You are on page 1of 17

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino

Ikatlong Markahan

Aralin Blg. 6

A. Panitikan : Pelikula: Manoro ni Brillante Mendoza

B. Wika at Gramatika : Sariling Bayas o Pagkiling

C. Uri ng Teksto : Naratibo

I. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng pelikula sa
kulturang Pilipino

A. Panitikan
 Pelikula: Manoro ni Brillante Mendoza

B. Gramatika
• Sariling Bayas o Pagkiling

II. Pamantayan sa Pagganap


 Naisusulat ang isang dokumentaryong pantelebisyong ginagamitan ng mga
ekspresiyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal

III. Mga Kasanayang Pampagkatuto

 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng


nagsasalita (F8PN-IIIg-h-31)

 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: - paksa/tema - layon - gamit ng


mga salita - mga tauhan nabasa (F8PB-IIIg-h-32)

 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula (F8PT-


IIIg-h-32)

 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahala-gang isyung mahihinuha


sa napanood na pelikula (F8PD-IIIg-h-32)
Marso 20, 2023 (Lunes)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

UNANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa
napanood na pelikula
B. Nakabubuo ng isang mabisang pahayag tungkol sa tinalakay na aralin*

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Ugnayang Salita
Panuto: Sa pamamagitan ng concept mapping, isa-isahin ang mga salitang maaaring
may kaugnayan sa salitang maestra. Gamit ang mga salitang nakasulat,
ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa maestra.

MAESTRA

Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Ano-ano ang mga responsibilidad ng isang maestra?
2. Bakit may mga taong pinipili ang maging isang maestra?

B. Palalapit sa Aralin
Panuto: Panoorin ang trailer ng pelikulang Maestra (2017).

Mga Pamatnubay na Tanong:


3. Tungkol saan ang napanood?
4. Ano ang nais ipakita ng napanood?
5. Ano ang naramdaman mo nang iyong napanood ang trailer ng pelikula?
6. Batay sa trailer ng napanood na pelikula, nahikayat ka bang panoorin ito?
Ipaliwanag.

C. Mga Tiyak na Gawain

Gawain 1: Ipahayag ang iyong mahihinuhang isyung nasasalamin sa napanood.

______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 2: Ilahad ang iyong sariling pananaw sa tanong na nasa loob ng kasunod na
bilog.

D. Sintesis
I-POST IT
Malayang sumulat ng mensahe, ideya at opinyon sa paksang tinalakay.

III. Kasunduan
1. Panonoorin ang isang dokyumentaryong pampelikula na pinamagatang Manoro
(Ang Guro) sa direksyon ni Brillante Mendoza https://youtu.be/uUTF67-MfLc .

Marso 21, 2023 (Martes)


• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKALAWANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa
napanood na pelikula
B. Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: paksa/tema, layon, gamit ng mga salita
at mga tauhan
C. Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Suri-larawan
Panuto: Ibahagi ang mga posibleng problemang kinakaharap ng mga guro sa kanilang
pagtuturo dulot ng pandemya.

B. Pagbasa ng Akda
Story Caravan
Panuto: Ilalahad ang mga eksena o pangyayaring naganap sa buhay ng Manoro o ng
guro na si Jonalyn Ablong batay sa napanood na pelikula.

C. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap ang salita.

1. Sampung eksena ang ipinakitang kabuuan ng pelikulang pinanood.


2. Iba’t ibang anggulo ng mga artista ang kinunan ng larawan.
3. Ipinakita ng kamera ang senaryo ng nangyayari sa mga Aeta.
4. Nakapokus sa kapaligiran ng mga Aeta ang kamera.
5. Isa sa ikinaganda ng pelikula ang close-up shot na nagpapakita sa kabuuan ng
bagay.

D. Pagtalakay sa Aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol ssan ang napanood?
2. Bakit mahalaga para sa mga katutubo ang araw ng pagtatapos?
3. Paano tinutulungan ni Jonalyn ang kaniyang mga kapok/kababayan?
4. Ilahad ang mga sitwasyon na nagpapakita ng kulturang mga Aeta sa napanood
na akda.
5. Sa iyong palagay, anong katotohanan sa buhay ng tao ang nangibabaw sa
napanood na akda?
6. Alin sa mga pangyayaring isinalaysay sa akda ang nagaganap sa kasalukuyan? I
paliwanag ang sagot.

E. Input ng Guro

F. Pagtataya sa Natutuhan
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.
1. Layunin ng dokumentaryong pampelikula ang ______.
A. imulat ang mga manonood sa realidad ng buhay
B. manlibang at magpatawa
C. tumuligsa sa pamahalaan at manghikayat na maghimagsik
D. pagpapalawak ng imahinasyon
2. Mahalaga ang sequence iskrip sapagkat ito ang ______.
A. paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera
B. naghaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabas
C. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula at dito
makikita ang layunin ng kuwento
D. nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na
pagkukuwento
3. Ang sinematograpiya ay ang ______.
A. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula at dito
makikita ang layunin ng kuwento
B. pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na
pagkukuwento
C. paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera
D. paghaharap nang mahusay at makatotohanang mga detalye ng palabas
4. Ang pag-e-edit ay nakababawas sa haba ng pelikula sapagkat ______.
A. Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo
upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di
makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula
B. napagsusunod-sunod nito ang mga mahahalagang pangyayari
C. ito ang pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood
ang pangyayari sa bias ng ilaw ng lente ng kamera.
D. Ito ang nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na
pagkukuwento.
5. Ang buong dokumentaryong pampelikula ay responsibilidad ng direktor
sapagkat siya ______.
A. ang nagdedesisyon ng pamamaraan at diskarte sa pagpapatakbo
ng kuwento sa pelikula
B. ang gumagastos sa produksyon ng dokumentaryong pampelikula
C. ang pangunahing tauhan
D. ang sumulat ng kabuuan ng kuwento

G. Sintesis
PLUS-MINUS SIGN
Matapos ninyong mabasa ang akda, ilahad ang mga hinihinging kasagutan
mula sa tsart.

+ -
Mga kabutihan o magagandang asal Mga ugaling dapat bawasan,
na dapat idagdag sa inyong baguhin at tuluyang alisin.
katangian.

III. Kasunduan
1. Ano ang talata?
2. Ibigay ang mga katangian ng pagsulat ng isang talata.

Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I, Filipino 8

Sinuri ni:

CARMELITA L. GATCHALIAN
Dalubguro I, Filipino 8

Binigyang-pansin ni:

LUCELMA O. CARPIO
Puno ng Kagawaran VI

Nabatid ni:

MA. PURA S. TALATTAD


Punongguro IV

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D


Superbisor sa Programang Edukasyon
Marso 22, 2023 (Miyerkules)
• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKATLONG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita

II. Mga Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Opinyon Mo, Ibahagi Mo!
Panuto: Ilahad ang iyong sariling bayas o pagkiling sa sumusunod na mga
pahayag.
1. Ayon sa DOH, bahagi ng kanilang plano ang pagbahay-bahay na pagbabakuna
para sa mga taong walang kakayahang magtungo sa mga itinakdang
vaccination centers.
2. Maglibang kahit paminsan-minsan. Para mas ma-enjoy ang paglilibang, hindi
kinakailangan gumastos nang mahal. Maaari rin namang gawin ang
paglilibang kahit sa simpleng pamamasyal lamang sa tabi-tabi.
3. Kung gagamit ng gadgets at computers, mas mainam kung hinay-hinay lang.
Maaaring ito ay nakatutulong ngunit ang sobrang paggamit nito ay
nakapagdudulot din ng stress.
4. Gumastos lang nang naaayon sa iyong pangangailangan.
5. Huwag na raw maging choosy sa pagpili ng bakuna dahil libre naman ito.

B. Paglalahad
Kaalaman at Kakayahan… Palaguin!
Panuto: Panoorin ang nasa link na https://www.youtube.com/watch?
v=LTUQIbprurU. Mula sa pinanood, pumili ng limang (5) pahayag at ilahad ang
iyong sariling bayas o pagkiling hinggil dito. Isulat sa talahanayan ang sagot.

Pahayag Sariling Bayas o Pagkiling

1.

2.

3.

4.
5.

C. Pagbibigay Input sa Wika


Ang bayas o pagkiling ay isang inklinasyon o pagkagusto na pumipigil sa
isang pinagmumulan ng impormasyon na maging wasto. Dagdag pa ng Webster
Diksyonaryo, isa itong personal o pansariling pagtingin sa mga impormasyon,
maaaring magpakita ka ng pagkampi o pagsalungat ayon sa iyong iniisip o
nararamdaman tungkol sa paksa. Kahit sino ay maaaring maging bayas kapag
mayroon itong motibo o layunin na nasa sa isip. Mahalaga na may kaalaman ka
sa bayas o pagkiling sa isang impormasyon upang hindi ka madaling malinlang sa
mga nasasagap mong balita.
Halimbawa:
 Hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal ng magkatulad na kasarian
sapagkat hindi ito sinasabi ng Bibliya.
 Masyado nang mahal ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan.
Hindi na makatarungan.
 Nakatutuwa ang nakikita nating pagbabago sa pag-uugali ng mga
Pinoy dahil sa pandemya.
 Maganda ang layunin ng pagpapaayos ng mga kalsada subalit
huwag namang sirain ang maayos pa, para lamang maipakitang
may inaayos.
 Nakikita kong epektibo ang Distance Learning, kailangan lamang
makipag-ugnayan sa paaralan upang higit itong maintindihan.

D. Pagsasanay
Gawain 1: Ilahad ang iyong sariling bayas o pagkiling sa sumusunod na mga
pahayag.
1. “Sikapin mo pa rin na maging mabuting tao sa kabila ng mga kasamaan sa
mundo.”
2. “Hindi natin nalalaman na ang pag-ibig ng isang magulang ay hanggang sa
tayo mismo ay maging mga magulang na.”
3. “Bakit may mga taong kuntento na tawaging mahirap gayong kaya namang
umangat basta’t magsusumikap?”
4. “Ang isang order ng milk tea ay makabibili na ng bigas at ulam. Nasa iyo
kung saan ka maglalaan.”
5. “Maaaring nahihirapan ka ngayon, bukas ituturing mo na lamang iyang
kahapon.”

Gawain 2: Ilahad ang iyong bayas o pagkiling sa mga pahayag batay sa mga
pangyayari sa kasalukuyan. Isulat sa nakalang espasyo sa ibaba ang
iyong sagot.
1. “Ibalik na dapat ang Death Penalty.”
2. “Huwag pilitin ang mga tao kung ayaw magpabakuna.”
3. “Dapat magbigay pa ng ayuda.”
4. “Sa mahal ng mga gulay, sikapin nating makapagtanim sa sariling
bakuran”.
5. “Sanayin ang mga batang makipaglaro sa totoong bata.

III. Kasunduan
1. Maghanda sa pangkatang gawain

Marso 23, 2023 (Huwebes)


• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKAAPAT NA ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa
napanood na pelikula
B. Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita

II. Mga Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
PAGBABALIK-SULYAP
Ibigay ang konseptong natutuhan mula sa nakalipas na aralin.

B. Paglalahad
Pangkat 2: Magbibigay ng puntos at pidbak sa bawat pangkat na mag-uulat
RUBRIKS SA PAGTATAYA NG PANGKATANG GAWAIN

PAMANTAYAN PUNTOS

1. Sumunod ito sa paggawa na isinasaad ng


direksyon.

2. Masiglang nakiisa ang bawat miyembro ng pangkat.

3. Angkop ang sagot sa paksa.

4. Masining ang paglalahad ng kasagutan.

5. Malinaw ang paglalahad ng kasagutan.


Pangkat 3: Ihayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung
mahihinuha sa napanood na pelikula. (ITINAKDA)

Pangkat 4: Ilahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng


mga ipinahayag ng napanood na pelikula.

Pangkat 1: Sumulat ng isang pagsusuri sa napanood na pelikula gamit ang mga


sariling bayas o pagkiling.

C. Sintesis
NUMERO 3-2-1
Tatlong bagay na iyong natutuhan sa araling tinalakay:

 3______________________________________________________
 2______________________________________________________
 1______________________________________________________
Dalawang bagay na iyong naibigan sa aralin:

 2______________________________________________________
 1______________________________________________________
Isang bagay na gustong bigyang-linaw:

 1______________________________________________________

III. Kasunduan
1. Manood ng isang Indie Film.
2. Humandang suriin ito.
Marso 24, 2023 (Biyernes)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKALIMANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naiisa-isa ang mga katangian sa pagsulat ng isang suring-pelikula
B. Naisusulat ang isang suring-pelikula batay sa mga itinakdang pamantayan

II. Mga Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
IBAHAGI MO NA!
Panuto: Magtala ng dalawa o tatlong pelikulang Pilipino na napanood mo na at
maipagmamalaki dahil maganda ang kalidad.

Pelikulang
Pilipino

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang mga pelikulang iyong napanood?
2. Bakit mo nagustuhan ang mga pelikulang ito?
B. Pagbibigay ng Input

C. Pagsasanay
Panuto: Suriin ang pelikulang Manoro batay sa mga elemento nito
ELEMENTO NG DOKYU-FILM Pagsusuri/Paliwanag

Sinematograpiya/Mga Eksena
(Pagkakabuo, pagkuha ng mga anggulo sa camera, kulay, pag
iilaw, lokasyon, costumes, props at iba pa.
Paraan ng Pagkukwento/ Paglalahad ng Impormasyon
(Paanong inilahad ng tagapagsalaysay ang kwento? May 
ipinakita bang aktuwal na kuha, larawan. Dokumento, 
interbyu o mga pagsasadula?

Pag-eedit (Pagpapalit ng eksena at pagpuputol ng mga video 


clips, atbp.)

Tunog at Musika
(Musika, Sound effects,dayalogo, intensidad, tema, awitin  atpb.

D. Pagbibigay ng Gawain
Goal – Naisusulat ang isang suring-pelikula batay sa mga itinakdang pamantayan

Role - Naatasan kang sumulat ng isang suring-pelikula sa isang pelikulang Pilipino


na napanood mo na at maipagmamalaki dahil sa maganda nitong kalidad.

Audience - Mga guro at kapwa kamag-aaral.

Situation - Magkakaroon ng paligsahan sa lahat ng mga paaralan tungkol sa


pagsulat ng isang suring-pelikula sa isang pelikulang Pilipino na maipagmamalaki
dahil sa maganda nitong kalidad.

Product – Pagsulat ng isang suring-pelikula na isinasaalang-alang ang sumusunod:


A. Kahusayang gramatikal tulad ng:
1. tamang bantas
2. tamang bayay
3. tamang pagkakaugnay-unay ng mga pangugusap
B. Mga salik ng pagsusuri ng pelikula tulad ng:
1. tema/paksa
2. layunin
3. mga tauhan
4. gamit ng salita sa pelikula

Standard – Rubrics

Pamantayan sa Pagsulat ng Suring-pelikula

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Kailangan pang


(4) (3) Mahusay (2) Magsanay (1)

1. Panimulang Tawag-pansin Maganda ang Simple lamang Hindi


pangugusap agad ang panimulang ang panimulang makapagbigay
panimulang pangungusap. pangungusap. ng panimulang
pangungusap. pangungusap,

2. Pagtalakay sa Kahika-hikayat Maayos ang Di-gaanong May kaguluhan


napanood na ang ginawang ginawang maayos ang ang ginawang
pelikula pagsusuri sa pagsusuri sa ginawang pagsusuri sa
pelikula. pelikula. pagsusuri sa pelikula.
pelikula.

3. Organisasyon Lubhang May kaayusan May ilang ideya Hindi


ng mga ideya organisado at ang mga ideya na medyo hindi organisado ang
maayos ang sa ginawang angkop sa mga ideya sa
mga ideya sa pagsusuri ng ginawang ginawang
pagsusuri sa pelikula. pagsusuri ng pagsusuri ng
pelikula. pelikula. pelikula.

4. Pangwakas na Lubhang Naipahiwatig Simple lamang Hindi


pangungusap naipahayag ang ang ang pagbuo ng nakapagbigay ng
pagkiling sa rekomendasyon pangwakas na pangwakas na
napanood sa sa manonood na pangungusap. pangungusap.
ginawang panoorin ang
pagsusuri ng pelikula sa
pelikula. ginawang
pagsusuri.

4. Mekaniks Wasto ang mga May isang may May iilang Halos maraming
(bantas, baybay bantas, baybay isa baybay at pangungusap na mal isa baybay
at gramatika) at gramatika sa gramatika sa nakaligtaang at gramatika sa
ginawang ginawang lagyan ng ginawang
pagsusuri ng pagsusuri ng bantas pero pagsusuri ng
pelikula. pelikula. wasto naman pelikula.
ang baybay at
gramatika sa
ginawang
pagsusuri ng
pelikula.

Interpretasyon:
Napakahusay 15-20
Mahusay 10-14
Katamtaman 5-9
Paghusayin pa 1-4

D. Presentasyon ng Awtput ng Mag-aaral


Pagbabahagi ng mag-aaral sa klase ng nagawang suring-pelikula.

III. Takdang-Aralin
1.Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng inyong
Barangay.

2.Magdala ng mga larawan ng inyong barangay,ikapit sa notbuk at


lagyan ng caption.
1. Manood ng isang maganda at dekalidad na pelikulang Pilipino tungkol sa pamilya.
2. Ilahad ang tema o paksa ng pelikulang napanood.
3. Ibigay ang mensahe ng napanood na pelikula.

1.Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng inyong


Barangay.

2.Magdala ng mga larawan ng inyong barangay,ikapit sa notbuk at


lagyan ng caption.

Balikan mong muli ang =Alamat ng Bulkang Taal=. Itala ang mga
pang-abay sang-ayon sa uri nito.

2. Humanda sa pagsulat ng sariling likhang alamat tungkol sa mga


bagay na maaaring ihambing sa sarili

You might also like