You are on page 1of 1

O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit Liwanagin yaring isip nang sa layo'y di malihis.

Kaya, Inang mapagmahal ako'y iyong patnubayan nang mawasto sa pagbanghay nitong
kakathaing buhay Noong mga unang araw sang-ayon sa kasaysayan, sa Berbanyang kaharian ay
may haring hinangaan. Pangalan ng haring ito ay mabunying Don Fernando, sa iba mang mga
reyno tinitingnang maginoo. Kabiyak ng puso niya ay si Donya Valeriana, ganda'y walang
pangalawa sa bait ay uliran pa.

Sila ay may tatlong anak tatlong bunga ng pagliyag binata na't magigilas sa reyno ay siyang lakas
Si Don Juan ang panganay may tindig na pagkainam, gulang nito ay sinundan ni Don Diegong
malumanay. Ang pangatlo'y siyang bunso si Don Juan na ang ouso sutlang kahit na mapugto ay
may puso ring may pagsuyo. Ganito ang napagsapit ng haring kaibig-ibig nang siya ay
managinip isang gabing naiidlip. Diumano'y si Don Juan bunso niyang minamahal ay nililo at
pinatay ng dalawang tampalasan.

You might also like