You are on page 1of 2

BATAYAN SA PAGSUSURI NG PELIKULA

A. Sampung Kagamitan sa Pagbasa ng Pelikula

1. Paggawa ng Prediksyon

Ano sa palagay ninyo kung ano ang tungkol sa pelikulang ito? Bakit
niyo nasabi ito?

2. Tunog at Imahen

Paano ninyo ilalarawan ang ginamit na musika? Nakatulong ba ito


para iparamdam ang emosyon na mayroon sa pelikula? Bakit?

3. “Freeze Frame”

Ano at sino ang nakikita ninyo sa “shot” na ito? Ano ang nakikitang
pagkakaiba kapag ginawa ito sa ibang paraan?

4. Pagkakasunud-sunod ng mga Kuha (Shot)

Ano ang ipinapakita ng bawat “shot” sa inyo? Ano ang sinasabi sa


inyo ng mga bawat “shot?”
5. Magtanong

Gumawa ng tanong na literal, inferential at evaluative mula sa


pelikula?

6. Paggawa ng Pagkakatulad

Ito ba ay nagpapaalaa ng aking nabasa, nakita, narinig o


napanood noon? Paano ang pagkakatulad nito? Paano ang
pagkakaiba nito?

7. Pagtingin ng Patern/ Padron

May napansin ba kayong ilang mga patern mula sa mga imahe o


yung paraan ng pagkakabuo ng pelikula? (hal. Anggulo ng kamera,
distansya, paggalaw). Kung mayroon man, magbigay ng halimbawa.

8. Pagsasalin na Generic
Ipakita ang banghay ng kuwento sa pamamagitan ng isang
graphic organizer.

9. Pagbubuod

Ikonsidera ang pamagat ng pelikula. Makapagbibigay ka ba nang


mas maganda? Ipaliwanag ang napili.

10. Pagtatasa

Kapanipaniwala ba ang wakas? Nakuntento ka ba? Totoo sa


kabuuan ng kuwento? Bakit?

B. Pagdulog/Teorya sa Pagsusuri ng Pelikula

Pumili ng isang pagdulog/teorya sa pagsusuri ng pelikula na


gagamitin sa pagsusuri. Talakayin lamang ito sa 5-8 pangungusap
kung bakit angkop ang pagdulog na ito sa pelikulang sinuri.
Magbigay ng mga patunay mula sa pelikula.

You might also like