You are on page 1of 4

Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya

Ang Pilipinas ang tinaguriang Texting Capital of the World. Tinatayang 2 bilyong text messages ang
ipinadadala ng mga Pilipino bawat araw at 30 milyon ang bilang ng Pilipinong miyembro ng Facebook
ayon sa internet world statistic taong 2012.

• Mga Lingo o termino na ginagamit sa mundo ng multimedia

“MULTI” “MEDIA”

↓ ↓

Marami paraang ginagamit para makapagpadala o makapagbigay impormasyon.

Ang multimedia ay nangangahulugang paggamit ng maraming paraan upang


makapagdala/makapagbigay impormasyon sa ibang tao.

Hypermedia – ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio, video,
graphics, plain text at hyperlinks

Global Village – Ito ay isang metamorpika na nangangahulugang pagiging isang maliit na komunidad o
village n gating mundo dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

World Wide Web – Ito ang pinakamadalas gamitin na internet.

Internet – Isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o
grupo na dumadaan sa iba’t ibang klase ng telekomunikasyon.

E-learning – Isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan.

Social Media – ito ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan nito.

Techie – Ito ang tawag sa taong eksperto sa teknolohiya.

Netiquette - Ito ang tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet o social
media.

Trending – Ito ay malawakang nababanggit o napag-uusapan sa internet particular sa social media.


Iba’t ibang Estratehiya ng Pangangalap ng mga Datos o Impormasyon sa Pagsulat

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at


pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na mga salita. Ang impormal na
salita ay nauuri sa apat.

1. Lalawiganin (Provincialism) – Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan
nito.

2. Balbal (Slang) – Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una a
hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang
salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

3. Kolokyal (Colloquial) – Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit


may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita.

4.Banyaga - Ito ay mga salitang mula sa ibang wika.

Palabuoan ng mga salitang balbal

Kung paano binubuo ang mga karaniwang salita, ang pagkalikha ng mga salitang balbal ay mayroon ding
pinagmulan.

1.Hinango mula sa mga salitang katutubo

2.Hinango sa wikang banyaga

3.Binaligtad

4.Nilikha

5. Pinaghalo-halo

6.Iningles

7.Dinaglat

8.Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng isang bagay.


Iba’t ibang Estratehiya ng Pangangalap ng mga Datos o Impormasyon sa Pagsulat

Sa pagsulat ng anumang popular na babasahin napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman


hinggil sa paksa o isyung isusulat.

1.Pagbabasa at pananaliksik – magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga


libro at iba pang materyales.

2. Obserbasyon - magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay,


tao o pangkat, pangyayari

3. Pakikipanayam o interbyu - magagawa sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga taong Malaki


ang karanasan at awtiridad sa paksang hinahanapan ng impormasyon.

4. Pagtatanong o Questioning - magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais


masagutan hinggil sa paksa.

5. Pagsulat ng Journal - ito’y nagagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang


pangyayari upang hindi makalimutan.

6.Brainstorming - magagawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng opinyon at katuwiran


ng ibang tao.

7. Pagsasarbey - magagawa ito sa pagsasagot ng isang questionnaire sa isang grupo ng


mga respondent.

8.Sounding-out Friends - nagagawa naman ito sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga


kaibigan o kasama sa trabaho para sa isang impormal na talakayan hinggil sa paksa.

9. Imersyon - ito ay ang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o


pakikisalamuha sa isang grupo ng tao.

10.Pag-eeksperimento - magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago


sumulat ng akda.

You might also like