You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Rodriguez, Rizal

Banghay- Aralin sa Maikling Kwentong Filipino

I. Layunin

A. Natutukoy ang mga pangkat o tao na nakaambag sa paglaganap ng


maikling kwento.
B. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kasaysayan sa tunay na buhay.
C. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kasaysayan o
pinagmulan ng maikling kwento.

II. Paksang Aralin

A. Panitikan: Lagom ng Kasaysayan ng Maikling Kwento


B. Uri ng teksto : Nagsasalaysay
C. Sanggunian: Maikli ng Kwento ni Domingo G. Landicho
D. Kagamitan: Yeso , Tv, Po wer point
E. Pagpapahalaga: Matuto tayong magpahalaga sa pinagmulan at
kasaysayan ng maikling kwento.

III. Yugto ng Pagkatuto (Linangin)

A. Panimulang Gawain

1.Balik- aral/pagganyak
 4pic 1 word

Para mabuo ang kataga ating alamin ang mabubuong salita sa bawat larawan.

Lagom ng _______ng _________ _________.


2. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na


pahayag.

1. Ginagamit bilang isang katawagan para sa impormasyon tungkol


PAMPANITIKAN
sa nakaraan.

HAPON 2. Layunin nila ang magpalaganap ng kristyanismo.

PANAHON 3. Isang bahagi ng sistemang pansukat para malaman ang


pagkasunod-sunod na pangyayari.

KASAYSAYAN
4. Ingles ang nakikitang pag-asa para magkaroon ng pagkakaisa.

KASTILA
5. Gintong panahon ng maikling kwento at dulang tagalog.

LIWAYWAY
6. Sistematikong pag-aaral ng panitikan at paraan ng pag-aaral sa
panitikan.

AMERIKANO 7. Isang babasahin na magasin sa pilipinas.

B. Paglalahad ng Aralin

1. Pagtatalakay ng Aralin

Italakay sa buong klase ang kasaysayan ng maikling

kwento.

2. Pagbubuod ng piling mag-aaral

Ibubuod ng piling mag-aaral ang mga naimbag ng bawat

pangkat sa kasaysayan ng maikling kwento.

3. Malayang Talakayan

 Anu-ano ang mga pangyayari na nakapaloob sa


kasaysayan ng maikling kwento?
 sino- sino ang mga taong nakagawa ng maikling kwento?
 Anu-ano ang kanilang mga nagawang maikling kwento?
 Dapat bang pagyamanin at maipasa ang tungkol sa
kasaysayan ng maikling kwento sa sususnod na
henerasyon?
 Ano ang kahalagahan ng kasaysayan ng maikling kwento sa
akdang pampanitikan?

4. Pangkatang Gawain

 Unang Pangkat:

Lumikha ng poster batay sa kasaysayan ng maikling

kwento.

 Pangalawang pangkat

.Magsadula patungkol sa kasaysayan ng maikling


kwento. (pwedeng isang maikling kwento na nailimbag
noon.)
 Pangatlong Pangkat

Maglikha ng isang awitin patungkol sa paksa.

Pamantayan/ Rubriks

Mahusay na pagkakalahad sa 40 puntos


impormasyon
Kaayusan ng pagkakalahad 40 puntos
Pagkakaisa ng bawat pangkat sa 20 puntos
paggawa

Kabuuan 100 puntos

IV. Paglalahat

Kumuha ng isa’t kalahating papel.

Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga

pangungusap.

1. Ang maikling katha ay nagiiwan ng katintalan sa isipan at


damdamin ng mambabasa.
2. Naihahatid ng may akda ang mensahe sa kasukdulan ng kwento.
3. Ang tagpuan ay nagbibigay buhay sa maikling kwento.
4. Ang kwento ng pag-ibig ay patungkol sa pagpapatawa at
pagbibigay alw sa mga mambabasa.
5. Ang kwentong “Bibit” ay mula pa noong bago dumating ang mga
kastila.
6. Ang kakana ay sumulpot noong pagdating ng espanyol,
naglalaman ng alamat at engkanto.
7. Ang mg a unang anyo ng maikling kwento noong unang sampung
taon ng amerikano ay dagli at pasingaw.
8. Ilaw bayan sa panahong ito nangibabaw ang bias ng mga
kabataang manunulat sa panitikan sa wikang ingles.
9. Ang liwayway ay isang magasing inalathala ng KAGARAWAN NG
PABATIRANG MADLA upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng
mga akdang hindi tinatangkili ng mga popular na babasahin.
10. Nagpatuloy ang liwayway sa pagbubukas ng pinto para sa mga
manunulat ng mga kwentong ngayon palang sumisibol.

V. TAKDANG ARALIN:

Pag-aralan ang mga bahagi ng maikling kwento.

You might also like