You are on page 1of 1

Ang DOKYUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga katotohanan at

impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng


dokyumentaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng
isang pangrekord ng kasaysayan.

Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos ng tao sa
lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga tao, lugar at pangyayari
ay totoong nagaganap at kadalasang napapanahon.Ito rin ay naglalahad ng katotohanan sa mga
nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang ukol sa kahirapan.

Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin nitong irekord
ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan
nito, layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at marahil ang ating
simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa
ating lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa
iba pang buwis buhay na hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.

Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga diskusiyon
ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito. May mga
pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula sa mga umiiral na mga pangyayari.

Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit
nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na
walang ginagampanang anomang karakter. Ang lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula
na nasa loob ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng anggulo sa Dokyumentaryong
Pampelikula.

Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang epekto nito sa tao na maaaring
magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasalikod ng dokyumentaryo sa mga
makakapanuod nito ay hindi magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa
paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng manunuod ang kanilang layunin.
Maaari itong maging uri ng karanasang tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

You might also like