You are on page 1of 28

IBONG

ADARNA
Si Haring
Fernando at ang
Tatlong Prinsipe

(Mga Saknong 007-029)


Basahin ang sumusunod na
bahagi ng Ibong Adarna at
sagutan ang mga nakalaang
gawain at pagtataya
Noong mga unang araw
sang-ayon sa kasaysayan
sa Berbanyang Kaharian
ay may haring hinahangaan.

Sa kanyang pamamahala
kaharia y nanagana,
maginoo man at dukha
tanggap na wastong pala.
Bawat utos ay balakin
kaya lamang pairalin
nasangguni't napaglining
na sa bayan ay magaling.

Kaya sa bawat kamalian


na sa kanya'y ipagsakdal
bago bigyang kahatula'y
nililimi sa katwiran.
Pangalan ng haring ito
ay mabunying Don Fernando
sa iba mang mga reyno
tinitingnang maginoo.

Kabiyak ng puso niya


ay si Donya Valeriana
ganda'y walang pangalawa
sa bait ay uliran pa.
Sila ay may tatlong anak
tatlong bunga ng pagliyag
binata na't magigilas
sa reyno ay siyang lakas.

Si Don Pedro ang panganay


may tindig na pagkainam
gulang nito ay sinundan
ni Don Diegong malumanay.
Ang pangatlo'y siyang bunso
si Don Juan na ang puso
sutlang kahit na mapugto
ay puso ring may pagsuyo.

Anak na kung palayawa'y


sumikat na isang araw
kayâ higit kaninuman
sa ama ay siyang mahal.
Sálang mawalay sa mata
ng butihing ama't ina
sa sandaling di makita
ang akala'y nawala na.

Sa pag-ibig ng magulang
mga anak ay dumangal
maagang pinaturuan
ng dunong na kailangan.
May paniwala ang ama
na di ngayo't hari siya
maging mangmang man ang bunga
sa kutya ay ligtas siya.

Alam niyang itong tao


kahit puno't maginoo
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.
Kaya't anong kagalakan
ng sa hari ay kinamtan
nang ang tatlong minamahal
marurunong na tinanghal.

Tinawag na't ang pahayag


"Kayong tatlo'y mapapalad,
angkin ninyo ang mataas
na pangalang mga pantas".
Yamang ngayo'y panahon nang
kayong tatlo'y tumalaga
mili kayo sa dalawa
magpari o magkorona?"

Tugon nilang malumanay


sa magandang katanungan
"humawak ng kaharian
bayan nati'y paglingkuran".
Sa gayon ay minagaling
nitong amang may paggiliw
tatlong anak ay sanayin
sa paghawak ng patalim.

Taglay ng malaking hilig


sa sanaya'y nakasulit
ang sandata'y parang lintik
espadang nakasasakit.
Natupad nang lahat-lahat
ang sa haring mga hangad
ito namang tatlong anak
sa ama'y nagpasalamat.

Ang kanilang kaharian


ay lalo pang nagtumibay
walang gulong dumadalaw
umunlad ang kabuhayan.
Kasayaha'y walang oras
sa palasyo'y may halakhak
pati ibon nagagalak
ang lahat na ay pangarap.
Kupyahin ang mga
sumusunod na tanong at
sagutan. Isulat ito sa isang
buong papel (1 whole paper)
GAWAIN
1. Paano magpalakad ng kaniyang kaharian si
haring Fernando? Paano mo naman siya
mailalarawa bilang isang ama?

2. Sa iyong palagay, masasabi bang naging


tama ang ginawang pagpapalaki ng hari sa
kaniyang mga anak? Ipaliwanag.
Kupyahin ang mga
sumusunod na tanong at
bilugan ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa ibaba ng
sinagutang gawain sa itaas.
PAGTATAYA
1. Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng
mga pangunahing tauhan?

a. Berbanya
b. Albanya
c. Babilonya
d. Atenas
PAGTATAYA
2. Sino ang haring mabunyi na tinitingnang
maginoo sa iba mang mga reyno?

a. Don Juan
b. Don Diego
c. Don Fernando
d. Don Juan
PAGTATAYA
3. Sino ang kabiyak ng puso ni Don Fernando?

a. Donya Victorina
b. Donya Valeriana
c. Donya Maria
d. Donya Leonora
PAGTATAYA
4. Sino ang panganay na anak nina Don
Fernando at Donya Valeriana?

a. Don Juan
b. Don Diego
c. Donya Leonora
d. Don Pedro
PAGTATAYA
5. Sino naman ang pangalawang anak nina Don
Fernando at Donya Valeriana?

a. Don Pedro
b. Don Diego
c. Don Juan
d. Donya Maria
PAGTATAYA
6. Sino naman ang bunsong anak nina Don
Fernando at Donya Valeriana?

a. Donya Juana
b. Don Pedro
c. Don Diego
d. Don Juan
PAGTATAYA
7. Saan sinamay ang tatlong prinsipe o Don?

a. Pagpana
b. Paghuli ng ibon
c. Pangangaso
d. Paghawak ng patalim
PAGTATAYA
8. Ano ang pangarap ng lahat?

a. Serpyente
b. Lobo
c. Ermitanyo
d. Ibong Adarna
PAGTATAYA
9. Anong pinagpilian ng tatlong prinsipe o Don
na pagtalagahan?

a. “Magpari o magkorona”
b. “Mamana o mangangaso”
c. “Mangingisda o mangangalakal”
d. “Mandirigma o manlalakbay”
PAGTATAYA
10. Sino ang haring hinahangaan dahil sa
kaniyang pamamahala sa kaniyang kaharian?

a. Haring Salermo
b. Haring Fernando
c. Don Pedro
d. Don Juan

You might also like