You are on page 1of 14

Module 1

Tradisyunal at Modernong Panitikan sa Kulturang Popular ng mga Filipino- ni Paolo Acabado

-Tradisyunal na panitikan madaling makita sa lipunan ng Pilipinas.

-Mga kagustuhan ng masa mga programa na nakakaaliw o kaya naman ay nakapagbibigay pag-asa.

Hal. Soap opera/telenovela.

-Kulturang popular ng Pilipinas ay kakikitaan ng modernisismo, kadalasang makikita ito sa "indie films"
na nagpapakita ng totoong kalagayan ng ating lipunan.

Mga Isaalang-alang sa pagsulat ng teksto

1. Layon- tumutukoy sa nais sabihin ng may akda sa mga mambabasa.

2. Paksa- binibigyan ng pokus o tuon sa teksto.

3. Tono- tumutukoy ang tono sa naghaharing damdamin ng teksto. (Malungkot, masaya, nagagalit etc.)

4. Pananaw- tumutukoy sa punto de vistang ginamit sa manunulat.

a. Unang panauhan- ako, ko,akin, kita, tayo, natin, atin, kami, naming, amin

b. Ikalawang panauhan- ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo

c. Ikatlong panauhan- siya, niya, kanya, sila, nila at kanila.

5. Paraan ng pagsulat- istilo sa pagkasulat, pagbuo ng pahayag at istruktura ng teksto. (Pagsisimula,


Pagpapalawak, at Pagwawakas).

6. Pagbuo ng mga salita- mahalagang iangkop sa tema ng mga sulatin na gagamitin. Mahalagang
magkaroon ng mayamang bokabolaryo at makahulugang idyoma.

7. Pagbuo ng mga talata- lipon ng mga pangungusap, nakapaloob na dito ang balangkas o layunin.

8. Pagbuo ng pangungusap- lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.

Mga anyo ng Kontemporaryong panitikan

1 Tabloid - Naglalaman ito ng mga balita tungkol sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. Isa itong uri
ng print media, gaya ng pahayagan, na kailanma'y hindi namamatay at bahagi na ng ating kultura.

2. Magasin - Ito ay naglalaman ng mga maikling kwento at sunod-sunod na mga nobela. Ito ay may iba't
ibang anyo:
A. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay nagpapatunay bilang sandigan na may maraming mga
impormasyon na nagiging kagamitan upang mapag- usapan ng kalalakihan ang mgabagay tulad ng
buhay. pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

B. Cosmopolitan- Magasing pangkakabaihan. Ito ay isang gabay upang maintindihan ang kababaihan
tungkol sa mga popular na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura, at aliwan.

C. Good Housekeeping- Isang magasin para sa abalang ina. Naglalaman ito ng mga artikulong
makatulong sa kanila uopang gampanin ang kanilang responsibilidad at paano maging mabuting may
bahay.

D. Yesl-Magasing tungkol sa mga balitang showbiz ang laman nito ay mga patok at paging bago, nakaw-
atensyon na mga larawan at malalaman na detalye tungkol sa buhay ng mga artista.

E. Metro-Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang
nilalaman ng Metro.

F. Candy- Ang magasin na ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakakaunawa sa sitwasyong
pambata. Binibigyan pansin nito ang mga kagustuhan at suliranin ng mga kabataan.

G. Men's Health - Magasin na nakakatulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Naglalaman
ng mga pamamaraan sa pag-eehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan, kung kaya ito ay nagiging paborito ng maraming kalalakihan.

H. T3- Isang magasin na naglalaman ng mga gadget. Naipakita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga popular at patok na balita at gabay tungkol sa mga
paraan sa pag-aalaga ng mga gadget.

I. Entrepreneur- Magasin para sa mga taong may negosyo o nals magtayo ng negosyo.

3. Komiks- Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento. Maaaring binubuo ito ng dayalogo sapagkat ang komiks ay naglalaman ng mga
isa o higit pang larawan. Narito ang mga bahagi ng komiks.

a. Kuwadro (frame) - naglalaman ng isang tagpo sa kwento

b. Kahon ng salaysay - Pinagsusulatan ng maikling salaysay. c. Pamagat ng kuwento ang pamagat ng


komiks

d. Larawang guhit- mga larawang ginuguhit sa komiks na kumukuha ng atensyon sa mambabasa.

e. Lobo ng usapan- pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba't ibang anyo batay sa inilalarawan
ng dalubhasa.

Module 2

Ang mga paraang ginamit sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita o komentaryo
Pagbabasa at Pananaliksik- mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at
pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta
sa mga libro at iba pang materyales na karaniwang matatagpuan sa mga aklatan o Internet.

Obserbasyon - ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa


mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.

Pakikipanayam o Interbyu - makapagtitipon din ng mga kaalaman ar Impormasyon sa pamamagitan ng


pakikipanayam o interbyu sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa paksang inihahanap bg
mga impormasyon.

Pagtatanong o Questioning - sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang isang tiyak na
paksang gustong isulat.

Pagsulat ng Journal - ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksiyon, mga naiisip o
nadarama, at kong anu-ano pa. Madalas sa journal nila hinahango ibinabatay ang mga akdang kanilang
isinusulat.

Brainstorming-Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao.


Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalastasan sa isang maliit na pangkat hinggil sa
isang paksa.

Pagsasarbey-ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa sa


pamamagitan ng pagpapasagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.

Sounding-out Friends ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambahay,


kaibigan, kapitbahay o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa
isang paksa.

Imersiyon - ito ay isang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil
s karanasan o gawaing kinapalooban.

Pag-eeksperimento - sa paeraang ito, sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol dito sa
pamamagitan ng isang eksperimento. Madalas itong ginagamit sa pagsulat ng mga sulating siyentipiko.

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at


pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salta. Ang impormal na
salita ay nauuri sa apat:

1. Lalawigan (Provincialism)- ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan
nito. Kapansin-pansin ang mga lalawiganging salita, bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono ito

hal Tugang (Bikol)

Dako (Bisaya)
Ngarud (Ilokano)

2. Babal (slang) - ang mga salitang ito ay tinatawag sa ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay
hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang
mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye

hal Erpat- tatay

Tsikot- kotse

Sikyo- security guard

Lispu- pulis

Yosi- sigarilyo

Praning - ballw

3. Kolokyal (colloquial)- ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit


may kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita.

hal. Pormal-Aywan

Kolokyal- ewan

Piyesta- pista

4. Banyaga ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang banyaga.
Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang- agham, simbolong pang matematika o
mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.

Module 3

Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag- unlad ng Kulturang Pilipino

Ang radyo- ay isang medyum ng komunikasyon na nagbabahagi mga ganap sa mundo para sa mga
tagapakinig nito.

- Ito ay nakaktulong sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino.

- naghahatid ng musika at iba pang panlibangan sumasalamin sa tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino.

- upang mapanatiling buhay kultura na nagpapanatili ng pag-iisip ng mga Pilipino.

- naghahatid ng mga napapanahong balita, talakayan o opinion kaugnay sa isang paksa.


Mga Ekspresyong Nagpakilala Ng Konsepto Ng Pananaw

Katotohanan- ay isang pahayag na napatunayan at tanggap ng lahat na totoo hindi nagbabago, ito ay
maaring i-venly sa ibang sanggunian tulad ng mga relayabol na mga babasahin at mga taong may
kaalaman Maaaring gamitin ang mga katagang batay s resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa,
tinutukoy ng,mababasa sa at iba pa.

Opinyon- ay pananaw ng isang tao o pangkat na maaring hindi katanggap-tanggap sa iba. Ang opinion ay
mula sa sariling paniniwala na mas malakas p sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na
batay sa obserbasyon at eksperimento. Maaning gamitan ng sa akin palagay, sa tingin ko, sa pakiwari ko,
kung ako ang tatanungin, para sa akin sa ganang akin.

Hinuha o inference- tlo ay nangangahulugang kongklusyon o paghuhusga. Kung may mga ideya na tila
nagbibigay pahiwatig nang isang partikular na pangyayari, maaaring maghinuha ang mambabasa tungkol
dito. Maaring gamitan ng mga katagang baka, marahil, siguro, dila, maaari at iba pa. Personal na
interpretasyon ito ay pagkakaunawa o pagkakaintindi mo sa isang bagay, Ito ay pagpapaliwanag mo para
sa ibang tao.

Module 4

Ang Komentaryong Panradyo ayon kay Elena Bolkin-Levy, koordenlytor, ZUMIX radio, ay ang pagbibigay
ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang saloobin kaugnay sa isang papanahong isyu, o
sa isang isyung kanilang napiling tatalakayin at pagtuunan ng pansin.

Ang pagbibigay opinion ayon kay Levy ay makakatulong ng malaki upang ang kabataan ay higit na
epektibong tagapagsalita.

Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na
naglalahad ng opinion o pananaw.

Telebisyon- Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili.

Dokumentaryo- Isang palabas na maaaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa
katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid.

Radyo- Maaaring maghatid ng balita, talakayan, at impormasyon sa bayan man sa nayon.

Musika- Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.

Balita- Maaaring marinig o mapanood ang ito maging sa radyo o telebisyon.

Module 6- Pakikipanayam
HAKBANG SA PAKIKIPANAYAM PARA MABUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM

 Humingi ng pahintulot sa taong kapanayamin Alaming mabuti ang pagkatao ang kapapanayamin
 Maging sensitibo sa pagtatanong
 Maging sensitibo sa pagtatanong
 Iptanong ang lahat ng ibig malaman na may kaugnayan lamang sa paksa
 Makinig at unawaing mabuti ang ibinigay na sagot.

2 PAKIKIPANAYAM

 Laging igalang ang taong kinapanayam


 Magtanong nang maayos na akma para sa pagkatao at may kinalaman lamang sa paksa.
 Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam

3.PAGKATAPOS NG PANAYAM

 Maging bukal sa loob ang pagpapasalamat.


 Bumuo ng isang mahusay na balangkas hinggil sa impormasyong nakalap mula sa panayam.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag- ugnay o pinagsama Halimbawa nito
ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin
at paraan, paraan al resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta-

Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang
resulta nito, Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/ sanhi at
resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang- ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod.

Pardon na ginamit- (dahilan pang-ugnay + resulta)

Nag-aaral siyang mabuti

kaya/ kaya naman natuto

siya nang husto.

(dahilan pu resulta; may hinto sa pagitan ng dahilan at resulta)

Nag-aaral siyang mabuti.


Dahil dito/ Bunga nito/ Tuloy natuto siya nang husto.

(pu+ dahilan resulta, may hinto pagkatapos ng dahilan)

Sapagkat Pagkat/ Dahil

nag-aral siyang mabuti, natuto siya nang husto.

(resulta pu+ dahilan)

Natuto siya nang husto

sapagkat/ pagkat/ kasi/ dahil nag-aral siyang mabuti.

- Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba't ibang paraan. Ginagamit ang mga
kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi
samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, at
bunga nito.

2. Paraan at Layunin-

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naisipan sa tulong ng isang
paraan. Tingnan ang halimbawa Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng
relasyon.

Padron na ginamit- (pu+ layunin + paraan nag-aaral siyang mabuti

mayhinto pagkatapos ng layunin)

Upang/ Para matuto nang husto,

nag-aaral siyang mabuti.

(paraan + pu+ layunin)

Nag-aral siyang mabuti

upang/para/nang sa ganoo'y

matuto nang husto.

- Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa ganoon upang mathudyat
ang layunin.
3. Paraan at Resulta-

Padron na ginamit- (paraan + resulta)

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.

Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang kurso.

(resulta + paraan)

Nakatapos siya ng kaniyang

kurso sa matiyagang pag-aaral

- Mapapansing walang ginamit na pang ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit
upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan-

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang
kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow

Padron na ginamit- (pu + kondisyon + bunga)

Kung nag-aaral ka lang nang mabut,

sana'y natuto ka nang husto.

(bunga+pu+kondisyon)

Natuto ka sana nang husto

kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon, tulad nito:

Padron na ginamit- (pu + kondisyon + bunga)

Kapag/ Sa sandaling/ Basta't

nag-aral kang mabuti,


matututo ka nang husto

(bunga + pu + kondisyon)

Matututo ka nang husto

Kapag/ Sa sandaling/ Basta't

nag-aral kang mabuti.

- Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at
karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakilang salungat nga sa katotohanan ang bunga o
kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling... o basta't upang ipahayag na maaaring maganap
ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

Module 7

 Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking impluwensiya


sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang kumbinsido at
naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong
makabuluhan at maiuugnay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.
 Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.
 Ang pelikula- kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
 Samanatalang ang Dokumentaryo- ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa
buhay at sa lipunan.Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa
edukasyon at suliraning pang-ekonomiya at sa mga katiwalian.
 Pangunahing layunin ng Dokumentaryong pampelikula- ang magbigay impormasyon,
manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong
ekspresiyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang
ginagalawan.
 Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at paggamit ng
ICT o Information and Communication Technology upang lalo pang mapalaganap ang ganitong
mga akdang pampanitikan.

Noong taong 1900- Nagsimula ang dokumentaryong pampelikula.


- Pangunahing inilalarawan dito ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga
tao sa araw-araw.
- Inilalarawan bilang “aktuwal na tanawin o eksena.”
- Katulad din ito ng ibang dokumentaryo gaya ng”travelogue”, “newsreel tradition”, at “cinema truth.”
- Naging”wartime propaganda”, “ethnographic film”at naging inspirasyon din upang makamit ang
maraming tagumpay noon.
Sa pamamagitan ng “Cinema Vertile” (salitang French)- na nangangahulugan film truth o pelikulang
totoo mas naging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.

Module 8

Mga Paraan ng Pagpapahayag


A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin
1. Pagtanggap – “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo”.
2. Pag-aalinlangan – “ Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?”
3. Pagtanggi – “ Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailan man sinabi ang mga pananalitang yaon”.
4. Pagsalungat – “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag”.

B. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawa, ipinakita at ipinadarama


1. Pagbibigay-babala –“Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.
2. Panghihinayang- “Sayang, tama sana nag aking kasagutan”.
3. Hindi Pagpayag –“Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin”. “Bahala na kayo sa
anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

Mga Bantas

Gitling (-)

 Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pangtig ng salitang-ugat


 Kung ang unlapi (prefix) ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa
patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
 Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
 Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
 kagamitan, sagisag o simbolo ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
 Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng
inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan, i.e. magja-Japan (mag-
Japan).
 Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang, i.e. ika-7 na buwan.
 Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction, i.e. isang-kapat (1/4).
 Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
 Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Tutuldok (:)

 Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.


 Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o lihampangangalakal (business letter), i.e.
Dr. Ramos:
 Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod
ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan

Tuldok (.)

 Sa katapusan ng pangungusap na paturol (declarative) o pasalaysay at pautos


 Sa pangalan at salitang dinaglat (abbreviation).
 Sa mga titik o tambilang (digit) na ginagawang pamilang sa bawa't hati ng isang balangkas,
talaan.

Pananong (?)

 Sa pangungusap na patanong.
 Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig (indicate) ang pag-aalinlangan (doubt) sa diwa ng
pangungusap.

Padamdam (!)

 Sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing


damdamin.

Kuwit (,)

 Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.


 Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas (conclusion) ng isang lihampangkaibigan
(letter to a friend).
 Pagkatapos ng OO at HINDI.
 Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno (dependent clause).
 Sa hulihan ng bilang sa petsa (date), o sa pagitan ng kalye (street) at purok (district) at ng bayan
at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.
 Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi (dialogue) ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.

Kudlit (‘)

 Sa isang titik na kina-kaltas, i.e. siya't (siya at) & ako'y (ako ay).

Module 9

Ang Kamalayang Panlipunan (Social Awareness Campaign)- ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng


mahahalagang impormasyon, kaalaman o babala para sa lahat. Ito ay mga current issues o
napapanahong pangyayari na kailangang malaman ng mas nakararaming grupo at indibidwal. Sa
kasalukuyan ginagamit ang mga social media gaya ng facebook, twitter,instagram at iba pa para mabilis
na maipaabot ito sa publiko.
Sa pagbuo ng isang Social Awareness Campaign:

-Kinakailangang makatotohanan ang mga impormasyong nakapaloob dito. Dapat angkop ang mga
saalitang iyong gagamitin lalo na kung mayroon kang partikular na pangkat na gusto mong makabasa o
makarinig nito, dapat na madali lang intindihin ang mga salitang iyong gagamitin upang madali mong
maipahayag ang gusto mong ipaabot na mensahe.

-Kailangan din na ang bawat diyalogo at eksena ay magkakaugnay upang makabuo ng isang mabisang
iskrip.
Ang Kamalayang Panlipunan (Social Awareness Campaign):

-ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon, kaalaman o babala para sa lahat.

-Ito ay mga current issues o napapanahong pangyayari na kailangang malaman ng mas nakararaming
grupo at indibidwal. Sa kasalukuyan ginagamit ang mga social media gaya ng facebook, twitter,instagram
at iba pa para mabilis na maipaabot ito sa publiko.

Sa pagbuo ng isang Social Awareness Campaign

 Kinakailangang makatotohanan ang mga impormasyong nakapaloob dito.


 Dapat angkop ang mga saalitang iyong gagamitin lalo na kung mayroon kang partikular na
pangkat na gusto mong makabasa o makarinig nito,
 dapat na madali lang intindihin ang mga salitang iyong gagamitin upang madali mong
maipahayag ang gusto mong ipaabot na mensahe.
 Kailangan din na ang bawat diyalogo at eksena ay magkakaugnay upang makabuo ng isang
mabisang iskrip.

Hakbang Sa Pagbuo ng Kamalayang Panlipunan

1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness campaign.
2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa, makarinig, makakita o
makapanood ng kampanyang iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais bigyang
pansin upang magkaroon ng sapat at malawak na kaalaman hinggil dito.
4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong kampanya. Maaaring
gumamit ng broadcast media, print media, video technology, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon tiyak
na papatok sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitin ito ng social network media tulad ng facebook,
twitter, youtube, at iba pa.
5. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isakatutuparan ang pagbuo ng isang kampanya.

Hal. ng global campaign

GLOBAL WARMING: Kababalaghan o Katotohanan?

GLOBAL WARMING
Kababalaghan o Katotohanan?

 Ni Bienvenido A. Ramos
Ang global warming o pag-iinit ng mundo, kung hindi mapipigil, ay lilikha o lumilikha na ng mga
pagbabago sa klima,
 tulad ng El Niño o mahabang tagtuyot;
 malalakas na pag-ulan at pagbaha, na tinatawag namang La Niña.
 Ayon sa mga scientist, kapag hindi nabawasan ang ibinubugang greenhouse gases mula sa mga
planta at pabrika ng mga industriyalisadong bansa, hindi magtatagal, ang sobrang init na naiipon
sa mundo ay magiging sanhi ng pagkalusaw ng mga bundok ng yelo at niyebe na magpapaapaw
sa mga karagatan at magiging sanhi ng paglubog ng mga lupang nasa baybay-dagat, lalo na sa
mga archipelago tulad ng Pilipinas.
 Ayon sa DENR, sa kabila ng pag-iral ng Clean Air Act, ang daan-libong sasakyan sa Metro Manila
lamang ay nagbubuga ng usok na nagsasapanganib sa kalusugan ng mamamayan, at
nakapagdaragdag sa greenhouse gases pati narin ang pagkasira ng kalikasan at kapaligiran..
Kaugnay nito ang may 1,095 bukas na tambakan ng basura sa bansa ay nagbubuga rin ng
methane (kabilang sa green house gases) na sanhi ng pagbalot ng init sa mundo. Sa mga
mapamahiin at matatakutin, ang pagbabago ng klima at ang abnormal na takbo ng panahon,
 tulad ng El Niño o La Niña, ay itinuturing na “phenomenon” o kababalaghan at ipinalalagay na
tandang malapit nang gunawin ng Diyos ang mundo, o may sisiklab na digmaan o lalaganap na
salot. Kapag mapula ang lubugan ng araw, ibig sabihin ay may darating na bagyo.

Ang napakahabang tag-init nitong nakaraang limang buwan at ang matinding alinsangan sa gabi—kahit
nitong Hunyo, na tradisyunal na simula ng panahon ng tag-ulan—ay itinuturing ng karaniwang tao na
karaniwan at di dapat pansining pagbabago ng panahon.

 Pero sa mga siyentipiko, ang mga “pagbabago” na ito sa klima ay babala ng isang malaking
kalamidad na may saklaw na pandaigdig at hindi dapat ipagwalambahala.
 Hindi ito isang phenomenon o kababalaghan, ito ay isang krisis, nagdudumilat na katotohanan
na ang mundo ay nahaharap sa isang krisis na tinatawag na “GLOBAL WARMING!”
 Ayon sa mga scientist, ang matinding init na bumabalot ngayon sa mundo ay likha ng
“greenhouse gases”—partikular ay carbon dioxide o CO2, methane at nitrous oxide.
 Ang greenhouse gases na ito ay nagmumula naman sa usok, pollutant coal (karbon o uling), na
ginagamit sa mga planta at pabrika ng mga industrialisadong bansa,

-tulad ng Estados Unidos, China, Germany, Russia at iba pa. idagdag pa riyan ang milyun-milyong
sasakyang de motor na gumagamit ng gasoline, langis at ibang kemikal, na nagbubuga ng greenhouse
gases.

 Ayon sa mga siyentipiko- dahil sa pagkaipon ng greenhouse gases na ito sa atmosphere o


kalawakan ng mundo, ang enerhiya mula sa sikat ng araw ay hindi makapaitaas sa outer space o
rurok ng kalawakan—kaya naiipon sa ibabaw ng mundo ang init.
 Ayon sa pananaliksik na pang-agham- taun-taon ay nararagdagan ng 0.6 degrees Celsius ang init
sa ibabaw ng daigdig.

Module 10

Komunikatibong Pahayag

MGA HALIMBAWA NG KOMUNIKATIBONG PAHAYAG


1. Paghanga at pagpuri
Halimbawa: Napakahusay ng ginawa mong pagtulong kanina
2. Pasasalamat
Halimbawa: Mabuti na lang at narito ka para tumulong. Salamat

3. Panghihikayat

Halimbawa: Halika, tumulong tayo sa paglilinis ng ating barangay.

4. Panghihinayang
Halimbawa: Sayang at hindi na maaabutan ng mga kabataan sa susunod pang
henerasyon ang mga malilinis na ilog.
5. Pagmamalaki
Halimbawa: Talagang iba ang nagagawa kapag tayo ay nagkakaisa.

You might also like