You are on page 1of 25

PELIKULA

Pagsulat ng Isang Rebyu ng


Isang Pelikula

Sa pagsulat ng rebyu ng isang pelikula, mahalagang


maunawaan ang mga salitang ginagamit sa pagbubuo
ng isang pelikula. Ang nilalaman ng mga salitang ito
ang siyang gagamiting batayan sa pagbubuo ng isang
suring pampelikula.
Pamagat - Ito ang nagpapakilala sa pelikula.
Tema - Tungkol saan ang nilalaman ng
pelikula? Ano ang mensaheng ipinahahayag
nito?
Buod - Ang pinaikling nilalaman ng isang
pelikula. Isang maikling pagpapakilala sa mga
tauhan at mahahalagang pangyayai sa isang
pelikula.
Direksiyon - Ang pamamaraan ng derektor
kung paano niya patatakbuhin ang pelikula.
Disenyong Pamproduksiyon - Ito ay
tumutukoy sa kasuotan at mga props na
ginamit sa pelikula upang higit itong
maging makatotohanan.
Sinematogapiya - Ang pagbibigay
anggulo sa mga eksena ang
pinatutungkulan nito.
Makatotohanang Pagganap ng mga
Tauhan - Ito ay tumutukoy sa kung
paano binigyang - buhay ng mga artistng
nagsiganap sa pelikula ang mga karakter
na kanilang ginagampanan.
Ang paglapat ng Tunog - Mahalaga sa
isang pelikula ang mga tunog na
maririnig. Nakatutulong ito upang
maging higit na makatotohanan ang
dating ng isang pelikula.

Ang Paglalapat ng Musika - Mahalaga


ang aspektong ito sa isang pelikula dahil
nakatutulong ito upang mabuhay ag mga
eemosyon at damdamin ng mga
manonood ng isang pelikula.
Editing - Ang pagdudugtong - dugtong
ng mga eksena mula sa isang tagpo
patungo sa isang pang tagpo.

Screenplay - Ang magagandang diyalogo


sa isang pelikula ay naaalala ng mga
manonood hanggang sa pagwawakas ng
isang pelikula.
DEKADA

'70
01

Kahusayang Gramatikal
Ang gramatika ay tumutukoy sa kawastuhan ng
pahyag. Ang kahusayang gramatika ay
tumutukoy sa kasanayan sa pag-unawa at
pagbuo ng mga estruktura ng wika na sang-
ayon sa tuntunin ng gramatika.
A. Wastong Gamit ng Nang
1. Ginagamit ang nang kung ang sumusunod na salita ay
pang-uri (adjective) . Sinasagot din nito ang tanong na
paano.
Halimbawa: Ang mga nagmartsa ay biglang tumakbo nang
matulin.
2. Ginagamit ang nang kapag umuulit ang salitang kilos.
Halimbawa: Takbo nang takbo ang mga nagmamartsa sa
likod ng paaralan.
3. Ginagamit ang nang kapag ito ay gagamitin sa unahan
ng pangungusap.
Halimbawa: Nang lumalim ang gabi ay tumigil na ang ulan.
B. Wastong Gamit ng Ng
Tandaan: Kapag hindi nabanggit sa itaas ang
halimbawa ng pangungusap ng ang gamitin.
1. Ginagamit ang ng kapag sinasagot ang tanong na
ano.
Halimbawa: Nagluto si Nany ng pansit.
2. Ginagamit ang ng para tukuyin ang pagmamay-ari.
Halimbawa: Nag-iingay ang pusa ng kapitbahay.
3. Ginagamit ang ng kapag sinasagot ang tanong na
kailan o tungkol sa oras at petsa.
Halimbawa: Sa katapusan ng Disyembre ang reunion.
C. Wastong Gamit ng Daw at Din/Raw at Rin
1. Daw at Din
- Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig
Halimbawa: Ang suliranin daw sa poluyon ay kailangang
bigyang-pansin upang mapangalagaan ang ating likas-
yaman.
Magkasunod din sa pila ang magkapatid.
2. Raw at rin
-Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig na w at y.
Halimbawa: Sasama raw si Ate sa pagdalaw kay Lola sa
ospital.
Ang bahay rin niya ay itinayo malapit sa tabing-dagat.
3. Wastong Gamit ng May at Mayroon
May
-Kapag sinusundan ng pangngalan
Halimbawa: May prutas siyang dala para sa bata
-Ginagamit kapag sinusudan ng pandiwa
Halimbawa: May gagawin ka ba bukas?
-Kapag sinusundan ng pang-uri
Halimbawa: May bago ka palang aklat.
-Sinusundan ng panghalip panao sa kaukulang paari.
Halimbawa: Sila ay may kani-kaniyang pamanang
Mayroon
-Ginagamit kapag may napasingit na kataga sa
salitang sinusundan nito.
Halimbawa: Mayroon bang humahanap sa akin?
-Ginagamit na panagot sa tanong
Halimbawa: May naglilinis ba sa silid na ito?
Mayroon.
-Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-
maykaya sa buhay
Halimbawa: Isa sila sa mayroon sa kanilang bayan
kung kaya marami ang nakakakilala sa kanilang
angkan.
B. Pagbuo ng Mabisang Pangungusap o Pahayag
1. Isaalang - alang na may kaisahan ang bawat bahagi ng
pangungusap. May kaisahan ang pangungusap kung ang
bawat bahagi nito ay naghahyag ng isang pangunahing
diwa.
Halimbawa: Nasira ang tulay at kalsada dahil sa malakas na
paglindol kung kaya nangangalap ng pondo ang alkalde ng
bayan upang maisaayos ito.
2. Kailangang ilapit ang panuring sa salitang tinuturingan.
Hindi dapat paghiwalayin ang salitang magkakaugnay.
Mali: Mamaya si Marina pupunta sa paaralan para
magpalista sa klase.
Wasto: Pupunta mamaya si Marina sa paaralan para
magpalista sa klase.
3. Gamitin ang wastong tinig ng pandiwa. Kalimitang
ginagamit ang pandiwang nasa tinig balintayak, sa halip
na nasa tukuyan.
Halimbawa:
Mali: Ang mga mag-aaral ay nagpulong para sa
pagpaplano ng kanilang proyekto.
Wasto: Nagpulong ang mga mag-aaral para sa
pagpaplano ng kanilang proyekto.
C. Paggamit ng mga Bantas
1. Tuldok
-Ginagamit bilang pananda para sa pagwawakas ng
pangungusap na paturol o pautos at pahayag na may
buong diwa.
Halimbawa: Ipinagdiriwang ng buong bayan ang
sentenaryo ng kalayaan nito.
-Ginagamit sa pagdadaglat ng salita, nglan ng araw at
buwan, pantawag o titulo ngunit kung ang salitang
dinaglat ay anasa dulo ng pangungusap, isang tuldok
lamang ang ginagamit
Halimbawa: Halimbawa - hal.
Disyembre - Dis.
Doktor - Dr.
Ginagamit sa paglilista o enumerasyon at inilalagay pagkatapos
ng numero/titik
Halimbawa: Narito ang ilang suliranin ng bansa:
a. krimen
kahirapan
c. droga
d. malnutriyon
-Ginagamit upang paghiwalyin ang mga detalye hinggil sa may-
akda at pamagat ng aklat bilang lahok sa sanggunian.
Halimbawa: Almario, Virgilio. Balagtasismo Versus Modernismo.
Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1984
-Gumagamit upang paghiwalayin ang mga detalye ng URL
(uniform resourse locator)
Halimbawa: www.kwf.gov.ph
http://www.ncca.gov.ph/
2. Kuwit
-Ginagamit upang matukoy aag pinakamaikling pagputol ng ideya o
pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap.
Halimbawa: Bago ang lahat, nagpapasalamat muna sa isang
manonood ang organisasyon.
-Ginagamit ang kuwit sa serye ng tatlo o mahogit na mga ideya sa
isang pangungusap na pinagsasama ng isang pang-ugnay: kailangang
tandaan na naglalagay rin ng kuwit bago ang pang-ugnay.
Halimbawa: Uunahin ba niya ang tumulong sa gawaing-bahay, gumawa
ng takdang-aralin, o manood ng paboritong programa sa telebisyon.
-Ginagamit din ang kuwit upang paghiwalayin ang magkahawig o
magkasalungat na mga ideya, malimit upang kumakatawan sa inalis na
"ay" o "at".
Halimbawa: Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
-Sa tuwirang pagsipi ng mga pahayag (bahagi man o nuo),
naglalagay ng kuwit bago ang siniping bahagi; kung ang sinipi ay
matatagpuan sa simula ng pangungusap, pinapalitan ng kuwit ang
tuldok mula sa orihinal nito.
Halimbawa: "Hindi ako mapakali," ang wika ng nanay habang
hinihintay ang pag-uwi ng anak.
3. Tandang Pananong
-Ginagamit sa hulihan ng pangungusap na patanong o nag-uusisa
Halimbawa: Saan ka nakatira?
-Ginagamit din ang pananong sa mga tuwirang tanong na
matatagpuan sa pangungusap
Halimbawa: Matatapos ko kaya ito? usisa niya sa sarili.
4. Tandang Padamdam
-Ginagamit sa mga pahayag na dulot ng bugso ng damdamin,
sigaw o pahayag na mapang-uyam
Halimbawa: Sobra ka naman!
Aray! Grabe ka sa akin.
5. Kudlit o Apostrophe
-Ginagamit bilang pamalit sa nawawalang letra kapag may
dalawa o higit pang salitang pinagsama.
Halimbawa: Kailanma'y (kailanman ay) hindi kita malilimot.
6. Panipi
-Ginagamit upang kulungin ang tuwirang sinabi ng
nagsasalita
Halimbawa: "Dumagsa ang mga kamag-anak ng
buwaya,"wikang may makahulugang ngiti ni Mang Carlos.
-Ginagamit upang kulungin ang pamagat sa isang artikulo o
kuwento na hango sa isang katipunan
Halimbawa: Isa sa mga kuwentong nakapaloob sa Kasarinlan
at Iba pang mga Akda ay ang "Tanikala."
7. Gitling
-Ginagamit sa pag-uulit ng salita
Halimbawa: araw-araw
-Ginagamit kapag ang panlapi ay nagtatapos sa katinig at
ang salitang nilalapian ay nagsisismula sa patinig
Halimbawa: pag-asa, mag-ama
-Kapag ang salitang nilalapian ay pangngalang pantangi
Halimbawa: maka-Diyos, nag-Internet
-Kapag ang ika ay sinusundan ng numero
Halimbawa: ika-21 ng Disyembre, ika-5:00 ng hapo
-Ginagamit na panghalili sa nawalang kataga o salita sa
isang tamabalang salita
Halimbawa: pamatid-uhaw (mula sa pamatid ng uhaw)
MARAMING SALAMAT AT MABUHAY
KAYONG LAHAT!!!

You might also like