You are on page 1of 10

SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa

ayon sa Batayan
SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)
Asignatura: Filipino Grade Level: 8 Quarter: 3 Week: 1
Most Essential Learning Competency Competency Code
 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
Paksa, Layon, Tono, Pananaw, Paraan ng pagkakasulat, Pagbuo ng F8PB-IIIa-c-29
salita, Pagbuo ng talata, Pagbuo ng pangungusap
 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo sa mundo ng multimedia. F8PT-IIIa-c-29
Pangalan: __________________________ Seksyon: ______________ Petsa: _________
Paaralan: __________________________ Distrito:________________________________

A. Babasahin

Ang iba’t ibang babasahin sa Pilipinas ay nakatutulong upang magabayan ang mga
Pilipino sa pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ang pagbabasa ng mga artikulo ay
nakapagdudulot ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa
at nagiging mulat ang mga tao sa mga napapanahong usapin.

Mahihinuhang may pagkakatulad at pagkakaiba ang mga babasahin ayon sa mga


sumusunod na batayan:

1) Paksa - Ito ay ang kabuuang ideya, kaisipan, nilalaman o pinag-uusapan ng isang


teksto o talataan.

2) Layon - Ito ang mga kaisipang nais sabihin ng manunulat sa mga mambabasa.

3) Tono - Ito ay tumutukoy sa naghaharing damdamin ng teksto gaya ng masaya,


malungkot, masaya na maaaring makilala sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
salitang ginamit.

4) Pananaw - Ito ay tumutukoy sa punto-de-vistang ginamit ng manunulat sa pagsulat


ng isang teksto. Unang panauhan kung ang ginamit na panghalip ay ako, akin, ko
kung saan maririnig na nagsasalita ay ang karakter ng kuwento o teksto. Nasa
ikalawang panauhang pananaw kapag waring nakikiusap sa mga mambabasa at
gumagamit ng ikaw, ka at iba pa. Ang ikatlong panauhang pananaw naman ay
gumagamit ng sila, kanila. Naririnig sa pananaw na ito ang tagapagsalaysay.

5) Paraan ng pagkakasulat - Ito ay tumutukoy sa estilo ng pagsulat ng teksto gaya


paggamit ng mga salita, pagbuo ng pahayag, hulwarang ginamit, estruktura ng teksto
at iba pa.

6) Pagbuo ng salita – Nararapat na maging angkop at nasa tamang baybay ang mga
salitang gagamitin upang mapalutang ang mensaheng nais sabihin ng manunulat.
Mahalagang maging malikhain sa pagbuo ng pahayag.

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 1


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan
7) Pagbuo ng pangungusap – Ito ay ang pagpili ng angkop na salitang gagamitin sa
buong pangungusap. Sa paglalahad ng kuwento, maaaring gumamit ng
mabulaklaking pananalita samantalang sa pagsulat ng balita ay kailangang simple at
madaling maunawaan ng masa ang mga salitang gagamitin upang makuha ang kiliti
ng mga mambabasa.

8) Pagbuo ng talata - Sa anomang babasahin, nararapat lamang ang pagkakaroon ng


kaisahan sa mga pangungusap sa isang talata. Dapat magkaugnay ang mga pahayag
sa isang talata upang maging malinaw sa mensaheng isinasaad.

MGA POPULAR NA BABASAHIN

Masasabing moderno na ang paraan ng pagpapahayag dahil sa pag-usbong ng


paggamit ng teknolohiya upang makapagpalaganap ng mga impormasyon. Ngunit sa kabila
ng modernisasyon ay hindi naman nagpahuli ang mga tradisyunal na panitikan. Sa pag-unlad
ng teknolohiya ay sumabay rin sa pagyakap sa modernisasyon ang makalumang panitikan.

Narito ang ilan sa mga popular na babasahin:

1. Pahayagan

Ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga balita, impormasyon at patalastas


na kadalasang inilalathala bawat araw o linggo. Ang pahayagan ay isang uri ng
paglilimbag na nagbibigay sa mga tao ng balita hinggil sa iba't ibang kaganapan sa
loob at labas ng bansa. Kahit marami na ang tumatangkilik sa pagbabasa ng balita sa
internet, hindi pa rin magpapahuli ang print media. Malakas pa rin ang hatak nito sa
masa sapagkat may mga balitang hindi naman naipapalabas sa telebisyon ngunit
malayang naisusulat sa print media. Nagagawang maabot din ng pahayagan ang masa
dahil hindi lahat ay gumagamit ng makabagong gadyet o teknolohiya.

Sa pangkalahatan, may dalawang uri ang pahayagan:

a. Broadsheet – ito ang pahayagan na nakalimbag sa mas malaking pormat o papel.


Ito ay karaniwang nasa 22 pulgada o 560 millimeters.

b. Tabloid – ito ay ang pahayagang nakalimbag sa mas maliit na espasyo. Ito ay


tinaguriang pahayagang pangmasa na inilalako sa mga lansangan. Binibigyang-
diin sa pahayagang ito ang tungkol sa karahasan kaya ito ay tinatawag ding
sensationalized journalism.

2. Komiks

Ang komiks ay isang grapikong midyum na gumagamit ng mga larawan at


diyalogo upang makapaghatid ng isang kuwento. Ito ay itinuturing na popular na
babasahin na nagbibigay-aliw sa mga mambabasa gamit ang mga kulay sa mga
larawan at sa mga diyalogo nito. Maraming mambabasa ang nahuhumaling sa komiks
dahil sa mga guhit at mensaheng nakapaloob dito.

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 2


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan

Sa pamamagitan ng komiks, maaaring makagawa ng mga kuwentong kakaiba


tulad ng mahika, alien at iba pang mga supernatural na mga usapin. Isang halimbawa
ng isang tanyag na dubuhista ay si Mars Ravelo kung saan ilan sa kaniyang mga obra
ay ginawang serye sa telebisyon at pelikula gaya ng Darna, Captain Barbell, at
Dyesebel. Ang mga seryeng ito ay tinangkilik at naging patok sa panlasa ng madla.

Narito ang halimbawa ng komiks ni Carlo J. Caparas.

Kuwadro (Frame) Pamagat ng


Naglalaman ng Kuwento
tagpo ng kuwento.
Tauhan ng
Kuwento
Kahon ng Salaysay
Pinagsusulatan ng Lobo ng usapan
maikling salaysay. Pinagsusulatan ng
usapan ng mga
tauhan.

https://www.pinterest.ph/pin/118712140151565628/?nic_v2=1a7jxleT
j
- Hinalaw mula pahina 134 ng Panitikang Pilipino, Modyul para sa Mag-aaral
3. Magasin

Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng mga artikulo,


kuwento, larawan, anunsyo at iba pa. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon
at magbigay-aliw kaya ito ay tinatangkilik ng mga mambabasa. Maaaring itong
maglaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng mga sikat na
personalidad sa bansa.

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.


Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito,
naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang
panitikan sa mga kabahayan ng Pamilyang Pilipino. Naging matibay ang samahan
ng pamilya ng mga Pilipino dahil sa hilig ng mga Pilipino sa pagbabasa ng mga
kuwento o nobela na mahahalaw mula sa magasin.

Ang magasin noon ay naglalaman ng mga karikatura, komiks, nobela, tula at


maikling kuwento. Sa kasalukuyan, mayroong samu’t saring magasin ang
nagsulputan at tinatangkilik na rin ng mga mambabasa sa lawak ng paksang
nasasaklaw ng mga ito.

Narito ang mga nangungunang magasing tinatangkilik ng mga Pilipino:

a. Candy - Ito ay ang magasin para sa mga kabataan. Gawa ito ng mga batang
manunulat na nakaaalam sa mga suliranin o pinagdadaanan ng mga
mambabasa.

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 3


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan

b. Cosmopolitan - Ang magasing ito ay para sa mga kababaihan. Naglalaman ito


ng mga artikulong nakatutulong sa mga ito na maliwanagan tungkol sa mga
maiinit na usapin sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

c. Good Housekeeping - Ito ay ang magasin para sa mga abalang ina.


Nakatutulong ang mga artikulong nakasulat dito upang magabayan ang mga
ito sa mga responsibilidad bilang isang maybahay at isang ina.

d. Entrepreneur – Ito ang magasin para sa mga may negosyo at nais magtayo ng
negosyo. Nakatutulong ang mga artikulong nakapaloob dito upang magabayan
ang mga mambabasa sa kanilang negosyo o sa balak na itayong negosyo.

e. FHM (For Him Magazine) - Ang magasin na ito ay para sa mga kalalakihan
na nakapaghahandog ng impormasyon sa mga ito tungkol sa mga usaping tulad
ng buhay at pag-ibig.

f. Men’s Health - Ito ang magasing gumagabay sa mga kalalakihan tungkol sa


mga isyung pangkalusugan. Naglalaman ito ng mga artikulong nakatutulong
sa pisikal at mental na kalusugan gaya ng paraan ng pagbabawas ng timbang,
at iba pa.

g. Metro - Ito ang magasin tungkol sa pananamit o fashion, mga pangyayari,


shopping at mga isyung may kinalaman sa kagandahan.

h. T3 - Ang magasing ito ay may kinalaman sa mga gadyet o teknolohiya.


Naglalaman ito ng mga artikulong gumagabay sa mga mambabasa sa tamang
paraan ng pag-aalaga ng gadyet at mga napapanahong balita tungkol sa
teknolohiya.

i. Yes - Ang magasin na ito ay tungkol sa mga bagong balitang showbiz.


Naglalaman ito ng mga larawan at detalye tungkol sa sikat na artistang tampok
sa magasin.

4. Kontemporaryong Dagli

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling-


maikling kuwento. Sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento. Ang dagli ay isang kwentong maaaring hango sa nangyayari sa
buhay ng tao o batay sa obserbasyon sa paligid na hindi kadalasang nakikita.
Kakaunting salita lamang ang ginagamit sa dagli at nakatuon lamang sa isa sa mga
sumusunod: tauhan, banghay, tunggalian at tagpuan.

MGA POPULAR NA BABASAHIN AT INTERNET

Kaalinsabay ng pag-usbong ng modernisasyon, nagkaroon din ng


pagbabago sa mga anyo ng popular na babasahin. Naging mapanghamon ang
pagkakaroon ng makabagong gadyet sa mga tradisyunal na babasahin.

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 4


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan

Kinailangang magkaroon ng pagbabago sa mga tradisyunal na panitikan o


pagpapahayag upang makasabay sa mabilis na daloy na pagbabago sa lipunan.
Halimbawa ay ang paggamit ng internet sa pagpapalaganap ng mga balita. Bukod sa
nakaimprentang pahayagan, mayroon na ring online na bersiyon ng pahayagan. Ang
komiks ay mayroon na ring online o aplikasyon sa internet na nakapagdudulot sa
mga mambabasa ng kaginhawaan.

Sa kasalukuyan, may mga salitang ginagamit sa mundo ng internet. Narito ang iilan
sa mga ito:

1. Flex - Ito ay ang pahayag ng pagpapakitang gilas o pagpapakilala sa mga nakamit na


tagumpay, mga nagawa na at iba pa. Halimbawa, flex ko lang itong medalya na bunga ng
aking pagsusumikap.

2. Hashtag - Ito ay ang pagsasagawa ng post sa facebook o twitter na sinisimulan sa


simbolong # sa layuning mapagsama-sama sa iisang kategorya ang mga tweet o post at mas
mapadali ang pagsaliksik ng mga ito.

3. HM - Ito ay kalimitang ipinapahayag sa comment section ng isang aytem na binebenta


upang alamin kung magkano ang halaga nito. Ang HM ay nangangahulugang ‘How Much’.

4. Jejemon - Ito ay tumutukoy sa mga taong sadyang iniiba ang ispeling ng isang salita bilang
paraan ng pakikipagtalastasan na minsa’y nakapagdudulot ng kalituhan. Halimbawa,
“Hello po, musta na?” ay ginagawang “3ow ph0w, mUsZtAh nA?”

5. Netiquette - Ito ay tumutukoy sa tamang pamamaraan ng paggamit ng social media o


internet.

6. Netizens - Ito ang salitang tumutukoy sa mga taong aktibong nakikilahok sa iba’t ibang
usapin gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag.

7. Online Selling - Ito ay isang paraan ng pagbebenta at pagpapakilala ng isang produkto


gamit ang internet o website, applications o mga social networking sites.

8. Social media - Ito ay ang paggamit ng facebook, twitter, youtube at iba pang aplikasyon
upang makasagap ng mga balita, makausap ang ibang tao at iba pa.

9. Trending - Ito ay tumutukoy sa mga usaping nauuso at tanyag na pinag-uusapan sa mundo


ng internet.

10. Vlogger - Ito ay ang taong gumagawa ng pagrerekord gamit ang gumagalaw na larawan
hinggil isang partikular na paksa. Ang isang vlogger ay maaaring kumita ng pera sa
internet sa pamamagitan ng pag-eendorso ng produkto at iba pa.

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 5


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan

B. Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Basahin ang kasunod na teksto. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.

GAMPANIN NG TAO SA SOCIAL MEDIA


ni Cristal M. Getaruelas

Social Media: Tulay ng pagkakaunawaan at lunas ng anomang hidwaan!


Radyo, diyaryo, telebisyon at magasin ang ilan sa mga ginagamit ng mga Pilipino
mula pa noon sa pagpapalaganap at pagtanggap ng mga impormasyon. Ang mga ito ang
pangunahing pinagkukunan ng balita at popular na mga usapin. Ngunit sa pagsibol ng
modernisasyon, nagkaroon ng mga makabagong gamit tulad ng iba’t ibang teknolohiya
na nakapagpapadali sa pagpapabatid ng mga usaping napapanahon. Naging mabilis din
ang pakikisabay ng mga tao sa mga ito dahil animo’y kidlat sa bilis ang pagkalat ng mga
uso. Naging madali rin ang makisabay sa uso at magpauso sa pamamagitan lamang ng
iba’t ibang uri ng social media gaya ng facebook, instagram, tiktok at iba pa. Ang
pakikisabay sa uso ng ilan ay maaaring isang paraan upang maipahayag ang sarili at
matanggap ng nakararami. Sa katunayan, may mga hamong ipinapaskil sa social media
na tinatanggap ng mga netizens tulad ng ice bucket challenge, glow-up challenge at
marami pang iba. Subalit, bilang isang responsableng netizen, mahalagang makilatis muna
ang mga hamon bago gawin dahil maaari itong ikapapahamak sa sarili o sa kapwa.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang patuloy na sumasabay sa pag-usbong ng


modernisasyon. Binansagan nga itong Texting Capital of the World. Hindi maitatangging
malaki ang naitulong ng teknolohiya at social media sa buhay ng mga tao. Ang paggamit
ng social media ay nakatutulong din sa mga mamamayan upang maipakilala ang produkto
sa publiko. Sa katunayan, ang social media ay isang makapangyarihang kasangkapan
upang makahatak ng mga mamimili. Maaari ring magkaroon ng online selling na pwedeng
makapagpaabot ng produkto saanmang panig ng mundo. Maraming mga tao na rin ang
nagkaroon ng trabaho, negosyo at career dahil ang iba ay nakagagawa ng sariling vlog na
pwedeng mapagkakitaan.

Think before you click. Ito ang isang katagang nagpapaalala na maging responsable
sa anomang bagay na ipinapaskil sa internet. Nakatutulong ito upang hindi makapanakit
ng kapwa. Tungkulin ng bawat isa na suriin ang anomang nababasa o nakikita sa internet
dahil hindi lahat ay may layuning mapabuti ang kapwa, may ilang ginagamit ito upang
makapanloko o makapag-scam sa iba. Ang hindi responsableng paggamit ng social media
ay pwedeng makapanakit sa damdamin ng iba kaya mahalagang isipin munang mabuti
ang mga salita bago ipamahagi sa nakararami.

Ang maling paggamit ng internet o social media ay maaaring makapagdudulot ng


kasamaan sa atin at maging sa ibang tao.

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 6


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan
Gabay na Tanong:

1. Ano ang pinapaksa ng nabasang teksto?


___________________________________________________________________________
2. Ano ang tonong nangibabaw sa teksto?
___________________________________________________________________________
3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng teksto?
___________________________________________________________________________
4. Anong aral ang iyong natutunan sa binasang teksto?
___________________________________________________________________________
5. Dapat bang sumasabay sa uso ang mga tao? Bakit? Bakit hindi?
___________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilogan ang titik
ng tamang sagot.

1. Isang itong grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit


upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
A. Komiks B. Magasin C. Tabloid D. Radyo

2. Naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas na kadalasang inilathala ng


araw-araw.
A. Komiks B. Magasin C. Pahayagan D. Radyo

3. Ito ay itinuturing na pahayagang pangmasa na inilalako sa lansangan.


A. Komiks B. Magasin C. Pahayagan D. Tabloid

4. Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga tao kung saan sila


ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya
sa isang virtual na komunidad at mga network.
A. Internet B. Online Selling C. Social Media D. WIFI

5. Isa itong paraan ng pagkuha ng larawan sa iyong sarili na ikaw lamang ang
may hawak ng kamera o selfon.
A. Groufie B. Jumpshot C. Selfie D. Portrait

6. Salitang ginagamit kapag inilalarawan natin ang isang bagay, palabas at iba pa
na ito ay sikat o kilalang-kilala.
A. Bongga B. Kabog C. In na in D. Trending

7. Ginagamit ang salitang ito sa pagtukoy sa mga tao o mamamayang gumagamit


ng social media.
A. Dabarkads B. Kapamilya C. Madlang pipol D. Netizens

8. Ito ay tumutukoy sa punto-de-vistang ginamit ng manunulat sa pagsulat ng


isang teksto.
A. Layon B. Paksa C. Pananaw D. Tono

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 7


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan
9. Ito ay ang kabuuang ideya, kaisipan, nilalaman o pinag-uusapan ng isang teksto
o talataan.
A. Layon B. Paksa C. Pananaw D. Tono

10. Ito ang mga kaisipang nais sabihin ng manunulat sa mga mambabasa.
A. Layon B. Paksa C. Pananaw D. Tono

C. Pagtataya

Panuto:Ihambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto ayon sa sumusunod na batayan.

Gampanin ng Tao sa ______________________


(Pamagat ng Popular na
Social Media Babasahing Nabasa)

Paksa ng Teksto

Layon ng Teksto

Tono ng Teksto

Pananaw ng
Teksto

Paraan ng
Pagkakasulat

Pagbuo ng
Salita

Pagbuo ng
Pangungusap

Pagbuo ng
Talata

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 8


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan
D. Karagdagang Gawain

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos, punan ng malinaw na pahayag ang
kahon ng salaysay at angkop na diyalogo naman sa lobo ng usapan upang mabuo
ang diwa ng iyong kuwento. Gamitin ang kasunod na rubriks sa pagbuo ng
komiks.

Rubriks sa Pagmamarka
Naipapamalas ang pagkamalikhain sa pagbuo ng mga salitaan 5
Naipapakita sa nabuong kuwento ang kaasalang Pilipino 5
Naipapakita ang kaugnayan ng mga pahayag at mga larawan 5
Kabuuan 15

______________________________________
(Pamagat)

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 9


SELF-LEARNING HOME TASK 1: Paghahambing ng mga Tekstong Binasa
ayon sa Batayan

Sanggunian:
Enrijo, Wirlita A., et. al. 2016. Panitikang Pilipino Filipino 8 Modyul para sa Mag-aaral.
Philippines: FEP Printing Corporation.
Julian, Aileen Baisa, Nestor S. Lontoc, and Mary Grace C. Del Rosario. 2017. Pinagyamang
Pluma 8 . Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.
https://www.scribd.com/doc/81343168/LAYON-NG-TEKSTO
https://www.slideshare.net/YiSeulBi/pahayagan-68898925

Inihanda ni: Cristal M. Getaruelas


Iniwasto nina: Lilian M. Vaño, Rodrigo B. Davide Jr.
Sinuri nina: Rolelie A. Sombilon, Genaro D. Albeos, Cristino O. Carreon

GUIDE

Para sa Guro:
Payuhan ang mga mag-aaral na basahin ang babasahin at talakayan bago sagutin ang
mga gawain. Ang pagsunod-sunod sa mga bahagi ay nakatutulong sa kanila upang madaling
maunawaan ang paksa.

Para sa Mag-aaral:

Basahin nang mabuti ang self-learning home task mula una hanggang sa huling bahagi.
Sa pagsasagawa nito, natutulungan kang maunawaan nang mabuti ang paksa.

Para sa Magulang/Home Tutor:

Tulungan ang iyong anak at siguraduhing kaniyang babasahin ang bawat bahagi ng self-
learning home task upang masiguro na mauunawaang mabuti ang konsepto.

Grade 8 Filipino – Ikatlong Markahan 10

You might also like