You are on page 1of 15

3.

1 PASASALAMAT
Bilang Pilipino, ang birtud ng pasasalamat ay isa sa mga katangiang binibigyan ng lubos na
pagpapahalaga dahil kinikilala ang kabutihan ng kapwa lalo na sa oras ng pangangailangan. Binibigyang-
pansin na ang mga biyayang natatanggap ay dahil sa pagmamalasakit ng kapwa.

Pasasalamat o Pagpapasalamat:
1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na "gratus" (nakalulugod), "gratia" (pagtatangi o kabutihan) at
"gratis "(libre o walang bayad).
2. Ito ay isang gawi ng isang taong mapagpasalamat.
3. Ito ay ang pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng
kabutihang-loob
4. Ito ay ang pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa ng
kabutihan.
5. Ito ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud.

Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Pasasalamat


1. Naipakikita ito sa utang na loob.
a. Nangyayari ang utang na loob sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa. Ito ay
ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng
matinding pangangailangan.
b. Ito ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman ay nakadarama
ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo sa panahon ng kagipitan.
2. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautangan ng loob, maaari ding
ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng mabuti sa
ibang tao.
3. Dahil sa naranasan mong kabutihan mula sa ibang tao, nagkakaroon ka rin ng paghahangad na
ipakita ang kabutihang ito sa taong iba sa tumulong sa iyo.
4. Ngunit ang utang na loob minsan ay nagagamit din ng ilang tao sa maling paraan o pag-aabuso.

Mga Konseptong Kailangang Isabuhay


1. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang pusong marunong
magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula sa kapwa.
2. Isang mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil kinikilala mo na hindi
lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil lamang sa sarili mong kakayahan o
pagsisikap.
3. Ang taong may pasasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong bahagi ng buhay sa kabila
ng mga pagsubok dahil alam niyang may mabuting Diyos na patuloy na gumagabay sa kaniya.
4. Ang pasasalamat ay humuhubog sa emosyonal at ispiritwal na pagkatao sa pamamagitan ng
pagtuon sa mga pagpapalang natatanggap mula sa Diyos.

Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat:


1. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.
a. isipin ang mga tao o mga bagay na pinapasalamatan mo
b. gagawa ka ng listahan ng mga taong gusto mong pasalamatan o mga bagay na nais mong
gawin upang maipakita sa kanila ang iyong pasasalamat.
2. Isipin din ang Diyos na patuloy na nagbibigay sa iyo ng buhay at ang kalikasan tulad ng hangin,
araw, ulan at iba pa.
3. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na nangangailangan
ng iyong pasasalamat.
4. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan. Ito ay pagpapakita ng
pagpapahalaga sa magandang ginawa nila sa iyo.
5. Magpasalamat sa bawat araw.
6. Mahalagang alisin sa isipan ang mga negatibong kaisipan bagkus isaisip ang kagandahan at layunin
sa buhay.
7. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam.
8. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.
a. Nagagawa mo maging ang mga simpleng gawain na ikatutuwa ng ibang tao
9. Magbigay ng munti o simpleng regalo.

3.2 MGA POPULAR NA BABASAHIN


Sa kasalukuyan, marami sa mga kasing-edad mo ang nawiwili sa iba't ibang lunsaran ng
kasiyahan/aliwan o medya. Sa mga elektroniko o online na babasahin, nariyan ang wattpad, mga blogs at
iba pa. Nabigyan man ng bagong mukha o bagong paraan ng paglulunsad ng mga babasahin sa
kasalukuyan ay masasabing nagpatuloy ang tradisyonal na panitikan sa kabila ng modernisasyong dulot
ng pag-unlad ng teknolohiya. 

1. Pahayagan - Ito ay isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng kultura. Naglalaman
ito ng mga balita sa loob at labas ng bansa. Kabilang dito ang mga balita tungkol sa isport,
politika/gobyerno, showbiz, mga maaaring pasukang trabaho. Dito rin mababasa ang editoryal at
makapaglaro ng palaisipan.
2. Komiks - Ito ay grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kwento. Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat
binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o magbigay-kahulugan sa
teksto upang higit na mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa
3. Magasin - Isang uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na
hatid nito at mga impormasyong makukuha rito. Ang Liwayway ang unang itinuturing na magasin
sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kwento at maging nobela na naging dahilan upang
umunlad ang kamalayan sa kulturang Pilipino.
4. Kontemporaryong Dagli - Sa kasalukuyan, sinasabing nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa
harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kwento sa mga tabloid o
tampok na kwento (feature) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at
telebisyon. Hindi na ito tinatawag na dagli sa kasalukuyan dahil may iba na itong pangalan o
katawagan - anekdota, spice-of-life, day-in-the-life, at iba pa.

3.3 MGA TERMINONG GINAGAMIT SA MULTIMEDIA


Narito ang ilan sa mga termino na karaniwang ginagamit sa mundo ng multimedia.
a. social media - sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi,
at nakikipagpalitan ng impormasyon at ng mga ideya sa isang virtual na komunidad at network.
b. blogger - nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, at iba pa gamit ang isang tiyakl na
website.
c. hashtag - salita o pariralang inuumpisahan gamit ang simbolong # na nakatutulong upang
mapagsama-sama sa isang kategorya ang mga tweet sa Twitter o maging ang posts sa Facebook.
d. netizens - taong aktibong gumagamit ng internet; taong eksperto sa paggamit ng social network.
e. jejemon - tumutukoy sa mga tao lalo na sa mga kabataang mahilig gumamit ng mga simbolo at
mga kakaibang karakter (titik at simbolo) sa pagtetext na kadalasan ay nagdudulot ng kalituhan.
f. netiquette - tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet o social media.
g. trending - malawakang nababanggit o napag-uusapan sa Internet partikular sa social media
websites.

3.4 IBA'T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG DATOS


Sa mundo ng digital o information age, napadali ang paghahanap ng mga impormasyon. Nariyan
ang google, microsoft edge, at iba pang aplikasyon sa paghahanap ng mga kakailanganing impormasyon
sa mga takdang-aralin, sa mga pananaliksik at iba pa. Sa pagsulat ng komposisyon, napakahalaga ng
pagkakaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa paksa o isyung isusulat. Ang pangangalap ng impormasyon
ay maaari ring tawaging "pagpapayaman ng kaalaman" ng susulat.

Mga Iba't Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng Datos


1. Pagbabasa at Pananaliksik - Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at
pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagkonsulta sa mga libro at iba pang materyales na karaniwang matatagpuan sa aklatan o Internet.
2. Obserbasyon - Ito ay sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao, pangkat, at
pangyayari.
3. Interbyu - May maitutulong ang pakikipanayam sa mga taong marami nang naging karanasan at
nalalaman tungkol sa kailangang impormasyon.
4. Pagtatanong o Questioning - Sinasagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong tungkol sa
paksa. Ginagamit dito ang 5Ws at 1H (What, When,Where, Who, Why, at How).
5. Pagsulat ng Journal - Ang journal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga
naiisip o nadarama, at kung ano-ano pa. Madalas sa journal hinahango o ibinabatay ang mga
nilalaman ng isusulat.
6. Brainstorming - Ginagamit ito sa pangongolekta ng mga opinyon at katwiran ng ibang tao.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit na pangkat.
7. Pagsasarbey - Sa pamamagitan ng pagpapasagot ng questionnaire sa isang grupo ng respondent.
8. Sounding-out-friends - Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga
kasambahay, kaibigan, kapitbahay, o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan
sa kanila.
9. Imersiyon - Ito ay ang paglalagay ng sarili sa isang karanasan o gawain upang makakuha ng
impormasyon tungkol sa gawaing kinapalooban.
10. Pag-eeksperimento - Sinusubukan ang isang bagay bago sumulat. Madalas itong ginagamit kung
ang impormasyong kakailanganin ay tungkol sa siyentipiko.

3.5 MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA KOMUNIKASYON


Mahirap matutunan ang wikang Filipino lalo na kung ikaw ay isang banyaga. Ang mga salitang
karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakkikipagsulatan sa
mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na mga salita.

Apat na Uri ng Impormal na Salita


1. Lalawiganin (Provincialism) - Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na
pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas, may
kakaiba pang tono ito.
2. Balbal (slang) - Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong
una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang
pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
3. Kolokyal (colloquial) - Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung
sino ang nagsasalita.
4. Banyaga - Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang
banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.

3.6 PASASALAMAT O ENTITLEMENT MENTALITY?


Isa ang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat ay masasalamin sa entitlement mentality. Ito ay
isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng
dagliang pansin. Iniisip niya na kailangang ibigay ang kaniyang mga karapatan, kahit walang katumbas
na tungkulin o gampanin.

Mga halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng entitlement mentality.


1. Ang hindi pagbibigay pasasalamat ng mga anak sa kanilang mga magulang sa kabila ng
sakpripisyong ginawa nila para mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan. Kinakatwira
nila na sila naman ay mga anak at nararapat bigyan ng edukasyon.
2. Ang pagiging agresibo ng mga kabataan na makuha ang kanilang gusto sa panahon o oras na
gustuhin nila. Dahil sa pag-iral ng materyalismo, inaasahan nila ang kanilang mga magulang na
ibigay ang kagustuhan nila dahil sila ay mga anak at nararapat na bilhan ng pinakamodernong
gadget tulad ng cellphone, tablet, o laptop. Kung hindi man makuha ang gusto, sila pa ang
magsasalita ng masasakit sa kanilang magulang.
3. Iniaasa sa pamahalaan ang pagsustento sa pang-araw-araw na panggastos. Iniisip ng iba kung ano
ang makukuha nila mula sa pamahalaan at hindi kung ano ang maaari nilang magawa para rito.
4. Ang hindi pagbibigay pasasalamat sa mga sundalong namatay para ipaglaban ang saligang batas.
May mga iba na nagsasabing "trabaho naman nila iyan".

3.7 PROGRAMANG PANRADYO


Sa kasalukuyan, isa sa mga itinuturing na pinakalamalakas makahikayat at makaimpluwensiya sa
isip at damdamin ng mga tao ay ang mass media. Madali nitong napupukaw ang interes ng mga tao
sapagkat ginagamitan ito ng audio (pandinig) at visual (paningin). Ang mass media ay tumutukoy sa iba't
ibang paraan at komunikasyon kung saan naaabot nito ang maraming tao sa mundong tinatawag na
audience o receiver na wala namang personal na relasyon sa mga sender nito.
Itinuturing na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino ang mass media sapagkat may
kakayahan itong baguhin ang paniniwala at pagapapahalaga ng isang tao sa mabilis na paraan. Kaya
napakahalagang sinusuri ng bawat isa ang nilalaman o mensaheng ipinahahatid ng kanilang pinanonood,
binabasa, nakikita, o maging ang kanilang pinakikinggan.

3.8 POSITIBO AT NEGATIBONG PAHAYAG, KATOTOHANAN, HINUHA, OPINYON AT


INTERPRETASYON
Ang Katotohanan, Hinuha, Opinyon At Personal Na Interpretasyon
1. katotohanan - pahayag na may kongkretong ebidensiya. Gumagamit ng "ayon kay", "mula kay",
"batay sa", "pinatutunayan ni/ng" at iba pa.
2. opinyon - o kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao. Gumagamit ng "para sa akin", "sa
aking palagay", "kung ako ang tatanungin" at iba pa.
3. hinuha - pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon o kondisyon, larawan,
pamagat o pangyayari sa akda. Gumagamit ng mga panandang "siguro", "marahil", "tila", "baka",
"maaaring" at iba pa.
4. personal na interpretasyon - batay sa sariling kaisipan o pananaw sa isang teksto o pahayag.
Maaaring nagpapahiwatig ng bagong ideya.

Ang Positibo At Negatibong Pahayag


Sa araw-araw na tayo ay nakikipag-usap sa ating kapwa, mahalaga na alam natin kung ang mga
binabitawan nating pahayag ay positibo o negatibo. Narito ang pagpapakahulugan sa mga positibo at
negatibong pahayag.

Ang positibong pahayag ay mga pahayag na may diwang positibo at magandang kahulugan kahit na
gumamit ng negatibong salita.
Mga Halimbawa:
a. Napakahusay ng iyong ipanasang gawain sa iyong guro.
b. Ang pagdeklara ng travel ban ng Vietnam mula China ay nakatulong upang mapigilan ang pagkalat
ng virus sa kanilang bansa. Ang hindi pagsang-ayon sa panukala ay nakabuti para sa mamamayan.

Ang negatibong pahayag naman ay diwang negatibo o salungat o hindi pagsang-ayon sa nakararami.
Mga Halimbawa:
a. Ang pangit ng disenyong ito.
b. May punto ang panukala niya ngunit maraming mahihirapan kapag ipinatupad ito.

3.9 EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW


Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling
damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, o karanasan maging ng ibang tao. Ang ganitong pahayag ay
makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat.

Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw ay ang mga sumusunod:


 Alinsunod sa...
 Naniniwala ako na...
 Anupa't ang pananaw ko sa bagay na iyan ay...
 Ayon sa...
 Batay sa...
 Kung ako ang tatanungin, nakikita kong...
 Lubos ang aking paniniwala sa ...
 Palibhasa'y nararanasa ko kaya masasabi kong...
 Para sa akin...
 Sa bagay na iyan masasabi kong...
 Sang-ayon sa...

3.10 PORMAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO


Iskrip
 Ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting.
 Ito ay ang nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin.
 Ginagamit ito sa produksiyon ng programa.
 Ito ay naglalaman ng mga mensahe ng programang dapat ipabatid sa mga nakikinig.
 Napakahalaga nito sapagkat ito ang nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, direktor, taga-ayos ng
musika, editor, at mga technician.

Pormat ng Iskrip
May sinusunod na na pormat ng iskrip na panradyo. Ang mga sumusunof ay mga tuntuning dapat na
sundin kapag magsusulat ng iskrip panradyo.
1. Gumamit ng maliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.
2. Isulat sa MALAKING TITIK ang musika, epektong pantunog, at ag emosyonal na reaksyon ng
tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding
ipakita kung paano gagamitin ang mga ito. Halimbawa: Kailangan bang naka-FADE UNDER ang
musika habang nagsasalita ang isang tauhan.
5. Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya sa iskrip.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang unang salita
ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrerekording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat sa MALAKING TITIK.
Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o diyalogo ng
mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa loob ng (parentesis) o (panaklong) at isulat sa MALAKING
TITIK.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang
nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig. Halimbawa: Boses 1, 2; Lalaki, Babae 1, 2; Talent
1, 2.. Madaling maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong gagamit ng iskrip kung isusulat ang
pangalan ng taong magsasalita. Halimbawa: Leona, Zosimo. Gayundin, kailangang maging tiyak
ang pangalan o katawagang gagamitin, tulad ng Announcer.
9. Isulat sa MALAKING TITIK ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon (:) pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ang SFX O MSC.
11. Sa panibagong pahina, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang.

3.11 PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT


AWTORIDAD
Sa kasalukuyan, isang malaking hamon ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
Nakakalungkot ang mga pangyayaring maraming kabataan na ang napahamak dahil sa kawaln ng
kakayahang sumunod at gumalang.

Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang. At


nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa halaga.
Ang Pamilya Bilang Hiwaga
1. Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo.
2. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan.
3. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.
Ang Pamilya Bilang Halaga
1. Ang pakiramdam na maipagmamalaki mo ang iyong pamilya at isang karangalan ang maging
bahagi nito ang madalas na nangingibabaw na damdamin.
2. Ang nararamdamang karangalan (pride) at hindi kayabangan (vanity), ay isang tugon na bahagi ng
iyong pag-iral. Kasalungat naman ang iyong mararamdaman kung mga bagay na hindi ikararangal
ang naiuugnay sa iyong pamilya.
3. Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi nito ay naipakikita sa pagsusumikap na gumawa
ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Ang karangalang tinataglay ng pamilya ang
nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin ng bawat kasapi nito.
4. Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na uri at antas ng
komunikasyon. May marapat na antas ng komunikasyon para sa mga bagong kakilala at sa mga
mahal mo sa buhay, at di kailanman marapat ang magsalita nang masama, magmura o manglait ng
kapwa.
Ang Pamilya Bilang Presensya
1. Ang pamilya ang nagsisilbing proteksyon sa mga kasapi, duyan ng pagmamalasakit at
pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan, kalakasan, kahinaan, damdamin at
halaga. Itinuturing ang pamilya na isang tahanang nag-iingat at nagsasanggalang laban sa panganib,
karahasan at masasamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at labas ng pamilya.
2. Napagtitibay ang presensiya ng pamilya ng mga nakasanayang gawi o ritwal, at pagkakaroon ng
disiplina. Sa pamamagitan ng karaniwang gawain ng pamilya sa araw-araw, nakakasanayan ang
pagkakaroon ng mga gawi, tulad ng pagmamano o paghalik sa kamay ng mga magulang o
nakatatanda, paggamit ng ‘po’ at ‘opo’, ang pagkain nang sabay-sabay, pagkakaroon ng diyalogo,
pagtulong sa mga gawaing-bahay, at pakikibahagi sa mga pagdiriwang sa iba’t ibang okasyon.
Ang Hamon Sa Pamilya
Maraming suliranin ang naidudulot nang pagkawala o unti-unting paghina ng nakagisnang gawi o
ritwal na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay, paglipat ng tirahan o paghahanapbuhay ng magulang sa
malayong lugar, at epekto ng teknolohiya at industriyalisasyon.
Ang Paggalang At Pagsunod Sa May Awtoridad At Kahalagahan Ng Pagsangguni
 Lahat ng tao ay napasasailalim sa awtoridad.
 Ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magtalaga at
magpatupad ng mga panuntunan. Ang pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang nagbibigay ng
karapatan sa taong may awtoridad upang mapanatili ang pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan,
disiplina at kapakanan ng mga taong nasasakupan upang makamit ang kabutihang panlahat.
 mahalaga ang pagsangguni sa mga taong pinagkakatiwalaan at tunay na nagmamalasakit, na
maaaring bahagi rin ng pamilya (malapit o malayo), tulad ng iyong nanay o tatay, mga
nakatatandang kapatid, tiyuhin o tiyahin, lolo o lola. Maaari ding sumangguni sa mga awtoridad na
labas sa pamilya na binigyan ng lipunan ng kapangyarihang ingatan ang dignidad, ipaglaban ang
karapatan, at tugunan ang pangangailangan ng mga taong kaniyang nasasakupan. Ilang
 Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na taon dahil kinikilala ng bata ang awtoridad ng kinagisnan
niyang pamilya nang walang pagtatangi o bahid ng pag-aalinlangan. Mas madali para sa isang bata
ang sumunod sa kaniyang mga magulang at nakatatanda dahil sa direktang pagtanggap niya mula
sa mga ito ng seguridad, pagmamahal at pag-aaruga para sa kaniyang kaayusan at kagalingan.
Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng:
1. Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng pamilya kung paano sila gumagalang sa
ibang tao at sa Diyos.
2. Pagkikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
3. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at pagmamalasakit.
Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?
1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.
2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
3. Pagtupad sa itinakdang oras.
4. Pagiging maalalahanin.
5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal.
Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?
1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay.
3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at
matiyaga sa maraming bagay.
4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa
mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa kanila.
Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad.
2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
3. Maging halimbawa sa kapwa.
4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging
kaaya-aya para sa iyo.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng
lipunang kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto ng kaniyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod
sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na
pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop
na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay ng angkop na tulong
bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya at ang nararapat ay ang
paggalang sa kaniyang dignidad.
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na
salita.
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal
at pagpapatawad.

3.12 KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANTELEBISYON


Ang Telebisyon
Ang telebisyon ang midyum ng telekomonikasyon na naghahatid ng mga gumagalaw na imahe na
maaaring monochrome o colored, mayroon o walang tunog.
Ang pinakaunang estasyon ng telebisyon ay matatagpuan sa America sa kahulihang taon ng 1920
at simula ng mga taong 1930. Ang unang mekanikal na estasyon ng TV ay tinawag na W3XK at nilikha
ni Charles Francis Jenkins. Unang nagpalabas ng broadcast ang estayong ito noong Hulyo 2, 1928
Itinuturing na isa sa mga pangunahing midyum ng telekomunikasyon ang telebisyon sa Pilipinas.
Taong 1953 nang maitayo sa bansa ang kauna-unahang estasyon ng telebisyon sa pangunguna ni James
Lidenbreg na tinaguriang "Ama ng Telebisyon sa Pilipinas". Siya ang may-ari ng Bolinao Electronics
Corporation na kalaunan ay nakilala sa pangalang Alto Broadcasting System o ABS. Naipakilala ang
telebisyon sa bansa noong 1953 nang simulang ipalabas ng ABS sa Maynila ang DZAQ-TV. Pagkalipas
ng ilang taon ay nabili ng Chronicle Broadcasting Network (CBN) na pag-aari nina Eugenio at Fernando
Lopez ang ABS kung kaya naitatag ang ABS-CBN Network. Ito ang pinakamatanda at nangungunang
television network sa bansa. May islogan itong "In the service of the Filipino."
Sa kasalukuyan, bukod sa ABS-CBN, na isang malaking estasyon ng telebisyon sa bansa ay
nabuo rin ang DZBB TV Channel 7 na mas kilala ngayon bilang GMA Network. Itinayo ito ng isang
residenteng Amerikano sa Pilipinas na nagngangalang Bob Stewart noong 1960.

Narito ang mga uri ng palabas sa telebisyon.


1. Dulang Seryeng-Pantelebisyon – ito ay mula sa konsepto o istorya na nakabata sa iskrip at
kadalasang pinapalabas gabi-gabi o linggo-linggo
a. Telenovela – isang uri ng seryeng-pantelebisyon na kung saan umiikot ang kwento sa buhay
ng bida
b. Pulis at Imbestigasyon – ito ay ukol sa pagsolba ng mga pulis at imbestigador sa mga
nangyayaromg krimen
c. Anime o Cartoon – ito ay mga ginawa ng industriyang pang-animasyon. Ang anime ay mula
sa Asya samantalang ang cartoons ay mula sa Amerika.
d. Programang Semi-Iskripted – isang interaktibong programa at nagbabago-bago ang daloy ng
palabas na ito.
e. Talk Show o Palabas na Usapan – ito naman ay may host na nag-uusap sa mga sikat na tao.
f. Komedi-Serye – ito naman ay nakapokus sa katatawanan
g. Medikal Drama – ito naman ay hango sa kwento ng mga tauhan sa ospital
h. Legal Drama – tumutukoy sa pinagdadaanan ng tao.
i. Fantaserye – kadalasang may elemento ng pantasya, mahika, ekstraordinaryong pangyayari o
mga kamangha-manghang abilidad
j. Tele-Pambata – ito naman ang serye na ang pokus ay purobata
k. Sci-Fi o Science Fiction – mga serye na may elemento ng teknolohiya at kadalasan ang
kwento ay mga pangyayari sa hinaharap.
l. Sitcom – katulad ng komedi-serye, ito ay nakakatawa pero gaya ng talk show, ito ay nasa
studio set.
m. Game Show – ito ay mga palabas na may mga laro at may papremyo
n. Reality TV Show – ito naman ay mga palabas na susubok sa katatagan, prinsipyo at disiplina
ng mga kalahok.
2. Balita at Serbisyo-Publiko
a. Primetime Balita – ito ay mga balita sa buong araw at pinalabas bago ang primetime sa gabi
b. Flash Report – ito naman ay ipinapakita agad-agad sa mga manonood
c. Dokumentaryo – Ito naman ay nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan at ang buhay ng
mga tao sa lipunan
d. TV News Magazine – ito naman ay napapanahong isyu sa lipunan at matalimang sinusuri ng
mga broadkaster sa TV.

3.13 DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON


Ang Dokumentaryo
Isang programa o palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo, mapanuri, at masusing
pinag-aralang proyekto o palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa
isyu, problema, kontribersiyal na balita, at maging ng mga paksang may kinalaman sa kultura at
pamumuhay sa ating lipunan.

Ang dokumentaryong pantelebisyon ay may;


1. Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos ng tao
sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga tao, lugar at
pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang napapanahon.Ito rin ay naglalahad ng katotohanan
sa mga nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang ukol sa kahirapan.
2. Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin nitong
irekord ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa
pamamagitan nito, layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at
marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan silang maipaalam sa
atin ang nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang
layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang buwis buhay na hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa
kahirapan.

Kilala sa larangan ng dokumentaryong pantelebisyon ang mga batikang mamamahayag na sina


Che-che Lazaro, Jessica Soho, Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, at iba. Ang
sumusunod naman ay mga tanyag na dokumentaryong pantelebisyon sa bansa - Reporter's Notebook, I-
Witness, Reel Time, Krusada, Investigative Documentaries, at iba pa.

3.14 MGA HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL 


Sa paglalahad ay mahalaga ang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga
pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na
maipakita ang ugnayan upang madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating ng
nagsasalita o nagpapahayag. 
           Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyong makikita sa ibaba ay
makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.
Pagbabahagi ng mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito 
Mga Pangatnig o
Pang-ugnay na Halimbawang Pangungusap
maaaring magamit
-Sinunod niya ang sinabi ng
Mga pangatnig na:
kanyang magulang na bago gumabi
sapagkat, pagkat,
Sanhi at Bunga ay dapat na nakauwi na
palibhasa, dahil, kasi,
siya kaya hindi siya napagalitan. 
kaya, bunga
(bunga)

Paraan at Resulta Sa pag-aalaga at pagmamalasakit,


Nagsasaad kung paano nakuha ang Pang-ugnay na "sa" naging mas mahaba ang buhay ng
resulta kanyang lola.

Kung gugustohin mong maging


Kondisyon at Resulta isang halimbawa ka sa iyong
Mga pang-ugnay:
Ipinakikitang maaaring maganap o kapwa sa paggalang sa kahit na
kung, kapag, sana,
sumalungat ang pangyayari kung sino man, siguradong mananatili
sakali
isasagawa ang kondisyon kang ganiyan hanggang sa iyong
pagtanda. 

Para maisabuhay ang pagsunod o


Paraan at Layunin paggalang, laging isaalang-alang
Mga pang-ugnay:
Kung paano makakamit ang layunin ang damdamin ng kapwa sa
upang, para, nang
gamit ang paraan.  pamamagitan ng maayos at
marapat na pagsasalita. 

Pag-aalinlangan at Pag-aatubili Mga salitang maaaring


Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag- gamitin:
aalinlangan o nagdududa ay nag- hindi sigurado, yata, Tila hindi iginagalang ng ilang mga
aatubili o hindi kaagad tila, baka, marahil. kabataaan ang mga nakatatanda
isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang kasama ang mga kung gayon may posibilidad na
isang bagay. Gayundin, ang isang nag- salitang: mapariwara sila sa kanilang buhay. 
aatubili ay bunga ng pag-aalinlangan.  kaya. samakatwid,
  kung gayon,

Mga salitang maaaring


gamitin:
siyang tunay, walang Talagang sa tamang landas ang
Pagtitiyak at Pagsisidhi duda, sa katotohanan, patutunguhan ng isang taong
Ugnayang nagsasaad ng katiyakan o talaga, tunay, at sumusunod at may paggalang sa
kasidhiaan siyempre magulang, nakatatanda, at
kasama ang pang- awtoridad. 
ugnay na "na" at
"nang"
3.15 ANG MUNDO NG PELIKULA
Ang pelikula ay kilala bilang sine o pinialakang tabing. Isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Taong
1897 nang dumating ang pelikula sa Pilipinas.
Ang pelikulang Pilipino ay itinuturing na isa sa pinakabata ngunit kinaaaliwang libangan ngayon
ng mga Pilipino sa bansa. Ayon sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ang naitalang kauna-unahang
pelikulang ginawa sa Pilipinas ay ang "Dalagang Bukid" sa direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919
na hango sa Zarsuelang isinulat nina Hermogene Ilagan at ni Leon Ignacio. Ang mga unang pelikula noon
ay kalimitang batay lamang sa mga pelikulang gawa sa Hollywood kung hindi man ay hinahango ang
istorya ng mga ito sa mga aklat.
Sa kasalukuyan, halos hindi na mabilang ang mga pelikulang Pilipinong nabuo at naipalabas sa
bansa. Ilan sa mga ito ay nakilala at tumanggap pa ng mga parangal maging sa ibang mga bansa tulad ng
pelikulang "Anak" na kinilala bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang Pilipino. Ito ay pinalabas noong
2000 bilang handog sa mga overseas Filipino worker na pinagbidahan ni Vilma Santos.

3.16 KAHUSAYANG GRAMATIKAL


MGA BANTAS
 ginagamit ang mga ito sa paghihiwa-hiwalay ng pangungusap, parirala, at salita para sa nasabing
layunin

WASTONG GAMIT NG GITLING


MGA GAMIT KAHULUGAN HALIMBAWA

- pag-uulit ng unang dalawang


Suntok-suntukin
pantig ng salitang may mahigit na
suri-suriin
dalawang pantig

-inuulit ang buong unang


1. Sa inuulit na salita dalawang pantig kung may balik-balik
dalawang pantig lamang ang wasak-wasak
salita. 

-Kung may unlapi, isinasama ito pabalik-balik


sa unang bahaging inuulit pabula-bulagsak

2. Sa isahang pantig ng tik-tak


tunog plip-plap

- paghiwalayin ang pantig na


nagtatapos sa katinig at ang mag-aaral
sumusunod na pantig na mag-isa
nagsisimula sa patinig.

-ginagamitan ng gitling ang salita


3. Sa paghihiwalay ng kahit nagtatapos sa patinig ang pa-Mandaluyong
Katinig at Patinig unang pantig kapag pangngalang maka-Filipino
pantangi ang kasunod. 

- kapag salitang banyaga at nasa pa-cute


orihinal na baybay  ang kasunod maki-computer
- pagbinibigyan ng bigat o diin
lig-in (alanganin)
4. Sa Pinabigat na Pantig ang kakaibang bigkas sa naunang
lang-ap (pag-inom ng mabuti
pantig

-ginagamit sa mga tambalang lipat-bahay


5. Sa Bagong Tambalan
salita bigyang-buhay

bigyang-pugay; maaari naman


-pagtitipid sa paggawa ng
nagpugay
6. Iwasan ang "Bigyan"  tambalang salita, lalo na't hindi
binigyang-pansin; maaari
kailangan
namang pansinin

punongkahoy
7. Tambalan ang       -puno + ng kahoy
 
"Punongkahoy"  buntonghininga
   -bunton + ng + hininga

- kapag hinihiwalay amg numero


8. Sa pagsulat ng Oras ika-8 ng gabi
sa oras at petsang may "-ika" 

- sa pagbilang ng oras na
alas-12 ng tanghali
ikinakabit sa "alas"

- ginagamitan ng gitling ang


salitang may salitang may de-kolor
9. Sa Kasunod ng "De" unlaping "De" mula sa Espanyol de-lata
na ang ibig sabihin ay "sa de-bote
pamamagitan ng" 

-ginagamitan ng gitling ang


di-mahapayang-gata
10. Sa Kasunod ng "Di" salitang pinangungunahan  ng di
di-maitulak
(pinaikling hindi)

- ginagamit sa mga apelyido ng


babaeng nag-asawa upang ipakita
11. Sa Apelyido Genoveva Edroza-Matute
ang orihinal na apelyido noong
dalaga pa.

- ginagamit ang gitling sa mga 1882-1903 (Panahon ng


12. Sa pagsaklaw ng
panahong sakop o saklaw ng Patinding Nasyonalismo
panahon
dalawang petsa 23 Hulyo 1864- 13 Mayo 1903
-ang "gatlang em" ay ginagamit
Napalingon ako- at nang nanlaki
  kapag ibinitin ang daloy ng
ang mata- nang makita siya.
pangungusap

WASTONG GAMIT NG KUWIT (,)


MGA GAMIT HALIMBAWA

1. Sa pagsulat ng kompletong adres upang


Watson Building 1610 J.P Laurel Street, San
paghiwalayin ang pangalan ng gusali, kalye,
Miguel, Maynila
bayan, lungsod, lalawigan, at bansa

2. Sa dulo ng bating pambungad at pangwakas Mahal kong Generoso, 


sa liham pangkaibigan Matapat na sumasainyo,

Bibigyang-pansin ng kanyang administrasyon ang


3. Sa paghihiwalay ng mga salita, parirala sa
pabahay, edukasyon, pagkain, at seguridad ng
isang pangungusap
bansa.

4. Sa pagsulat ng kompletong petsa- sa pagitan


Mayo 11, 2012
ng araw at taon

5. Sa pagsulat ng pangalan kapag nauuna ang


Cruz, John 
apelyido kaysa sa pangalan

6. Upang ihiwalay ang tuwirang sinasabi ng "Hindi ko kilala ang tinutukoy mo," sagot ng
nagsasalita na nasa loob ng panipi. matandang guro.

7. sa pagitan ng mga sugnay sa isang Gawa rin dito sa Pilipinas, aywan ko kung napansin
pangungusap mo, ang mga damit na binili mo sa Amerika.

8. upang ihiwalay ang mga pahayag sa ibang


Di bale, may iba pa namang pagkakataon.
bahagi sa loob ng pangungusap

9. Upang paghiwalayin ang dalawa o mahigit Ano pa't darating ang panahong yuyuko ang
pang pang-uri na isa ang binibigyang-turing. masasama, ang mga palalong nilalang.

10. Upang ihiwalay ang katungkulan sa Noong Disyembre 30, 1937, nilagdaan ni Manuel
pangalan ng isang tao.  Quezon, pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.
 
WASTONG GAMIT NG TULDOK-KUWIT O SEMIKOLON (;)
GAMIT HALIMBAWA

Sa pag-upo sa katungkulan ng baging pangulo,


Ito ay ginagamit sa pagitan ng malalayang unang inaasam ng karaniwang mamamayan ang
sugnay na mahahabang tambalang pangungusap pag-angat ng kabuhayan sa bansa; ito'y ayon sa
na walang pangatnig na ginagamit pangakong binitawan niya noong panahon ng
pangangampanya. 
 
WASTONG GAMIT NG TUTULDOK O KOLON (:)
GAMIT HALIMBAWA
1. Sa hulihan ang bating pambungad ng pormal Mahal na Punong Komisyoner:
na liham Mahal na Senador Dela Cruz:

2. Sa pagsulat ng oras- sa pagitan ng oras at ika-5:00 n.g


minuto 6:00 n.u

3. Upang paghiwalayin ang  lugar na


Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon
pinaglathalaan at ang tagapaglathala o publisista
City: Phoenix Publishing House., 2011
sa isang entri ng mga sanggunian.

4. Sa pagbibigay ng halimbawa o paglalahad ng Mga dumalo: Punong Komsiyuner, Direktor, Puno


mga aytem sa isang serye. ng Yunit

5. Upang ipakita ang bilang ng talata at Juan 3:16


bersikulo sa isang sipi sa Bibliya 1 Samuel 16:7

6. Upang ihiwalay ang bilang ng tono sa bilang


Philippine Journal of Linguistics 3: 15-43
ng pahina sa isang entri ng mga sanggunian.

7. Upang ihiwalay ang taon sa pahina ng aklat o


Ayon kay Narciso 1985: 126
sanggunian 
 
WASTONG GAMIT NG GATLANG (--)
GAMIT HALIMBAWA

1. Upang ipakita ang sakop na bilang, petsa, 1991–– 1993


oras Oktubre 9–– 12

2. Upang ipakita na wala pang tiyak na petsa  (1938––     )

3. Upang maipakita ang biglang tigil at Maaaring ang pinakaugat ng konseptong ito ay ang
maipokus sa dagdag na bagay o kaalaman ang ating matandang sistema ng pagsulat–– ang
pahayag. Baybayin.
 
WASTONG GAMIT NG PANIPI(" ")
GAMIT HALIMBAWA
"Magparaya! Isipin mo na lang na dumagsa ang
1. Upang kulungin ang tuwirang sinasabi ng
kamag-anak na buwaya," wikang mahinahong ngiti
nagsasalita
ni Tandang Selo

Isa sa mga kuwentong nakapaloob sa Umaga sa


2. Upang kulungin ang pamagat ng isang
Dapithapon at iba pang akda ni S.P. Bisa ay ang
artikulo o kuwento na hango sa isang katipunan.
"Ulan"

You might also like