You are on page 1of 2

MGA KAHALAGAHAN NG PELIKULA

- Ang pelikula ay mahalaga dahil nagpapakita ito ng katotohanan sa buhay sa masining


na paraan at nagbibigay ng aral sa manonood na maaaring magamit sa kanilang
buhay. Nakaaaliw din ito para sa mga tao na naboboryong o pagod sa gawain at nais
maglibang.
MGA PELIKULANG DOKUMENTARYO
- Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing
inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao
sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy
na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng
“travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.

MGA ELEMENTO NG DOKYU FILM


- Interbyu
- Ang elementong ito ay isa sa mga sentro ng isang dokumentaryo. Dito natin makikita
ang mga pananaw, opinion, at katayuan ng isang tao tungkol sa isang paksa o isyu.
- “Live Action”
- Dito, kinukunan ng mga taga gawa ng dokyu film ang totoong pangyayari na
nagaganap.
- Cutaways
- Ang bahaging ito ay tinatawag na mga “standalone shots” o mga kuha na nagbibigay
ng paglipat mula sa isang paksa o parte ng sine papunta sa isa.
- Sinupan
- Eto ang mga “archives” ng mga sinaunang mga video o imahe na maaaring gamitin
para sa kasalukuyang dokyu film.
- “Behind The Scenes”
- Dito natin makikita ang proseso ng pagkuha ng dokyu film at mga pangyayari sa
isang “set”.
-Ang isang dokumentaryo o dokyu film ay isang likhang sineng na sumusubaybay sa totoong
pangyayari sa buhay ng isang tao, isang kaganapan, o mga pangyayari na sumusunod sa mga
maiinit na isyu.
PAGKAKAIBA SA PAGITAN NG DOKUMENTARYO AT TAMPOK SA PELIKULA
- Ang dokumentaryo at tampok na pelikula ay dalawang magkakaibang uri ng pelikula.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng dokumentaryo at tampok na film ay namamalagi sa
kanilang layunin at paksa. Nilalayon ng dokumentaryo na turuan, ipagbigay-alam at
bigyan ng inspirasyon ang mga manonood habang ang mga tampok na pelikula ay
naglalayong aliwin ang madla. Ang dokumentaryo ay tumatalakay sa mga
katotohanan at katotohanan samantalang ang tampok ng mga pelikula ay tumatalakay
sa kathang-isip. Ito ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dokumentaryo at
tampok na pelikula.

You might also like