You are on page 1of 23

6

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 7:
Pag sulat ng Ulat at Balita
Filipino – Ikaanim na Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 7: Pagsulat ng Ulat at Balita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SLK na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Cyprus D. Villanueva
Editor:
Tagasuri: Rosemarie B. Sagum, Rene P. Sultan
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldiguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education - Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
6
Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 7:
Pag sulat ng Ulat at Balita
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:

1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang


gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan,
masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang
pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Magandang araw!

Panibagong leksiyon na naman ang iyong pag-aaralan. Tiyak na ang


paksa sa Saliring Linangan Kit na ito ay iyong kapananabikan lalo na at ang
mga ito ay pupukaw sa iyong interes at kaisipan.

Sa Sariling Linangin Kit na ito ay inaasahang matututuhan mo ang


kasanayang pampagkatuto na:

• Nakasusulat ng ulat, balitang pang-isport, liham sa editor, iskrip para


sa radyo broadcasting at teleradyo. F6PU-ivB-2.1, F6PU-IVc-2.11,
F6PU-IVf-2.3, F6PU-IVe-2.12.1

• Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga


datos na kailangan F6EP-IVg-6

Subukin Natin
Nagbabasa sa aklatan ang mag-aaral. Basahin ang kanilang usapan.

Pinagkunan: Landas sa Wika 6, TX, pahina 211

Ø Ano ang suliranin ng isang mag-aaral?

1
Ø Ano naman ang payo ng kamag-aral niya?
Ø Marunong ka rin bang gumawa ng ulat?

B. Basahin ang usapan ng magkaibigang Lito at Nilda habang sila ay nasa


aklatan.

Pinagkunan: Landas sa Wika6, TX, pahina 234-235

LITO : Narining mo na ba ang isang di-kapani-paniwalang balita?


NILDA : Tungkol saan ang balita?
LITO : Tungkol sa isang taong marunong magsalita ng 58 wika.
NILDA : Ano-ano pang impormasyon ang sinasabi tungkol sa kaniya.
LITO : Siya ay isang Lebanese at nagtatrabaho bilang guro at
tagasalin ng wika. Nag-aral siya ng mga wika sa sarili lang niya.
NILDA : Talagang kahanga-hanga siya! Ito namang editoryal sa araw
na ito ang pakinggan mo.
LITO : Tungkol saan ang editoryal?
NILDA : Tungkol sa problema sa basura. Malala na talaga ang ating
problema sa basura.
LITO : Ano naman ang sinasabi sa editoryal?
NILDA : Pinapayuhan tayong tumulong sa pagre-recycle ng basura
upang mabawasan ang kalat sa paligid.
LITO : Talagang kailangan na tayong mag-isip ng mga paraan
upang mabawasan ang kalat sa paligid.

2
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Tungkol saan ang usapan ng magkaibigan?


2. Ano-anong balita ang kanilang nabasa sa pahayagan?
3. Saang bahagi ng pahayagan matatagpuan ang balitang kanilang
binasa?
4. Naaalala mo pa ba ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan?

C. Nakaliham ka na ba sa patnugot ng inyong pahayagan sa paaralan?


ng iyong barangay, siyudad o munisipalidad? Basahin kung paano
sumulat ng liham sa patnugot.
Marso 24, 2020
Sa Editor
Ang Liwanag Bulletin
43-C Kalye Lunas, Laloma, Lungsod ng Quezon

Mahal na Editor,
Nais po naming idulog ang aming suliranin ukol sa basurang
nakatambak sa may bakuran ng aming paaralan. Amoy na amoy ang mga
basurang iyon sa aming silid-aralan. Dahil dito, hindi namin maipokus
ang aming atensiyon sa mga aralin dahil umaalingasaw iyon.
Ilang beses nang ipinalinis ng aming punong-guro na si Gng. Santos
ang nakatambak na basura. Subalit ang mga kalapit-bahay ay tila walang
disiplina. Patuloy pa ring itinatambak ang kanilang mga dumi sa nasabing
lugar. Wala rin sa mga takdang-araw at oras ang paglalabas nila ng
basura para sana makuha agad iyon ng mga basurero. Nananawagan na
rin si Gng. Santos sa kapitan ng barangay subalit tila mabagal ang
kanilang pag-aksiyon. Nababahala na kami at baka sa susunod ay isa-isa
na kaming magkasakit. Sana ay makatulong kayo sa maagap na paglutas
ng problema na aming paaralan.
Gumagalang,

Liza S. Lajom
Mag-aaral
Paaralan ng Three Angels
Lungsod ng Quezon
Pinagkunan: Baybayin sa Wika at Pagbasa6, TX, pahina 337

3
1. Para kanino ang liham na binasa?
2. Kanino ito nagmula?
3. Ano ang layunin ng sumulat ng liham?
4. Ilahad ang suliranin ni Liza mula sa kaniyang liham.
5. Ano ang inaasahang sagot ni Liza mula sa editor?
6. Anong uri ng liham ang iyong binasa?

Aralin Natin

Basahin at unawain ang usapan ng isang mag-aaral at ng kaniyang guro.

CORA : Ibig ko pong mapaganda ang aking ulat. Ano po ang


dapat kong gawin?
GNG. SANTOS : Magtala ka muna ng mga impormasyon tungkol sa
iuulat mo mula sa iba’t ibang babasahin. Pagkatapos,
gumawa ka ng balangkas ng iyong ulat.
CORA : Mahalaga po ba ang paggawa ng balangkas?
GNG. SANTOS : A, oo. Ito ang magiging patnubay mo sa pag-aayos ng
mga impormasyong nais mong ilahad sa ulat.
CORA : Salamat po sa payo ninyo, Ginang Santos. Gagawin
ko na po ang aking balangkas.

Pinagkunan: Landas sa Wika, TX, pahina 212

Ø Bakit mahalaga ang paggawa ng balangkas sa pagbibigay ng ulat?

v Ang ulat ay pagbabahagi ng mga detalye o impormasyon mula sa isang


pangyayari, pag-aaral, natapos na gawain o proyekto, at pananaliksik. Ito
ay maaaring pasalita o pasulat. Maraming dapat tandaan sa paggawa ng
ulat. Narito ang mga dapat gawin:
1. Magbasa o magsaliksik tungkol sa paksang gagawan ng ulat.
2. Itala ang mahahalagang impormasyong nakuha tungkol sa paksa.
3. Bumuo ng balangkas ayon sa dapat nilalaman ng ulat.
4. Ayusin ang mga impormasyong nakuha ayon sa balangkas na
ginawa.

Pag-aralan ang balangkas na ginawa ni Cora para sa kaniyang pag-


uulat.

4
Ang Industriya ng Talaba
I. Talaba bilang yamang-yubig
A. Anyo ng talaba
B. Ang mga uri ng talaba
II. Mga gamit ng talaba
A. Ang mga gamit ng laman ng talaba
B. Ang mga gamit ng balat ng talaba
III. Mga paraan ng pag-aalaga ng talaba
A. Pag-aalaga ng talaba
B. Pag-aani ng talaba

Basahin at intindihin ang balita na nakasulat sa loob ng kahon.

Isang Super Bagyo ang papalapit sa Pilipinas. Tumatakbo


ito sa bilis na 200 kilometro bawat oras.
Malakas ang alon para sa mga manlalakbay at mangingisda.
Pinag-iingat ang lahat. Gawin na ang mga kinakailangang
paghahanda.
Pinakunan: Kasanayan sa Filipino 6, TX, pahina 256

Ø Ano ang pangunahing ideya ng balitang binasa?


Ø Ano-ano ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?

v Ang balita ay maaaring narinig sa ibang tao o sa radyo, napanood sa


telebisyon o nabasa sa mga pahayagan/dyaryo, aklat, at iba pang
babasahin. Maaaring sumulat ng balita tungkol sa sariling obserbasyon
sa paligid.
Maaaring sundin ang sumusunod na pamantayan sa pagsulat ng
isang balita:
1. Kailangang tiyak ang paglalahad.
2. Bawat talata ay nakatuon sa isang ideya. Nasa unang
pangungusap kalimitan ang pangunahing ideya ng balita, ang
ibang pangungusap sa talata ay sumusuporta sa pangunahing
ideya.
3. Ipasok ang unang salita sa bawat talata.
4. Isulat nang maayos at malinis ang balita

Isa sa madalas na binabasa at sinusubaybayan ang balitang isports


dahil na rin sa patas na pagbabalita.

5
v Balitang Isports - Ito ay pagbabalita hinggil sa iba’t ibang uri ng laro at
mga kaugnay na pangyayari sa palakasan. Isa ito sa pinakamaganda at
nakakaaliw na seksiyon sa pahayagan. Dagdag pa rito, ito ay nagtataglay
ng aksiyon, bilis at kulay.
Narito naman ang paraan ng pagsulat ng balitang isports:
1. Ang pagkakasulat ay katulad ng pagsulat ng pangkaraniwang
balita.
2. Inuuna sa pagsulat ang malaking pangyayari.
3. Kalimitang gumagamit ng mga salitang makukulay at buhay.
4. Pokus sa resulta ng laro/tunggalian na siyang pumupukaw sa
mambabasa.
5. Ipinapakita ang dahilan sa pagkatalo at pagkapanalo ng isang
koponan.
6. Isinusulat sa paraang madaling maintindihan ng mambabasa.

Halimbawa:
Thompson pumirma na sa Ginebra
Chris Co (Pilipino Star Ngayon ) - March 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahaba-habang panahon pa ang pananatili ni


Scottie Thompson sa kampo ng Barangay Ginebra Gin Kings.
Ito ay matapos pumirma ang dating University of Perpetual Help
System Dalta standout ng sariwang three-year maximum deal contract sa
Gin Kings.
Inihayag ni Thompson ang magandang balita sa kanyang social media
account kung saan nagpa-salamat ito sa pamunuan ng San Miguel
Corporation sa tiwalang ibinigay sa kanya.
“Maraming salamat boss Alfrancis Chua #NSD,” ani Thompson sa
post nito sa Instagram.
Matatapos na ang kontrata ni Thompson sa Agosto.
Mapapasama na sana ito sa listahan ng mga nasa free agent kung
saan maaari na itong pumili ng koponang mag-aalok sa kaniyang
serbisyo.
Ngunit hindi na ito hinintay pa at agad na lumagda sa three-year
contract kahapon sa opisina ng San Miguel sa Ortigas.
Inamin ni Danny Espiritu, ang humahawak kay Thompson, na
mismong ang mahusay na guard ang humiling sa pamunuan ng SMC
para mabigyan ng extension.
Agad naman itong tinugunan ng management.
Kaya’t malaki ang pasasalamat nito sa panibagong kontratang
ibinigay sa kaniya ng Barangay Ginebra.

6
Limang beses na itong nagkampeon kasama ang Gin Kings — noong
2016 Governors’ Cup, 2017 Governors’ Cup, 2018 Commissioner’s Cup,
2019 Governors’ Cup at 2020 Philippine Cup.
Itinanghal pa itong Finals MVP noong 2018 Commissioner’s Cup.
Samantala, ibinigay ng Barangay Ginebra si Jerrick Balanza sa
NorthPort kapalit ng No. 1 pick sa second round sa PBA Annual Rookie
Draft na idaraos sa Linggo.
Inaprubahan ng pamunuan ng PBA ang naturang trade kahapon.

Suriin ang bawat bahagi ng liham sa patnugot na nasa ibaba.


Paaralang ELementarya ng San Juan
Pamuhatan San Juan, Metro Manila
Ika-19 ng Marso, 2021

Parada Publishing house


114-D A. Lake Patutunguhan
San Juan, Metro Manila

Ginoong Patnugot: Bating Panimula

Kami po ay mula sa Little Journalists Club ng aming paaralan. Nais


po naming magkaroon ng kaalaman sa paggawa ng pahayagan. Nais po
sana naming humingi ng pahintulot ninyo na kami ay bumisita sa inyong
palimbagan upang makita ang tungkol sa paglilimbag ng pahayagan.
Kayo na po ang bahalang magtakda kung kailan kami maaaring
magtungo riyan.
Maraming salamat po.

Katawan ng liham

Bating Pangwakas Lubos na gumagalang,


Lagda John Rey B. Pagal
Kalihim

Pinagkunan: Ugnayan Wika at Pagbasa 6, TX, pahina 236

7
v Ang liham sa patnugot ay karaniwang inilathala sa isang pahayagan.
Ang sumulat o nagpadala ng liham ay naglalahad ng kaniyang suliranin o
hinaing. Maaari rin siyang magbigay-papuri sa isang tao o organisasyon o
kaya ay magbigay ng opinyon tungkol sa isang paksa o isyu. Maaari rin
namang ang nilalaman ng liham sa patnugot ay humihiling.
Ang mga bahagi ng liham sa patnugot ay ang sumusunod:
1. Pamuhatan 3. Katawan ng liham
2. Patunguhan 4. Bating pangwakas
3. Bating Panimula 5. Lagda

Ang liham na ipinadala ay sinasagot ng editor ng pahayagan. Ang editor


ang siyang sumusubaybay, nag-eedit, at namimili ng mga artikulong
ilalathala na maaaring sinulat ng manunulat o mamamahayag sa isang
publikasyon.
Hangga’t maaari, ang liham sa patnugot ay dapat maging tuwiran at
hindi bulgar ang mga pananalita. Ito rin ay dapat maging payak at
makabuluhan.

v Pagsulat ng Iskrip
Ang iskrip ay panitik/sulatin sa anyo ng usapan o dula na maaaring
gamiting panradyo o pampelikula. Ito ay inaakalang pinakawili-wiling anyo
ng panitik sapagkat ito ay pinakamalapit sa kalagayan sa tunay na buhay.
Ito ay pag-uusap na angkop sa sitwasyon ng buhay.
Sa pagsulat ng iskrip, ibigay ang kalagayang iikutan ng usapan o ang
paksang magiging batayan ng iskrip.
Halimbawa:
Kalagayan: Si Carmen at si Lulu ay matalik na magkaibigan.
Madalas silang magkasama sa pamamasyal.

Pakinggan natin sila.


Carmen : Lulu, tayo na sa bahay namin.
Lulu : Bakit? Anong mayroon sa inyo?
Carmen : May ipakikita ako sa iyo.
Lulu : Sige, siguraduhin mong kasiya-siya iyon ha.
Pagdating nila sa bahay ni Carmen.
Carmen : O, maganda ba ang obra maestro ko?
Lulu : Wow! Napakagandang larawan!
Carmen : Ito ang ginawa ko nang ilang araw. Itinuturing ko itong
pinakamahusay na gawa ko.
Lulu : Bilib na ako sa iyo. Magiging masaya si Tita Lucy.
Carmen : Iyan ang regalo ko sa kaniyang kaarawan sa Linggo.
Lulu : Napakagandang produkto ng isang artist na buhat sa
masining na angkan!

8
Carmen : Salamat. Talentong pamana iyan ng mga ninuno ko.
Pinagkunan: Ugnayan Wika at Pagbasa6, TX, pahina 237

May mga pagkakataong ipinasasadula sa klase ang akdang nabasa o


napakinggan. Makatutulong kung gagawa tayo ng iskrip upang maging gabay
sa mahusay na presentasyon at mabilis na pag-ensayo.
Narito naman ang halimbawa ng pagsulat ng iskrip para sa teleradyo:

6:00 P.M. Tagapanayam: Magandang gabi sa inyong lahat. Narito tayo


ngayon upang makapanayam si Bb. Evangelista. (Pag-usapan
ang kaniyang katangian at ang pagkapanalo sa Essay Writing
Contest sa London.)
6:05 P.M. Tagapanayam: Bago natin tanungin si Bb. Evangelista ay
magpatalastas muna tayo. (Sa tape: Komersyal 1)
6:08 P.M. Tagapanayam: (Tatanungin si Bb. Evangelista tungkol sa
paraan ng pagpili ng kalahok dito bago siya nakipagtunggali
sa ibang bansa, karanasan, damdamin, at iba pang reaksiyong
napakinggan mula sa iba.)
6:13 P.M. (Komersyal 2- Mga Patalastas)
6:18 P.M. Tagapanayam: (Maaaring ibukas sa mga nakikinig ang
paanyaya na sila ay tumawag at magtanong sa panauhin).
6:23 P.M. (Komersyal 3)
6:25 P.M. Tagapanayam: (Hingan ng huling pananalita ang panauhing
mag-engganyo sa mga nakikinig na pagbutihin ang
kakayahan. Mamamaalam at ipakilala ang pangalan at
pangalan ng istasyon ng radyo.

Pinagkunan: Pluma, Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino6, TX, pahina 126

Ang pagsulat ng iskrip para sa radyo ay isang organisadong gabay sa


pagbabalita. Nakalagay rito lahat ng gagawin at sasabihin; oras, patalastas
at balita, panayam o dula. Walang masasayang na oras o panahon kapag
nakadetalye na sa iskrip dahil may nakatakdang oras bawat palabas, hindi
maaaring kulangin o lumampas sa oras.

9
Gawin Natin

A. Panuto: Gawan ng balangkas ang ulat na nakasulat sa kahon.

Sabila, Halamang Gamot


Hindi lamang pala nakagagamot ang sabila ng arthritis, ulcer at sakit
sa bato; nakapipigil din ang halamang ito ng ikalawang yugto ng kanser.
Ito ay batay sa pag-aaral na ginawa ni Eleanor Serrame at Clara Y. Lim-
Sylianco ng Institute of Chemistry sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ayon sa pag-aaral, ang ganap na pagpigil ng anumang klase ng
tumor, maging ito ay balat o sa ibang parte ng katawan, ay magagawa ng
pinakuluang dahon ng sabila, bayabas, kalatsutsi, yerba Buena, pandan,
kintsay, damong maria, mayana, at mga pula at dilaw na bulaklak ng
santan.
Ang nasabing pag-aaral ay sumusuporta pa sa naisagawang
pagsasaliksik ng ilang Hapones noong 1991 na ipinalabas sa First
International Congress of Phytotherapy sa Seoul, Korea. Ang pagsasaliksik
na iyon ay nagpatunay na ang sabila ay nakapipigil sa pagtubo ng mga
nakakakanser na tumor.
Mula sa Young Leader6 (Peryodikal sa Hrograpiya, Kasaysayan, at Sibika), tomo VII,
bilang 8, pahina4

Pinagkunan: Landas sa Wika 6, TX, pahina 214

Kopyahin ang balangkas sa sagutang papel at doon isulat ang sagot.

_________________________________
(Pamagat ng Ulat)

I. _____________________________________________
A. __________________________________________
B. __________________________________________
II. _____________________________________________
A. __________________________________________
B. __________________________________________
III. _____________________________________________
A. __________________________________________
B. __________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


• Malinaw ang paksa 5 puntos
• Sapat ang mga impormasyong susuporta sa paksa 5 puntos
KABUOAN 10 puntos

10
B. Panuto: Basahin ang balita. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Taong Marunong ng 58 Wika


Si Ziad Fazah, isang Lebanese na kasalukuyang naninirahan sa
Brazil, ay may natatanging kakayahan. Marunong siyang magsalita ng 58
wika ng iba’t ibang bansa. Nagtatrabaho si Fazah bilang isang guro at
tagasalin ng wika. May aklat din siyang isinulat tungkol sa mga paraang
ginamit niya sa pag-aaral ng mga wika. Natutuhan niya ang Ingles at
Pranses sa paaralan. Ang iba pang wika ay pinag-aralan niyang mag-isa o
nag-self study siya noong edad 14-17.
Isa sa mga paraang ginamit ni Fazah sa pag-aaral ng mga wika ay
ang paggising nang maaga at pagsambit o pagbigkas nang malakas ng
mga salita sa wikang pinag-aralan sa loob ng 20 minuto. Pagkatapos ay
magbabasa siya ng mga pangungusap sa loob ng 2-3 minuto habang
nakikinig nang matagal sa musika. Sa ganito, aniya, naitatanim sa
kamalayan at isipan ang wikang pinag-aralan.
Pinagkunan: Landas sa Wika 6, TX, pahina 235-236

1. Tungkol saan ang balitang ito?


2. Sino ang taong kasangkot?
3. Saan siya naninirahan?
4. Kailan ito nangyari?
5. Ano ang sanhi/kinalabasan ng kaniyang ginawa?

C. Panuto: Gawan ng iskrip ang kalagayan na nakasulat sa loob ng


kahon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Kalagayan: Nahihirapan si Angel sa pag-intindi sa mga aralin sa


kaniyang modyul sa Filipino, kaya naman hirap siyang sagutan ang
mga gawain na nakapaloob dito. Nakipag-ugnayan siya sa kaniyang
mga magulang at kapatid na nakatatanda sa kaniya.

(Ipagpatuloy ang iskrip na sinimulan, isulat sa sagutang papel.)

Angel: Inay, ang nahihirapan po akong intindihin ang mga aralin sa aking
modyul, maaari po ba ninyo akong tulungan?
Inay: Naku anak, ako eh abala sa pangangasiwa sa ating tindahan. Maaari
bang sa iyong tatay ka na lang magtanong?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

11
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


• Malinaw na usapan 4 puntos
• Kaangkupan ng mga salita 2 puntos
• May nabuong kuwento 2 puntos
• Orihinalidad 2 puntos
KABUOAN 10 puntos

Sanayin Natin

A. Panuto: Sumulat ng ulat batay sa sumusunod na balangkas. Gawin


ito sa sagutang papel.

Mga Larong Pilipino


I. Iba’t Ibang Larong Pilipino
A. Pagpapalipad ng Saranggola
B. Pagsunod sa Lider
C. Taguan
II. Mga Larong May Gamit
A. Holen
B. Turumpo
C. Tirador
D. Ihip
III. Mga Larong Ginagamitan ng Isip
A. Sungka
B. Dama
C. Chinese Checkers

Pinagkunan: Landas sa Wika 6, TX, pahina 215

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


• Kawastuhan at organisayon ng impormasyon 7 puntos
• Paggamit nang wasto ng malalaking titil at bantas 5 puntos
• Malinis na pagkakasulat 3 puntos
KABUOAN 15 puntos

12
B. Bumuo ng sariling balitang isports mula sa larawang makikita sa ibaba
gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

Pinagkunan: Vinta 6, Paglalayag sa Wikang Filipino, TX, pahina 278

_____________________________________
(Pamagat)

___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


• Nilalaman ng balita 7 puntos
• Paggamit nang wasto sa mga bahagi ng pananalita 5 puntos
• Kaayusan at orihinalidad 3 puntos
KABUOAN 15 puntos

C. Nais mong iparating sa madla ang iyong saloobin ukol sa itatayong


Computer game shop malapit sa inyong paaralan. Iba’t ibang saloobin
ang maririnig, may maganda at mayroon din namang hindi dahil sa
mga posibleng ibubunga nito. Ano ang iyong saloobin ukol sa isyu?
Sumulat ng liham sa patnugot na maglalahad ng iyong panig. Malinaw
na ibigay ang iyong pangangatwiran kung ikaw ba ay natutuwa o hindi,
o kaya ay sang-ayon o hindi sang-ayon.

13
________________________
_______________________
_______________________
_______________________

_______________________,

______________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_______________________,

_______________________

Pinagkunan : Sanghaya Wika at Pagbasa,TX, pahina 339

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


• Malinaw ang paksa 5 puntos
• Wasto ang paggamit ng mga bahagi ng pananalita 2 puntos
• Buo at sapat ang impormasyong nais ipahatid 3 puntos
KABUOAN 15 puntos

Tandaan Natin

Sa paggawa ng ulat, mahalaga ang organisasyon – may simula, gitna


at wakas. Sa bahaging simula, maaring sabihin ang pinakapaksa o tema ng
ulat. Nasa gitna ang mga pangunahing detalye at sumusuportang
impormasyon. Sa bahaging wakas ng ulat ay maaring sabihin ang
kahalagahan ng pag-uulat, may magmungkahi ng solusyon kung may
nabanggit na suliranin, o kaya ay pagbubuod ng buong presentasyon.

Sa pagsulat ng balita, dapat tandan ang sumusunod na hakbang:

1. Isulat kaagad ang balitang nakalap.


2. Ilagay sa balita ang mahahalagang impormasyon tulad ng mga tao,
lugar, petsa at mga pangyayari.
3. Ayusin ang balita ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
4. Gumamit ng payak at tiyak na mga salita.

14
Suriin Natin

A. Iulat ang isa sa mahahalagang okasyong naganap sa iyong paaralan o


sa iyong pamilya. Itala ang mahahalagang detalye. Lapatan ito ng
angkop na pamagat. Kopyahin ang gabay sa sagutang papel at gamitin
ito sa paggawa ng ulat.

Pamagat ng ulat: ________________________________________________


Uri ng Okasyon: ________________________________________________
(Ito ba ay Araw ng Pagkakatatag ng inyong paaralan? Buwan ng
Nutrisyon o Buwan ng Wika? Kung sa pamilya, reunion ba ito?
Kaarawan, anibersaryo, o iba pa?)

Petsa, lugar, at oras: __________________________________________

Mga taong nag-organisa at mga panauhin: _______________________


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Tinatayang badyet/gastusin: _____________________________________

Mahahalagang pangyayari kaugnay ng piniling okasyon: __________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Kabuoang paglalarawan o impresyon mo sa okasyon: _____________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pinagkunan: Wikang Sarili 6, TX, pahina 344.

B. Basahin at intindihin ang balita. Sagutin ang mga pangunahing


impormasyong hinihingi.

Nitong 2003, umabot sa 250,000 nars ang lumayas sa bansa


batay sa talaan ng World Health Organization o WHO. Sa katunayna,
kinikilala na ngayon ng WHO ang Pilipinas bilang pangunahing
exporter ng mga rehistradong nars sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nananawagan din si Villar sa epektibong pagpapatupad ng
Philippine Nursing Act of 2002 para sa kapakanan ng mga Pinoy
nurse. Hindi man tayo makahabol sa pasuweldo ng ibang bansa sa
mga nurse, kailangan naman nating siguraduhin na tama at
naaayon sa kanilang propesyon ang suweldo na nakukuha nila sa
ating bansa.
Mula sa Balita, Nobyembre 2. 2004 15

Pinagkunan: Pluma 6 Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino, TX, 272


ating bansa.
Mula sa Balita, Nobyembre 2. 2004

Pinagkunan: Pluma 6 Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino, TX, 272

ANO? _______________________________________________________
SINO? _______________________________________________________
SAAN? _______________________________________________________
KAILAN? _______________________________________________________
PAANO? _______________________________________________________

Payabungin Natin

Panuto: Mangolekta ng news clippings or gumupit sa diyaryo ng


sumusunod:

1. Iba’t ibang balita (5 artikulo)


2. Mga liham para sa Editor
3. Mga Balitang Isports
Ilagay ito sa inyong portfolio sa Filipino.

Pagnilayan Natin

Maraming dapat tandaan sa paggawa ng ulat. Kailangang magsaliksik


tungkol sa paksang gagawan ng ulat. Itala rin ang mahahalagang
impormasyong nakuha tungkol sa paksa. Mainam ding bumuo ng isang
balangkas sa dapat nilalaman ng ulat at ayusin ang mga impormasyong
nakuha ayon sa balangkas na ginawa.
Ang isang mabuting balita ay dapat nagtataglay ng kawastuhan,
kaiklian, kalinawan, napapanahon at walang kinikilingan.
Sa pagsulat ng liham sa patnugot mahalagang iisa lamang ang paksa
at malinaw ang pagkakalahad nito. Magbigay rin ng makatarungang pahayag
na maikli at hindi paligoy-ligoy. Mahalaga ring may paggalang ang mga
salitang gagamitin.

16
17
GAWIN NATIN SUBUKIN NATIN
B. B.
1. Tungkol sa taong marunong ng 58 1. Tungkol sa isang di-kapani-paniwalang balita
wika.
2. Balita tungkol sa isang Lebanese at tungkol sa
2. Ziad Fazah basura.
3. Brazil 3. Editoryal
4. Noong siya ay 14-17 taong gulang
C.
5. Nakapagsulat siya ng aklat tungkol 1. Para sa editor ng Liwanang Bulletin
sa mga paraang ginamit niya sa pag-
aaral ng wika. 2.Liza S. Lajom
3. Idulog ang suliraning kinakaharap ng kanilang
paaralan.
4. BBasurang nakatambak sa bakuran ng
kanilang paaralan.
5. Mabigyang tugon ang kanilang suliranin.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Lydia B. Liwanag, Ph.D., (2011) Landas sa Wika 6, TX, EduResources


Publishing, Inc., Unit 407, #77 Visayas Avenue, Quezon City

Zendel Rosario M. Taruc, PhD, John Enrico C. Torralba, Lakangiting


C.Garcia, DA, (2016) Wikang Sarili 6, TX, ABIVA Publishing House
Inc., ABIVA Building, 851G. Araneta Ave., Quezon City

Emily V. Marasigan, (2007) Pluma 6, Wika at Pagbasa Para sa Batang


Pilipino (Ikalawang Edisyon), Phoenix Publishing House Inc., 927
Quezon Avenue, Quezon City

Jesus Joseph D. Ignacio, Zenaida Z. Agbon, Efren J. Domingo (2017) Vinta 6


Paglalayag sa Wikang Filipino, TX, Salesiana Books

Lydia P. Lalunio, Ph.D. et.al., (2010) Ugnayan: Wika at Pagbasa, TX, Vibal
Publishing House, Inc., 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City,
Philippines

Zendel Rosario M. Taruc, PhD., Rogelio G. Mangahas, (2007) Sanghaya 6,


Wika at Pagbasa sa Filipino, C & E Publishing, Inc., Philippines

Diwa Learning Systems Inc., (2018) Kasanayan sa Filipino 6, TX, Diwa


Learning Systems Inc., 4/7 SEDCCO 1 Bldg., 120 Thailand Streets,
Legaspi Village, Makati City, Philippines

Lydia P. Lalunio, Ph.D. et. al., (2014) Bagong Filipino Tungo sa


Globalisasyon, Aklat sa Wika at Pagbasa 6, Vibal Group Inc., 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like