You are on page 1of 11

SI HARING FERNANDO AT

ANG TATLONG PRINSIPE


Noong mga unang araw
sang ayon sa kasaysayan
sa Berbanyang kaharian
ay may haring hinahangaan.
Sa kanyang pamamahala
kaharia’y nanagana,
maginoo man o dukha mahirap

tanggap sa wastong pala.


Bawat utos ay balakin plano

kaya lamang pairalin,


nasangguni’ napaglining Napag-isipan
na sa bayan ay magaling.
Kaya sa bawat kamalian
na sa kanya’y ipagsakdal
bago bigyang kahatula’y
nililimi sa katwiran.
Napag isipan
Pangalan ng haring ito Dakila
ay mabunying Don Fernando
sa iba mang mga reyno
tinitingnang maginoo.
Kabiyak ng puso niya
ay si Donya Valeriana
ganda’y walang pangalawa
sa bait ay uliran pa.
Modelo
Sila ay may tatlong anak
tatlong bunga ng pagliyag pagmamahalan

binata na’t magigilas makikisig

sa reyno ay siyang lakas.


Si Don Pedro ang panganay
may tindig na pagkainam
gulang nito ay sinundan
ni Don Diegong malumanay. mahinahon
Ang pangatlo’y siyang bunso
si Don Juan na ang puso
sutlang kahit na mapugto maputol
ay puso ring may pagsuyo.
Pag ibig
Anak na kung palayawa’y
sumikat na isang araw
kaya higit kaninuman
sa ama ay siyang mahal.

You might also like