You are on page 1of 26

Filipino– Ikaanim na Baitang

Self-Learning Module (SLM)


Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Sulating Di-Pormal at Pormal, Liham
Pangangalakal, at Panuto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writer: Lodgin L. Leaño


Editors: Lodgin L. Leaño
Reviewers: Erwin Deguiñon
Illustrator: Lodgin L. Leaño / Jerome B. Reynes
Layout Artist: Lynxter Gybriel L. Leaño / Jerome B. Reynes
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CESO VI – Schools Division Superintendent
Disodado F. Ablanido - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, SLM
Leonardo B. Mission – REPS, Filipino
Donna S. Panes – CID Chief
Elizabeth D. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM
Ana Liza A. Domingo – EPS, Filipino

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-

aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o


kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Magandang araw sa iyo! Marami na ba kayong natutuhan sa


inyong mga leksyon? Sana ay magpupursige ka pa rin sa pag-aaral sa modyul na ito.

Madalas sa klase ay pinasusulat kayo ng talata o mga sulatin tungkol sa iba’t


ibang paksa. Kung minsan ikaw ay nahihirapan sa gawaing ito kaya mahalagang
matutunan mo kung ano ang mga dapat gawin upang maging mas madali ito sa iyo.
Maliban sa mga sulatin o katha, pinasusulat din kayo ng mga liham tulad ng liham
pangkaibigan. Ngunit dapat mong malaman na mayroong iba’t ibang uri ng liham na
dapat mong matutunang sulatin at isa na rito ang liham pangangalakal.

Ngunit hindi lang pagsulat ng mga sulatin at liham ang ginagawa mo sa loob
ng klase. May isa pang napakahalagang aralin ang dapat mong matutuhan na
magagamit mo rin sa mga sulating gawain. Ito ay ang pagsulat nang wastong mga
panuto upang maging malinaw, mauunawaan at masusunod nang tama ang isang
gawain.

Kaya ang modyul na ito ay susubok sa iyong kakayahan sa pagsulat ng sulating


di-pormal at pormal, liham pangangalakal, at panuto. Ang modyul na ito ay nahahati
sa tatlong aralin:
Aralin 1 - Pagsulat ng Sulating Di-Pormal at Pormal
Aralin 2 - Pagsulat ng Liham Pangangalakal
Aralin 3 - Pagsulat ng Panuto

Pagkatapos ng modyul ito ay inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na


layunin:
a. Naisa-isa ang mga dapat taglayin ng kathang sinulat;
b. Nakasusulat ng mga sulating di-pormal at pormal;
c. Natutukoy ang mga bahagi ng liham pangangalakal;
d. Nakikilala ang mga uri ng liham pangangalakal;
e. Nakasusulat ng liham pangangalakal;
f. Nakasusulat ng mga panuto; at
g. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsulat nang wastong mga panuto.

vv
Subukin
A. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong uri ng sulatin ang nagsasaad ng paksang personal, magaan at payak?


a. pormal b. liham c. di-pormal d. balita
2. Anong uri naman ng sulatin ang nagsasaad ng paksang may kalaliman at ang mga
salita ay pinipili at masining ang pagpapahayag?
a. di-pormal b. pormal c. tiyak d. di-tiyak

1
3. Sa pagsulat ng pormal na sulatin, alin ang dapat taglayin ng isang katha?
a. kalinawan b. kaisahan c. organisasyon d. lahat na nabanggit
4. Anong bantas ang ginagamit sa pagsulat ng bating panimula sa liham
pangangalakal?
a. kuwit b. tuldok c. tandang pananong d. tutuldok
5. Kailan isinusulat ang liham pangangalakal?
a. Kung umoorder ng mga bagay na gagamitin o ititinda.
b. Kung manghihingi ng tulong sa kapitbahay.
c. Kung mag-imbita ng mga panauhin sa kaarawan.
d. Kung nangangailangan ng pera.

Aralin
Pagsulat ng Sulating Di-
1 Pormal at Pormal

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Naisa-isa ang mga dapat taglayin ng kathang sinulat; at


b. Nakasusulat ng mga sulating di-pormal at pormal.

Naaalala mo pa ba ang mga


nilalaman ng mga tekstong iyong
binasa? Naitala mo ba nang wasto
ang mga datos nito? Pag -aralan mong
muli ang magtala ng mga datos mula
sa iyong binasang teksto.

Balikan

Gawain 1.1. ILISTA MO!


Panuto: Basahin ang maikling teksto sa ibaba at itala ang mga datos na kailangan.

2
Ang bitamina A ay mahalaga sa ikalulusog ng ating mga mata, balat, at
lalamunan. Pinatitibay rin nito ang ating mga baga upang hindi laging kapitan
ng sipon. Sa anu-ano nga bang pagkain matatagpuan ang bitamina

A? Abot-kamay lamang natin ang mapagkukunan ng mga ito. Nariyan ang


gatas, pulang itlog, keso, mantikilya, atay, berde at madidilaw na gulay at prutas
tulad ng ampalaya, kalabasa, papaya, melon, saging, tisa, at marami pang iba.

Halaw mula sa Mga Bitamina, Sadyang Mahalaga

1. Anong bitamina ang nakalulusog sa ating mga mata? ____________


2. Ano-anong mga pagkain ang mapagkunan ng Bitamina A?
a. ________________ e. _______________
b. ________________ f. _______________
c. ________________ g. _______________
d. ________________ h. _______________

3. Ano-anong mga bahagi ng katawan ang pinalulusog ng Bitamina A?


a. _______________ c. ________________
b. _______________ d. ________________

Tuklasin

Gawain 1.2. BASANG-BASA KA NA BA?


Panuto: Basahin at unawain ang dalawang talata sa ibaba. Paghambingin ang
mga ito.
A.

Ang Lupa
ni: Lodgin Leaño

Mahalaga ang lupa. Sa lupa itinatanim at tumutubo ang mga halaman


at mga punungkahoy. Ang mga halamang tumutubo sa lupa ay lubhang maha-
laga sa buhay ng tao. Ito ang pinagkukunan ng pagkain ng mga tao. Sa mga ito
nanggagaling ang oxygen na kailangan ng tao sa paghinga. Ginagamit ang
ibang halaman sa paggamot iba’t ibang uri ng sakit. Pinagkukunan din ito ng
mga panggatong, mga poste, table, at iba pa pang kagamitan. Mahalaga rin ito
sa pagtatayo ng mga gusali, tulay, at mga tahanan.
May mga bagay na sumisira sa lupa. Ang erosion o ang pagtangay sa
lupa ng agos ng tubig na sanhi ng kawalan ng mga punungkahoy ang isa
sa sumisira sa lupa. Ang mga kalamidad tulad ng mga bagyo, lindol, at
mga pagbaha ay mga dahilan din na matangay ang lupa.
Maraming pamamaraan upang mapangalagaan ang lupa. Isa na rito ang
magtatanim ng mga halaman. Puwede ding taniman ang ibang lupain at
huwag hayaang nakatiwangwang ang lupa.Gumamit ng mga natural na
pataba mula sa mga dumi ng hayop upang maging mataba.

3
B.
Si Suri
ni: Lodgin Leaño
Alam mo bang napapasaya ako nang lubos kapag kasama ko si Suri? Kilala
mo ba siya?
Tuwing Sabado at Linggo ay nakakasama ko bawat oras si Suri. Sa paggising
pa lang sa umaga ay nandiyan na siya sa aking tabi, nakahiga sa braso ko.
Dahil sa lambot ng kanyang mga balahibo, niyayakap ko na lamang siya na
gustong-gusto niya rin. Madalas sa umaga ay nakikipaglaro na siya sa akin.
Inaapak -apakan niya ang tiyan ko na tila minamasahe. Kami ay naghahabulan
kung minsan. Tuwang-tuwa naman ako sa kanyang ginagawa at parang
nawawala kaagad ang antok at pagod ko lalo na kung magpakandong si Suri sa
akin. Ito ang madalas naming bonding kapag nasa bahay ako. Si Suri ay may
puting balahibo at nakakabighani ang tanging kulay itim na buntot niya. Ang
mga mata niya ay kulay berde naman. Si Suri ay ang pinakamamahal kong
alagang pusa.

Naunawaan mo ba ang mga


talatang binasa mo? Nakasulat ka na
ba ng mga kathang gaya sa itaas?
Madali ba itong gawin para sa iyo?
Ano ang mga dapat gawin upang
maging madali ang pagsulat ng mg a
talata o sulatin? Gawin ang susunod
na Gawain.

Suriin
Gawain 1.3. ALAM MO BA?
Panuto: Balikan ang mga talata. Sagutin ang mga tanong ukol sa mga katha na
naayon sa rubrik sa ibaba.

1. Anong ideya ang inilahad sa sulatin A? ________________________________

_________________________________________________________________________

2. Anong ideya ang inilahad sa ikalawang katha? _________________________


__________________________________________________________________________
3. Mayroon bang organisasyon ang pagkasulat ng dalawang katha? Bakit?
__________________________________________________________________________
4. May kaisahan ba ang mga ideyang inilahad mula sa simula hanggang sa
hulihan ng katha A at B? ______________________________________________
5. Pansinin ang simula at wakas ng katha A at B. Paano sinimulan ang bawat
sulatin? Paano sinulat ang wakas ng unang katha? Ikalawang katha?

4
PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1)

Kaisahan Mahusay ang May kainaman lang ang Hindi nasagot at


pagsagot at pagsagot at naipaliwanag nang
pagpapaliwanag pagpapaliwanag sa wasto ang tanong.
sa tanong. tanong.

Kaugnayan Angkop ang Hindi masyadong Walang paguugnay-


paguugnayugnay angkop ang paguugnay- ugnay sa mga
ng mga ugnay sa mga pangungusap sa
pangungusap sa pangungusap sa pagpapaliwanag sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag sa tanong.
sa tanong. tanong.

Kalinawan May pokus/tuon Hindi masyadong Walang pokus/tuon


sa ideyang nais nakapokus sa ideyang sa ideyang nais
ipabatid. nais ipabatid. ipabatid.

Nasagutan mo ba nang
maayos ang mga katanungan sa
gawain? Ano -ano ang mga dapat
gawin natin sa pagsulat ng anumang
sulatin o katha?

Dapat may kaalaman tayo sa


paksang susulatin upang mailahad
ang ideya nang maayos. Gawing
kaakit-akit at maganda ang simula at
wakas nito. Sa paglalahad ng ideya ay
dapat may organisasyon at kai sahan

Pansinin muli ang mga talata sa


Gawain 2. Paano nagkaiba ang
dalawang sulatin? Alam mo ba ang
dalawang uri ng sulatin?

Mayroon tayong dalawang uri ng


sulatin na ginagawa sa klase. Una, ang
katha o sulating di -pormal na ang paksa ay
personal, magaan, at payak. Ang ikalawa ay
sulating pormal na ang paksa ay may
kalaliman at masining ang pagpapahayag.
Upang maunawan mo nang lubos ito, gawin
natin ang susunod na Gawain. Tara na!

5
Pagyamanin

Gawain 1.4. VENN DIAGRAM


Panuto: Paghambingin ang sulating di-pormal at sulating pormal batay sa dalawang
talata sa Gawain 2 na “Ang Lupa” at “Si Suri”.

Sulating Sulating
Di-Pormal Pormal
Si Suri Ang Lupa

Ano ang pagkakaiba ng


sulating di-pormal at sulating
pormal? May mga dapat ba tayong
tandaan sa pagsulat ng pormal na
katha?

Mayroon po! Ang kathang “Si Suri” ay


isang sulating di -pormal dahil ang paksa nito
ay magaan lamang at personal. Ang nagsasalita
ay nasa unang panauhan kaya gumagamit ng
ako at kami .
Samantala, ang sulating “Ang Lupa” na
isang sulating pormal ay may kalaliman ang
paksa at kailangang magsaliksik tungkol dito.
Sa sulating pormal, ginagamit ang salitang
nasa ikatlong panauhan . Iniiwasan ang
paggamit ng daglat tulad ng “blg. o bilang” at
salitang palasak tulad ng “alaws”, at “datung”.

6
RUBRIK
PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1)
Kaisahan Tiyak ang Hindi masyadong Hindi natalakay
pagpapaliwanag sa tiyak ang nang wasto ang
paksa pagpapaliwanag sa paksa
paksa
Kaugnayan Angkop ang Hindi masyadong Walang pag-
paguugnay-ugnay angkop ang pag- uugnay-ugnay sa
ng mga ideya at mga uugnay-ugnay ng mga mga ideya at mga
pangungusap ideya at mga pangungusap
pangungusap
Kariktan Kaakit-akit ang Hindi masyadong Hindi kaakit-akit
simula at wakas ng kaakit-akit ang ang simula at
katha simula at wakas ng wakas ng katha
katha

Gawain 1.5. ISULAT MO NA!


Panuto: A. Sumulat ng sulating di-pormal batay sa mga paksang ibinigay sa ibaba.
Pumili lamang ng isang paksa na nagustuhan mo. Isulat ang iyong katha
sa loob ng kahon.

1. Ang Aking Ina


2. Ang Paborito Kong Ulam
3. Ang Aking Pangarap

Isaisip
Gawain 1.6. TANDAAN MO!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
nakalaang patlang.

1. Ano ang dalawang uri ng sulatin o katha?


______________________________________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba ng sulating di-pormal at sulating pormal?

______________________________________________________________________

7
Isagawa

Gawain 1.7. SARILING GAWA!


Panuto: Sumulat ng isang talatang katha na magpaala-ala sa iyong sarili ukol sa
mga dapat tandaan sa pagbuo ng sulating pormal.

Isang Paalaala

Tayahin
Panuto: Sumulat ng isang sulating pormal tungkol sa paksang COVID-19.
Gumawa ng sariling pamagat ng iyong nabuong katha. Gawing batayan
ang rubrik sa pagbuo ng sulatin.

RUBRIK
PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1)

Kaisahan Tiyak ang Hindi masyadong


pagpapaliwanag satiyak ang Hindi natalakay
paksa pagpapaliwanag sa nang wasto ang
paksa paksa
Kaugnayan Angkop ang Hindi masyadong Walang pag-
paguugnay-ugnay angkop ang uugnay-ugnay sa
ng mga ideya at paguugnay-ugnay mga ideya at mga
mga pangungusap ng mga ideya at pangungusap
mga pangungusap
Kariktan Kaakit-akit ang Hindi masyadong Hindi kaakit-akit
simula at wakas kaakit-akit ang ang simula at
ng katha simula at wakas wakas ng katha
ng katha

8
Karagdagang Gawain
Panuto: Suriin ang larawan. Bumuo ng isang sulating di-pormal tungkol
dito.

Aralin

2 Liham Pangangalakal
Magandang araw! Masaya ka ba sa iyong pag-aaral? Isang panibagong aralin na
naman ang ating tatalakayin ngayong araw na ito. Ito ay tungkol sa liham
pangangalakal na dapat mong matutuhang sulatin upang magamit mo nang wasto
ang mga sangkap ng isang liham pangangalakal.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga bahagi ng liham pangangalakal;


b. Nakikilala ang mga uri ng liham pangangalakal; at
c. Nakasusulat ng liham pangangalakal

Gawain 2.1. ITSEK MO NA.


Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung tama ang pahayag at ekis naman kung
hindi.
______1. Ang sulating di-pormal ay may paksang magaan, payak, at personal.

______2. Sa pagsulat ng anumang sulatin, kailangang mayroong kaalaman sa


paksa ang manunulat.

______3. Gumagamit ng salitang nasa unang tauhan ang sulating pormal.

Tuklasin

9
Gawain 2.2. SULATAN MO AKO!
Panuto: Basahin ang liham sa ibaba.
Mababang Paaralan ng Glan
Hombrebueno St, Poblacion,
Glan, Sarangani Province
Setyembre 8, 2020
Gng. Corazon Ybaňez
Cora’s Flower Shop
Makopa St., Ilaya
Gng. Corazon Ybaňez:
Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na bulaklak na
aming kailangan sa palatuntunang para sa mga guro sa Oktubre 5, 2020:
2 dosenang African daisy
2 dosenang pulang rosas
2 dosenang chrysanthemum
Kalakip po rito ang money order na isang libo (P1,000.00). Ang karagdagang
kabayaran ay ibibigay po pagtanggap ng mga bulaklak.

Sumasainyo,
Shane Canales
Pangulo ng SPG

Nakasulat ka na ba ng
gaya sa iyong binasa kanina?
Alam mo ba kung ano ito? Ano
kaya ang tawag ng iyong
nabasa?

Iyan po ay isang liham.


Nakasulat na po tayo ng liham
noon, ang liham pangkaibigan.
Ngunit ang nabasa natin kanina ay
naiiba po sa liham pangkaibigan.
Alamin natin ito sa susunod na
Gawain. Dali! Sagutin na natin ang
Gawain 2!

Suriin
Gawain 2.3. TANONG MO, SAGOT KO!
Panuto: Sagutin ang mga katanungan batay sa liham na iyong nabasa sa Gawain
2.
1. Tungkol saan ang liham? ________________________________________________

10
2. Anong uri ng liham ito? __________________________________________________

3. Ano-ano ang mga bahagi ng liham na ito? ________________________________

4. Anong bantas ang ginamit sa bating panimula? ___________________________

5. Paano tinawag sa bating panimula ang taong sinulatan? __________________

6. Paano naiiba ang liham sa itaas sa isang liham pangkaibigan o kaya’y liham
paanyaya? __________________________________________________________________

7. Ano ang tatlong uri ng liham pangangalakal?


a.
b.
c.

Pagyamanin

Gawain 2.4. AYOS LANG…


Panuto: Isaayos nang wasto ang mga sumusunod na bahagi ng isang liham
pangangalakal. Isulat ito nang maayos sa papel gamit ang wastong bantas.
Pagkatapos ay lagyan ng lebel ang mga bahagi nito at tukuyin kung anong uri ng
liham pangangalakal.

1. 321 Colony No. 9 2. Lubos na gumagalang


Poblacion, Glan, Sar. Corinne C. Du
Agosto 24, 2020

3. Bb. Isabel S. Castre 4. Bb. Castre


Tagapamahala, 7-11
E. Cariňo St., Poblacion,
Glan, Sarangani Prov.

11
5. Nabasa ko ang inyong ipinaskil na anunsyo na nangangailangan kayo ng isang
part-time na tindera ng inyong tindahan. Nais ko sanang mag-aplay sa posisyong
ito dahil ako po ay bakante mula sa aking pasukan mula ala-una hanggang alas-5
ng hapon. Kung inyong mamarapatin, nais ko pong makipagkita sa inyo para sa
isang interview. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na
makapagtrabaho upang may pandagdag akong panustos sa aking pag-aaral. Maaari
po ninyo akong kontakin sa aking telepono 09164827651. Maraming salamat po!

Naayos mo ba nang tama ang


Gawain 4? Mahusay naman at
napagsunod-sunod mo ang mga ito at
naisulat nang may tamang mga bantas.
Tandaan natin na ang liham
pangangalakal ay gumagamit ng
bantas na tutuldok (:) sa bating
panimula. May pormal na tono ang
liham na ito at dapat malinaw ang
pagkakasulat. Ano nga pala ang

Sa pamuhatan po natin
isinusulat ang tirahan ng sumulat
at petsa ng pagsulat. Ang
patunguhan ay naglalaman ng
pangalan ng sinusulatan at
lokasyon niya. Ang bating
panimula po ay nasa gilid bandang
kaliwa at pormal ang panalita.

Tama nga iyan mga bata! Sa katawan ng liham


naman nakasulat ang nais sabihin ng sumulat at
ang bating pangwakas ay ang pamamaalam ng
sumulat na gumagamit ng pormal na pananalita.
Ang lagda naman ay nakasulat ang pangalan ng
sumulat ng liham. O, ngayon handa ka na bang
magsulat ng iyong liham pangangalakal? Gawin
mo na

12
RUBRIK
Pamantayan 5 3 1 Puntos:
Lubusang Bahagyang Hindi naipakita
naipakita ang naipakita ang ang layunin at
Nilalaman (x2) layunin at pokus layunin at pokus ng liham.
ng liham. pokus ng
liham.
Walang Mali sa May 1-3 May 4 o higit pang
pagkakagamit ng maling maling bantas at
Paggamit ng maliit at bantas at malaki at maliit
bantas at malaki malaking titik. malaki at na titik.
at maliit na titik. Nagamit nang maliit na
wasto ang lahat titik.
ng bantas.
Walang mali sa May 1-3 May 4 o higit
Paggamit ng mga paggamit ng maling pang pagkakamali
salita salita. paggamit ng sa paggamit ng
mga salita. mga salita.
Wastong-wasto May 1-2 Hindi mabasa at
Kalinisan at at napakalinis bura/dumi sa may 3 o higit na
kaayusan. ng pagkakasulat. pagkakasulat. bura/dumi sa
pagkakasulat.
Kabuuang Puntos:

Gawain 2.5. MAY SULAT AKO!


Panuto: Sumulat ng liham pangangalakal batay sa sitwasyong ipinahayag sa ibaba.
A. Sinulatan mo ang prinsipal upang magpaalam sa paggamit ng inyong himnasyo
sa paaralan para sa isang palabas ninyo sa Filipino.

13
Isaisip
Gawain 2.6.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
nakalaang patlang.

1. Ano ang liham pangangalakal? _______________________________________


2. Ano-ano ang mga bahagi ng liham pangangalakal? ___________________
3. Ano ang tatlong uri ng liham pangangalakal? _________________________

Gawain 2.7. PATALASTAS MUNA!


Panuto: Sumulat ng liham na nag-aaplay sa trabaho batay sa anunsyo.

KUMITA TUWING HAPON


- Mag-deliver ng mga produkto sa mga
tindahan
- Magaan lang ang trabaho
- May bisikletang gagamitin
Sumulat sa may-ari o tumawag sa telepobo – 083551-9132

Tayahin
Panuto: Isulat sa angkop na hanay ng dayagram ang mga impormasyon ng bawat
bahagi ng liham pangangalakal. Pagkatapos ay kilalanin kung anong uri ng liham
pangangalakal ang mabuo nito.

14
1. G. Crisanto Perez Punong Barangay
Barangay Malipayon, Sona 5

2. Mahal na G. Perez:

3. Lubos na gumagalang,

4. Hinihiling ko po, sampu ng mga kaibigan namin dito sa aming pook, na


kung maaari ay magtayo kayo ng isang Center para sa mga kabataang
huminto na sa pag-aaral.

5. Isabelita T. Garcia
Pangulo, Samahan ng mga Kabataan

6. 2134 Santan St.,


Malipayon, Zone 8
Agosto 20, 2020
Pamuhata Patunguhan Bating Katawan Bating Lagda Uri ng
n Panim ng Liham Pangw Liham
ula akas Pangan
galakal

Karagdagang
Gawain
Gawain 2.8. ANONG SA’YO?
Panuto: Sumulat ng liham pangangalakal ayon sa sitwasyong nakasaad.

A. Nais mong umorder ng isang kopya ng aklat sa Filipino 6 mula sa Kristan


Bookstore sa may Pioneer Avenue, General Santos City.

15
Aralin

3 Pagsulat ng Panuto

Hello! Okay lang ba ang pag-aaral mo? Handa ka na ba sa panibagong aralin


na iyong matututunan sa araw na ito? Halika! Mag-aral na naman tayo!
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
a. Nakasusulat ng mga panuto; at
b. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsulat nang wastong mga panuto.

Balikan
Gawain 3.1. KILALA MO BA SIYA?
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng liham pangangalakal ang sumusunod na
katawan ng liham.

_______________1. Nabasa ko ang inyong palathala sa Manila Bulletin, Hulyo 10,


2020 na nangangailangan kayo ng mekaniko. Nais ko po sanang
mamasukan sa inyong tanggapan.

_________________2. Nais ko pong magkaroon ng kopya ng babasahin ninyong Metro


Fashion. Kalakip po ng liham nito ang tsekeng may halagang
P200 gaya nang halagang inyong itinakda.

_______________3. Nais po sana naming magamit ang silid-aralan upang pagdausan


ng halalan para sa kinatawan ng samahang Gabay ng Wika.

Tuklasin
Gawin 3.2. MAGMASID TAYO…
Panuto: Tingnan ang larawan. Pag-isipan kung ano ang ginagawa niya.

16
Naranasan mo na ba ang magtanim
ng gulay gaya ng nasa larawan sa itaas?
Paano mo ito ginawa? May sinusunod ka
bang mga hakbang o panuto? Pag -usapan
natin iyan sa susunod na Gawain.

Gawain 3.3. ISANG HAKBANG PA!


Panuto: Basahin ang mga hakbang sa pagtatanim ng petsay base sa larawan sa
itaas.
Panuto sa Pagtatanim ng Petsay

1. Ihanda ang plot na pagtamnan. Gumamit ng kalaykay sa pagpipino ng lupa.


2. Ihanda ang mga punla ng petsay. Itanim ito ng may isang piye ang layo sa isa’t
isa.
3. Diligan araw-araw ang mga bagong tanim na petsay.
4. Linisin ang mga pananim gaya ng pagbunot sa mga damong tumutubo sa paligid
nito. Tanggalin din ang mga tuyong dahon.
5. Anihin ang mga petsay kapag tamang -tama na ang laki nito.

17
Nasundan mo ba ang mga
ibinigay na hakbang sa pagtatanim
ng petsay? Ito ba ay malinaw sa
iyo? Ano ang tawag sa mga pahayag
na ginamit sa pagbibigay ng
hakbang sa pagtatanim ng petsay?

Malinaw naman po ang mga


hakbang kung paano magtanim ng
petsay dahil madaling sundin lamang
ang mga ito. Ang mga instruksyon na
ginamit kung paano magtanim ng
petsay ay tinatawag na panuto.
Mapapansin na sa pagsulat ng panuto
ay nagsisimula ito sa pandiwa o
salitang kilos.

Tama! Ang galing mo naman at


napansin mo iyan! Kailangan ay gawing
pautos ang pahayag kapag nagbibigay o
nagsusulat ng panuto sa anumang
gawain. Dapat ay maikli at tiyak ang
mga pangungusap na ginagamit sa
pagsusulat ng panuto. Subukan nating
sumulat ng mga panuto sa Gawain 3.4.

Gawain 3.4. PAGSUSUNOD-SUNOD.


Panuto: Isaayos ang mga larawan upang mapagsunod-sunod ang tamang
paraan sa pagbasa nang tahimik. Lagyan ng bilang 1-4. Pagkatapos ay
sumulat ng panuto sa ibaba ng bawat larawan.

_________________________________ __________________________________

18
_______________________________ __________________________________

Gawain 3.5. PAANO NGA BA?


Panuto: Kompletohin ang mga panuto sa paggawa ng leche flan gamit ang mga
pautos na salita na nasa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang sagot.

Haluin Ilagay Hanguin Pasingawan Basagin

Paggawa ng Leche Flan

1. _________________ ang isang dosenang itlog at batihin ito nang mabuti.


2. _________________ ang dalawang latang gatas kondensada at dalawang kutsarang
katas ng kalamansi.
3. _________________ ang pinakuluang tinunaw na asukal sa llanerang paglalagyan
ng leche flan.
4. _________________ ang mga llanerang nilagyan ng binabating itlog at gatas.
5. _________________ ang mga llanerang may nalutong leche flan.

Isaisip
Gawain 3.5. TANDAAN NATIN!
Panuto: Buuin ang maikling talata na nasa loob ng kahon.

Ilagay sa isipan na:


Isang paraan ng pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba ang pagbibigay
ng tuntunin, direksyon at
_______(1.)_________.
Sa pagsulat ng panuto ay simulan ang pangungusap sa ______(2.)_______
o salitang kilos. Gawing _______(3.)______, tiyak, at malinaw ang mga
panuto upang madaling maintindihan.

19
RUBRIK
PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1)

Kaisahan Tiyak ang Hindi masyadong Hindi nasusulat


pagsusulat ng mga tiyak ang nang wasto ang
panuto. pagsusulat ng mga mga panuto.
panuto.

Kaugnayan Angkop ang Hindi masyadong Walang


paguugnay-ugnay angkop ang paguugnay-ugnay
ng mga paguugnay-ugnay sa mga
pangungusap sa sa mga pangungusap sa
panutong ibinigay. pangungusap sa panutong
panutong ibinigay. ibinigay.

Kalinawan May pokus/tuon sa Hindi ng Walang


pagbibigay at masyado sa pokus/tuon
sa
pagsusulat ng nakapokus at pagbibigay
at
panuto. pagbibigay ng pagsusulat
ng
pagsusulat panuto.
panuto.

Isagawa
Gawain 3.6. ARALIN MO!
Panuto: Suriin ang larawan at basahin ang sitwasyon tungkol dito.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Nais ni Roberto na makakuha ng mataas na iskor sa


kanilang pagsusulit kaya nag -aaral siya bilang paghahanda nito.
Bigyan mo siya ng mga panuto kung paano mapaunlad at
mapadali ang pag-aaral niya.

20
Tayahin
Panuto: Suriin ang larawan. Sumulat ng limang panuto tungkol dito.

Gawain 3.7. MAPA-PAHANAP KA!

Panuto: Tingnan ang mapa. Gumawa ng panuto upang makaabot sa klinika kung
ikaw ay nagmula sa talipapa. Isulat ang panuto sa nakalaang linya.

KALYE SANTAN

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

21
Sanggunian
A. Aklat:
Aragon, A. and Badua, Z., 2007, Bagong Filipino sa Salita at Gawa. 2nd Edition Quezon
City: SD Publications Inc., pp. 94, pp. 215.
Belvez, P., 2001. Landas ng Wika 6. 1st ed. Quezon City: SD Publications, Inc., p.200-210.
Fetalvero, C., and Lirio, FJ., 2010. Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi 5. Quezon City:
St. Bernadette Publications Inc., pp.14, p. 294.
Lalunio, L., et. al. 2010. Ugnayan: Wika at Pagbasa 6. 2nd ed. Quezon City: Vibal
Publishing House Inc., p. 8, p. 100, p. 110, p. 220.

B. Websites:
Fallano, A., 2018. [online] Pagsunod sa mga Panuto. Available at:
<https://s3.amazonaws.com/ppt-download/filipino6dlp1-pagsunodsamgapanuto-
180223070431.pdf?response-content-
disposition=attachment&Signature=drxsIJYlvfO5I3aOKzsUQpMEu7M%3D&Expires
=1598504391&AWSAccessKeyId=AKIAIA5TS2BVP74IAVEQ> (Accessed 27 August 2020).

Roa, M., 2016. [online] Pagsulat ng Liham Pangangalakal. Available at:


<https://s3.amazonaws.com/ppt-download/lihampangangalakal-
160221062347.pdf?response-content-
disposition=attachment&Signature=d33%2FP9bU%2BHbThwHPiDvWQyP5L6c%3D
&Expires=1598620348&AWSAccessKeyId=AKIAIA5TS2BVP74IAVEQ> (Accessed 28 August
2020).

Dionesio, A., 2013. (online) Modyul 5 Pagsulat ng Liham Pangangalakal. Available at:
<https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-5-pagsulat-ng-lihampangangalakal-na-
nagaaplay-sa-t> (Accessed 28 August 2020).
22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like