You are on page 1of 4

PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND

TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and
Universities (PACU), Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

PARAAN NG PAGTATAYA NG KAKAYAHAN


Unang Semestre, Panuruang Taon 2021-2022

Pamagat ng Kurso: SINESOSYEDAD /PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)


Bilang ng Yunit: 3 yunit
Deskripsyon ng Kurso: Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood
at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa
pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang
makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal,
alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa
A. Pagtalakay sa Pagsasanay Pagsusuring Pelikula

B. Mga Kagamitan na Gagamitin PhilCST Learning Management System


C. Tungkulin Matukoy ang mga kakayahan at mailahad ang mga kaisipan na nakabatay sa CHED
MEMORAMDUM 0RDER 67, SERIES 2017 – SECTION 6.2

D. Kakayahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng kultura ng mga mamamayan sa
iba’t ibang panig ng mundo.
2. Malinang ang adhikaing makapag-ambag sa pagbabagong panlipunan.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskursong pangkultura, pampanitikan, at pampelikula.
E. Kaalaman 1. Maipaliwanag ang piling teorya sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan.
2. Matukoy ang mga pelikulang panlipunan na makabuluhan sa kontekstong Pilipino.

F. Kasanayan 1. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng komparatibong pagsusuri ng pelikulang


panlipunan.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan hinggil sa kabuluhan sa lipunan ng mga
paksang pelikula.
3. Mapanuring maisakatuparan ang makrong kasanayang panonood.
G. Basehan sa pagkatuto CHED Memo. No. 57, Serye 2017

H. Kinalabasan ng Pagtataya Makapagsuri ng isang Pelikula

I. Panahong Gugugulin Tig-iisang oras sa bawat bilang ng pagtataya


J. Gawain ng Guro sa Pagtataya 1. Pagbigay ng pormat at nilalaman ng pagsusuri sa mga mag-aaral.
2. Pagpapaliwanag sa gawaing gagawin sa pamamagitan ng virtual;
3. Paglalahad at pagpapaliwanag ng rubrik na gagamitin bilang pagtataya; at
4. Pagwawasto at pagbibigay fidbak sa awtput ng mag-aaral
K. Pagpapaliwanag sa Pagtataya Ipaliwanag ang basehan ng pagmamarka

L. Mga Hakbang sa Pagsasagawa 1. Papanoorin ang isang pelikula


ng Mag-aaral 2. Pagtatala ng mga mahahalagang detalye sa pelikula na magagamit sa pagsusuri
3. Pagsasagawa ng pagsusuri gamit ang pormat na binigay ng instruktor
4. Proofreading at editing ng mag-aaral sa kanilang awtput
5. Pagpasa ng Pinal na awtput sa PhilCST Learning Management System.
M. Pinal na Grado Ang mga mag-aaral ay kinakailangang makakuha nang hindi bababa sa markang 3.00 gamit ang
RUBRIK para makapasa sa pagtataya ng asignaturang ito
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND
TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and
Universities (PACU), Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Isang Suring Pelikula sa Pelikulang

____________________________________

Na Iniharap kay

G. RAYMUND M. FERNANDEZ

Bilang Bahaging Katuparan sa mga

Pangangailangan ng Asignaturang

SINESOSYEDAD / PELIKULANG PANLIPUNAN

ni:

___________________________

(Pangalan at Kurso)

Unang Semestre

Taong Panuruan, 2021-2022


PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph ISO 9001:2015
CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), Philippine
Association of Maritime Institutions (PAMI)

I. PANIMULA

Ito ba ay komersyal o art film? Ano ang sinaryo sa isang bansang pinanggalingan ng pelikula
nang isinagawa ito? Ano sa iyong hinuha ang mga layunin ng pelikula?

Sa panimula, kinakailangang banggitin ang pamagat ng pelikula, produksyong gumawa, ang mga
artistang nagsipagganap, sumulat ng pelikula, production designer, direktor ng fotograpiya, producers,
executive producers, at director. Maaring idagdag sa panimula kung ito ay halaw sa isang nobela, kung
saan nakabase ang pelikula.

II. PAMAGAT

Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula? May mensahe bang ipinahihiwatig? Ang font at
kulay na ginamit ng pamagat. Ipaliwanag ang ipinahiiwatig nito?

III. KARAKTERISASYON at PAGGANAP

A. Pangunahing Tauhan

Sino- sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula? Ilarawan ang karakter ng bawat isa. Ano
ang karakter ng pangunahing tauhan? Sino ang artistang gumanap? Mahusay ba niyang nagampanan
ang karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o
kahinaan sa pagganap?

B. Katuwang Tauhan

Sino- sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula? Ilarawan ang karakter ng bawat isa. Ano
ang karakter ng pangunahing tauhan? Sino ang artistang gumanap? Mahusay ba niyang nagampanan
ang karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o
kahinaan sa pagganap?

IV. GENRE ng PELIKULA

Ipaliwanag ang genre ng pelikula

V. TEMA o PAKSA NG AKDA

Ipaliwanag ang tema ng pelikula. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga
manonood.

VI. SINEMATOGRAPIYA

Mahusay ba ang shots na ginamit sa pelikula? Paano nagbigay daan ang mga shots na ginamit sa
daloy ng pagsasalaysay ng pangyayari pelikula. Ipaliwanag ang mga shots kung anong ipinahihiwatig ng
mga ito sa kabuoan ng kuwento? Nakatulong ba ng shots, ilaw sa pagsasalaysay ng kuwento sa pelikula?

VII. PAGLALAPAT ng TUNOG at MUSIKA

Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng pelikula na nagbigay daan
upang bigyang linaw ang mga pangyayari at maramdaman ng manonood ang sitwasyon, tagpuan at
kalagayan ng pangyayari sa pelikula.

Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa bahagi ng pelikula? Nagbigay daan
ba ito sa damdamin upang mapadama sa mga manonood ang sitwasyon sa pelikula?
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND
TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and
Universities (PACU), Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Ang mga boses ba ng mga tauhan sa pelikula ay nakaapekto bas a mga pangyayari, sitwasyon,
kalagayan at estetika ng pelikula? Ipaliwanag ang esesya ng paglalapat ng musika, tunog at boses sa
mga bahagi ng pelikula.

VIII. EDITING

Mahusay ba ng pagkakatagni-tagni ng mga pangyayari ng pelikula? May mga bahagi bang


tumalon o di magkaugnay o di maunawaang pangyayari?

IX. DIREKSYON

Mahusay bang nagampanan ng director ang kanyang tungkulin upang maiparating ang tunay na
mensahe ng pelikula batay batay sa pagkakasulat ng iskrip?Matagumpay bang naisakatuparan ng
director ang paglalapat ng lahat ng elemento ng pelikula upang maipakita ang kagandahan at kahusayan
ng kalidad ng isang tunay na pelikula? Patunayan kung bakit mahusay o hindi ang director sa pelikulang
pinanood.

X. BUOD o SINOPSIS

Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari mula sa simula, mga
mahahalagang pangyayari, kasukdulan hanggang wakas.

XI. KUWENTO

Paano pinaunlad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba ang mga tagpuan? Ano-ano
ang mga tagpuan? Ano-ano ang mga suliraning umusbong sa pelikula? Paano ito nilutas? Ano ang nais
iparating ng pelikula sa kabuoan? Anong aral ang makikita sa pelikula? Ano ang estilo ng manunulat
upang ipakita at inilapat sa pelikula? Paano ito nakatulong sa kabuoan ng pelikula? Paano ipinamalas
ang kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang pelikula? Nakamit ba ng gumawa ng pelikula ang
kanilang layunin nang gawin ito?

XII. MGA KAISIPAN o ARAL

Anong kaisipan o aral na matatagpuansa pelikula? Ipaliwanag ang kaisipang iyong ibinigay

XIII. TEORYA

Aling pagdulog o teorya ng panitikan angkop suriin ang pelikula? Ipaliwanag.

XIV. KAUGNAYANG PANLIPUNAN

Ilahad ang kaugnayan ng pelikula sa sitwasyong kinakaharap ng bansa.

XIV. KONGLUSYON at REKOMENDASYON

Sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa mga key points na
tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga elemento ng pelikula na binigyang suri at mula
rito ay maaaring magbigay ng sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang pelikula
mula sa iyong sariling paghuhusga.

You might also like