You are on page 1of 17

IKALAWANG MARKAHAN

Nobyembre 28-Desyembre 1, 2023


ARALIN 2.4
Panitikan :Maikling Kuwento - China
Teksto :Niyebeng Itim ni Liu Heng salin ni Galileo Zafra
Wika :Mga Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapadaloy
at
Pagtatapos ng Isang
Kuwento Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT

DOMAIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIe-f-48)


 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIe-f-48)


 Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may
katutubong kulay.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIe-f-48)


 Nabibigyang – kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang
kuwento.

PANONOOD (PD) (F9PD-IIe-f-48)


 Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIe-f-50)


 Naisasalaysay ang sariling 89 karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.

PAGSULAT (PU) (F9PU-IIe-f-50)


 Nailalarawan ang sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIe-f-50)


 Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at
pagtatapos ng isang kuwento.
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIe-f-48)


 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay.

II. PAKSA

Panitikan :Maikling Kuwento - China


Teksto :Niyebeng Itim ni Liu Heng salin ni Galileo Zafra
Wika :Mga Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapadaloy
at
Pagtatapos ng Isang Kuwento
Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta
et.al. Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: 4 PICS
Gamit ang dati mong kaalaman, (prior knowledge), nabasa, narinig at
napanood, magsalaysay ng mahahalagang pangyayaring naganap sa mga
nabanggit na lugar.

Gabay na Tanong:
 Sa iyong palagay, bakit ang pook na iyong nabanggit ay madalas
gawing tagpuan ng mga maikling kuwentong isinulat ng mga
manunulat na Tsino? Ipaliwanag.
2. Pokus na Tanong
a. Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng
pangkatutubong kulay?

b. Paano nakatutulong ang mga pahayag sa pagsisimula,


pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: LARAWAN KO, GAWAN MO NG KUWENTO!

Pagsasalaysay ng mga piling mag-aaral ng isang pangyayari gamit ang iba’t ibang
larawan na matatagpuan sa BALDE NG MGA LARAWAN upang makabuo ng
isang maikling kuwento. (Malaya ang guro na mag-isip at magbigay ng iba’t ibang
larawan.)

ANALISIS

1. Batay sa isinalaysay ng mga kamag-aaral, ipakilala ang mga tauhan?

2. Paano sinimulan ang ginawang maikling kuwento? Paano ito


winakasan?

3. Ipahayag ang iyong opinyon kung naniniwala ka sa kasabihang “Ang


kabuluhan ng buhay ng tao ay nababatay sa kanyang magpasya.”

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Mayaman at makulay ang Panitikang Asyano. Ang kanilang mga akdang


pampanitikan tulad ng maikling kuwento ay kasasalaminan ng kanilang kultura,
tradisyon, kasaysayan, pilosopiya, mithiin at edukasyon.
Isa sa uri ng mga akdang pampanitikan na madalas isulat at basahin ng mga
Tsino ay ang maikling kuwento ng katutubong kulay na ang binibigyang tuon ay ang
tagpuan o pook na pinangyarihan ng kuwento.
Ang mga makasaysayang pook sa China ang madalas gawing tagpuan sa mga
kuwento ng katutubong kulay.
Sa pagsulat ng maikling kuwento, kinakailangan ng maayos na
pagkakabanghay ng mga pangyayari. May simula, gitna at wakas. Makatawag-pansin
ang panimula. May kaisahan ang mga ideya.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: NATUTUNAN KO…IBABAHAGI KO!

ESTILO

PAGPAPADA-
MAIKLING LOY NG MGA
SIMULA
KUWENTO PANGYAYARI

WAKAS

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO


Gawan ng isang maikling kuwento ang mga sumusunod na larawan gamit ang
sariling estilo sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng kuwento. (Malaya
ang guro na magdagdag, mag-isip at magbigay ng mga larawan).

IV. KASUNDUAN

 Basahin ang maikling kuwentong “Niyebeng Itim”, ph. 132-140.

 Suriin ang maikling kuwento ayon sa estilo ng pagsisimula,


pagpapadaloy at pagwawakas ng kuwento ng may-akda.
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIe-f-48)


 Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may
katutubong kulay.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIe-f-48)


 Nabibigyang – kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIe-f-50)


 Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.

II. PAKSA

Panitikan :Maikling Kuwento - China


Teksto :Niyebeng Itim ni Liu Heng salin ni Galileo Zafra
Wika :Mga Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapadaloy
at
Pagtatapos ng Isang Kuwento
Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta
et.al. Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: ROLE PLAY
Pagpapakita ng mga mag-aaral ng isang eksena o tagpo na may kinalaman sa
kaugalian, tradisyon o paniniwala ng mga Filipino. Pagkatapos, ilalahad ang mga
kaisipan mula sa ipinakitang eksena o tagpo.

 Ano-ano ang paraan ng pamumuhay ng mga Filipino? Tradisyon o


kaugalian ng mga Filipino?
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng imahe at simbolo na ginamit sa mga pahayag na hinango sa
binasang akda.

1. Pakiramdam ni Huiquan, isa siyang basurahan o isang basurahan na nais


magtago sa butas.
Kahulugan -

2. Ang bakuran na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang ay


tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na langit.
Kahulugan -

3. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya


mapasunod ang mga imahen.
Kahulugan -

4. Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding, dingding ng anyo


na ang mga sulat ay hindi mabura.
Kahulugan -

5. Kung minsan, tinatrato niya ang sarili bilang temple; kung minsan,
sinisira niya ito.
Kahulugan -

 Madulang pagbasa sa akda – “Niyebeng Itim” ni Liu Heng

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
STORY GRAMMAR
Gamit ang story grammar, buuin ang kayarian.
Tauhan

Tagpuan Lugar Panahon


NIYEBENG Paksa
ITIM
Banghay
Panimula Layunin
Wakas
Suliranin Ginawa
Reaksyon Kinalabasan
Pangkat 2
ILUSTRASYON
Sa pamamagitan ng ilustrasyon, ilarawan ang lugar na kinabibilangan
ni Huiquan. Ilarawan din ang kanyang kilos, gawi at paniniwala.

Pangkat 3
FROZEN IMAGES
Pagbasa sa Ikalawang Teksto “Nagmamadali ang Maynila”
ni Serafin C. Guinigundo.

Ang guro ay magpapakita ng larawan ng dating anyo ng Maynila


partikular ang Avenida. Ilalarawan ng mga mag-aaral ang lugar,
kilos/gawi at uri ng pamumuhay sa Maynila.
Pagkatapos, isasalaysay ng mga mag-aaral ang sariling karanasan na
may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa binasang kuwento.

Pangkat 4
MAALAALA MO KAYA EPISODE (MMK)
Nakabubuo ng sariling maikling kuwento ng katutubong kulay na may
kaugnayan sa akdang binasa.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang miyembro sa
kanilang gawain gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Bakit nakulong si Li Huiquan? Ipaliwanag.

2. Tukuyin ang mga bagay na natutuhan ni Li Huiquan sa loob ng bilangguan


na ipinagpatuloy pa niya hanggang sa buhay niya sa labas nito.

3. Bakit kaya nais ni Li Huiquan na lagi nang mapag-isa?

4. Isa-isahin ang mga bagay na sa inyong palagay ay natutuhan ni Li


Huiquan sa panahon ng kaniyang pagtitinda. Patunayan.

5. Batay sa akda, paano pinangangalagaan ng pamahalaang China ang mga


mamamayan nilang bilanggo na nakalaya na? Paano naman ang ginagawa ng
ating pamahalaan sa mga kababayan nating nabilanggo subalit nakalaya na?

6. Kung ikaw ang tatanungin, ano kaya ang magiging buhay ni Li Huiquan sa
panibago niyang pakikipagsapalaran sa labas ng bilangguan. Pangatuwiranan.

7. Ilahad ang nahihinuhang kulturang Tsino na nakapaloob sa binasang akda


sa sumusunod na sitwasyon.

a. Pagdiriwang ng Bagong Taon


b. Pakikitungo sa Dating Bilanggo
c. Pagtitinda sa Bangketa
7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…
Tao ang humuhubog ng kaniyang kapalaran. Anoman ang maging bunga ng
kaniyang mga ginawang desisyon, siya ang responsable dito. Kung anoman siya sa
kasalukuyan, ito ang pinili niya.
Subalit kung sa paglipas ng panahon, hindi naging mabuti ang kahihinatnan
ng kaniyang buhay dahil sa mga ginawa niya, hindi ito dapat mangahulugan ng
pagtigil ng kanyang mundo. Sa halip, kumilos at gumawa ng paraan upang maiwasto
at maiayos ang mga kamaliang iyon na siya naman ang may kagagawan.
Ang Maikling Kuwento ng Katutubong Kulay

Pinahahalagahan sa uring ito ng maikling kuwento ay ang tagpuan, ang


pook/lugar na pinangyarihan ng kuwento. Karaniwan, inilalarawan ang pook, hindi
lamang pisikal nitong kalagayan ang inilalarawan kundi ang pangkalahatang pag-
uugali ng mga tao roon, ang kanilang kilos, gawi, mga paniniwala, pamahiin at
pananaw sa buhay.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: WORD CONCEPT


Isa-Isahin ang mga bagay na nais mong malaman tungkol sa maikling
kuwento ng katutubong kulay na iyong binasa at ipaliwanag kung bakit nais
mo itong alamin.

Kultura

Paniniwala Niyebeng Tradisyon


Itim

Uri ng
Maikling
Kuwento
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TSART NG PAGHAHAMBING


Ihambing ang kapaligiran ni Huiquan sa kapaligirang kinabibilangan mo. Ano-
ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito?

PAGHAHAMBING
PAGKAKATULAD/PAGKAKAIBA
ASPETO NG PAGHAHAMBING
Kapaligiran ni
Huiquan Aking Kapaligiran
1. Pisikal na Anyo ng Lugar
2. Tradisyon/Kilos/Gawi ng mga Tao
3. Paniniwala/Pilosopiya/Edukasyon

EBALWASYON

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot.

1. Gusto niyang lumaban ngunit wala siyang lakas kaya nagpanggap na lamang
siyang tanga. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. mahina ang loob b. duwag c. takot d. matapang

2. Saan man siya magpunta laging may nagsasabi sa kanya ng dapat gawin at di
dapat gawin sa pagtingin sa kanya ng mababa, umaangat ang kanilang sarili,
ano ang iyong mahihinuha sa pahayag?
a. May mga taong api at mapagmataas
b. May mga taong sunod-sunoran
c. May mga taong walang kakayahang ipaglaban ang sarili
d. May mga taong mapanamantala.

3. “Halos Bagong Taon na. Puwede kang manatili ditto ngayon, sabi ni Tiyo
Lu”. Ang pahayag na ito ay sumasalamin sa kulturang Tsino na:
a. pagpapahalaga sa pamilya
b. pag-iwas sa responsibilidad
c. pakikipagkapuwa
d. pakikipagkaibigan
4. “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming
retirado at walang trabaho ang di-makakuha?”
“Dahil…dahil kailangan ko ng trabaho?”
“Kinakailangan ka ng pamahalaan, tiyak ko na alam mo iyan.”
Mahihinuha sa usapang ito na:
a. walang pakialam sa kapuwa
b. dapat magbayad sa kapuwa
c. higit na pinahahalagahan ang lalaki kaysa babae
d. may pagpapahalaga sa mga mamamayan

5. “Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho
na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya.” Ipinakikita rito na ang mga lalaki
tulad ni Li Huiquan ay:
a. inaasahang magtrabaho para sa asawa
b. inaasahang mangalaga sa tahanan
c. inaasahang mag-alaga sa mga anak
d. inaasahang magtrabaho para sa pamilya

Susi sa Pagwawasto

1. A 2. C 3. A 4. C 5. D

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng kanilang
pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Manood ng teleserye ng alinmang bansa sa Silangang Asya.


Tukuyin ang kaugalian at uri ng pamumuhay ng mga ito.

 Paano nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at


pagtatapos ng isang kuwento.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F9PD-IIe-f-48)


 Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay
sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIe-f-50)


 Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at
pagtatapos ng isang kuwento.

II. PAKSA
Panitikan :Maikling Kuwento - China
Teksto :Niyebeng Itim ni Liu Heng salin ni Galileo Zafra
Wika :Mga Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapadaloy
at
Pagtatapos ng Isang Kuwento
Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta
et.al. Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: ROLL… VIDEO CLIP
Suriin ang sumusunod na video clip.
Princess You and I
https://www.youtube.com/watch?v=9jXcLgGBXaE

Gabay na Tanong:
 Batay sa pinanood, ilarawan ang lugar, kilos, gawi at uri ng
pamumuhay ng tauhan.

 Paano sinimulan/pinadaloy ang mga pangyayari/tinapos ang


kuwento?
2. Presentasyon ng Aralin

 Balikan ang akdang “Niyebeng Itim” ni Liu Heng


 Paano nagkakatulad/nagkakaiba ang kulturang pinanood sa
akdang binasa?

 Tukuyin ang mga pahayag na ginamit sa pagsisimula,


pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento.

ANALISIS

1. Bakit mahalagang mabatid ang iba’t ibang kultura sa mga bansa sa


Silangang Asya? Ipaliwanag.

2. Paano ginagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at


pagtatapos ng isang kuwento?

3. Bilang isang kabataang Asyano, paano mo mapahahalagahan ang mga


kulturang umiiral sa kasalukuyan?

3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Sa pagbabasa natin ng maikling kuwento ng katutubong kulay, mahalagang


matukoy natin ang kaibahan nito sa iba pang uri sapagkat masasalamin sa uring ito ng
maikling kuwento ang kultura ng mga Asyano.
Mayaman at makulay ang kultura ng bawat bansa sa Asya kaya’t mahalagang
matukoy at mailarawan natin ang kulturang ito bilang pagkakakilanlan ng mga
kapatid nating Asyano.
Kaugnay nito, mahalagang matukoy at magamit natin ang iba’t ibang
pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PASS D’ QUESTION


Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at
pagtatapos ng isang kuwento?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGSASALAYSAY


Bumuo ng isang maikling kuwento tungkol sa pelikulang napanood na
ginagamitan ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng
isang kuwento.
EBALWASYON

Panuto: Isulat kung Tama ang isinasaad ng pangungusap at Mali


kung hindi angkop ang isinasaad ng pahayag.

1. Ang mga Tsino ay lubhang nagpapahalaga sa sarili dahil ito raw ang
ipinamulat sa kanila ng kanilang ninuno.

2. Tamad at mataas ang tingin sa sarili ng mga Tsino.

3. Isa sa malaganap na kaugaliang Tsino ay maniwala sa mga


walang-batayang pamahiin.

4. Mahalagang matukoy at magamit ninoman ang iba’t ibang pahayag


sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento.

5. Sa banghay, ipinahahayag ang pagsisimula ng magiging takbo ng


kuwento.

Susi sa Pagwawasto

1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng kanilang
pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Manood ng isang teleserye at gumawa ng isang maikling pagsasalaysay na


ginagamitan ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos
ng isang kuwento.
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PUIIe-f-50)


 Nailalarawan ang sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.4 :Paglalarawan ng Kultura


Kagamitan :Pantulong na biswal
Sanggunian :Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MAG-TOUR TAYO…
Pagpapakita ng iba’t ibang larawan ng magagandang tanawin sa mga bansa sa
Asya. (Malaya ang guro na maghanap at magsaliksik ng larawan ng iba’t ibang
magagandang tanawin sa mga bansa sa Asya.)

ANALISIS

1. Matapos mapanood ang mga larawan ng magagandang tanawin,


tukuyin kung saang bansa ito at ibigay ang mga katangian nito.

2. Ilarawan ang lugar, kilos, gawi at uri ng pamumuhay ng tauhan.

3. Ibigay ang mga ideya/pananaw sa mga kulturang nakapaloob sa mga bansa.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: IT’S MORE FUN IN DA…?


Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataong mangibang-bansa, anong bansa ang iyong
pipiliin at bakit?
APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput.


Paglalarawan ng sariling kultura sa alinmang bansa sa
Silangang Asya.

GRASPS

GOAL Nakapaglalarawan ng sariling kultura batay sa anyo


ng maikling salaysay.
ROLE Isa kang tourist guide sa bansa sa Silangang Asya.
AUDIENCE Mga turista sa Silangang Asya
SITUATION Hihikayatin na magustuhan ang bansang binibisita.
PERFORMANCE Pasalitang paglalarawan
STANDARDS Tatayain ang paglalarawan ayon sa mga sumusunod na
pamantayan:
Tiyak na Paglalarawan 50%
Wastong Bigkas 30%
Tiwala sa Sarili 20%
Kabuuan 100%
3. Pagbibigay ng fidbak sa isinagawa ng mga mag-aaral.

4. Pagbibigay ng iskor ng guro.

5. Pagpili ng mahusay na mag-aaral sa paglalarawan ng


sariling kultura.

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik ng mga katangian at elemento ng isang dula?

 Basahin ang Dulang Mongolia – “Munting Pagsinta” LM – ph.151-163

You might also like