You are on page 1of 1

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PANLIPUNANG KAMPANYA

Sa pagbuo ng isang social awareness campaign, mahalaga na isaalang-alang ang sumusunod na mga
hakbang.
1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness campaign.
2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa, makarinig, makakita,
o makapanood ng kampanyang iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais bigyang-
pansin upang magkaroon ng sapat at malawak na kaalaman hinggil dito.
4. Alamin kung anong paraan ang inyong gagamitin sa pagsasagawa ng inyong kampanya. Maaaring
gumamit ng broadcast media, print media, video technology, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon,
tiyak na papatok sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitan ito ng social network media tulad ng
Facebook, Twitter, YouTube, at iba pa.
5. Magsasagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng kampanya.

Mahahalagang paalala at hakbang sa pagbuo ng isang sequence at dialogue script.


1. Tandaan na ang iyong bubuoing skrip ay kailangang magingmakatotohanan upang higit itong
maging kapani-paniwala.
2. Magbigay ng mg kongkreto o tiyak na halimbawa para higit na makahimok ng interes ng taong
makakakita, makakabasa, o makaririnig nito.
3. Maging malikhain sa pagbuo nito.
4. Maging tiyak sa puntong nais bigyang-diin sa isasagawang mg adiyalogo. Iwasan ang maging
maligoy sa pananalita.
5. Maging tiyak kung sino ang partikular na tao o grupo ng taong iyong pinatutungkulan sa pagsulat
ng diyalogo.
6. Gawing magkakaugnay ang bawat diyalogo o eksena upang higit na maging mabisa ang iskrip.

You might also like