa.

Kaya mahalaga na makinig tayo nang Opo, titser. Handa po kaming makinig
mabuti para maunawaan natin ang at matuto.
kwento ng epiko na ating tatalakayin.

Pag-alis ng Sagabal

Ipapangkat ang klase sa dalawa. Sila ay


bibigyan ng mahihirap na salita at
matatalinghagang salita. Ang maraming
tamang sagot na grupo ang siyang
mananalo.
MGA SALITA:
1. Epiko 1. Alamat; napakahabang kwento na
2. Ngumunguya dapat ay puno ng mga magigiting at
3. Buhong kagila-gilalas na mga pangyayari.
4. Pumulupot 2. Nagtatama ang mga ngipin sa
5. Kalat sa kasal bibig
6. Pulang dahon 3. Bandido,Kriminal, masama ang
7. Supernatural pag-iisip, mandaraya
8. Nganga 4. Umikot at mahigpit na kumapit sa
9. Patung paligid ng isang bagay o katawan
10. Tagapagbantay 5. Panira ng kasal, taong guston
ihinto ang kasal
6. Bayani
7. Misteryoso; kakaibang lakas
8. Buto na galing sa bunga ng areca
palm; Buyo
9. Sandata; isang uri ng sandata na
may kapangyarihan
10. Guwardya; isang taong inatasang
mag-alaga o magbantay ng isang
bagay

C. Talakayan

Ang epikong tatalakayin natin ay ang


“Tuwaang”. Babasahin ko ang kwento at
pagkatapos ay sagutin ang mga
katanungan na may kinalaman dito.

Tuwaang
Epiko ng Bagobo

Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe


buhat sa hangin na nagsasabi na
kailangan niyang dumalo ng kasal ng
Dalaga ng Monawon. Huwag kang
pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang
tiyahin. Nararamdaman ko na mayroong
masamang mangyayari sa iyo
doon.Huwag kang mag-alala, tiyang.
Kaya kong alagaan ang sarili ko sinabi
niyang matatag at determinadong
pumunta. Hindi mo naiintindihan,
Tuwaang.
Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang.
Ngayon ang tanging nalalaman ko ay
gusto ko makita ang kagandahan ng
Dalaga ng Monawon. Hindi pinakinggan
ni Tuwaang ang kanyang tiyahin.
Naghanda siya sa pagdalo sa kasal.
Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga
diyos para sa kanya. Mayroon siyang
hugis pusong basket na maaaring
makagawa ng kidlat. Dala rin niya ang
kanyang espada at panangga at isang
mahabang kutsilyo. Sumakay siya sa
kidlat at nakarating sa kapatagan ng
Kawkawangan. Doon ay natagpuan niya
ang Gungutan, isang nakapagsasalitang
ibon. Gusto ng ibon na sumama sa kanya
sa kasalan kaya dinala na niya ito.

Nang makarating sa Monawon, siya ay


magalang na pinapasok sa loob ng
bulwagan kung saan ginaganap ang
kasalan.Nagsimulang magdatingan ang
mga bisita. Unang dumating ay ang
Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang
Binatang Liwanon at ang Binata ng
Sumisikat na Araw. Huling dumating ang
lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna
na kasama ang isang daang lalaki. Nang
dumating ay iniutos ng lalaki na paalisin
ang mga bisitang hindi nararapat na
naroon.

Nainsulto si Tuwaang sa sinabi ng


lalaking ikakasal na silang lahat ay
pulang dahon, na ang ibig sabihin ay mga
bayani. Nagsimula ang seremonya sa
pag-aalay ng mga bisita ng mga
mamahaling regalo. Dalawa ang natira
para sa lalaking ikakasal ngunit inamin
ng Binata ng Sakadna na wala silang
gintong plauta at gintong gitara na
maitutumbas sa mga natira. Tumulong si
Tuwaang.Sa kanyang misteryosong
hininga siya ay nakagawa ng gintong
plauta, gitara at gong. Lumabas na ang
babaing ikakasal sa kanyang silid at
nagsimulang magbigay ng nganga sa
bawa’t isang bisita.

Pagkatapos ay tumabi ito kay Tuwaang


na naglagay sa lalaking ikakasal sa
kahiya-hiyang sitwasyon. Pakiramdam ng
lalaki ay nainsulto siya. Lumabas ito sa
bulwagan at hinamon si Tuwaang sa
isang laban. Ipakita mo sa akin na
nararapat ka sa karangalang ibinigay sa
iyo ng aking minamahal sa pagtabi niya
sa iyo!sabi ng galit na Binata ng Sakadna.
Labanan mo ako hanggang kamatayan!
Tumayo si Tuwaang at tinanggap ang
hamon ngunit hinawakan siya ng babaing
ikakasal. Bayaan mong suklayin ko muna
ang iyong buhok bago mo siya
labanan,sabi ng babaing ikakasal kay
Tuwaang. At buong pagmamahal niyang
sinuklay ang kanyang buhok.Tinitigan ni
Tuwaang ang babae. Nakita niya ang
pagmamahal at paghanga nito sa kanyang
mga mata. Mag-ingat ka sa
pakikipaglaban sa kanya, babala ng
babae.

Hindi siya marunong lumaban ng patas.


Hinawakan ni Tuwaang ang kamay ng
babae at hinalikan ito.Para sa iyo binibini,
mag-iingat ako!sabi niya at lumabas na
ito sa bulwagan upang labanan ang lalaki.
Tumango ang babaing ikakasal at
kumaway sa kanya at umaasa sa kanyang
kagalingan.Hinarap ni Tuwaang at ng
Gungutan ang Binata ng Sakadna at ang
isang daang lalaki. Lumaban sila ng
buong makakaya at pagkatapos ng isang
maikling pagtutunggali ay natalo niya at
ng Gungutan ang siyamnaput-apat na
lalaki.

Madali nilang natalo ang anim pang


natirang nakatayo hanggang siya at ang
Binata ng Sikadna na lamang ang
natirang nakatayo. Binato si Tuwaang ng
lalaking ikakasal ng malaking bato ngunit
naging alikabok lamang ito bago pa man
nito tamaan si Tuwaang. Dahil sa
masidhing laban ay lumindol ang lupa at
lahat ng mga puno ay nagbagsakan.
Binuhat ng lalaking ikakasal si Tuwaang
at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog
ito ang nakakarating sa Hades.

Sa Hades, nakita ni Tuwaang si Tuhawa,


ang diyos ng Hades. Sinabi ni Tuhawa na
ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa
gintong plauta. Lumitaw mula sa lupa si
Tuwaang at pinatay ang lalaki sa
pamamagitan ng pagbili sa gintong
plauta. Tumakbo ng masaya ang babae sa
kanya. Niyakap niya ito at hinalikan sa
kanyang pisngi at labi.Maari ka bang
sumama sa akin? tanong ni Tuwaang sa
babae “Ng buong puso”, sagot
nito.Umuwi si Tuwaang sa Kuaman
kasama ang babae at ang Gungutan at
namuhay sila ng magkakasama,
magpakailanman.

Ngayon mga bata, ano ang inyong naging Ang kwento po ay tungkol sa isang
pag-unawa sa kwento? bayani na pinamunuan ni Tuwaang na
may tapang at katapangan. Siya ay
handing lumaban para sa kanyang tribo
at ipagtanggol ito mula sa mga
kaaway.
Tama! Si Tuwaang ay isang bayani na
ipinakita ang tapang at katapangan sa
pamamagitan ng kanyang mga gawain.

Ano pa ang naging pag-unawa ninyo sa Titser, napansin ko po na ang


kwento? katalinuhan ni Tuwaang ay nagtulong
sa kanya na malutas ang mga
problema. Sa halip na umaasa lamang
sa lakas, ginamit niya ang kanyang
talion upang maging pektibo sa
pakikidigma.
Mahusay! Ang katalinuhan ni Tuwaang
ay nagbigay sa kanya ng kakaibang
kakayahan sa pagharap sa mga hamon.
May iba pa bang mga aspeto ng kwento
na nais ninyong bigyang-diin?
Ang paninindigan at determinasyon po
ni Tuwaang na kahit maraming
pagsubok ang dumating sa kanya,
hindi siya sumuko at patuloy na
Tama! Ang tapang at paninindigan ni lumaban para sa kanyang mga
Tuwaang ay nagpapakita ng kanyang pinaniniwalaan.
matibay na karakter at pagiging tunay na
bayani.

Ano pa ang mga dahilan sa likod ng mga


kilos at pangyayari sa kwento na nais
ninyong suriin? Ang pagmamahal po ni Tuwaang sa
kanyang tribo at ang kagustuhang
protektahan ito. Ito po ang nagtulak sa
kanya na gawin ang lahat upang
mapanatili ang kapayapaan at
Magaling! Ang pagmamahal ni Tuwaang kaligtasan ng kanilang pamayanan.
sa kanyang tribo ay nagbigay sa kanya ng
malaking inspirasyon upang ipagtanggol
ang kanilang interes at karapatan. Sa
ganitong paraan, nakikita natin kung
paano nakaaapekto ang mga pagnanais at
paniniwala ng isang tao sa kanyang mga
kilos at desisyon.

D. Pagpapahalaga

Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang Para sakin po, mahalaga ang epiko
mga epiko sa buhay natin? dahil ito nagpapakita ng halaga ng
pagtutulungan at pakikipagtulungan.
Sa bawat kuwento, makikita natin ang
mga tauhan na nagtulong-tulungan
upang malampasan ang mga pagsubok.
Ito ay isang paalala sa atin na mas
madali nating malalampasan ang
anumang hamon sa pamamagitan ng
pagkakaisa at pagtutulungan.

Tama! Ang epiko ay nagtuturo sa atin ng


kahalagahan ng pagtutulungan at
pakikipagtulungan sa ating mga kapwa.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa, mas
madali nating nalalampasan ang mga
pagsubok na hinaharap natin sa buhay.

Ano pa? Mahalaga po ito sapagkat nakakamit


natin ang pagpapahalaga sa ating mga
pinagmulan at kasaysayan. Ito ay
nagpapakita sa atin na ang bawat
Pilipino ay mayaman sa kultura at
mayroong kwento na dapat ipagmalaki.
Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa
ating kasaysayan, nagiging responsable
tayo sa pagpapalaganap ng mga
kaalaman at pagpapahalaga sa mga
susunod na henerasyon.

Mahusay! Sa pamamagitan ng mga epiko,


tayo ay nahahasa sa pagpapahalaga sa ating
mga pinagmulan at pag-unlad bilang isang
bansa.

Mayroon pa ba kayong nais sabihin? Mahalaga po ang epiko dahil ito ay


nagpapalaganap ng pagmamahal sa
bayan, pagkakakilanlan,
pagtutulungan, at pagpapahalaga sa
kasaysayan. Sa pamamagitan ng mga
aral na natutunan natin sa mga epiko,
nagiging mas matatag tayo sa harap ng
anumang hamon na ating hinaharap sa
buhay.
Magaling! Ang mga epiko ay hindi
lamang simpleng mga kuwento, ito rin ay
mga aral at halimbawa na nagtuturo sa
atin kung paano maging mabuting
mamamayan at Pilipino. Sa
pagpapahalaga natin sa mga epiko,
patuloy nating pinapalakas ang ating
pagiging totoo at matatag na mga
Pilipino.

Sa ganitong paraan, mahalaga ang mga


epiko sa buhay natin dahil ito ay
naglalaman ng mga aral at halimbawa na
nagpapalakas sa ating pagkakaisa,
pagpapahalaga sa ating kultura, at pag-
unlad bilang isang bansa. Maraming
salamat sa inyong mga mahalagang
kontribusyon sa ating diskusyon ngayon.
E. Paglalahat

Mga bata, ngayong natapos na natin ang


ating pag-aaral ng epikong "Tuwaang,"
nais kong malaman kung ano ang naging
saloobin at damdamin ninyo tungkol sa
kwento.

Ano ang inyong naging reaksyon sa mga Para sa akin po titser, ang kwento ay
kaganapan at karakter na ating pinag- puno ng aral at kamanghamangha kung
usapan? paano ipinakita ni Tuwaang ang tapang
at kahusayan sa kanyang mga
pakikipagsapalaran.

Tunay ngang ang kwento ni Tuwaang ay


nagbibigay-inspirasyon sa atin upang
hindi mawalan ng pag-asa sa kabila ng
mga pagsubok na hinaharap natin.

May iba pa bang nais ninyong ibahagi Ang kwento ay nagpapakita ng


tungkol sa inyong reaksyon sa kwento? kahalagahan ng pagiging tapat sa sarili
at sa kanyang mga pangako. Si
Tuwaang ay isang ehemplo ng isang
tunay na bayani na sumusunod sa
kanyang mga prinsipyo.

Tama! Ang pagiging tapat ni Tuwaang ay


nagpapakita ng kanyang matibay na
moralidad at kahandaan na ipagtanggol
ang kanyang mga prinsipyo. Ito rin ay
nagpapakita kung gaano kahalaga ang
pagtitiwala sa sarili at sa iba.

Mayroon pa ba kayong nais na idagdag Ang kwento ay nagpapakita rin ng


tungkol sa inyong nararamdaman sa kahalagahan ng pagmamalasakit sa
kwento? kapwa at ang pagiging handang mag-
sakripisyo para sa iba. Si Tuwaang ay
nagpakita ng malasakit sa kanyang
tribo at patuloy na lumaban para sa
kanilang kabutihan kahit na may mga
panganib.
Magaling! Ang pagmamalasakit at
pagiging handang mag-sakripisyo ay mga
halagang tunay na nagpapakita ng
kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Ito
ang mga bagay na patuloy nating dapat
ipamalas sa ating mga sarili sa araw-
araw.

F. Paglalapat

Gawain: Kilala mo na siya, di ba?

Panuto: Pagkatapos basahin ang epikong


Tuwaang lalo mo pang nakilala ang ating
pangunahing tauhan. Ngayon, batay sa
mga detalye at pangyayaring nakapaloob
dito, bumuo ka ng Character Profile
tungkol sa pangunahing tauhan. Gawin
ito sa sagutang papel.

IV. PAGTATAYA

PANUTO: Isulat ang titik na T kung ang pahayag ay Tama at titik na M naman kung ang
pahayag ay Mali.

1. Si tuwaang ay ngumunguya ng nganga.


2. Nagkaroon ng kaguluhan sa kaharian ng Kuaman dahil sa dalagang hindi nakikipag-usap
kanino man.
3. Si Batooy ay matalik na kaibigan ni Tuwaang.
4. Madali nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo hanggang siya at ang binata ng sikadna
na lamang ang natirang nakatayo.
5. Mas makapangyarihan si Tuwaang kaysa kay Sukadna.
6. Umuwi si Tuwaanng sa Kuaman kasama ang babae at ang Gungutan at namuhay sila ng
magkakasama.
7. Dala-dala ni Tuwaang ang sibat at kalasag na kanyang mga armas sa paglisan sa kaharian.
8. Binato si Tuwaang ng lalaking ikakasal ng malaking bato ngunit naging alikabok lamang ito
bago pa man tamaan si Tuwaang.
9. Sigurado si Bai na walang mangyayari sa kapatid na si Tuwaang dahil ito ay matapang.
10. Sumakay si Tuwaang sa hangin upang makarating sa kaharian ni Batoto.

V. TAKDANG ARALIN

Upang mas madagdagan ang iyong kaalam tungkol sa epiko, ibuod ang “Biag ni
Lam-ang” na epiko ng Iloko. Gawing patnubay ang banghay sa ibaba sa pagbuod ng
epiko. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Simula- nababanggit dito ang kilos, paglinang sa tao, mga hadlang o suliranin.
2. Gitna- naglalaman ito ng mga kawing-kawing, maayos, sunod-sunod, at
magkakaugnay na mga pangyayari
3. Wakas- sa bahaging ito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

You might also like