You are on page 1of 6

15

Aralin 2

Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikula

Sequence Iskrip - Ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa isang kwento sa pelikula.

• Nakatakda ang pagpasok at pagdadayalogo ng mga tauhan sa tanghalang


ginaganapan ng mga artista.

Sinematograpiya - Ang pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa isang manonood ang
tunay na pangayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.

• Nakapagpapalutang ng ganda ng isang tanghalan ang marangyang ilaw kung ang


ginagalawan ng mga artista ay waring sa mundo ng mayayaman at malamlam na ilaw
na nagpapahiwatig ng kahirapan.

Tunog at musika - Ang pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapsidhi ng ugnayan ng tunog at


linya ng mga dayalogo.

• Nagdaragdag ng emosyon sa pag-ibig kung may mga awiting tinatawag na Love Songs
o matinding pagkatakot sa mga dagundong ng kalabog na naririnig natin sa
panonood. Naranasan mo na bang sobra kang natatakot sa iyong pinanonood?
Nararanasan ko rin kung kaya’t upang makaiwas sa sobrang kaba ay hinihinaan ko
ang tunog at musika sa gayon ay nagkakaroon ako ng kapanatagan.

Pananaliksik o research - Isang napakahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng


dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
16
• Upang lalo pang maging mabisa ang panonood ng isang pelikula ay kailangang suriing
mabuti ang kabisaan sa mga diwang nais ipaabot ng may akda ng kwento gayon din
ng mga adhikain o adbokasiyang nais iparating sa sambayanan.

Disenyong pamproduksyon - Ang nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at


sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukwento.

• May sadyang angkop na kasuotan ang mga artistang gumaganap. Kung Maharlika
ang nais ipakita maaring nababalot ng mga alahas at kumikinang na damit
samantalang kung mahirap maaring gula-gulanit, maging ang kapaligiran ay
naglalarawan ng karukhaan.

Pagdidirihe - Mga pamamaraan at diskarte kung paano patatakbuhin ang kwento sa telebisyon o
Pelikula.

• Nasa maayos na pagpapasunod ng direktor ang mga galaw at pagsasalita ng bawat


artista. Binibigyang diin ang lakas at hina ng pagsasalita ng mga gumaganap. Kung
minsan ang mga pag-irap, pananakit sa pamamagitan ng sampalan, sabunutan ng
mga artistang kumikilos pati na marahil ang paghinga ay mabusisi niyang
ginagabayan

Pag eedit - Ito ay pagputol at padugtong-dugtong muli ng mga eksenang nakunan na.

• Bakit kailangang putulin ang mga eksenang natapos na? Sapagkat may mga
pangyayaring nasosobrahan at tila nagdudulot ng pagka di-makatotohanan ang
kaganapan.
• Kailangan ding alam kung saan puputulin lalo na at sa mga teleseryeng ipinalalabas
naman sa telebisyon upang bigyang-daan ang pagpasok ng mga komersyal.
• Nangangailangan din namang dugtungan kung tila bitin ang pangyayari sa kwento.

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula


1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangin ng tauhan
upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?
2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y isang gasgas
na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na
maunawaan ng mga manonood?
3. Dayalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba ang
lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?
4. Titulo o pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng
manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat?
5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang
paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?
17
6. Temaopaksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa
buhay?
21
Pangunahing layunin ng Dokumentaryong Pampelikula

Ang pangunahing layunin ng Dokumentaryong Pampelikula ay magbigay-impormasdyon,


manghikayat at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan.
Isa ito sa ekspresyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa
lipunang ginagalawan. Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang
integrasyon at paggamit ng ICT o Information and Communication Technology upang lalo pang
mapalaganap ang ganitong mga akdang pampanitikan.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Dokumentaryong Pampelikula

Nagsimula ang dokumentaryong pampelikula noong unang taong 1900. Pangunahing


inilalarawan dito ay ang pagkuha ng iba’t ibang eksena sa anumang gawain ng mga tao sa
arawaraw. Inilalarawan bilang “aktuwal na tanawin o eksena.” Katulad din ito ng ibang
dokumentaryo gaya ng “travelogue, newreel tradition, at cinema truth.”
Naging “wartime propaganda, ethnographic film” at naging inspirasyon din upang
makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng “Cinema Vertille” (salitang French)
na nangangahulugang Film truth o pelikulang totoo mas naging makatotohanan, mabisa at
makabuluhan ang isang dokumentaryo.

Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula

1. Sequence iskrip-Tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa


pelikula. Dito makikita ang layunin ng kuwento.
2. Sinematograpiya-Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood
ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
3. Tunog at Musika-Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya
ng mga dayalogo.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula.

1. Establishing/Long Shot-Sa ibang termino ay tinatawag na “scene setting”. Mula sa malayo ay


kinukuhanan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa
magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
2. Medium Shot-Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang pataas. Karaniwan ito sa
mga senaryong may dayalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap o sa isang
paaksyong detalye.
3. Close-Up Shot-Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang. Hindi binibigyang-diin
ang nasa paligid. Halimbawa nito ay pagpokus sa ekspresyon ng mukha, sulat-kamay sa isang
papel at mga kaugnay ng nabanggit.
4. Extreme-Close Up- Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot.” Ang pinakapokus ay isang
detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa ang pokus ng mata ay nasa mata lamang sa
halip na sa buong mukha.
22
5. High Angle Shot-Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot-Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View-Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo
ng buong karagatan at kabundukan na ang manonood ay tila isang ibon na
lumilipad sa himpapawid.
8. Panning Shot-Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang
detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan isang
taong kumakaripas ng takbo.

Dimensyong Panliteratura

Isa sa mga mabisang paraan ng pagsusuri ng isang pelikula bukod sa mga elemento nito
ay batay sa aspeto o dimensyon:

1. Panlipunan/Sosyolohikal
Pagsusuri sa dinaranas ng tauhan sa lugar na kinabibilangan at sa nakasasalamuha na
sumasalamin sa tunay na pangyayari sa lipunan.
2. Pangkaisipan/Sikolohikal
Pagsusuri sa kabuuang kaisipan o mensahe hango sa napanuod at kaugnayan sa tunay na
pangyayari sa buhay.
3. Kalagayang pang-ekonomiya
Pagsusuri sa kalagayan at kabuhayan ng tauhan sa pelikula.

4. Pansarili o Personalisasyon
Pagsusuri sa napanuod batay sa kaugnayan nito sa sarili o personal na karanasan at
kalagayan sa buhay.
5. Pangkasaysayan/Historikal
Pagsusuri sa kaugnayan sa nakalipas na pangyayari o kasaysayan.

Komunikatibong Paggamit ng mga Uri ng Pahayag

Ang mga ito’y ginagamit upang maintindihan ng mga manonood ang damdamin ng mga
tauhan sa pelikula. Higit ding mauunawaan ang nais ipahiwatig ng mga tauhan sa paraan ng
kanilang pananalita.

SWOT Analysis-Ito’y isang paraan ng pagsusuri ng kapaligiran at ang kompanyang


nakatayo sa loob nito.

Ang akronim na SWOT ay nangangahulugang:


23
S-Strenghts
W-Weaknesses
O-Opportunities
T-Threats
Ang bawat pelikula kung susuriin ay tunay na kakikitaan ng SWOT. Maging sa kabuuan ng
pelikula o sa mga elemento ay maaring hanapin ang kalakasan o kahinaan ng pagkakabuo nito.
Sino sa mga tauhan ang nagpakita ng kahinaan sa pakikibaka sa kapuwa tauhan? Saang bahagi
naman ng pelikula ang naghatid ng kalakasan o impact na maaaring manatili sa kaisipan ng
manonood? Anu-anong oportunidad ang nakita sa napanood at nagdulot sa balana na magbago
tungo sa pagpapaunlad sa sarili? At, kinakitaan kaya ng pagkabagabag sa manonood upang
matakot sa maaaring mangyari sa kanila? Ang pagsagot sa mga katanungang inilahad ay
inaasahang makagigising ng kamalayan sa mga mag-aaral upang mapukaw ang interes na sa
panonood ay mahalagang magsuri.

Basahing may pag-unawa ang mga araling nakapaloob sa Aralin 2. Pagkatapos mong
mapag-aralan ay subukan mong gamiting gabay sa panonood mo ng pelikula o teleserye man.

Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin.

You might also like