You are on page 1of 6

DENOSTA, JEANELLE M.

IKA – 26 NG NOBYEMBRE 2019


STEM 12-1 FILIPINO SA PILING LARANG
TAKDANG ARALIN # 5

KAHULUGAN NG TALUMPATI

 Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao


tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko
o grupo ng mga tao.

 Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat,


mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong
pampubliko kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng
mga tagapakinig.

 ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

 Ang talumpati ayon sa libro ng Gintong Pamana, wika at panitikan, ni Lolita R. Nakpil,
ito ay isang sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin
sa harap ng mga taong handang magsipakinig. Ang mga tiyak na layunin ng talumpati
ay humihikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.

 Ang talumpati ay isang maayos na pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita. Ang


layunin nito ay makapagharap o makapaglahad ng patakaran o simulain o dili kaya ay
makapang-akit ng nakikinig tungo sa isang kapasyahan.Naglalayon din itong
mapakilos ang mga nakikinig sa isang simulain o adhikain. Ang Talumpati ay
binibigkas sa harap ng mga tapakinig, maaaring sa isang kapulungan.

Page | 1
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
2. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.
3. Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng
mga ideya sa talumpati.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati


1. Paghahanda

 Talumpating Maisusulat Pa Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabutri sa


paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang
interes ng mga makikinig o manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng
pagbigkas.
 Talumpating Hindi Maisusulat Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung
kailangang bigyan ng talumpati, linawin ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng
maliliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may
kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin
sa proseso, at sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang.

2. Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig


 Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati
kung kaya’t mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas
nito.

3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
 •Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding
emosyon , batay sa kanyang paksa, na siyang pinakamahalagang mensahe ng talumpati.

4. Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig


 •Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng
pagbubuod sa mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-
iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.

Page | 2
MGA KATANGIAN NG TALUMPATI
 May layunin
 Tumutukoy sa mahalaga at kapaki-pakinabang na paksa, may
kapupuntahan ang talumpati
 Kailangan ang mga magagaling na material sa pagbuo ng talumpati, may
kredibilidad at konkretong basehan an talumpati
 Kailangang analitikal, may timbang
 Mahusay na plano sa pagdeliber ng talumpati, may metodo na sinusunod
 Humihikayat at tumatawag ng pansin, may nabubuong rapport ang mga
mananalumpati at audience

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI


1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman,
karanasan at interes.

2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng


materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na
talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan
na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang
napili.

3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula,


katawan at pangwakas.

4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta


sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI


1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang
atensyon ng madla.

2. Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.

3. Paninindigan- Pinatotohanan ng Mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.

4. Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.


Page | 3
HALIMBAWA NG TALUMPATI TUNGKOL SA BASURA
Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalist–may mga gawain akong di maiwasan
gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagay–may isang gawi
ako na kahit paano’y maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang mala-talumpating
pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment:

Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat
ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama.

Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran
ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti
kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay
na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa.

Mas malupit ang pagtrato natin sa likas na yamang-tubig. Tumingin ka lang sa alinmang ilog–sa
Kamaynilaan man o sa mga probinsya–at makikita mong kadalasa’y mga basura mula sa mga
tao ang nagsisilbing pampang ng ilog. Sa amin sa Marinduque, may dalawang dekadang literal
na ginawang basurahan–tapunan ng dumi mula sa minahan–ang dagat.

Samantala, noong nabubuhay pa siya’y ikinukuwento ng lolo ang Ilog Pasig na nilalanguyan niya
noong nakarating siya sa Maynila. Pakiramdam ko’y nata-time-space warp ako sa kanyang
kuwento. Ibang-iba kasi ang ilog na nasa kuwento niya–malinis at malinaw; ang alam ko ay
iyong ilog na naghihingalo’t pilit na isinasalba sa tuluyang pagiging isang malaking pusali.

Paulit-ulit na nating naririnig ang mga ganitong reklamo, ang mga ganitong paalaala: na kung
magpapatuloy tayong mamuhay sa ganitong paraan, baka wala nang abutang malinis na tubig
at lupa ang mga anak ng ating magiging mga anak.

Hindi lamang ang banta ng basura o polusyon ang panganib na kinakaharap ng ating planeta.
Mayroon pang mas malalaking suliranin gaya ng pagkakalbo ng mga kagubatan at pagbabago ng
klima (climate change). Ngunit para sa ating mga nakatira sa maliit at papaunlad na bansa,
mahalaga ang ambag ng bawat mamamayan sa pagharap kahit sa simpleng problema sa basura
lang muna. Malaking bahagi ng ambag na ito ay manggagaling sa kabataan.

Naniniwala akong ang tila napakasimple ngunit mahalagang gawi ng tamang pagtatapon ng
basura ay dapat itanim sa isipan ng bawat bata. Kinakailangang gawin itong bahagi ng kanyang
araw-araw na buhay–ng kanyang sistema–gaya ng paghinga at pagkain o paglalaro at
pagdarasal.

Tila malabo nang maturuan ang marami mga nakatatanda. Para sa kanila, sadyang ang buong
paligid ay isang malaking basurahan. Pero may pag-asa pa sa kabataan. Noong maliit pa ako,
paulit-ulit na ipinaalaala ng aking mga guro at pamilya ang tamang pagtatapon ng basura.
Page | 4
Nadala ko ito hanggang sa paglaki ko, at kahit ngayong nakatira ako na ako sa lungsod.
Sinusunod ko ang slogan ng MMDA: “Ang maliit na basura, ibulsa na lang muna.”

Kung ituturo natin sa ating mga nakababatang kapatid, pinsan, kalaro, estudyante, at iba pang
mga bata ang ganitong pananaw, malaki ang tsansang ito’y seryosong sundin at kalakhan na
nila.

Kung magkakaganoon, malinis na Pilipinas ang iiwan nila sa salinlahing susunod sa kanila

SANGGUNIAN:
Aannerss Follow. (2018, September 2). Pagsulat ng talumpati. Retrieved from

https://www.slideshare.net/Aannerss/pagsulat-ng-talumpati-112669366.

Badillo, K. (2013, October 4). ANG MAHUSAY NA TALUMPATI. Retrieved from

https://prezi.com/qrl27qp1atuy/ang-mahusay-na-talumpati/.

Mahilom, A. B. (2010, September 3). Talumpati. Retrieved from

https://teksbok.blogspot.com/2010/09/talumpati.html.

Talumpati: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at mga Uri. (n.d.). Retrieved from

https://pinoycollection.com/talumpati/.

Page | 5
Page | 6

You might also like