You are on page 1of 19

MODYUL 2 

Mga Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Sumusunod na mga Elemento


 
                                                 Tema
                                                Tauhan/Karakterisasyon
                                                Kuha o Shots at Anggulo
                                                Musika, Tunog at Pag-iilaw
                                                Disenyong Tagpuan
                                                Kasuotan
                                               Make-up at Pag-arte
                                               Film Devices/Naratibong Teknik
 
 
GABAY SA PAGSUSURI NG ISANG PELIKULA
Ang panunuring pampelikula ay isang paraan ng pagsukat ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay-
puna, reaksyon, halaga sa napanood na pelikula. Layunin nitong mapalutang ang teoryang pampanitikan,
nagagamit ang mga paraang natutunan sa pagsusuri ng isang pelikula at naiuugnay ang sariling karanasan
batay sa nais ipahiwatig ng pelikula.
Ilan sa mahahalagang bagay sa pagsusuri ng isang pelikula ay ang aspektong pangnilalaman tulad ng
tauhan at tema. Kailangang masuri ang mga bagay na ito na mahalaga sa pagpalutang ng istorya.
 
TEMA/PAKSA
-           Ang tema o paksa ang nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng manonood kaugnay ng
kanyang karanasan sa buhay. Ang tema sa isang pelikula ay ang mga nakatagong mensahe, ideya o
konsepto na umudyok upang ang isang tauhan ay kumilos ayon sa nararapat. Bukod sa ito ay nakatagong
mensahe maaari din itong isang aral na ipinaparating sa mga manonood. Iba-iba ang ginagamit na tema o
paksa sa isang pelikula. May mga awtor na nagsasabing ang tema ay nabubuo sa isang salita lamang
kagaya ng obsesyon, pagtataksil, ambisyon, pagseselos, pag-ibig, kahirapan, hustisya, diskriminasyon,
kagandahan ng kalikasan, tagumpay, kabiguan, kamatayan, kultura at marami pang iba. Samantalang sa
ibang awtor, ang tema ay binubuo sa isang pangungusap katulad ng Hindi sukatan ang layo sa isa’t isa sa
tunay na pagmamahalan, Nasusubok ang tunay na pagkakaibigan sa oras ng kagipitan at marami pang iba.
 
 
TAUHAN/KARAKTER AT KARAKTERISASYON
Ang tauhan o karakter ay may iba’t ibang papel na ginagampanan ang mga tauhan sa isang pelikula.
Tauhan ang kumikilos at nagbibigay buhay sa iskrip ng isang pelikula. Itinuturing silang
pinakamahalagang pang-akit sa mga manonood na pinanggalingan ng aktibong pakikilahok ng manonood
sa isang pelikula. Taglay ng mga tauhan sa isang pelikula ang makilalang bida o protagonista
(pangunahing tauhan, ang may problema at humaharap sa problema at nagdesisyon at gumagawa sa sa
paglutas ng problema) at kontrabida o antagonista. Nauuri din ang mga ito sa lapad kung saan hindi
nagbabago ang katangian mula sa simula hanggang sa katapusan, tauhang hindi sumasailalim ng
anumang pagbabago sa emosyon at pag-uugali. Isa pang uri ay ang pagoging tauhang bilog na may
katangiang magbabago at nag-iiba ang ugali sa kaharap na katunggali na maaaring dahilan ng pag-unald
at pagkatuto. Ang mga tauhang ito ay may malaking kaugnayan o tungkulin sa papel na ginagampanan
bilang tagapamagitan sa mga manood at sa mga karakter sa pelikula.
 
GAWAIN
            Panoorin ang pelikulang Ma Rosa at suriin batay sa hinihingi ibaba.
Pormat ng Panunuring Pampelikula
I.              Pamagat (ipaliwanag ang pagpapakahulugan sa pamagat)
II.             Mga tauhan (ilarawan ang papel na ginagampanan at katangian)
a.    Protagonista
b.    Antagonista
III.            Tema/Paksa ng Pelikula (ipaliwanag at patunayan ang paksang tinalakay sa pelikula)
IV.          Buod ng Pelikula (isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pelikula)
V.           Teoryang Pampanitikan (magbigay ng limang patunay at ipaliwanag)
KUHA O SHOTS
            Lahat ng mga elemento ng isang pelikula ay pinag-iisipan nang maigi ng isang tagalikha nito. Ang
kaalaman sa “wika” ng pelikula ay pangunahin lalong lalo na sa isang manunulat. Naging
pangangailangan ito ng isang manunulat sa pagbuo  ng kanyang istorya sapagkat bibigyan buhay ito sa
pinilakang tabing. Ibig sabihin, dapat isaalang-alang din ng manunulat ang galaw at kuha ng kamera sa
pagsasapelikula ng kanyang nilikhang akda.
            Ang pagkilos o paggalaw na nakunan ng kamera mula sa pag-andar hanggang sa paghinto ay
tinatawag na kuha o shot. Ang iba’t ibang uri ng kuha o shot ng kamera sa eksena ay naktutulong upang
lubusan madarama ng manonood ang damdaming taglay sa mga eksena ng pelikula na higit na kailangan
maunawaan ng isang manonood. Kaya mahalaga na mapagplanuhan sa kung anong uri ng kuha o shot ang
angkop sa bawat eksena ng pelikula para sa ikadadali ng pag-unawa at pagpapakahulugan ng mga
manonood sa bawat eksena. Maaari ring magbago ang punto de vista ng isang istorya sa pamamagitan ng
kuha o shot sa mga eksena ng isang pelikula. Natutulungan ng mga tiyak na kuha o shot ang lubusang
pag-unawa ng mga manonood sa taglay na paningin at damdamin sa isang pelikula.
             May iba’t ibang uri ng kuha o shot na kailangan maunawaan ng isang manonood. Sinoman ang
nagnanais na magsuri ng isang pelikula ay kailangan pag-aralan ang mga termino sa kuha o shot tulad ng
master shot at cover shot.
            Ang master shot ay kinapapalooban ng kabuuang kuha ng mga eksena sa isang pelikula. Ito ay
serye ng mga magkakaugnay na kuha na bumubuo sa isang episodyo ng isang pelikula (Webster, 1997).
Habang ang cover shot ay maikling kuha na nagbibigay ng kaukulang dramatikong at makahulugang
detalye sa bawat sandali. Kinapapalooban ito ng  close-up, medium shot, tracking shot, at long shot.
            Ang close-up shot ay ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at ng kamera ay
maliliit lamang. Ginagamit ito upang ipakita ang damdamin ng artista sa isang eksena sa pelikula.  Ito rin
ang paraan ng direktor para ipakita sa manonood ang mga detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin.
Ang kuha ring ito ay nakakatipid ng ibang pangangailangang pamproduksyon sapagkat kaunting ilaw,
kaunting galaw lamang ng mga artista. Ibig sabihin, hindi ganoon ka komplikado ang gagawing
paghahanda gamit ang close-up shot.
Tinatawag din na medium shot ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa taas nito o mula sa
baywang pataas. Layunin nitong ipakita ang postura at pakikitungo ng isang artista kaugnay sa ibang
artista. Ginagamit din ang kuhang ito sa pagpapakita ng mga serye ng mga diyalogo mula sa isang eksena
kung saan makatutulong sa mga manonood na maunawaan ang kumpas at galaw ng mga karakter mula sa
isang pelikula.
Samantala, ang tracking shot naman ay tumutukoy sa kuha ng kamera na sumusunod sa  mga galaw ng
karaker o bagay sa isang eksena. Maaaring ang galaw ng kamera ay paharap, patalikod o sa magkabilang
gilid. Ipinapakita ng direktor ang pagsunod ng lahat ng detalye na kasama sa eksena para mabisang nitong
maipakita sa mga manonood.
Ipinapakita ng kuha ng long shot ang pangunahing lugar o tauhan na may malayong agwat mula sa
kamera gaya ng tore, simbahan, o tulay. Maaari rin ipakita nito ang kalipunan ng mga bagay tulad ng
magkakadikit na mga tahanan. Ginagamit ang long shot bilang establishing shot o pagpapakita  ng lunan
ng isang pelikula (Evasco, E. et al., 2011).
Ayon kay Evasco, E. et al., 2011, ang bawat kuha ay may kahulugan. Kailangang pag-isipan ng manunuri
ang dahilan kung bakit kumukuha ng halimbawa ng close-up shot ng isang bagahe o ang dalawang taong
nag-uusap, o dili kaya’y tracking shot ng kabundukan. Binibigyan ng pagkakataon ng direktor ang
kanyang manonood na mag-isip at kung bakit ito ginagawa at kung paano pinatitingkad ang
karakterisasyon at banghay ng pelikula. Esensyal na makita sa pagsusuri ang damdaming namumuo sa
manonood habang pinapanood ang pelikula sapagkat maaaring mailabas ng manonood ang kanyang
emosyon habang pinapanood niya ito.
 
ANGGULO
            Sa panonood ng pelikula, nakakaapekto sa pananaw ng manonood ang kuha ng kamera sa 
pagsasabuhay ng artista sa kanyang karakter. Nakakatulong ang tamang anggulo sa bawat eksena ng mga
artista sa kabu sa daloy ng istorya ng isang pelikula. Kaya kadalasan isinasagawa ng direktor ng pelikula
ang pamimili ng iba’t ibang anggulo ng kanyang kukuhanan para mapalitaw ang tamang timpla sa bawat
eksena nito. Sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa tamang kuha ng anggulo mas mabibigyan ng
pagkakataon ang mga manonood na unawain ang kabuuang produksyon nito.
            May limang (5) pangunahing anggulo ng kamera na isinasagawa sa pagkuha ng mga eksena.
Nalalaman ang mga anggulong ito batay sa pinaglalagyan ng kamera habang isinasagawa ang pagkuha ng
mga eksena.
Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang  Bird’s-Eye View upang maipakita ang kabuuang
kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang kamera sa bandang itaas ng artista habang isinasagawa
ang eksena at nakatutok ito sa artista hanggang sa ibaba. Ang ganitong uri ng anggulo sa pagkuha ng
eksena ay kalimitang ginagamit ng isang direktor sa pagkuha ng mga kaukulang dramatikong diin sa
karakter o eksena. Sa panimula ng pelikulang Regeneration (1997), isang birds’s-eye shot ang ginamit ng
direktor para maipakita ang sagupaang nangyari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Naipakita sa anggulong
iyon ang walang awa at di makataong pagpatay ng mga kalaban sa mga sundalo sa naturang pelikula.
Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan at kawalang kapangyarihan sa
paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan. Ang anggulong ito ay simbolikong ginamit ng direktor
para sa mga karakter na hindi gaano mahalaga sa isang eksena kaya nagmumukhang maliit ang isang
karakter. Sa eksena sa pelikulang Avenger, isang magandang halimbawa ng High angle na kuha nina
Thor at Captain America na siyang ginamit ng direktor para magmukhang mahina ang dalawang super
hero sa pagpapatuloy ng kanilang pakikipaglaban na tila may iba na namang silang pupuksain na kalaban
na hindi maubos-ubos. Ang ganun damdamin ay matagumpay na napadarama sa mga manonood dahil sa
tamang pagkakuha ng anggulo.
            Pinakapayak na anggulo na napapanood sa isang pelikula ay tinatawag na Eye-Level. Ang
anggulong ito ay isang “personal view” na tila pagkakuha sa karakter ng eksena ay parang sa tunay. Hindi
ito makabagdamdaming kuha ngunit nagagamit pa rin ito sa paglalarawan at pagpapaliwanag sa pag-
unlad ng banghay ng pelikula. Itinuturing din ang anggulong ito na “personal view” dahil kapantay lang
nito ang taas ng pinaglalagyan ng kamera sa mga nagsisiganap sa mga eksena.
            Ang low angle ay ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng katapangan at kapangyarihan sa
isang pelikula. Inilalagay rin ang kamera nito sa ibaba ng linya ng mata ng artista at nakatuon ito pataas.
Kaya sa isang eksena na paghaharap ng mayaman at mahirap inilalagay ang kamera sa baba at itinuton ito
sa artistang mayaman para bigyan puwang ang kanyang estado na ipinapakita ang kanyang kapangyarihan
laban sa mahirap na karakter na nakatuon naman ang kamera sa ibaba.
            Ang literal na pagtingala sa kuwadro ng kamera o pagtungo sa ibaba ng kamera ay tinatawag
Oblique Angle. Ang ganitong anggulo ay ginagamit ng direktor sa pagkuha ng mahahalagang eksena
kaugnay sa kanyang pelikula.  
 
MUSIKA
            Malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa pelikula na hindi maipaghihiwalay ang dalawa.  
Mas pinatitingkad, mas pinadadama at mas pinapaganda ng musika ang pelikula sapagkat kung wala ito
ay maaaring lalabas na hindi natural, malungkot at walang buhay ang isang pelikula.   Taglay ng musika
ang sari-saring papel na ginagampanan sa pelikula na mahalaga sa emosyonal na aspeto ng pelikula o
maaaring isang malaking tulong ito sa paglinang ng nasabing kwento. Napakamahalaga ang musika na
aspetong isinaalang-alang ng mga manggagawa ng pelikula kabilang ang direktor at prodyuser. 
Naniniwala sila na ang reaksyon ng mga manonood ay hindi lamang nakukuha sa mga paraan katulad ng
takot, lungkot at ligaya kundi sa pamamagitan din ng pagpapadanas ng isang pelikula sa mga manonood, 
ang tinatawag musika.   Bunga nito ang paglahok ng musika sa pelikula ay masusing pinag-iisipan kaya
kabilang ang musika sa kinikilala sa tuwing mayroong pagpaparangal sa pelikula.
 
HALAGA NG MUSIKAL NA ISKOR
           
Karaniwan may mga pagkakataon na sa ating panonood ay hindi natin masyadong pinahahalagahan ang
musika sapagkat nakatuon lamang tayo sa mga nagsisipagganap o sa mismong kwento ng pelikula.
Karaniwan sa mga manonood ay hindi ito napapansin.  Magkagayunpaman,  hindi ito nangangahulugan
na walang itong malaking kontribusyon sa pelikula.  Sa katunayan, malaking ang naiaambag ng musika sa
kung paano tayo tumutugon o sa ating mismong pagdanas ng pelikula.   Natatamo ito sa paraang,
napapatatag ang emosyong isinasaad sa mga imaheng nakikita, pinasisigla nito ang ating imahinasyon at
ekspresibong emosyon na hindi naipararating sa mga purong imahe lamang.    
 
Bunga na rin ng kanyang kahalagahan sa pelikula at ang magiging reaksyon natin bilang manonood,
nagiging palasak na rin ang ating katawagan dito bilang kaligirang musika (background music).   Hindi
dapat namamaliit ang musika sa usaping pelikula.  Maituturing ang katawagang background music bilang
isang misnomer sapagkat mayroon integral na tungkuling ang musika sa pelikula.   Sa halip ituring ang
musika bilang pantulong o katuwang ng pelikula.
Sa aklat ni Bogss (2008), pinaliwanag niya ang dalawang pananaw ng  wastong antas ng subordinasyon. 
Ang tradisyonal na pananaw at modernong pananaw.   Sa paniniwala ng tradisyonal, ang musika ng
mahusay na pelikula ay nagtatanghal ng barayting tungkulin na ginagawa nito tayong hindi konsyus sa
kanyang presensya.   Sa ibang pahayag,  kung hindi natin namamalayan ang nasabing musika ay
maituturing bilang isang mabuting iskor.   Kaya sasabihin na hindi dapat napakamaganda ang musika
sapagkat maaaaring maagaw nito ang atensyon ng mga manonood.
Samantala,  taliwas sa sinundang paniniwala.  Ang modernong paniniwala naman ay nagsasabi na hindi
lamang ang musika naghahangad sa ating konsyus na atensyon kundi kailangang dominahin din nito ang
piktyur na nakikita iskrin.  Kailangan lamang ay napapanatili nito ang kanyang halagang pagkakaugnay
sa biswal,  dramatiko at ritmong elemento ng pelikula sa pangkalahatan. 
Parehong ang modernon at tradisyonal na pananaw ay nagkakatagpo sa isang esensyal nap unto:  ang
musika na nakakaagaw ng pansin na naisasakripisyo ng ang pelikula ay hindi maituturing na epektibo.  
Ang isang mainam na iskor ng musika ay isang signipikant na estrutural na element,  nagsasagawa ng
isang mabuting tungkulin sa isang maayos na pagkakaugnay na paraan. 
 
MGA TUNGKULIN NG MUSIKAL ISKOR
            Dalawa ang pangkalahatang pangunahin ng musika,  ang pagbuo ng estruktural na mga ritmo at
ang pagganahin ang ating emosyonal na pagtugon,  parehong ang mga ito ay nagpapataas at nagpapalakas
ng epekto ng imaheng nakikita natin sa iskrin.
 
            Ang musikal iskor ay bumubuo ng estruktural na ritmo parehong sa pelikula bilang pangkalahatan
at sa bawat eksena sa pamamagitan ng pagdebelop ng takbo sa naaayon hanggang sa paggalaw ng bawat
kuha at ang takbo ng mismong pag-iedit.   Samantalang ang iskor ng pelikula ay  gumaganap bilang
pamuno at nagdaragdag ng naratibo at dramatikong estruktura na nagpapagana sa ating emosyonal na
pagtugon na kahanay sa bawat indibidwal na sekwens at sa mismong pelikula bilang kabuuan.    Ang
damdamin ay nabubuo sa epektibong paggamit ng musika,  samantalang ang musikal iskor naman ay
nagiging mainam na repleksyon sa mga emosyonal na patern at humuhubog sa kabuuan ng pelikula.
            Ang musika ng pelikula ay nahahati sa dalawa.   Ang mickey mousing na teknik na halaw sa
animasyon.  Ito ay tumpak,  kinalkyula na musika at kilos.   Ang ritmo ng musika ay kapareho sa natural
na ritmo sa mga gumagalaw na mga bagay sa iskrin.   Samantala ang pangkalahatang iskor (generalized
score) naman ay walang paghahangad na magkapareho sa musika  at sa pangkalahatang emosyonal na
kapaligiran at damadamin ng sekwens o sa pelikulang bilang kabuuan.  
 
 
ANG TUNOG
            Maituturing ang tunog bilang makapangyarihang teknik sa paggawa ng pelikula.   Katulad ng
musika bilang pambihirang apinidad sa pelikula, ang tunog din may mahalagang papel na ginagampanan
sa pagbuo ng pelikula.  Hindi matatawaran ang naiambag nito kahit sa paggawa ng silent film noon mga
taong 1926.   Ang mga silent film noon ay sinasamahan ng mga tunog mula sa piyano, organ,  ensemble o
orkestrang musika.  Sa paglipas ng panahon, marami na rin ang nadiskubre na higit pang makakatulong sa
pagdebelop ng isang pelikula katulad ng pagrerekord ng mga diyaogo at mga tunog (sound effects) ay
pinatunayan na naman nito ang kanyang ambag bilang epektibong katuwang sa pagpapalabas ng emosyon
at ritmong itinataglay sa mga imahe.  Bunga nito ay hindi maikakaila na ang tunog ay nakapagdaragdag
ng antas kahulugan at nagbibigay ng emosyonal na estimulo na mas higit pang nagbibigay ng intensidad
sa karanasan ng manonood.
            Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na sa kwento, ay
naisasantabi natin ang malikhaing aspeto ng tunog,  musika o soundtracks.   Ang mga ito ay pinag-iisipan
din kaya mahalagang bilang isang manonood ay sinusuri ang mga ito,  ang impormasyong kanyang
ibinabahagi sa mismong eksena at kanya mismo komplekadong mga teknik bilang pagpapasigla sa
damdamin. Sa kasalukuyan,  ang isang tagadesinyo ng tunog (sound designer) ay maaari ng
makapagrekord,  maghalo (mix), magsala (filter),  pahinain (modulate),  palakasin (amplify),  at
maghudyat (cue up) ng mga tunog kung kinakailangan.  Maaaring ang tunog na ito ay nairekord mula sa
totoong buhay o di naman kaya ay mga inipon nila mula sa mga pananaliksik sa internet.   Mula sa mga
pag-awit ng mga ibon,  pagtunog ng mga doorbell,  tunog ng mga kuliglig sa gabing payapa,  pagtahol ng
mga aso,  hanggang sa mga pagputok ng baril,  ang mga ito ay naggagamit para sa isang tiyak na eksena
para sa pagkokonvey ng isang partikular na emosyon o kahulugan.     
NAKIKITA AT DI-NAKIKITANG TUNOG
            Sa mga nabanggit, sinasabing ang tunog at imahe ay kailangang magklumentaryo sa bawat isa.  
Ibig sabihin mayroong sinkronisasyon ang isang nairekord na tunog mula sa biswal na imahe ng iskrin.   
Ang nakikita ng mga manonood sa iskrin ay may taguring nagsasalitang mga larawan (talking pictures),
dito mas napapamangha ang mga tao mula sa mga salitang lumalabas.  Ang pagkapit ng mga tunog na
nagiging pantulong sa pagpapadama ng emosyon sa mga manonood sa pagkakataong iyon na
nanggagaling sa mismong mga imahe ng iskrin.  Ito ay tinatawag na nakikitang tunog (visible sounds).
 
            Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound).   Ito ang tunog na
nagmumula sa isang bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin.   Ginagamit ito para mas palawigin
pa ang dimensyon ng pelikula labas sa nakikita sa iskrin sa pagtatamo ng higit pang dramatiko epekto. 
Nagiging tungkulin ang mataas na eskpresibo o simbolikong paraan bilang mga malayang imahe.  
Patunay ito na sa totoong buhay ay marami sa ating mga tunog ngayon ang hindi nakikita, sapagkat hindi
naman kinakailangan na alamin pa kung saan ito nanggagaling o imposibleng mahanap pa ang kanyang
pinanggagalingan.   Sa madaling salita ang mga manggagawa ng pelikula ay gumagamit ng mga tunog
hiwalay sa elemento ng pagkukuwento na may kakayahang maglalahad ng impormasyon saganang sarili.
Kung napapakinggan natin ang mga kalampag ng mga kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay
nakatuon sa mga taong nag-uusap sa sala ay maaaring nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o
kumakain sa kusina.  
PAG-IILAW (LIGHTING)
            Kung ikaw ay kukuha ng video sa pamamagitan ng iyong cellphone o kamera, hindi mo na inisip
ang manipulahin ang pag-iilaw.  Ang modernong digital na pagkuha ay makaprodyus ng malinaw na
imahe sa maliwanag o madilim na mga sitwasyon, at para sa maraming pakay, ang mahalaga sa lahat  ay
malinaw ang paksa.
            Sa artistikong pag-iilaw ng paglikha ng pelikula ay higit lamang sa pananglaw na nagpapahintulot
sa atin na makita ang aksyon.  Ang maliwa-liwanag at madilim-dilim na lugar sa loob ng kwadro ay
tumutulong likhain ang kabuuang komposisyon ng bawat shot at gabayan ang ating atensyon tungo sa
tiyak na mga bagay at kilos.  Ang liwanag ng inilawang mantsa ay guguhit sa ating mata tungo sa isang
susing galaw, habang ang isang aninag ay naikukubi ang detalye o lumikha ng pananabik tungkol sa
anumang maaaring naroon.  Ang pag-iilaw ay nakapagsasasabi ng mga kayarian:  ang kurba ng isang
mukha, ang butil ng isang piraso ng kahoy, ang guhit ng sapot ng gagamba, ang kinang ng isang hiyas at
iba pa.
Highlights at mga Anino (Highlights and shadows). Ang pag-iilaw ay humuhulma ng mga bagay 
pamamagitan ng paglikha ng highlights at mga anino.  Ang isang highlight ay isang tapal ng  kamangha-
manghang liwanag sa ibabaw.  Ang highlights ay nagbibigay ng mahalagang hudyat sa tekstura ng
ibabaw.  Kung ang ibabaw ay makinis, gaya ng salamin o  or krom, ang highlights ay magsisilbing sinag
o kislap; ang isang magaspang o maligasgas na ibabaw, tulad ng isang maligasgas na batong nakaharap,
nagbubunga nang higit na makalat ng highlights. Ang mga anino halos gayundin, nagpapahintulot sa mga
bagay na magkaroon ng porsyon sa dilim (tinatawag na pagtatabing) o patunguhin ang mga anino 
papunta sa ibang bagay. 
 
Direction.  Ang direksyon ng pag-iilaw sa isang shot ay tumutukoy sa daan ng ilaw mula sa pinagmulan
ng pinagmumulan ng bagay na may ilaw.  Para sa kaginhawahan, maaari naming makilala sa mga frontal
lighting, sidelighting, backlighting, underlighting, and top lighting.
 
            Frontal lighting ay nakilala ito sa pamamagitan ng pagkahilig upang maalis ang mga anino.
            Backlighting, sa pangalan pa lamang, nagmumungkahi itong ang ilaw ay nagmumula sa likod ng
paksa. Ang ilaw ay maaaring iposisyon sa maraming angulo:  mataas sa itaas ng figura, sa iba't ibang mga
anggulo sa gilid, itinuturo tuwid ng kamera, o galing sa ilaim o ibaba.  Ginamit nang walang iba pang
mga pinagkukunan ng liwanag, ang backlighting ay may gawi na lumikha ng silweta (ang madilim na
hugis at balangkas ng isang tao o isang bagay na nakikita laban sa isang mas magaan na bakgrawn, lalo
na sa madilim na liwanag). Kasama ang higit pang mga pangharap na pinagmumulan ng liwanag, ang
pamamaraan ay maaaring lumikha ng isang banayad na tabas. Ang paggamit ng ilaw na ito ay tinatawag
na gilid ng ilaw o rim na ilaw.
            Underlighting, nagpapahiwatig na ang liwanag ay nagmumula sa ibaba ng paksa.  Dahil ang
underlighting ay may posibilidad na papangitin ang mga tampok, ito ay madalas na ginagamit upang
lumikha ng mga dramatikong panginginig sa epektong katakot-takot, ngunit maaaring ipahiwatig lamang
nito ang isang makatotohanang pinagmulan ng liwanag, tulad ng isang tsiminea, o plaslayt.  Gaya ng
nakagawian, ang isang partikular na pamamaraan ay maaaring gumana nang iba ayon sa konteksto.
            Top lighting, ang spotlight ay kumikinang mula sa halos direkta sa itaas ng mukha.  Ang itaas na
ilaw ay lumilikha ng isang kaakit-akit na imahe.  “Ito ay isang bagay ng pagiging totoo - lahat ng bagay
ay hindi nakikita sa lahat ng oras”.
Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong makilala sa pinagmulan
nito.  Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang filmmaker ay maaaring obligado na mag-shoot na may
anumang liwanag ay magagamit. Gayunman, karamihan sa mga kathang-isip na mga pelikula ay
gumagamit ng mga karagdagang pinagkukunan ng liwanag upang makakuha ng higit na kontrol sa mga
hitsura ng mga imahe. Kadalasan ang mga table lamp at streetlight na iyong nakikita sa isang set ay hindi
malakas o iba't-ibang sapat upang lumikha ng isang malakas na imahe.  Gayunpaman, ang filmmaker ay
kadalasang lumikha ng isang disenyo ng ilaw na tila pare-pareho sa mga mapagkukunan sa tagpuan.  Ang
mga huwaran ng pag-iilaw ay nagayak ng nakikitang pinagkukunan.
            Ang mga direktor at mga maninekreto (cinematographers) ng pagmamanipula sa pag-iilaw ng
tanawin ay kadalasang nagpapasiya sa dalawang pangunahing pinagmumulan: isang mahalagang liwanag
(key light) at liwanag na punan (fill light). Ang pangunahing ilaw (key light) ay ang pangunahing
mapagkukunan, na nagbibigay ng pinakamaliwanag na pag-iilaw at paghahagis ng pinakamatibay na
anino. Ang pangunahing ilaw ay ang pinaka-direktang liwanag, at karaniwang ito ay iminungkahi ng
isang pinagkukunan ng ilaw sa tagpuan. Ang isang ilaw na punan ay isang mas malalim na pag-iilaw na
"pumupuno sa," paglambot o pag-aalis ng mga anino na itinatapon ng susi na ilaw (key light). Sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng susi (key) at punan (fill), at sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba
pang mga mapagkukunan, ang ilaw ay maaaring kontrolado ng lubos na eksakto.
Dalawang Tuntunin ay tumutukoy sa iba't ibang intensidad ng pag-iilaw:
1.    Ang mababa na susi sa pag-iilaw (low-key lighting) ay naglalagay ng karamihan sa hanay sa anino;
ilang mga highlight lamang ang tumutukoy sa paksa. Ang uri ng pag-iilaw ay nagpapataas ng pag-
aalinlangan at lumilikha ng isang madilim na kalooban; kaya, ito ay ginagamit sa misteryo at panginginig
sa takot na mga pelikula.
2.    Ang mataas na susi sa pag-iilaw (High-key lighting), sa kabaligtaran, ay nagreresulta sa mas
maraming liwanag na lugar kaysa sa mga anino, at ang mga paksa ay nakikita sa gitna ng grays sa
higlights, na may mas kaunting kaibahan. Ang mataas na susi sa pag-iilaw (high-key lighting) ay angkop
para sa komik at liwanag na moods, tulad ng sa isang musikal. Sa pangkalahatan, ang mga eksena sa
mataas na kaibahan, na may malawak na pagkakaiba sa pagitan ng liwanag at madilim na mga lugar, ay
lumikha ng mas makapangyarihan at dramatikong mga imahe kaysa sa mga eksena na pantay-pantay na
naiilawan.
Ang direksyon ng liwanag ay gumaganap din ng isang mahalagang papel sa paglikha ng isang epektibong
biswal na imahe. Halimbawa, ang epekto na ginawa ng pantay sa ibabaw na pag-iilaw (flat overhead
lighting) ay ganap na naiiba mula sa epekto ng malakas na ilaw sa gilid mula sa antas ng sahig. Ang
backlighting at front lighting ay lumikha din ng iba't ibang epekto.
Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pag-iilaw
1.  Ang pag-iilaw ba ay ng pelikula sa kabuuan ay a. tuwiran. marahas, at matapang; b. Kainaman o
katamtaman at balanse; c. Malamlam at malaganap? Ang mataas o mababang susing pag-iilaw ba ay
namamayani o nangingibabaw?Paano ang desisyon nga pag-iilaw umaakma sa kuwento ng pelikula?
2.  Naging artipisyal ba ang pag-iilaw mula sa simula hanggang sa katapusan, mula sa mga lugar saan
walang makitang pagkukunan ng ilaw, o naging likas ang pagmumula nito sa pinagkukunang nakita o
iminungkahi sa tabing?
 
3.  Paano nakaaambag ang pag-iilaw sa kabuuang emosyonal na saloobin o himig ng pelikula?
 
TAGPUAN (SETTING)
 
KAHULUGAN NG TAGPUAN
Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula nagaganap.  Bagama’t
ang tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o nakaligtaan, ito ay isang mahalagang kasangkapan o
elemento sa anumang kuwento at gumagawang isang mahalagang kontribusyon sa tema o sa kabuuang
epekto ng isang pelikula.  Nang dahil sa kompleks na pag-uugnayan ng tagpuan sa iba pang elemento ng
kuwento – banghay, tauhan, tema, tunggalian, simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong
isinalaysay ay kailangang sinuring mabuti maigi.  At dahil sa kanyang kahalagahang biswal na gampanin,
kailangang maisaalan-alang na isang makapangyarihang elementong pangsinema sa kanyang sariling
kakanyahan.
KAHALAGAHAN NG TAGPUAN
Mahalaga ang tagpuan sa estorya ng isang pelikula.  Sa panunuri, nararapat lamang mabatid kung saan
naganap ang madudulang tagpo ng buhay na inilahad sa pelikula.  Kailangan ding mabatid kung paano
inilarawan ng filmaker ang tagpuan, ang kabutihan nito sa akda at kung ito ba ay nakalilikha ng isang
kapaligiran.
            Mahalagang mabatid ng mga manunuri ang kaligirang panlipunan sa panahong nalikha ang
pelikula.  Kung ang tagpuan ay sa lunsod, mahalagang makita ang kaligiran tulad ng:  a.) ang
pamamaraan ng pamumuhay ng mayyaman at mahihirap; b) ang kaugaliang umiiral sa mga tao; c) at ang
kagandahan at kapangitan ng buhay sa lunsod.
Mula pa noong unang kapanahunan pa ng sinema, ang mga kritiko at manonood ay naunawaang ang
tagpuan ay may aktibong papel sa sinema kay sa karaniwang papel nito sa teatro.
            Ayon kay Andre Bazin:
Ang indibidwal ay napakahalaga sa teatro.  Ang dula (drama) sa eskrin ay maaaring magaganap kahit
walang mga aktor.  Ang humahambalos na pinto, ang dahon sa pag-ihip ng hangin, ang paghampas ng
alon sa dalampasigan ay nakapagpapatingkad ng isang dramatikong epekto.  Iilan sa mga obra maestrang
pelikula ay gumagamit ng tao bilang aksesori, tulad ng ekstra, o bilang pampaganada ng kalikasan, kung
saan itiuturing na tunay na pangunahing tauhan o karakter
Sa pagsisiyasat ng tagpuan kung may kaugnayan ito sa kuwento, mahalagang isaalang-alang ang epekto
ng apat na mga salik na ito bilang kabuuan 
1.    Temporal na Salik.  Ang panahon kung kailan nagaganap ang kuwento sa pelikula.
2.    Heograpikong Salik.  Ang pisikal na lokasyon at ang kanyang katangian, kabilang  ang tipo ng
kalupaan, klima, dami ng populasyon (ang kanyang biswal at sikolohikal na impak), at anumang iabng
pisikal na salik ng lokalidad na maaaring nagkakaroon ng epekto sa mga tauhan ng kuwento at ang
kanilang mga aksyon.
3.   Sosyal na Estruktura at Ekonomikong Salik  
4.   Kustombre, moral na kaugalian at mga koda ng kaasalan
Ang bawat salik ay may mahalagang epekto sa mga suliranin, mga tungalian at katangian ng mga tauhan
at kailangang isaalanag-alang bilang integral na bahagi ng banghay ng kuwento o tema.
PAPEL O TUNGKULIN NG TAGPUAN SA PELIKULA
Tagpuan Bilang Determiner ng Tauhan. Ang apat na aspeto ng tagpuan na nakalista sa itaas ay mahalaga
upang unawain ang natauralistik na interpretasyon ng ginagampanang papel ng tagpuan.  Ang
interpretasyong ito ay nakabatay sa paniniwala na ang ating katangian, kapalaran, at tadhana ay
naipakilala sa pamamagitan ng mga lakas  sa labas ng ating sarili, na maaaring tayo ay wala kung
ihahambing sa mga produkto ng ating minana at kapaligiran, at na ang kalayaan ng pagpili ay isang
ilusyon lamang.  Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kapaligiran , may
makabuluhang puwersang tagahubog o maging isang dominanting tagapagtimpi, ang interpretasyong ito
ang pumupuwersa  sa atin upang isaalang-alang kung paano ang kapaligiran ay humubog sa mga tauahan
kung ano sila – sa ibang salita, kung paano ang kalikasan ng tauhan ay diniktahan ng mga salik tulad ng
kanilang panahon ng kasaysayan, ang patikular na lugar sa Sanlibutan na kanilang pinanahanan, ang
kanilang lugar sa sosyal at eonomikong estruktura, at ang kustom, moral na saloobin, alituntunin ng pag-
uugali na ipinataw sa kanila ng lipunan o sosyedad.  Ang mga kapaligirang salik na ito ay maaaring
mapanghikayat na sila’y nagsilbing bagay na mas mahalaga kaysa kaligiran para sa banghay ng pelikula.
Sa ilang pagkakataon ang kapaligiran ay gumaganap bilang antagonista sa banghay.  Ang protagonista ay
maaaring makipagbuno laban sa pwersang pangkapaligirang nagdidiin sa kanila, nagsusumikap upang
ipahayag ang kalayaang pumili o tumakas s bitag.  Kaya, ang marubdob na  konsiderasyon ng kalupitan,
kapabayaan o kawang-malasakit, o makapangyaring lakas ng kapaligiran ay kalimitang isang susi upang
maunawaan ang tauhan at ang kanyang suliranin.
Tagpuan bilang Repleksyon ng Karakter (Setting as Reflection of Character).  Ang kapaligiran kung
saan nakatira ang isang tao ay nagpapakita sa mga manonood ng hudyat upang maunawaan ang papel na
kanyang ginagampanan sa pelikula.  Ito’y totoo lalong-lalo na sa aspeto ng kanyang kapaligiran kung
saan ang isang indibidwal ang may hawak.  Ang isang bahay ay halimbawa ng mahusay na indikasyon ng
katauhan ng tauhan. Ang tagapanood ay kailangang malay sa mga interaksyon sa pagitan ng kapaligiran
at tauhan, kung ang tagpuan ba ay tagahubog ng tauhan o isa lamang repleksyon nito.
Tagpuan Para sa Anyo ng Katotohanan (Setting for Verisimilitude).  Ito ay binibigyang kahulugan sa
pagkamakatotohanan o ang pgiging totoo.  Halimbawa ang pagkakaroon ng katotohanan sa banghay o
imahe ng isang pelikula na nakapagpapakita ng pagiging realistiko.  Isa sa pinakamalinaw at
pinakanatural na tungkulin ng tagpuan ay likhain ang pagtitipon ng  realidad na nagbibigay sa manonood
ng pagiging makatotohanan sa panahon at lugar at madama ang pagiging doon.  Kinikilala ng Filmmakers
ang lubos na kahalagahang ginagampanan ng isang   awtentikong tagpuan sa paglikha ng pelikulang
kapani-paniwala.  Samakatuwid, maaaring umabot sila ng ilang buwan sa paghahanap ng isang akmang
tagpuan at saka na pakilusin ang crew, mga aktor, at mga ekipo libo-libong milya upang makuha ang
angkop na kaligiran para sa kuwentong tinatangkang gawan ng pelikula.
Upang makapanghikayat, kailangang maging awtentik ang napipiling tagpuan maging sa kaliit-liitang
detalye ng minuto. 
Tagpuan Para sa Manipis  na Biswal Impak (Setting for Sheer Visual Impact).  Ang Filmakers ay
pumipil ng isang tagpuang may kakayahang maaninag ang biswal impak.  Kung ang paggawa nito ay
pinapayagan sa loob ng ipinahihintulot ng tema at pakay ng pelikula, ang filmakers ay pipili ng tagpuan
na may mataas na antas ng viswal impak o malakas ang biswal impak.
Tagpuang Lumikha ng Emosyonal na Atmospera o Kapaligiran, Pagkakalarawan, at Biswal Impak
(Setting to Create Emotional Atmosphere, Characterization, and Visual Impact).  Sa mga
espesyalisadong pelikula, ang tagpuan ay mahalaga sa paglikha ng malaganap na emosyonal na
kapaligiran.  Ito’y kailangang sa mga pelikulang katatakutanat sa iilang mga piksyong agham at
pantasya. 
Tagpuan Bilang Simbolo (Setting as Symbol).  Ang tagpuan ng kuwento ng isang pelikula ay maaaring
nagbabadya ng malakas na simbolikong kahulugang ginamit upang ipaglaban ito o maging kinatawan
hindi lamang sa isang lokasyon o lugar.  
Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Tagpuan sa Pelikula (Mayos, Tanawan & Espique, 2007):
1. Paano ipinakita ng filmmaker ang tagpuan?
2. Ano-anong sangkap ang kanyang ginamit upang ipakita ito?
3. Inilarawan ba ang kaliit-liitang sulok sa kabuuan ng larawan ng pook?
4. Kapani-paniwala ba ang napiling tagpuan upang kumilos ng ganito o ganoon ang mga tauhan sa
pelikula?
5. Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginamit ng filmmaker upang ipakita ang tagpuan ng pelikula?
6.  Angkop ba ang tagpuan sa pagkilos at paksa ng kwento sa pelikula.
Kasuotan
Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan ng mga magsisipagganap. Kaya
malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng kasuotan sa pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na
kasuotan na isusuot ng mga artista. Bago pa man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay mahalagang
naihanda na sa kanyang kaisipan, at plano kung ano ang magiging kaanyuan ng mga kasuotan ng mga
magsisipagganap. Sa tagadesinyo nakaatang ang responsibilidad sa pagpaplano at sa pagsasakatuparan sa
mga damit na gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan niya ng suporta hindi lamang ang
pisikal na kaanyuan kundi pati ang emosyonal na aspeto na siyang mas lilinang pa sa
pagsasakarakterisasyon ng mga tauhan.
Bukod sa tagadesinyo ng kasuotan ay isinasangguni ang mga ito sa iba pang kabilang ng produksyon
katulad ng direktor, kostyumer, hairstylist, at mga artista. Ilalahad ng tagadisenyo ang kanyang
tentatibong guhit sa tinatawag na costume plates. Kung ano ang mapagkakasunduan ng lupon ay siyang
gagamitin sa pagsasagawa ng pelikula. Sa totoong buhay, nagsusuot tayo ng mga damit upang
proteksyunan at magmukha tayong kaaya-aya sa paningin ng iba pero sa pelikula ay mas lalong
tinutulungan nito ang isang artista na mailabas niya mismo ang karakter sa kwento. Sa pelikulang Bituing
Walang Ningning, si Laviña Arguelles (Cherry Gil) ay gumanap bilang isang sikat na mang-aawit.
Pinatingkad ang kanyang karakter sa tulong ng mga magagandang damit na kanyang isinisuot, mga
alahas, at maayos na make-up. Samantalang, si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) naman ay simple lamang
ang pananamit na isinusuot para ilarawan ang kanyang karakter bilang simpleng tagahanga ng mang-
aawit. Nangangahulugang,  inilalarawan ng mga kasuotan at pinagtitibay nito ang katayuan ng mga
karakter sa lipunan, pamumuhay, edad, trabaho, pinag-aralan, at iba pa. Higit pa,  nakakatulong din ang
mga kasuotan na muli tayong maibalik sa mga nakalipas na panahon ng ating kasaysayan.
Sa pelikulang Birdshot (2016), si Mendoza (John Arcilla) ay nakasuot ng damit pampulis. Malaki ang
papel na ginagampanan ng kanyang kasuotan para mas maging kapani-paniwala siya sa kanyang karakter.
Mahalaga sa isang aktor  na para mapag-iba siya sa kanyang tunay na buhay ay makadama siya ng
kaginhawaan sa kanyang isinusuot na damit. Sinasabing ang isinusuot ng isang aktor kung halimbawa isa
siyang pulis, guro, doktor, magsasaka, tambay, o kumadrona ay natutulungan nitong magampanan niya
nang maayos ang kanyang papel. Sa mga artista mas nagkakaroon sila ng internalisasyon sa karakter na
kanilang ginagampanan kung nakikita na nila mismo ang kanilang karakter na taglay na ang kasuotan.
Isa na siguro sa pinakamahirap na pagdaanan ng isang tagadisenyo ng kasuotan ay kapag may kinalaman
sa kasaysayan ang isang pelikulang gagawin. Sapagkat nangangailangan ito ng masinsinang pananaliksik.
Bawat detalye ay komplimentaryo sa bawat isa at kailangang makatotohanan mula sa damit, alahas,
hairstyle, at iba pa. Tanda din maturidad ng isang aktor kung nagsasaliksik siya sa kasaysayan ng kwento
at ng kanyang mismong karakter. Bunga naman nito, maaari naman siyang makapagbigay ng suhistiyon
sa tagadisenyo ng kasuotan para sa pagpapaunlad ng kanyang isusuot.
Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/Costume_design ang mga sumusunod ay ang karaniwang proseso
sa pagdidisenyo sa kasuotan.
1. Pag-aanalisa. Ito ang unang hakbang sa pag-aanalisa ng iskrip, musikal na komposisyon, koreograpi,
at iba pa. Ang parametro ng kasuotan sa isang palabas ay pinagtitibay at pauna ng isinasagawa ang
banghay ng kasuotan. Binabalangkas ng kasuotang banghay kung sinong karakter ang kabilang sa eksena,
kung kailan magpapalit ang mga aktor at kung ano ang mga kasuotan ang nabanggit sa iskrip.
2. Kolaborasyong Disenyo. Ang pinakamahalagang yugto sa proseso kung saan ang mga tagadisenyo ay
makikipagtagpo sa direktor. Dapat malinaw sa bawat isa ang direksyon ng palabas. Parehong pag-unawa
ang direktor at mga tagadisenyo kung ano ang tema ng palabas at anong mensahe ang gusto nilang
makuha ng mga manonood.
3. Pananaliksik sa Kasuotan. Kapag ang direktor at ang mga tagadisenyo ay nasa parehong pahina, ang
susunod na hakbang ng tagadisenyo ay ang magsasagawa ng pananaliksik. Kailangan may pag-unawa
siya hinggil sa kwento, bunga nito ay mas mauunawaan niya ang mga karakter. Nakatutulong ito para sa
higit pang malawak na pananaliksik sa bawat karakter na pinagtitibay ang bawat personalidad sa
pamamagitan ng kanilang kasuotan.
4. Preliminaryong pagguhit ng plano at pag-lay-out ng Kulay. Kung may sapat na kaalaman na bunga
ng pananaliksik ay maaari ng makapagdisenyo ng kasuotan sa pamamagitan ng paggawa preliminaryong
pagguhit ng plano. Matapos, ang tagadisenyo ay maaari ng magsagawa ng detalyadong pagguhit at isipin
ang mga tiyak na kasuoan at kulay sa bawat karaker.
 
5. Pinal na pagguhit ng plano. Kung napagkasunduan na ng tagadisenyo ng kasuotan at ng direktor,
maaari ng isagawa ng tagadisenyo ang pinal na pagguhit. Tinatawag itong pagsasalin (rendering) at
kadalasang ipinipinta gamit ang waterkolor o akrilik na pinta. Ang pinal na pagguhit ay nagpapakita kung
ano ang magiging anyo ng karakter at ang magiging kulay ng kanyang kasuotan.
 
Samantala, mayroon namang apat na pagpipilian kung saan kukuha ng kasuotan ang tagadisenyo. Ito ay
maaaring sa paghahanap sa mga tindahan ng mga kasuotan o kostyum, magrenta, bumili, o maaaring
magpaggawa (made to order).
 
MAKE-UP
Mahalalaga ang make-up para sa karakter ng isang artista sa isang pelikula. Sa tulong naman ng make-up
ay mas lumalabas ang inaasahang hitsura ng isang aktor batay sa kanyang karakter. Kung naging palasak
ang paggamit ng make-up sa teatro katulad ng Kabuki ng mga Hapones na eksaheradong pagmi-make-up
ang isinasagawa gayundin naman sa pelikula. Nagagawa ng make-up na maitransporma ng isang aktor
ang kanilang sarili sa ibang bersyon na kaiba sa kanyang pagkatao.
Nabanggit ni Downs, et al. (2013) sa kanyang aklat na sa kanluran, nahahati sa dalawang kategorya ang
paglalagay ng meyk-ap.
1. Tuwirang make-up (Straight make-up). Hindi nito binabago ang hitsura ng aktor sa halip ginagawa
lamang nito ang mukha ng aktor na higit pang tatlong dimensional samakatuwid mas nagiging maliwang
siya sa manonood. Minsan ang gumagawa nito ay maaaring ang mismong artista lamang sa kanyang
sarili.
2. Karakter na make-up (Character make-up). Pagnanais naman ito na mabago ang hitsura ng isang
aktor, halimbawa, pagdaragdag ng kulay-abo (gray) sa buhok, at kulubot sa pagnanais na magmukhang
matanda ang isang aktor. Upang magmukhang mas epektibong may-edad, kailangan din ng aktor na
magsuot ng balbas o peluka.
Ang make-up ay napakakailangan din upang mapatingkad ang ekspresibong kalidad ng mukha ng isang
aktor. Sa pelikula, mas nakikita nang malapitan ang mukha lalo pa’t naka-close up ito sa kamera.
Mahalagang maitago sa mata ng mga manonood ang anumang hindi dapat makita nila. Kabilang sa dapat
na maitago kung hindi naman kailangan sa eksena ay ang peklat, kulubot, at paglaylay (sagging) ng balat
sa mukha. Naggawang mabago ng isang make-up artist ang anumang nais niya sa aktor. Asahan na ang
aktor mababae man o malalake ay parehong maaaring gumamit ng make-up.
ANG PAG-ARTE
Halaga ng Pag-arte
Ilan sa atin kapag nanonood ng pelikula, unang kinososedera ay ang artista. Kung mahusay ang gaganap
sapagkat kilala na natin siya sa kanyang mga nagdaang pelikula ay pinapanood natin. Malaki ang papel na
ginagampanan ng isang artista upang maging makabuluhan ang isang pelikula sapagkat kung maganda
ang kwento pero pangit naman ang pag-arte ng nagsisipagganap ay magkakaroon pa rin ng kakulangan.
Isa ang pag-arte sa maraming elemento ng pelikula na tinitingnan para sa kabuuan ng estitiko ng pelikula.
Kaya mapadula, mapatelebisyon o mapapelikula ay mahalagang magtataglay ng teknik o kasanayan ang
isang aktor na gaganap sa anumang papel.
Ang aktor ay sinumang gumaganap ng isang papel sa isang pagtatanghal. Siya ang umaarte. Mahalaga na
mayroon siyang teknik sa pag-arte upang makapagbigay ng maliwanag na pagkaunawa sa mga manonood
sa makataong-pag-uugali (human behaviour) at higit na maunawaan ang sariling pag-uugali gayundin ang
sa iba.
Layunin ng Isang Aktor
Ang pangunahing tungkulin ng aktor ay ang papaniwalain tayo nang lubos sa realidad ng karakter.
Dinadala tayo sa dimensyong ginagalawan ng karakter. Kung malungkot ang karakter nakakadama din
tayo ng pagkalungkot. Kung masaya naman siya ay pagkagalak naman ang ating nadarama pero kung
inaapi naman siya ay nakakadama rin tayo ng galit sa taong gumagawa nito sa kanya. Sa isang aktor na
gumaganap sa pelikula kailangan niyang maging kapani-paniwala, matapat at natural.
1. Kapanipaniwala (Believability). Ang pagiging kapani-paniwala ay kailangang magkaroon tayo ng
simpatiya sa mismong karakter na ginagampanan ng isang aktor. Nauunawaan natin ang karakter sa
pagkakaroon natin ng simpatiya na ang nararamdaman niya ay katulad din ng sa atin. Ang empatiya
naman ay nagkakaroon tayo ng ugnayan sa karakter sa mundong kanyang ginagalawan sa personal na
antas. Nakiki-empatiya tayo sa kanyang mga pagpapahalaga (values), pag-uugali, at ang kanyang mundo
kahit may kaibahan ito sa atin. Mangyayari lamang ito ng isang manonood kapag naging kapanipaniwala
siya sa kanyang pag-arte.
 
2. Matapat (truthfulness). Kailangang maipaunawa sa atin ng isang aktor ang katotohanan. Maggagawa
lamang ito kapag mayroon siyang kasanayan. Kasanayan sa pag-arte na maaaring magpapabago sa buhay
ng mga manonood. Mayroon siyang kakayahan at responsibilidad na gamitin iyon sa isang makabuluhan
at makatotohanang layunin.
3. Natural. Ayon sa kasabihan ang pag-arte ay hindi magandang pag-arte, ang pag-arte ay ang pag-arte
ng natural (acting is bad acting, acting is being). Sa madaling salita, ang pag-arte ay kailangan mapanood
kawangis ng natural o sa totoong buhay. Higit sa mga gimik upang magkaroon ng pagkakilanlan ang
karakter ay kailangan nang lalim at personal na kalidad sa panloob na katauhan.
 
Sa aklat ni Boggs, et al. (2008) nabanggit niya na dapat taglayin ng isang aktor ang katalinuhan,
imahinasyon, sensitibidad, at kaalaman sa kalikasang pantao na higit na kailangan sa higit pang pag-
unawa sa karakter na kanilang ginagampanan- kaisipan, motibasyon, at emosyon. Maidagdag pa, ang
aktor ay nararapat na magkaroon ng abilidad na maihayag ang mga ito nang kapani-paniwala gamit ang
boses, katawan, kilos, kumpas, o pangmukhang ekspresyon upang ang kalidad ay totoo sa karakter na
ginagampanan at sa sitwasyong kung saan nakikita ng mga karakter ang kanilang mga sarili. Mahalagang
napananatili ng aktor ang ilusyon ng realidad ng mga tauhan na mayroong konsistensi buhat simula
hanggang sa waga. Dinagdag pa niya na kailangan kontrolin ng aktor ang kanyang ego, upang makita nito
ang kanyang karakter sa tamang perspektibo tungo sa dramatikong paggawa ng kabuuan.
PAG-ARTE SA TEATRO, PAG-ARTE SA PELIKULA
Bagaman may pagkakapareho pagdating sa elemento pero nagkakaiba pa rin sa maraming aspeto ang
pag-arte sa teatro at sa pelikula. Saklaw ng teatro ang tinatawag na live na pagganap. Napapakinggan ng
mga aktor ang pagsigaw, pagtawa, at pag-iyak ng mga manonood. Nakadaloy ito sa dalawang direksyon
ang napapanood sa entablado at ang reaksyon ng mga manonood. Samantalang sa pelikula naman ay
nakadaloy lamang sa iisang direksyon sapagkat hindi nalalaman ng mga nagsisipagganap ang reaksyon ng
kanilang mga manonood.
 
Ang mga artista sa teatro ay tinatawag na mga lehitimong aktor (legitimate actor). Sila ang mga aktor na
umaarte nang live sa mga manonood. Mas madaling maging aktor sa pelikula kaysa sa teatro. Sapagkat
kailangan ng intensib na pag-eensayo kung artista ka sa entablado. Bagaman, maaari namang maging
artista sa pelikula ang isang aktor sa entablado katulad nina Eugene Domingo, John Arcilla, at Nonie
Buencamino, pero hindi magiging madali para sa isang aktor sa pelikula na makapasok sa pag-arte sa
entablado. Mas madali ang pagpasok bilang aktor sa pelikula kahit ang mga manlalaro katulad nina
Manny Pacquiao, Benjie Paras, Efren “Bata” Reyes, at Onyok Velasco ay nabigyan ng pagkakataon na
maging aktor sa pelikula.
Sa pelikula, maaaring may double sa aktor mula sa pagkanta, pagtalon, pangangarate, at iba pa.
Samantalang sa entablado ay inaasahan ang pag-arte, pagsayaw at pagkanta lalong lalo na kung
kinakailangan iyon sa kanyang papel. Sa teatro naman ay walang close-up lahat ay wide shot kaya
inaasahan ang buong pusong pagganap at emosyon sa artista. Hindi katulad sa pelikula maaari mong
pikiin emosyon kung hindi nakapokus sa iyo ang kamera.
Samantala, sa teatro ay aabutin ng maraming araw sa pagbabasa ng iskrip at pagsasaulo ng mga linya. Sa
pelikula naman minsan inaaaral lamang ito ng mga artista sa mismong araw ng syuting. Sa bawat
pagkakamali nila sa pagtatapon ng linya ay maaari lamang magkaroon ng mga panibagong pag-uulit. Sa
entablado ay kailangang maging alerto kung sa anong bahagi magsasalita na dapat nakikita pa rin sa aktor
ang karakter na ginagampanan. Kung magkakamali naman sa linya, may sinapawan, o lumaktaw ng ilang
pahina, wala na itong pangalawang take kaya doble-ingat ang ginagawa ng isang aktor. Sinasabi rito na
kailangang maging tiyak ang aktor sa entablado sapagkat napapakinggan at nakikita ng mga manonood
ang lahat ng kanilang paggalaw sa entablado. Hindi rin nangangahulugan na walang pag-iingat na
gagawin sa pag-arte sa pelikula lalo pa’t sa bawat pagkilos ng mga mata, ekspresyon ng mukha, gayundin
ang mga salita ay hinuhuli ng kamera. Ang pagkakaroon ng paggalaw ng mga mata o ekspresyon ng
mukha na hindi naman inaasahan sa eksena ay maaaring magpapababa sa kredibilidad at pagiging
makatotohanan ng tagpo. Katulad ng teatro, kailangang lalabas ang pagiging natural sa pag-arte na hindi
nakokonsyus sa sarili. Ipinapakita rin sa pelikula ang kapangyarihan ng mukha na nakapagsasaggawa ng
iba’t ibang emosyon. Sa pag-arte sa pelikula o iskrin mas binibigyan ng empasis ang pagkakabisa
(reacting) kaysa pag-arte. Sa pelikula ang pagkakuha ng reaksyon (reaction shot) ay tumutukoy sa
nagiging saloobin ng taong apektado sa pag-uusap o kilos. Kailangang maipakita sa iskrin ang nabuong
emosyon ng taong nakinig sa nagsasalita at maipakita niya ito sa kanyang mukha.
Sa aklat ni Boggs (2008) nabanggit niya na may dalawang uri ng pag-arte sa pelikula.
1. Aksyong pag-arte (action acting). Higit itong kinakailangan sa mga aksyong pelikula sapagkat
kinabibilangan ito ng reaksyon, paggalaw ng katawan, pisikal, at espesyal na kasanayan, pero hindi ito
nagmumula sa pinakamalalim na kakayahan ng aktor tulad ng katalinuhan at nararamdaman.
 
2. Dramatikong pag-arte (dramatic acting). Tumutukoy sa pagsusustina, masinsinang diyalogo ng iba
pang mga karakter, at nangangailangan ng emosyonal at sikolohikal na lalim na bihira lamang
kinakailangan sa aksyong pag-arte.
 
Sa madaling salita kinabibilangan ng aksyong pag-arte ang pagsasagawa. Samantalang sa dramatikong
pag-arte naman ay pumapaloob ang nararamdaman, pag-iisip, at pagbabahagi ng emosyon sa iba pang
mga aktor sa loob ng pelikula.
 
MGA TEKNIK SA PAG-ARTE
 
Hindi maikakaila na sa bawat araw ay madalas tayong umaarte na hindi natin namamalayan. Minsan, sa
pag-alis mo sa bahay ay pinagsabihan ka ng iyong ina na dapat magtipid-tipid sa paggasta dahil mahal
ang bilihin. Hindi alam ng iyong ana na ang perang ibinigay niya ay naubos sa pang-araw-araw mong
gastusin at pangangailangan sa pag-aaral.  Dahil sa iginagalang mo ang iyong ina ay mas pinili mo ang
manahimik ang ikubli ang iyong nadarama.  Umalis kang nagpaalam na nakangiti kahit sa kaloob-looban
mo ay bahagyang nakadama ka ng pagtatampo. Sa tagpo naman sa paaralan, nag-aasta kang mayroong
pinagkakaabalahan para hindi matawag ng guro sa kanyang oral recitation. Ang mga ito ay patunay na
ang pag-arte ay hindi lamang saklaw sa mga arte kundi bahagi na rin ng ating pang-araw-araw na buhay.
Kaya sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang mga teknik sa pag-arte.
Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_acting_techniques ang mga sumusunod ay ang mga teknik
sa pag-arte.
 
1. Klasikal na pag-arte (classical acting) ang pinakaterminolohiya sa pilosopiya ng pag-arte na kabilang
ang ekspresyon ng katawan, boses, imahinasyon, pag-personalize, improbisasyon, eksternal na stimyulai,
at pag-aanalisa ng iskrip. Nakabatay ito sa teorya at mga sistema ng piling klasikal na mga aktor at
direktor kabilang si Konstantin Stanislavski at Michael Saint-Denis.
2. Sistemang Stanislavski. Kilala rin ito bilang metodong Stanislavski, ang aktor ay humuhugot sa
kanyang sariling nararamdaman at karanasan para maghatid ng katotohanan sa karakter na ginagampanan.
Inilalagay ng aktor ang kanyang sarili sa kaisipan ng karakter upang makahanap ng mga komong bagay
sa pagnanais na makapagbibigay ng makatotohanang pagsasatao sa karakter.
 
3. Metodong pag-arte. Saklaw ng mga teknik na ginagamit para maging katuwang sa aktor para
unawain, makaugnay sa at pagsasatao ng karakter, tulad ng binuo ni Lee Strasberg. Ang metodo ni
Strasberg ay nakabatay sa ideya na para makadebelop ng emosyonal at kognitibong pag-unawa kanilang
papel, ang aktor ay nararapat na gamitin ang sariling mga karanasan sa pagtukoy mismo ng papel na
ginagampanan. Nakabatay ito sa aspeto ng sistema ni Stanislavski.
 
4. Meisner na Teknik. Nangangailangang ang aktor ay nakapokus nang buong-buo sa isa pang aktor at
isiping siya ay totoo at sila ay nabubuhay (exist) sa mga sandaling iyon. Ang metodong ito ay tumutulong
sa mga aktor sa eksena na mas lalong makatotohanan sa mga manonood. Nakabatay rin ito sa prinsipyo
na ang pag-arte ay makakatagpo ang kanyang ekspresyon sa tugon ng mga tao sa iba pang mga tao at sa
kalagayan. Mula pa rin ito sa sistema ni Stanislavski.
 
5. Praktikal na Estetiko. Isang teknik sa pag-arte na orihinal na binuo ni David Mamet at William Macy,
batay sa mga pagtuturo ni Stanislavski, Sandord Meisner, at pilosoper na si Epictetus. Ilan sa mga
pangunahing katangian ay ang pag-aanalisa ng iskrip, adaptabilidad, at repitesyong pagsasanay na may
pagkakatulad sa Meisner na teknik.
 
6. Metodong Brechtian. Si Bertolt Brecht ang luminang sa estilong “epikong drama” na umaasa sa
replektibong paghihiwalay sa halip na magkaroon ng emosyonal na paglalahok.
 
 
 
 
 
URI NG AKTOR
Sa A Primer for Playgoers, nina Edward A Wright and Lenthiel H Downs na nabanggit ni Boggs (2008)
sa kanyang aklat ay tinukoy nila ang mga uri ng aktor sa tatlong uri:
1. Impersonator. Ito ay isang aktor na may mga talento sa paglayo ng kanilang totoong pagkatao at akuin
ang personalidad ng karakter na kung saan mayroon lamang silang kaunting katangiang komon.
 
2. Interpreter at Commentator. Gumaganap ng mga papel sa pelikula na may pagkakahawig lamang sa
kanilang personalidad at pisikal na hitsura. Isinasalin nila ang bahaging ito sa dramatikong kapamaraanan
na walang pagkawala ng identidad.
 
3. Personalidad na Aktor. Mga aktor na ang pangunahing talento ay maging sila lamang sa kanilang
sarili at wala ng iba pa. Ang aktor na ito bagaman popular ay hindi maaaring umako ng iba pang mga
papel sapagkat maglalaho ang kanilang sinseridad sa sarili at ang pagiging natural kung lalabas sila
mismo sa kanilang pagkatao.
 
 
 
MGA NARATIBONG TEKNIK/Film Devices NA GINAGAMIT SA PELIKULA
 
Sa layuning higit na maunawaan ang mensahe ng isang pelikula, makatutulong
ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga naratibong teknik na ginagamit sa
pagbuo ng pelikula. Ang mga teknik na ito ay makatutulong sa pagpapaliwanag sa
tagpuang lugar at panahon, banghay (plot), at tauhan.

TEKNIK KAHULUGAN HALIMBAWA

1.    Backstory Mga eksena    na pinakikita Ang pagsasalaysay sa


bilang panimula upang panimula ng pelikulang The
maiugnay ang  dating Lord of the Rings (trilogy)ay
pangyayari sa kasalukuyang nagpapakita ng
magaganap. Ito ay madalas na mitolohikal/historical na mga
ginagamit upang mailahad ang pangyayari na naganap sa Una
tagpuan ng pelikula. at Ikalawang Panahon.

2.    Cliffhanger  Ang kuwento sa nasabing FPJ’s Ang Probinsyano


pelikula ay hindi niresolba
upang ganyakin ang mga
manonood na panoorin ang
susunod na
pangyayari/episode.

3.    Deus ex machina Ito ay pagreresolba ng Mighty Aphrodite


tunggalian sa pamamagitan ng
(act of god)
isang pangyayaring walang
kaugnayan sa kabuuang
kuwento ng pelikula kaya
madalas ay inuunawa bilang
kagagawan ng isang
makapangyarihang puwersa.

4.    Eucatastrophe Isang matinding pangyayari Sa wakas ng The Lord of the


(climatic) na nagpapakita sa Rings, sapilitang nakuha ni
bida na nahaharap sa isang Gollum ang singsing  mula
malagim na pangyayari na kay Frodo na nagpapahiwatig
animoy sasapit sa kanyang nan a si Sauron ay siyang
katapusan subalit ito ay maghahari sa Middle Earth,
nagwawakas na kapaki- subalit masyadong maagang
pakinabang para sa bida. natuwa si Gollum at  naihulog
niya sa umaapoy na lava ang
singsing. Kasabay ng
pagkawala ng singsing ay ang
pagkawala ng kapangyarihan
ni Sauron na siyang inaasam
nina Frodo at ang Fellowship
of the Ring.
 
 
 

5.    Flashback Pangkalahatang tawag sa Sa kuwentong The Three


pagbabago ng sikwens batay Apples ng Arabian
sa panahon na nagdadala sa Nights matapos madiskubre
mga tauhan s mga naunang ang bangkay ng isang babae,
pangyayari. ipinakita na ang salarin ay
nagkukuwento tungkol sa mga
pangyayaring naganap bago
nadiskubre ang bangkay.

6.    Flashforward Isang eksena na Sa pelikulang A Christmas


nagpapahiwatig ng carol kung saan ang kaluluwa
magaganap sa hinaharap. ng hinaharap ay nagpakita kay
G. Scrooge.
 

7.    Foreshadowing Ito ay mga simbolikong Ang isang eksena na


pangyayari na nagpapakita ng di-kilalang 
nagmumungkahi ng maaring lalaki na  nakikipag-away sa
maganap sa susunod na iba dahil sa isang babae ay
eksena. naunang ipinakita, ang
kasunod na eksena ay
nagpapakita sa pangunahing
tauhan na sangkot sa isang
suntukan dahil sa kanyang
kasintahan.

8.    Plot twist Ito ay hndi inaasahang Dalawang karpintero ang


pagbabago sa direksyon o tinutukoy na salarin sa
inaasahang resulta ng mga pagpatay ng may-ari ng bahay
kaganapan sa pelikula. na inaayos ng mga karpintero.
Tinutukan  ito ng mga pulis at
kamag-anak ng biktima subalit
sa kalaunan ay malalaman na
ang salarin pala  ay ang
mismong asawa ng may-ari ng
bahay.
 
 
 
 
 
 
 

9.    Poetic  Justice Batay sa pang-uugali at kilos FPJ’s  Ang Probinsyano


na ipinakita ng tauhan, ang
kanyang kabutihan ay
gagantimpalaan o di kaya’y
ang kanyang kasamaan ay
parurusahan.
 

10.Self-fulfilling Prophecy Isang panghuhula  na Sa Harry Potter nang marinig


nagkatotoo ni Lord Voldemort ang
propesiya ni Sybill Trelawney 
na isang bata ay isisilang sa
katapusan ng Hulyo at ang
mga magulang nito  ay yaong
nakipaglaban kay Voldemort  
.Diumano, ang nasabing bata
ay ang magiging katapat ni
Voldemort. Ang nasabing 
propesiya ay nagkatotoo at
batang yaon ay si Harry Potter.

10.  Ticking clock scenario  Napipintong panganib  

11.  Breaking the fouth wall Animoy direktang pakikipag- Sesame Street,    Dora the
usap ng tauhan sa manonood. Explorer

12.  Defamiliarization Pagsulat ng liham  ng tauhan  


tungkol sa isang paksa na
naglalarawan ng kanyang 
kagila-gilalas na karanasan.

13.  First-Person Narration Pagkukuwento sa  


pamamagitan ng pananaw ng
isang tauhan, lalo na ang
bidang tauhan.

14.  Hamartia Pagkakaroon ng kahinaan sa  


katauhan ng tauhan na naging
sanhi ng kanyang kasawian.
 
 
 

15.  Pathetic  Fallacy Ang pagpapakita ng mga Paggamit ng fireworks upang


pangyayari sa kapaligiran o ipakita ang masayang
anumang bagay  upang damdamin ng tauhan, 
ipahayag ang damdamin ng pagpapakita ng kulog, kidlat sa
tauhan. madilim na gabi upang
ipadama ang matinding galit.

You might also like