You are on page 1of 18

Pagsulat ng Isang

Suring – Pelikula Gamit ang

Kahusayang Gramatikal
Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 7

ROCHELLE P. SANGDAAN
Tagapaglinang

Department of Education · Cordillera Administrative Region

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA

:
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang – sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang – ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may – akda ang karapatang – aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may –
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

ii
Alamin

Sa modyul na ito ay malilinang ang kahusayang gramatikal ng mga mag – aaral

sa pagsulat ng isang suring – pelikula.

Inaasahang matatamo ng mga mag – aaral ang sumusunod na layunin sa

pagtatapos ng modyul na ito:

1. Natutukoy ang tamang pagbabantas sa pamamagitan ng pagpuno sa mga

naibigay na pangungusap
2. Nagagamit ang kahusayang gramatikal sa pagsuri ng isang pelikula
3. Nakapagbibigay ng sariling pananaw ukol sa mga nakagisnang uri ng
panggagamot sa Pilipinas matapos basahin ang isang halimbawa ng suring
pelikula

Subukin
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay ang kabuoang bahagi ng istorya.
a. Buod ng pelikula c. Direksyon
b. Sinematograpiya d. Disenyong Pamproduksyon

2. Hindi dapat ito nahuhuli sa kilos, galaw, at maging sa damdaming nais

ipakahulugan sa bawat eksena.
a. Buod ng pelikula c. Direksyon
b. Sinematograpiya d. Paglapat ng tunog
3. Tumutukoy sa pamamaraan ng director kung paano niya patatakbuhin ang
istorya.
a. Buod ng pelikula c. Direksyon
b. Sinematograpiya d. Paglapat ng tunog

4. Ito ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika ayon sa

tuntunin sa gramatika
a. Kaalamang Gramatikal c. Kaalamang Diskorsal
b. Kasanayang Istrategik d. Kasanayang sosyo – linggwistik

5. Sa paglalapat ng musika, nabubuhay ng isang _______ ang eksenang malungkot,

may galit, nakatatakot at may hinagpis. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit
naaapektuhan ang manonood ng pelikula.
a. Awit b. Tunog c. Musika d. Tagpuan
6. Ang labo at linaw ng pelikula ay nakikita sa kagalingan ng isang _____________.
a. Sinematograper b. Actor c. Editor d. Director

7. Sa paggawa ng pelikula, ang mga _______ ang siyang nagdudugtung – dugtong

ng eksena, mula sa mga negatibong nagamit sa shooting ng pelikula.
a. Sinematograper b. Aktor c. Editor d. Direktor

8. Ang pagganap ng isang artista ay kinakailangang may kaugnayan sa

___________ ng kanyang papel na ginagampanan.
a. Kakayahan b. Katauhan c. Hitsura d. Estado

9. Mahalaga ang paghahambing ng pelikula sa ___________ upang makita ang

pagkakaiba/ pagkakatulad.
a. Kasalukuyan b. Nakaraan
b. Hinaharap d. Wala sa nabanggit

10. Kapagka mahusay ang manunulat ng iskrip, __________ ito upang panoorin
ang isang pelikula.
a. Motibasyon c. Pansuya
b. Pang - akit d. Pandagdag

11. Ano ang tamang bantas na gagamitin mula sa pahayag na Magsitigil kayo ?
a.tandang padamdam c.tandang pananong
b.tuldok d.kuwit

12. Mula sa pahayag na Kailan ba natin matatamasa ang hustisya tanong ni

Mang Tino sa kaniyang mga kasama. Ano ang wastong bantas na dapat gamitin
sa pahayag?
a.panipi at tandang padamdam c.panipi at tandang pananong
b.panipi at tuldok d.panipi at kuwit

13. Tama bang siya ang paboran niya pagtatampo ni Melie sa ama. Mula sa
pahayag,ano ang wastong bantas na dapat ilagay sa pahayag upang malaman ang
damdaming ipinapahayag?
a.panipi, kuwit at padamdam c.panipi,padamdam at pananong
b.panipi,pananong at padamdam d. padamdam,panipi at pananong

14.Ginagamit ito upang matukoy ang pinakamaikling pagputol ng ideya o

pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap.
a.tandang padamdam c.tandang pananong
b.tuldok d.kuwit
15. Ito ay ginagamit sa mga pahayag na tanong, usisa, o alinlangan.
a.tandang padamdam c.tandang pananong
b.tuldok d.kuwit

2
Balikan

Gawain 1: Magbigay ng isang pelikulang naging paborito mo. Suriin ang pelikula at
sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Pamagat ng pelikula
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang tema o paksa ng pelikula?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Bakit mo nagustuhan ang pelikula?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ano ang naramdaman mo pagkatapos panoorin ang pelikula?

________________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Isulat ang linya ng artista sa pelikula na nagustuhan mo o tumatak sa iyo.

________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3
Tuklasin
Gawain 2: Sumuri ng isang pelikulang napanood na at punan ang sumusunod na graphic
organizer. Tandaan ang kahalagahan ng paggamit ng kasanayang gramatikal sa gawaing
ito.

PAMAGAT

Buod ng Pelikula

____________________________________________________________________________

Mga Pangunahing Paksa o Tema Mensahe

Tauhan ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________

4
Suriin

Ang kasanayang gramatikal ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga

estruktura sa wika ayon sa tuntunin sa gramatika. Ito ay komponent na nagbibigay –
kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na
mga tuntuning pang gramatika.

Magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang

pagbigkas, pagbaybay at maging sa pagbibigay – kahulugan sa salita.

WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS

1.Tuldok.Karaniwang gamit ang tuldok(period) ang pananda para sa pagwawakas ng

pangungusap na paturol o pautos.

2.Kuwit. Ginagamit ang kuwit(comma) upang matukoy ang pinakamaikling pagputol ng

ideya o pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap.

a.Pambukod ng mga Ideya.Ginagamit din ang kuwit upang paghiwalayin ang

magkahawig o magkasalungat na mga ideya,malimit upang kumatawan sa inalis na ay o
at.
Halimbawa: Kapag may tiyaga, may nilaga

b.Pansamantalang Pagtigil. Ihinihiwalay sa pamamagitan ng kuwit ang mga

madamdaming pahayag, bulaslas, pandama na “O” at “A”,at iba pang kahawig na mga
salitang nakapagbibigay ng pansamantalang pagtigil sa pangungusap

Halimbawa: Ay, naku! Nakalimutan kong magdala ng sepilyo.

A, muntik ko nang maiwan ang bag ko!
O, Ilaw sa gabing malamig!

c.Sa pagsipi. Sa tuwirang pagsipi ng mga pahayag (bahagi man o buo),

naglalagay ng kuwit bago ang siniping bahagi. Kung ang sinipi ay matatagpuan sa simula
ng pangungusap,pinapalitan ng kuwit ang tuldok mula sa orihinal nito.

Halimbawa: Saglit na napaisip si Bea at nag-usisa, “Ano ang kinalaman mo sa

nangyari kay ama?”
“Hindi ako mapakali,” ang banggit ni Tania habang hinihintay ang
pag-uwi ng anak.
3.Tandang Pananong.Pangkalahatang gamit ng tandang pananong ang pagpapahayag
ang tanong,usisa, o alinlangan (sa datos na nakalap)

5
a.Relasyon sa Ibang Bantas. May pagkakataon ding nakapaloob sa
panipi,panaklong, o panaklaw ang pangungusap na ginagamitan ng pananong.

Nananatili ang tandang pananong sa isang sinisiping pahayag.

Halimbawa:
“Paano niya maitatanggi ang paratang sa kanya?” pag-aalala ni Jose.

b.Mga tuwiran at di-tuwirang Tanong.Ginagamit din ang mga pananong sa mga

tuwirang tanong na matatagpuan sa pangungusap.
Halimbawa:
Makakatakas kaya ang mga kasama? tanong sa kanya ng kaibigan.

Ngunit hindi nilalagyan ng pananong kung ito ay di-tuwirang tanong.

Halimbawa.
Itinatanong sa kaniya ng kaibigan kung makakatakas kaya ang kanilang mga
kasama.
4.Tandang padamdam.Ginagamit ito sa mga pahayag na dulot ng bugso ng
damdamin,sigaw, o pahayag na mapang-uyam.Sa pormal na sulatin, hindi gumagamit ng
higit pa sa isang padamdam sa mga pahayag o pangungusap.
Ngunit sa mga islogan, karaniwang dinadamihan ang padamdam upang
ipahiwatig ang marubdob na saloobin.
Halimbawa:
Welga! Welga!! Welga!!!

5.Panipi.Sa pangkalahatan, ginagamit ang panipi sa pagsisipi o tuwirang pagpasok sa

isang pangungusap ng isa o mahigit na pahayag o pangungusap mula sa ibang
nagsasalita o sanggunian.
Halimbawa.
Ipinapahayag niya sa madla na, “Ang balakid sa aking daan at ipatatanggal
ko.” o kaya: “Ang balakid sa aking daan ay ipapatanggal ko,” pahayag niya.

Sa pagsusuri ng pelikula, mahalaga ang paggamit ng kasanayang gramatikal. Ang

tamang pagbabantas ay makatutulong upa ng magkaroon ng isang epektibong
pagsusuri.

Ang panunuring pampelikula o panunuri ng pelikula ay ang ebalwasyon ng isang

pelikula. Ito ay dapat na nakapanghihikayat, nakapagpapakilos, at nakapagbibigay ng
impormasyon nang hindi lubos na ipinaaalam ang banghay ng istorya.

Manunuri ng pelikula ang tawag mga taong nagsusulat sa mga pahayagan at mga
magasin ng kanilang mga opinyon hinggil sa mga pelikula, o tumatalakay na patungkol
sa mga pelikula sa kanilang mga programang pantelebisyon, pang - internet, o panradyo.

6
Mga Elemento sa Pagsusuri ng Pelikula

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga

katangian ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida
(antagonista)?

2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o

ito’y isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari
sa pelikula upang lubos na maunawaan ng mga manonood?

3. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kabuuan ng pelikula.

Angkop ba ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?

4. Titulo o pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at

nauunawaan ng mga manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat?

5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula?

Nakatulong ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa
kwento?
6. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at
diwang tatatak sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga
karanasan sa buhay.

Narito ang isang halimbawa ng Panunuring Pampelikula

I. Pamagat: THE HEALING

II. Mga Tauhan:

a. Vilma Santos – SETH
b. Jhong Hilario – DARIO MATA
c. Carmi Martin – BLES
d. Mark Gil – VAL
e. Allan Paule – RUBEN
f. Cris Villanueva – DING
g. Janice de Belen – CITA
h. Kim Chiu – COOKIE
i. Ynez Veneracion – GRETA
j. Robert Arevalo – ODONG
k. Martin del Rosario – JED
l. Pokwang – ALMA

7
III. Buod ng Pelikula:

Ang The Healing ay umiikot sa isang kwento kung saan ang pangunahing
karakter na si Seth (Vilma Santos) ay nakaranas ng iba't ibang malalagim na
pangayayri dulot ng pagpapagamot sa isang faith healer na kung tawagin ay
Elsa. Ipinapakita sa kwento ang naging mga pamamaraan ni Seth upang
mailigtas ang kanyang mga kasamahan mula sa pagkamatay at kung paano niya
ito hinarap nang buong lakas at tapang.

Makikilala rin dito ang limang kaibigan ni Seth na nakararanas ng iba’t ibang
sakit at problema na maaaring nararanasan ng mga tao sa totoong buhay.
Makatotohanan kung maituturing ang sitwasyong kinalalagakan ng bawat
kaibigan ni Seth sa pelikula.

Naging mapanganib ang buhay ni Seth at ng kanyang mga kaibigan

matapos ang panggagamot ng isang faith healer. Marahil ay marami ang
namatay, ngunit sa huli, patuloy na lumaban si Seth upang mailigtas ang iba pang
natitirang nabubuhay na maaaring maging biktima.

IV. Banghay ng Pangyayari:

Si Seth (Vilma Santos) ay isang babaeng hiwalay na sa kanyang asawa at

mayroong anak, si Jed. Si Jed ay naninirahan na sa bagong pamilya ng kanyang
amang si Val at tanging si Odong, ama ni Seth, ang kasama niya sa tinitirhan
niyang boarding house.

Mayroong karamdaman si Odong. Isang araw, himalang napagaling si

Odong ng isang faith healer na si Elsa. Dahilan ito upang ang limang kaibigan ni
Seth ay humingi ng tulong sa kanya upang dalhin din sila sa manggagamot.
Kabilang na rin sa mga nagpagamot ang half sister ni Jed na si Cookie na may
sakit sa kidney.

Matapos ang pagpapagamot kay Elsa, isa – isang namamatay ang mga
nagpagamot sa isang malagim, kahindik – hindik at marahas na paraan. Bawat
namamatay ay may mas malalang paraan kaysa sa nauna. Bago ang
pagkamatay ng bawat biktima ay nakakakita si Seth ng uwak at isang hindi
malinaw na hitsura ng aparisyon ng bawat biktima.

Kinakailangang patayin ni Seth si Dario Mata, isang patay na tao na

nabuhay ni Elsa sa panggagamot niya upang matigil ang sumpa at mailigtas ang
kanyang mga kaibigan.

8
V. Paksa/ Tema:

Ang kasakiman sa buhay ay maaaring magdulot ng panganib o

kapahamakan sa iba.

Ang trahedyang nangyari sa palabas ay dulot ng pagnanais ng isang patay

na muling mabuhay. Sinuway ni Elsang manggagamot ang hudyat ng kamatayan
kung kaya't kapalit nito'y buhay ng mga inosenteng taong ang nais lamang ay
gumaling at maging maayos ang buhay.

VI. Sinematograpiya:

Malinaw ang pagkakaayos ng pelikulang The Healing. Akma ang mga kuha
at anggulo sa mga pangyayaring ipinapakita sa pelikula. Dulot nito ay mas
maayos at malinis ang pagkakalahad ng mga emosyong tumagos pati sa mga
manonood. Malinis ang pagkakaputol ng mga eksena at sakto ang pagkakahabi
nito. Ang mga kagamitan, lugar, at kasuotan ay umangkop sa atmosperang nais
na ilahad ng pangkat ng produksiyon. Sunod – sunod ang mga pangyayari at
bawat eksena ay kinasasabikan.

VII. Mensahe:

Ang buhay ng tao ay hindi hawak ng sinuman kundi ng Diyos lamang. Ang
buhay ay mahalaga kung kaya't alagaan ito at tanggapin ang bunga ng mga
pagdedesisyong ginawa. Mas manalig din sa Diyos imbes na tangkilikin ang mga
masasamang salamangkang nagaganap sa mundong ito.

Pagyamanin
Gawain 3: Hanapin sa kahon ang bantas na angkop gamitin sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa loob ng panaklong.

Tuldok (.) Tandang pananong (?)

Kuwit (.) Tandang padamdam (!)

1. Si G. Abad(_) punong guro, ay nagbigay ng parangal sa mga mag – aaral.

2. May baon akong saging na maaari naming pagsaluhan mamaya(_)
3. Naku(_) Nakalimutan kong isara ang pinto!
4. Mag – isa lamang ba akong maglilinis sa bahay(_)
5. Binigyan niya kami ng pera bago siya umalis(_)

9
Gawain 4: Batay sa pelikulang “The Healing,” sumulat ng sariling pananaw tungkol
sa mga nakagisnang manggagamot sa Pilipinas gamit ang graphic organizer.

Mga Nakagisnang Manggagamot sa

Pilipinas

Doktor Albularyo o Dr. Wakwak

_______________________________ _______________________________

Sa iyong palagay, kanino sa dalawa dapat magpagamot ang mga maysakit?

Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Isaisip

Gawain 5: Buuin ang talata. Punan nang angkop na salita ang mga patlang. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. Nagbibigay kakayahan f. Kasanayang gramatikal

b. Ebalwasyon g. Pormal
c. Impormasyon h. Epektibong
d. Kasaysayan i. Estruktura sa wika
e. Kritiko j. Manunuri

Ang (1) ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga

(2) ayon sa tuntunin sa gramatika. Ito ay komponent na (3) sa
nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning
panggramatika. Magagamit ang mga ito sa (4) pagbuo ng salita, pangungusap,
tamang pagbigkas, pagbaybay at maging sa pagbibigay – kahulugan sa salita.

10
Ang suring – pelikula ay kinakailangang gamitan ng (5) na pananalita at
wastong baybay. Kailangan ding gamitan ng wastong bantas ang mga pangungusap.
Mahalaga ring magkakaugnay ang mga pangungusap.

Ang panunuring pampelikula o panunuri ng pelikula ay ang (6) ng isang

pelikula. Ito ay dapat na nakapanghihikayat, nakapagpapakilos, at nakapagbibigay ng
(7) nang hindi lubos na ipinaaalam ang banghay ng istorya.

(8) ng pelikula ang tawag mga taong nagsusulat sa mga pahayagan at

mga magasin ng kanilang mga opinyon hinggil sa mga pelikula, o tumatalakay na
patungkol sa mga pelikula sa kanilang mga programang pantelebisyon, pang - internet,
o panradyo.

Ilan sa mga (9) ng pelikula ang nagsusulat ng mga aklat hinggil sa mga
pelikula at sa (10) ng mga pelikula.

Isagawa
Gawain 6: Pumili ng isang pelikulang napanood na. Suriin ito batay sa sumusunod na
balangkas. Isaalang – alang ang paggamit ng tamang pagbabantas sa pagsulat ng suring
pelikula.Gamitin ang pamantayan sa pagsulat ng gawain.

I. Pamagat
II. Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Tema o Paksa
V. Sinematograpiya
VI. Mensahe

Pamantayan sa Pagsulat ng Suring-pelikula

1.Maikli at malinaw naisalaysay ang buod ng istorya ng pelikula 15 puntos
2.Maingat na nasuri ang mga element ng pelikula 10 puntos
(tema,sinematograpiya at mensahe)
3.Nagamit ang wastong pagbabantas sa pagsusuri sa 10 puntos
nilalaman ng pelikula
Kabuuang Puntos 35 puntos

11
Tayahin

A. Panuto: Basahin nang may pag – unawa ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang – papel.

1. Ito ay ang kabuoang bahagi ng istorya.

a. Buod ng pelikula c. Direksyon
b. Sinematograpiya d. Disenyong Pamproduksyon

2. Hindi dapat ito nahuhuli sa kilos, galaw, at maging sa damdaming nais

ipakahulugan sa bawat eksena.
a. Buod ng pelikula c. Direksyon
b. Sinematograpiya d. Paglapat ng tunog
3. Tumutukoy sa pamamaraan ng director kung paano niya patatakbuhin ang
istorya.
a. Buod ng pelikula c. Direksyon
b. Sinematograpiya d. Paglapat ng tunog

4. Ito ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika ayon sa

tuntunin sa gramatika
a. Kaalamang Gramatikal c. Kaalamang Diskorsal
b. Kasanayang Istrategik d. Kasanayang sosyo - linggwistik
5. Sa paglalapat ng musika, nabubuhay ng isang _______ ang eksenang malungkot,
may galit, nakatatakot at may hinagpis. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit
naaapektuhan ang manonood ng pelikula.
a. Awit b. Tunog c. Musika d. Tagpuan
6. Ang labo at linaw ng pelikula ay nakikita sa kagalingan ng isang _____________.
a. Sinematograper b. Aktor c. Editor d. Director
7. Sa paggawa ng pelikula, ang mga _______ ang siyang nagdudugtung – dugtong
ng eksena, mula sa mga negatibong nagamit sa shooting ng pelikula.
a. Sinematograper b. Aktor c. Editor d. Direktor

8. Ang pagganap ng isang artista ay kinakailangang may kaugnayan sa

___________ ng kanyang papel na ginagampanan.
a. Kakayahan b. Katauhan c. Hitsura d. Estado

9. Mahalaga ang paghahambing ng pelikula sa ___________ upang makita ang

pagkakaiba/ pagkakatulad.
a. Kasalukuyan c. Nakaraan
b. Hinaharap d. Wala sa nabanggit

10. Kapagka mahusay ang manunulat ng iskrip, __________ ito upang panoorin
ang isang pelikula.
a. Motibasyon c. Pansuya
b. Pang - akit d. Pandagdag
12
11. Ano ang tamang bantas na gagamitin mula sa pahayag na Magsitigil kayo ?
a.tandang padamdam c.tandang pananong
b.tuldok d.kuwit

12. Mula sa pahayag na Kailan ba natin matatamasa ang hustisya tanong ni

Mang Tino sa kaniyang mga kasama. Ano ang wastong bantas na dapat gamitin
sa pahayag?
a.panipi at tandang padamdam c.panipi at tandang pananong
b.panipi at tuldok d.panipi at kuwit

13. Tama bang siya ang paboran niya pagtatampo ni Melie sa ama. Mula sa
pahayag,ano ang wastong bantas na dapat ilagay sa pahayag upang malaman ang
damdaming ipinapahayag?
a.panipi, kuwit at padamdam c.panipi,padamdam at pananong
b.panipi,pananong at padamdam d. padamdam,panipi at pananong

14.Ginagamit ito upang matukoy ang pinakamaikling pagputol ng ideya o

pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap.
a.tandang padamdam c.tandang pananong
b.tuldok d.kuwit
15. Ito ay ginagamit sa mga pahayag na tanong, usisa, o alinlangan.
a.tandang padamdam c.tandang pananong
b.tuldok d.kuwit

13
Karagdagang Gawain

Gawain 7: Ilahad ang paborito o nagustuhan mong pelikula na inilahad mo sa “Balikan,”

at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Nabigyang – buhay ba ng mga tauhan ang

papel na kanilang ginagampanan?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
____________
2. Nakatulong ba ang pelikulang ito upang
mabago ang iyong paniniwala, saloobin at
pananaw sa buhay? Ipaliwanag kung
Pamagat Pamagat
paano.________________________________
______________________________________
______________________________________
___________
3. Kung ikaw ang direktor ng pelikula, anong
pamagat ang sa palagay mo ay mas
angkop na ilapat dito? Ipaliwanag.
Pamagat
______________________________________
______________________________________
______________________________________
____________

Pamagat

14
15
KARAGDAGANG GAWAIN Subukin
Sariling sagot A.
1. A 11.A
2. D 12.C
3. C 13.C
Isaisip
4. A 14.D
1. F 5. C 15.C
2. I 6. A
3. A 7. C
4. H 8. B
5. G 9. A
10. A
6. B
7. C
B. Sariling Sagot
8. J
9. E
Balikan
10. D
Sariling sagot
Isagawa
Sariling sagot Pagyamanin
A.
Tayahin 1. ,
2. .
A. 3. !
1. A 11.A 4. ?
2. D 12.C 5. .
3. C 13.C B. Sariling sagot
4. A 14.D
5. C 15.C
6. A
7. C
8. B
9. A
10. A
B. Sariling Sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Virgilio S. Almario. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Metro Manila:Komisyon

Sa Wikang Filipino.

Florante C. Garcia, et, al Pintig ng Lahing Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City SIBS Publishing House INC.
Websites

http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/mga-gabay-para-sa-pagsusuri-ng-isang.html

https://www.google.com/search?q=mga+linya+sa+pelikulang+tumatak+sa+isip+ng+mga
+manonood

https://www.slideshare.net/divinegracetomas7/aralin-2-kakayahang-komunikatibo

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panunuring pampelikula

16

You might also like