You are on page 1of 32

SINESOS

PAGSUSURI NG
PELIKULA
SAMPUNG TAGUBILIN SA
PAGSUSURI NG PELIKULA
(Bernales, et al. 2017)
1. Liwanaging mabuti ang paksa at
intensyon ng pelikulang sinusuri,
Tukuyin ang kabuluhan sa lipunan ng
paksa ng pelikula. Iugnay naman ang
intensyon sa bawat elemento ng
pelikulang sinusuri.
2. Panoorin nang masinsinan ang
pelikula at igawa iyon ng sinopsis.
Ang sinopsis ay maikli lamang,
sapat lang ang haba upang
maunawaan ng babasa ang paksang
diwa ng pelikulang sinusuri. Hindi
dapat pag-ukulan ang sinopsis ng
kung ilang pahina.
3. Bukod sa pagbanggit ng
kahusayan at kahinaan ng
pelikula, mag ukol din ng
karampatang pagpapa-liwanag
at pagpa-pakahulugan.
4. Lakipan ang pagsusuri ng ilang sipi o
quotations na makapagbibigay kabuluhan at
kredibilidad sa pagsusuri.
Maingat na piliin ang mga ito at ilapat sa
pelikulang sinusuri.
Tiyaking may dokumentasyon ang mga sipi.
Maging sa pagsulat ng pagsusuri ay
kailangang iwasan ang playarismo.
Tiyakin ding wasto ang estilo ng
pagdodokumento ng mga hanguang
pinagkunan ng mga sipi.
5. Iwasan ang pagbibigay ng ano
mang kapasyahan nang walang
lakip na batayan o patunay,
bagamat maaaring isama rin ang
sariling pagkakakilala ayon sa
matapat na paniniwala.
5. Iwasan ang pagbibigay ng ano
mang kapasyahan nang walang
lakip na batayan o patunay,
bagamat maaaring isama rin ang
sariling pagkakakilala ayon sa
matapat na paniniwala.
6. Gamitin ang pananalitang
makatutulong sa mam-babasang
makapagpasya kung ang pelikula ay
karapat-dapat panoorin o hindi,
ngunit iwasan ang tonong labis na
personal sa pagsusuri at sa halip ay
sikaping gumamit ng tonong
akademiko.
7. Iwasang makulayan ang pagsusuri
ng palagay o kuro ng mga
propesyonal na mamumunang
nakapagpahayag na ng kanilang
kuro-kuro sa pelikula, bagamat
maaari iyong banggitin at matapat
na suriin kung sinasang-ayunan o
tinututulan.
8. Tiyaking mailalapat sa
pagsusuri ang angkop na dulog
sa paksa at mga katangian ng
pelikula.
Sagutin ang mga gabay na
tanong sa pagsusuring tinukoy
sa unang kabanata.
9. Ilista sa katapusan ang mga
sangguniang pinaghanguan ng
lahat ng siping binanggit sa
pagsusuri. Tiyaking wasto ang
pormat at kumpleto ang mga
kailangang datos ng bawat entri
sa listahan.
10. Makailang ulit na basahin ang
pagsusuri. Iwasto ang mga
pagkakamali sa pagbuo ng mga
pangungusap at talataan, maging
ang mga pagkakamaling gramatikal
at tipograpikal. Irebisa ang akda
hanggang sa maging karapat dapat
sa submisyon.
MGA GABAY
NA TANONG SA
PAGSUSURI SA
PELIKULA
Para sa mga bagong manunuri o kritiko,
makatutulong ang paggawa ng balangkas nang sa
gayon ay hindi maging waring padampot-dampot
ang pagsusuri.
Makatutulong ito sa pagkakaroon ng kaisahan
at kohirens sa pagsulat. Makatutulong din ang
pagsasaalang-alang sa ilang gabay na tanong tulad
ng sumusunod:
• Kanino dapat iatribyut o ikredit ang bawat
elemento ng pelikula?
• Ano ang paksa o suliraning tinatalakay sa
pelikula?
• Paano napalutang ang paksa o suliraning
tinatalakay sa pelikula?
• Ano ang kabuluhan sa lipunan ng paksa ng
pelikula at ng pelikula mismo?
• Ano ang intensyon ng pelikula? Bakit
at paano mo iyon nasabi?
• Aling dulog sa pagsusuri ang
pinakaangkop gamitin sa paksa at
intensyon ng pelikula?
• Paano mailalapat ang angkop na dulog
sa pagsusuri ng pelikula?
• Paano masusuri ang bawat elemento o
sangkap ng pelikula ayon sa kaakmaan ng
bawat isa sa intensyon ng pelikula?
• Ano-ano ang kalakasan at/o kahinaan ng
pelikula?
• Sa aling eksena ng pelikula mamamalas ang
pinakamalakas at/o pinakamahinang
katangian ng pelikula?
Republic Act No. 9167
- nalikha ang Film Development
Council of the Philippines o
FDCP (Sek.2)
A. Tungkulin (Sek.3)
• Magtatag at magpa-tupad ng

sistema ng ebalwasyon ng mga

pelikula.
2. Luminang at magpatupad ng
sistema para sa insentibo at
paggagawad para sa mga prodyuser
batay sa merito upang gumanyak sa
produksiyon ng mga pelikulang may
kalidad.
3. Magtatag, mag-organisa,
magpagana at magpanatili ng
mga lokal at internasyonal
na festival, eksibisyon at
katulad na gawain.
Sek. 11. Ang mga
elementong ito, ayon na
rin sa mandato ng batas,
ang ginagamit ng FDCP
sa pagsusuri ng pelikula.
1) Direksyon
- epektibo kapag nagawang
malinaw ang intensiyon ng
pelikula at kapag naisakatuparan
ang layunin sa pamamagitan ng
lahat ng elemento ng pelikula.
2) Screenplay o Dulang
Pampelikula
- epektibo kapag naging
malinaw ang intensiyon ng
pelikula sa pamamagitan ng
karakterisasyon, dayalogo,
banghay at naratibong
estruktura ng pelikula.
3) Sinematograpiya
- epektibo kapag malikhaing na-
visualized ang nilalaman ng
pelikula sa pamamagitan ng
komposisyon ng pag-iilaw, galaw
ng kamera at mga kaugnay na
teknik ng kamera sa paraang
akma sa intensiyon ng pelikula.
4) Editing o pag - eedit
- epektibo kapag malikhaing
napaikli o napalawig ang
oras, espasyo at galaw, at
kapag naiayos ang mga
imahen sa paraang akma sa
intensiyon ng pelikula
5) Disenyong Pamproduksyon
- epektibo kapag matagumpay na
nalikha ang oras, panahon, lokal,
atmospera at anyo ng pelikula at kapag
nakapag-ambag ang disenyo at
karakterisasyon sa pamamagitan ng
paggamit ng set, costume, props at
make-up sa paraang akma sa intensiyon
ng pelikula.
6) Paglalapat ng Musika
o music scoring
- epektibo kapag ang musika ay nagamit
upang paigtingin ang mood at emosyon,
kapag nakatulong iyon sa pagbibigay
kahulugan sa karakter at kapag napatatag
nito ang pace ng ritmo sa paraang akma
sa intensyon ng pelikula.
6) Tunog
- binubuo ng diyalogo, musika,
sound effects at maging ng
katahimikan.
- epektibo kapag ang proposyonal
ang reproduksiyon at paghahalo-
halo ng mga nabanggit upang
umakma sa intensiyon ng pelikula.
8) Pag-arte o Pagganap
- epektibo kapag nagampanan
ng mga artista ang kanilang
karakter nang maka-totohanan
o matapat sa estilo upang
umakma sa intensiyon ng
pelikula.

Bernales et.al (2020)


PANGUNAHING
ELEMENTO (Ang 2020)
1. Karakterisasyon
2. Sinematograpiya
3. Editing
4. Dulang pampelikula
5. Disenyong
pamproduksiyon
6. deriksyon
Maraming
salamat sa
pakikinig!

You might also like