You are on page 1of 5

Aralin 6.

1: Pagsusuri ng mga pangyayari sa Unang Sigaw sa


Pugad-Lawin sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol

I. Layunin

Nasusuri ang mga pangyayari sa Unang Sigaw sa Pugad-Lawin sa


himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagsusuri ng mga pangyayari sa Sigaw sa Pugad-Lawin sa


himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol
Sanggunian: AP6MK-Id-6, htttp://www. youtube.com/watch?v=pytPgtJGEw
Kagamitan: Video clips, Larawan, textbook, flashcards, scramble words
Pagpapahalaga:

Pagbibigay halaga sa ating kasaysayan


III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan (Mock Patrol)
Pagtalakay sa mga isyung napapanahon sa loob at labas ng bansa.
2. Balik-aral
Tanong: Ano-ano ang naging implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa
sa himagsikan/kilusan at pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa?
3. Pagganyak

 Ano ang kahulugan ng KKK at ano ang layunin nito?


 Paano nabuo ang kilusan na ito?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain Pagbasa ng Slides/Talata


Unang Sigaw sa Pugad Lawin

Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay isang natatanging pangyayari sa kasaysayan


ng Pilipinas na binubuo ng mahigit limangdaang katipunero na sabay-sabay na pinunit ang
kani-kanilang sedula bilang pagpapatunay na kanilang pagtiwalag sa pamumuno ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres
Bonifacio, Ang supremo ng Katipunan.

Noong Hulyo 5, 1896 nang matuklasan ng pamahalaang Espanya ang samahang


katipunan. Isang lihim ang ipinadala ni Tenyente Manuel Sityar, isang opisyal Pasig, sa
Gobernador Sibil ng Maynila upang ipaabot ang kaniyang kaalaman sa samahang
kubling binubuo sa kabisera. Ayon sa kanyang balita, ang samahan ay buong-tapang na
nagsisiwalat ng mga kamalian ng pamahalaan at ang puwersa nito ay umabot na
maging sa kalapit na sakop ng Maynila gaya ng Mandaluyong at San Juan. Ayon rin kay
Sityar may nalikom na daang salapi ang samahan na sapat upang matustusan ang mga
kasapi ng mga armas na kanilang gagamitin sa napipintong pag-aaklas nila. Dahil sa
pagkatuklas ng Katipunan, pinasabihan ni Andres Bonifacio ang iba’t iba pang pinuno
ng samahan ng isang pagtitipon ang kanilang pasisinayaan sa Balintawak at dito ay
pag-usapan kung ano ang pinakamainam na hakbangin ng kanilang gagawin.

htttp://www. youtube.com/watch?v=pytPgtJGEw

 KWL CHART

Ating alamin ang inyong kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa Sigaw ng Pugad
Lawin

K W L S
Ano ang Ano ang nais Ano ang aking Ano ang aking
aking alam? kong malaman? natutuhan? gustong
maunawaan?

2.
Gawain 2: Video Clip

Panonood ng video clips tungkol sa mga pangyayari sa Unang


Sigaw ng Pugadlawin.

2. Pagsusuri
1. Bakit tinaguriang isang makasaysayang pangyayari ang
Unang Sigaw sa Pugadlawin sa Balintawak?
2. Ano ang naging dahilan ng pagkabuklod-buklod ng
limangdaan katipunero sa makasaysayang pangyayaring
ito?
3. Paano natuklasan ng mga Espanyol ang lihim na kilusan na
ito?
4. Sino-sino mga bayaning Pilipino ang nasa likod ng
natatanging pangyayaring ito?
5. Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon na ito, ipaglalaban mo
din ba ang kalayaan at karapatan mo?

3. Paghahalaw

Ano ang naging layunin ng Unang Sigaw sa Pugadlawin sa


Balintawak sa kasaysayan ng ating bansa?

(Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konseptong


natutunan)

Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay isang natatanging


pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit
limangdaang katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kani-
kanilang sedula bilang pagpapatunay na kanilang pagtiwalag sa
pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas.

4. Paglalapat
Pangkat 1-Paggawa ng Rap Jingle
Pangkat 2 Paggawa ng Poster
Pangkat 3- Pagdudula-dulaan
Pangkat 4-Paggawa ng tula

IV. Pagtataya
Pagsulat ng Essay
Ano ang salooobin mo tungkol sa mga pangyayaring naganap sa Unang
Sigaw sa Pugadlawin.

Iskor Verbal na Indikasyon


Interpretasyon
Mahusay na Mahusay Napahahayag ang
pinakamataas at
5 pinakamaayos na
pagsulat upang
maipaliwanag ang
kaisipan.
Mahusay Nakapagbibigay ng
4 sapat at maayos na
pagsulat upang
ipaliwanag ang kaisipan
Medyo Mahusay Nakapagbibigay ng
3 sapat na
pagpapaliwanag tungkol
sa kaalaman ng
kaisipan.
Nangangailangan ng Di- gaanong sapat ang
2 Pagsasanay pagpapaliwanag ng
isinulat
Hindi Mahusay Hindi sapat ang
1 pagpapaliwanag ng
isinulat

V. Takdang Aralin

Gumupit ng mga larawan ng mga bayaning Pilipino nakiisa sa


pangyayari ng Unang Sigaw sa Pugadlawin. Idikit ito sa bondpaper at
ilarawan ang katangian ng bawat larawan.
Inihanda ni:

MARA CLAIRE M. VILLEGAS


Guro, Ikalimang Baitang

You might also like