You are on page 1of 24

SAN PEDRO RELOCATION CENTER NATIONAL HIGH SCHOOL - LANDAYAN ANNEX

Layunin
1.Natutukoy ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay,
magkakaugnay na pangungusap/ talata)na kinakailangan sa pagsulat
ng suring-pelikula
2. Nagagamit nang wasto ang kahusayang gramatikal (may tamang
bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/ talata) sa pagsulat
ng isang suring-pelikula
3. Napahahalagahan ang paggamit ng kahusayang gramatikal (may
tamang bantas, baybay,magkakaugnay na pangungusap/ talata) sa
pagsulat ng suring pelikula
PELIKULA
• Ang pelikula, na tinatawag ding sine o
pinilakang-tabing ay naratibong
itinatanghal o ipinalalabas noon sa
mga tabing o screens na sa
kasalukuyan ay maaari na ring
mapanood sa iba pang midyum o tsanel
ng media na karaniwang natatapos sa
iisang upuan lamang.
PELIKULA
• Malaking bahagi ng kulturang
Pilipino ang mga pelikula na
humubog, humuhubog, at
patuloy na huhubog sa pananaw
at interes ng madla kaugnay ng
kabuluhan nito at ng
pagtangkilik ng mga manonood.
PELIKULA
Ang mga pelikula ay nakaaapekto
sa isang tao, sa bansa, at sa daigdig
pagdating sa
paghahain ng iba’t ibang
perspektiba at dulog ng paksa. Ito
ay malikhaing tsanel ng
naratibo na may pagkiling sa estilo,
pananaw, at interes ng manunulat
at direktor.
PELIKULA
• Sa paglipas ng panahon, at
bunsod na rin ng pag-unlad ng
teknolohiya, ay mas naging
abot-kamay na ng mga Pilipino
ang mga pelikula. Ang mga
pagbabagong ito ay
nakaaapekto rin sa pagtangkilik
at pagpili ng mga manonood
Pagsusuri ng Pelikula
• isang paraan ng
pagpapahalaga sa sining ng
pelikula kung saan ang
nanunuri ay maingat na
nagtitimbang at nagpapasiya sa
katangian nito.
Pagsusuri ng Pelikula
• Ang pagsusuri ay tumutukoy
hindi lamang sa kahinaan at
kakulangan kundi gayundin sa
mabuting bagay na dapat
isaalang-alang sa
pagpapaganda ng pelikula.
Mga Hakbang sa Pasulat ng
Suring-Pelikula
• Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin..
• Simulan ang talata sa paglalahad ng paksa at buod
ng pelikula. Isulat sa rebyu ang sa tingin mong
pinakamahalagang eksena
• Sa ikalawang talata isusulat ang mga papuri/puna
sa tauhang nagsiganap. Magkomento kung naging
epektibo ba ang karakter ng aktor/artista sa
pelikula.
Mga Hakbang sa Pasulat ng
Suring-Pelikula
4. Sa ikatlong talata ilalahad ang puna tungkol sa
direksyon/direktor ng nasabing pelikula.
5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at
musika. Mga eksenang tumatak sa isip dahil sa mahusay
na paggamit ng kamera, ilawat lokasyon
6. Sa ikalimang talata isusulatang kaugnayan ng pelikula
sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito.
Pormat sa Pasulat ng Suring-Pelikula
I. Pamagat
II. Paksa ng Pelikula
III. Buod
IV. Papuri/Puna sa mga Aktor o Aktres
V. Papuri/ Puna sa Direktor
VI. Sinematograpiya at Musika
VII.Kaugnayan ng Pelikula sa
Kasalukuyan
VIII.Aral
nang - a. may katumbas na “when” o
kailan.
b. ginagamit bilang pang-
abay
halimbawa: Lumikas ang mga tao nang
bumagyo.
Kinasausap ng ina ang anak nang
malumanay.
ng- gamit bilang pang-ukol
halimbawa: Kumuha ng libro ang bata.
Daw/ Din at Raw/Rin
Daw/Din - ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig.
halimbawa: Makinig daw kayo sa sinasabi ng guro.
Matatapos din ang mga pagsubok.

Raw/Rin - ginagamit kung ang sinusundang salita ay patinig


o malapatig tulad ng "w" at "y"
halimbawa: Maganda raw ang dagat ng Boracay.
Tayo rin ay kailangang pumasok.
Mga Bantas
1. TULDOK (.) - Ginagamit na pananda:
a. Sakatapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
b. Sa pangalan at salitang dinaglat
c. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilangsa bawat hati ng
isang balangkas, talaan.
Halimbawa:
a. Igalang natin ang Pambansang Awit. Makiisa sa pagsugposa
pandemya.
b.Si Gng. Jose ay isang guro.
c. A.
1.
2.
Mga Bantas
2. PANANONG (?) - Ginagamit sa pangungusap na patanong
Halimbawa:
Ano ang pangalanmo?
Sasama ka ba? May bakunana ba laban sa COVID-19?

3. PADAMDAM (!) - Ginagamit sa hulihan ng isang kataga,


pariralao pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing
damdamin Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
Aray! Naapakan mo ang paa ko.
Mga Bantas
4. KUWIT (,) - Ginagamit sa paghihiwalay ng isang sinipi
a.Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga
salitang magkakauri.
b.Pagkatapos ng OO at HINDI.
c. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitanng kalye at purok at
ng bayanat lalawigan sa pamuhatan ng isang liham.
Halimbawa:
a. Kumain ka ng itlog, gulay, prutas at bungang-kahoy.
b.OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya. HINDI, ayaw niyang
sumama.
c. Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
Mga Bantas
5. KUDLIT (‘) - Ginagamit na panghalili sa isang titik
na kina- kaltas:
Halimbawa:
Ako’y (Ako ay) mamamayang Pilipinoat may
tungkuling
mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
Siya’t (Siya at) ako ay nakikiisa sa alituntunin ng
pamahalaan.
Mga Bantas
5. GITLING (-) - Ginagamit sa loob ng salita sa sumusunod na pagkakataon:
a. Sa pag-ulitng salitang-ugat o mahigit sa isang pantigng salitang-ugat.
b. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang
kahulugan
c.Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
(Kung sa pagsasama ng dalawang salitaay magbago ang kahulugan, hindi na
gagamitanng gitling)
d. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brando tatak ng isang
bagay o kagamitan,sagisag o simbolo.
e.Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numeroo pamilang.
Mga Bantas
Halimbawa:
a. araw-araw, isa-isa, dala-dalawa, sari-sarili, kabi-kabila b.mag-alis (magalis),
nag-isa (nagisa), nag-ulat(nagulat),
mang-uto (manguto), pag-alis(pagalis)
c.pamatay ng insekto (pamatay-insekto) humigit at kumulang (humigit-
kumulang) dalagang taga- bukid (dalagang-bukid) dalagangbukid (isda),
Bahaghari
d.maka-Diyos maka-Pilipino pa- Baguio taga-Luzon
(Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling) e.ika-10 ng umaga
ika-20pahina ika-3 revisyon ika-9 na buwan.
Mga Bantas
6. PANIPI (“ ”) - Inilalagay sa unahan at dulo ng isang salitaa. Ginagamit
upang ipakitaang buong sinasabing isang nagsasalita o ang tuwirang
sipi.
b.Ginagamit upang mabigyang- diin ang pamagatng isang
pahayagan, magasin, aklatat iba’t ibangmga akda.
c.Ginagamit sa pagkulongng mga salitang banyaga.
Halimbawa:
a.“Hindi kinukupkop ang kriminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
b. Nagbukas na muli ang “Manila Times”. Isang lingguhang babasahin
ang “Liwayway”.
c. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer
Programming”.
Subukin
Ang pelikulang Pitaka ay tungkol sa buhay ngisang
kuya (1) (na,ng) tumayong magulang sa nakababatang
kapatid. Maganda ang pelikulang ito dahil nailahad(2)(nang,
ng) maayos at makatotohanan ang buhay ng isang kuya na
nagsisikap para sa kapatid.Napakagaling ng mga artistang
gumanap lalo na si Karl Medina pati na (3) (rin, din) si Art
Artienda. Simple ang sinematograpiya pero naipakita nang
mahusay ang emosyon (4) (ng, na) mga tauhansa bawat
eksena.Isang aral na matututuhan sa (5)(pelikulang,pelikula
na) ito ay pagpapahalaga sa sakripisyo ng mga kapatid para
sa kinabukasan ng pamilya.
Isulat ang TAMA o MALI ang pagkakagamit ng mga bantas
sabawat bilang.
1. Mahalkong Josie--- (batingpanimula ng liham)
2. Ailene Baisa-Julian (pangalanng nanay)
3. Ika-27 ngMayo, 1973 (petsang kaarawan)
4. Mateo25;21 (Bersikulo sa Bibliya)
5. maka:Diyos
6. araw arawin
7. isda karne manok. at gulay
8. trabaho t Negosyo
9. Ika 7 ng umaga
10. mag!usap

You might also like