You are on page 1of 11

1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education


PROGRAM
COURSE TITLE Retorika COURSE CODE FILI102
PREREQUISITE/ CO- None COURSE UNIT 3 units
REQUISITE
COURSE OUTCOME CO1: Maipaliwanag ang kahulugan, kalikasan, simulain at
saklaw ng retorika.
MODULE 1 Mga Batayang Kaalaman sa Retorika
LESSON LEARNING After successful completion of this module, you should be able
OUTCOME/S to:
a. Makabuo ng isang sulatin ayon sa iba’t ibang anyo ng
masining na pagpapahayag.

TOPICS Paglalangkap ng Gramatika at Retorika


• Pagpili ng Wastong Salita
• Wastong gamit ng mga Salita
• Pagbuo ng Pangungusap
WEEK / INCLUSIVE 3
DATE January 30-February 3, 2023
4
February 6-10, 2023
MODALITY Synchronous, Asynchronous (MS Teams, NEO LMS)

▪ LESSON PROPER

PAGLALANGKAP NG GRAMATIKA AT RETORIKA

Ang gramatika o balarila ay agham sa paggamit ng salita at ang kanilang


pagkakaugnay-ugnay. Isinasaalang-alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita
sa isang pangungusap; ang kawastuhan ng pangungusap na gagamitin, pasalita man o
pasulat na kailangang umayon sa tamang istruktura ng gramatika; ang kaayusan o sintaks,
kahulugano organisasyon o pagkakabuo at maging ang panahunan ng mga salita.

Samantala, retorika ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na tumutukoy


sa kasiningan ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat upang maunawaan, makahikayat at
kaluguran ng mga nakikinig o bumabasa. Ang masining na pagpapahayag ay hindi
sinusukat sa haba, hindi rin sa pagiging maligoy kundi sab isa nito sa mambabasa o
tagapakinig.

Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay sa


kahulugan at damdaming ibig ipaabot at upang magkaroon ng kariktan ang pagpapahayag
at may organisasyon ang pagkakalahad ng diwa subalit dapat wasto ang mga salita batay
sa tuntunin ng gramatika.

Samakatuwid, ang sining ng pagpapahayag ay naipamalas sa mabisang


paglalangkap ng gramatika at retorika. Ang gramatika ay gagabay sa kawastuan ng
pahayag at ang retorika naman ay titingin sa kagandahan ng pagpapahayag.

________________________________________________________________________
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

A. PAGPILI NG WASTONG SALITA

Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.


Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga
pagkakataon na ang mga salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na
gamitin. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:

Mali:
a. Tanaw na tanaw na naming ang maluwag na bibig ng bulkan.
b. Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bunganga.
c. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita.
d. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

Wasto:
a. Tanaw na tanaw na naming ang maluwag na bunganga ng bulkan.
b. Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bibig.
c. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita.
d. Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

Tandaan din na sa ating wika ay maraming salita na maaaring pare-pareho ang


kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.

Halimbawa:
bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak
kawangis, kamukha, kahawig
samahan, sabayan, saliwan, lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan

Gamitinn sa iyong sariling pangungusap ang bawat salita sa itaas. Maaari bang
pagpalit-palitin ang mga salita sa iyong pangungusap?

May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupemismo o paglumanay


sa ating pagpapahayag kahit na may tuwirang salita naman para rito.

Halimbawa:
namayapa sa halip na namatay
palikuran sa halip na kubeta
pinagsamantalahan sa halip na ginahasa

Magbigay ng iba pang pahayag na nararapat gamitan ng eupemismo. Ipaliwanag din


kung paano mapapalumanay ang bawat isa.
________________________________________________________________________
B. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Kailangang taglayin ng mga pahayag ang kawastohang panggramatika. May mga


salita kasi tayong ginagamit na ang akala natin ay maaaring malayang nagkakapalitan,
ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa istriktong tuntuning panggramatika. Ilan sa mga
ito ay ang sumusunod:
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

A. Mga salitang kalimitang nagpapalit ng gamit

1. Nang at Ng
Gamit ng nang

a. katumbas ng salitang “when” sa Ingles


Halimbawa: Nang pumutok ang bulkan, marami ang nagbago.

b. tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan


Halimbawa: Tumakbo siya nang matulin.

c. tagapagpakilala ng pang-abay na pamanahon


Halimabawa: Umalis siya nang maaga.

d. tagapag-ugnay ng pandiwang inuulit


Halimbawa: Magsanay nang magsanay upang gumaling.

e. katumbas ng “so that”, “in order to” sa Ingles.


Halimbawa: Magsaya nang hindi agad tumanda.

f. pinagsamang pang-abay na NA at pang-angkop na NG


Halimbawa: Tapos nang magturo ang guro.

Gamit ng ng

a. katumbas ng “of” sa Ingles


Halimbawa: Maliwanag ang sinag ng araw.

b. tagapagpakilala ng tagaganap ng pandiwa


Halimbawa: Ginamot ng bata ang sugatang aso.

c. tagapagpakilala ng layon ng pandiwa


Halimbawa: Namitas ng bulaklak ang mga hardinero.

d. pang-ukol sa kasingkahulugan ng “sa”


Halimbawa: Umuwi ako ng probinsya tuwing katapusan.

2. May at Mayroon
Gamit ng May

Gamitin ang may kapag susundan ng sumusunod:


a. pangngalan- May aklat sa ilalim ng mesa.
b. pandiwa- May kumakatok sa pinto kagabi.
c. pang-uri- May mahalimuyak na amoy.
d. pang-abay- May tatlong taon na siyang nawawala.
e. panghalip na panao na paari- Naroon siya sa may kaniyang silid.
f. pantukoy na mga- May mga araw na makulimlim.

Gamit ng Mayroon
a. Gamitin ang mayroon kapag susundan ng mga sumusunod:
i. kataga – Mayroon na bang sweldo si Gleemore?
ii. panghalip na panao o palagyo – Mayroon ka ba nito?
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

iii. panghalip na pamatlig – Mayroon iyang binabalak na gawin.


iv. pang-abay na panlunan – Mayroon sa bundok na ganyan.

b. panagot sa katanungan
Halimbawa: “May proyekto ka na ba?’ “Mayroon.”

c. bilang pangngalan na nangangahulugang mayaman.


Halimbawa: Sa kilos pa lang makilala na kung sino ang mayroon.

3. Kung at Kong
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. “If” sa ingles.
Halimbawa: Kung uuwi ka na ay sabihan mo ako.

Ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari.


Halimbawa: Ang pinakamamahal kong aso ay pumanaw na.

4. Daw at Din; Raw at Rin


Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa: May labanan daw ng salita ang mag-asawang artista.

Ginagamit ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig.


Halimbawa: May enkwentro raw sa Marilaw kamakailan.

5. Pinto at Pintuan
Pinto ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan.
Halimbawa: Gusto ko ang bagong kulay ng pinto.

Pintuan ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.


Halimbawa: Huwag kang tumayo diyan sa pintuan.

6. Hagdan at Hagdanan
Hagdan ang inaakyatan at binababaan.
Halimbawa: Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdan.

Hagdanan ang kinalalagyan ng hagdan.


Halimbawa: Inaalis tuwing gabi ang hagdanan ng kubo.

7. Bitiw at Bitawan
Ang salitang bitiw/bitiwan (pandiwa) ay ang pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak ng
isang bagay o pangyayari.
Halimbawa: Huwag kang bumitiw para hindi ka mawala.

Ang salitang bitaw (pangngalan) ay nauukol sa pagsasanay ng sasabunging manok.


Halimbawa: Sa pula ang bitaw ni Mang Gusting kaya siya natalo.

Ang bitawan ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng salpukan ng manok ng


walang tari.
Halimbawa: May nakita akong pulitiko sa bitawan ng manok.

8. Ikit at Ikot
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos mula sa labas patungo sa loob.
Halimbawa: Nakadaming ikit kami nakapasok sa kweba.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Ang ikot naman ay kilos mula sa loob patungo sa labas.


Halimbawa: Nakailang ikot muna bago kami nakalabas ng parke

9. Imik at Kibo
Ang imik ay ginagamit sa pagsasalita o pangungusap,
Halimbawa: Hindi siya nakaimik sa tanong ng ama.

Ang kibo ay ginagamit sa pagkilos.


Halimbawa: Hindi siya kumikibong nakaupo sa gilid.

Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.


Halimbawa: Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak sa puntod.

10. Kata at Kita


Ang kata ay ikaw at ako
Halimbawa: Kalian kata magkasamang luluwas ng probinsiya?

Ang kita ay ikaw


Halimbawa: Pangarap kong makasama kita sa aking pag-uwi.

11. Kina at Kila


Ang kina ay maramihan ng kay. Walang salitang kila.
Halimbawa: Pakidala ang mga aklat kina Vilma at Jenny.

12. Taga at Tiga


Taga ang dapat gamitin. Walang unlaping tiga. Gumagamit ng gitling kapag sinusundan ito
ng pangngalang pantangi.
Halimbawa: Taga-Baguio ang bisita ng aming kapit-bahay.
Ako ang tagalaba tuwing Sabado at Linggo.

Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang:


Halimbawa: tig-isa, tigalawa, tigatlo, tig-apat.

B. Mga pag-ugnay na pinagpapalit

13. Kapag at Kung


Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa: Umuuwi siya sa probinsiya kapag bakasyon niya.

Ipinapakilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan.


Halimbawa: Hindi niya tiyak kung sa Sabado o Linggo siya sa uuwi.

14. Kung Di at Kundi


Ang kung di ay galling sa salitang “kung hindi” o “if not”
Hal. Wala ka na sanang maabutan kung di ka pa dumating.

Ang kundi naman ay “except”.


Halimbawa: Walang sinuman makakagawa nito kundi siya lamang.

15. Habang at Samantalang


Ginagamit ang habang sa kalagayang walang tiyak na hangganan o “mahaba”
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Halimbawa: Magtiis mamalukto habang maiksi ang kumot.

Ginagamit naman ang samantalang sa kalagayang may taning o “pansamantala”.


Halimbawa: Makikitira muna ako sa bahay nina kuya samantalang wala pa akong tawag
mula sa bago kong amo.

Samantala din ang ginagamit sa tambisan ng dalawang kalagayan.


Halimbawa: Si Darwin ang pumunta samantalang si Mario naman ang tinawag na dalaga.

16. Dahil, Dahil sa/ Dahil kay at Dahilan

Ang dahil ay pangatnig.


Halimbawa: Hindi siya nakasama dahil sumasakit ang tiyan niya.

Ang dahil sa o dahil kay ay pang-ukol.


Halimbawa: Hindi siya nakasama dahil sa sakit ng tiyan niya.

Ang dahilan ay pangngalan.


Halimbawa: Sakit sa tiyan ang dahilan ng pagkaospital niya.

C. Mga pandiwang magkapareho ang ugat ngunit magkaiba ang mga panlapi.

17. Abutan at Abutin


Abutin ang isang bagay.
Halimbawa: Abutin mo ang iyong pangarap.

Abutan ng isang bagay.


Halimbawa: Abutan mo ng tulong ang kapatid mo.

18. Agawin at Agawan.


Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
Halimbawa: Huwag mong agawin ang tanging kaligayahan niya.

Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.


Halimbawa: Ibig agawan ng laruan ni Charles si Armando.

19. Bilhin at Bilhan


Bilhin ang isang bagay.
Halimbawa: Bilhin natin ang pangarap na regalo ni Mica.

Bilhan ng isang bagay


Halimbawa: Bilhan natin ng regalo si Nanay at Tatay.

20. Bumili at Magbili

Ang bumili ay “to buy”


Halimbawa: Mainam bumili ng sariwang strawberry sa La Trinidad.

Ang magbili ay “to sell” o magbenta


Halimbawa: Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Benguet ay magbili ng sarili nilang
tanim na gulay.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

21. Hatiin at Hatian


Ang hatiin ay partihin o “to divide”
Halimbawa: Hatiin mo sa sampung bahagi ang pizza.

Ang hatian ay o ibahagi “to share” sa Ingles.


Halimbawa: Hatian natin ang lahat, maging ang mga wala ngayon.

22. Hinagis at Inihagis


Hinagis ng isang bagay
Halimbawa: Hinagis ni Daniel ng tinapay si Irene.

Inihagis ang isang bagay


Halimbawa: Inihagis ni Donna ang bola nang malakas kay Rod.

23. Ibayad at Ipagbayad


Ang ibayad ay pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
Halimbawa: Paglalaba ang ibabayad ko sa hiniram kong pera.

Ang ipagbayad o pagbabayad para sa ibang tao


Halimbawa: Ipagbayad mo nga muna ako sa aking check-up.

24. Kumuha at Manguha


Ang kumuha ay “to get”
Halimbawa: Kumuha siya ng mga aklat na babasahin sa biyahe.

Ang manguha ay “to gather, to collect”


Halimbawa: Mangunguha muna kami ng datos mula sa barangay para sa aming ginagawang
papel bago kami magbaksyon.

25. Linisin/Linisan
Linisin ang isang bagay na maaring tanggalin
Halimbawa: Linisin ninyo ang kalat bago pa man may madulas.

Linisan ang pook o lugar


Halimbawa: Linisan ninyo ang bahay at darating na ang may-ari.

26. Magsakay/Sumakay
Magsakay ay magkarga “to load”
Halimbawa: Nagsakay ng sampung basket ng patatas ang Pajero.

Ang sumakay ay “to ride”.


Halimbawa: Sumakay na tayo sa anumang daraang bus.

27. Napakasal/Nagpakasal

Ang napakasal ay “got married”


Halimbawa: Napakasal ang kapitan sa kanyang sekretarya.

Ang nagpakasal ay “caused the wedding”.


Halimbawa: Ang mayor ang nagpakasal sa dalawang empleyado.

28. Operahin at Operahan


1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Ang operahin ay para sa tiyak na bahagi ng katawa na titistisin.


Halimbawa: Ooperahin bukas ang bukol sa dibdib ni Charlie.

Ang operahan ay tumutukoy sa tao.


Halimbawa: Inoperahan si Clem sa tainga noong nakaraang taon.

29. Pahirin/Pahiran
Ang pahirin ay pag-aalis o “to wipe off”
Halimbawa: Pahirin mo ang dungis sa mukha ng bata.

Ang pahiran ay paglalagay o “to apply something”


Halimbawa: Pahiran mo ng langis ang likod noya pagkaligo niya.

30. Subukin/Subukan
Ang subukan ay pagtingin nang palihim
Halimbawa: Ayaw kong subukan ang ginagawa nila pag wala ako.

Ang subukin ay pagtikim at pagkilatis (pagmanman)


Halimbawa: Subukin mo ang tatag ng kanyang pananampalataya.
Subukin natin ang kaibhan ng bagong produkto nila.

31. Suklayin at suklayan


Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba
Halimbawa: Suklayin mo nang maayos ang buhok mo, Camille.

Suklayan ng buhok ng ibang tao.


Halimbawa: Suklayan mo nga Rosa ng buhok si lola pagkaligo niya.

16.Walisin/Walisan
Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis.
Halimbawa: Walisin nga ninyo ang mga tuyong dahon sa bakuran.

Walisan ang pook o lugar


Halimbawa: Sana ay mawalisan ang aklatan dahil maalikabok na.
________________________________________________________________________
C. PAGBUO NG PANGUNGUSAP

Kailangan ang kaisahan sa pangungusap paran maging epektibo ito. Kung bawat
bahagi ng pangungusap ay tumutulong para maihayag nang malinaw ang pangunahing
diwa nito, masasabing may kaisahan ang pangungusap.

Narito ang ilang paalala upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap.

a. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:

Di-timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng


gamit ang mga napaalis na iskwater.

Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot


ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Di-paralel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay


mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

Paralel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga


masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.

b. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa:

Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko


kanina.

Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko


kanina.

c. Huwag pagsasamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.

Halimbawa:

Di-magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito
ginamit at nahilig tayo sa kalayawan.

Wasto: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito
ginamit.

d. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.

Halimbawa:

Maraming kaisipan: Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng


mga bata ng taguan kung gabing walang
buwan at ang pagdadama ng mga lalaking
walang magawa at nagpapalipas ng oras
sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw.

May isang kaisipan: Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng


taguan ng mga bata, ay tunay na
nakalilibang.

e. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang


pantulong na sugnay.

Halimbawa:

Hindi Malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang


sumbrero.

Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa sombrero, hindi ko iyon


binili.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

f. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap


ay hindi siyang gumaganap ng kilos.

Halimbawa:

Mali: Si Jubalie ay binili ang relo para kay Bernie.


Tama: Ang relo ay binili ni Jubalie para kay Bernie.
Binili ni Jubalie ang relo para kay Bernie.

Mali: Si Noe ay kinuha ang hinog na papaya sa puno.


Tama: Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Noe.
Kinuha ni Noe ang hinog na papaya sa puno.

g. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.

Halimbawa:

Malayo: Maganda ang kuwentong binasa ko talaga.


Malapit: Maganda talaga ang kuwentong binasa ko.
Malayo: Tinawag ni Jay ang tao nang malakas.
Malapit: Malakas na tinawag ni Jay ang tao.

h. Sa Filipino, nauuna ang panag-uri kaysa sa paksa sa karaniwang ayos ng


pangungusap.

Halimbawa:

Minamahal at ginagamit niya ang sariling wika.


Mabait na bata si Aldrin.

Kaysa:
Ang sariling wika ay minamahal at ginagamit niya.
Si Aldrin ay mabait na bata.

▪ SUPPLEMENTAL LEARNING MATERIALS

▪ ACTIVITY/ EXERCISE/ ASSIGNMENT

Pangalan: Petsa:
Taon at Kurso: Iskor:

Gawaing Interaktibo

1. Bumuo ng isang blog.Pumili ng kahit anumang paksang ninanais. Maging maingat


sa paggamit ng wika. Isaalang-alang ang tinalakay.

2. Magdala ng pahayagang nasusulat sa wikang Filipino. Pumili ng isang balitang


kakikitaan ng mga maling paggamit ng wika. Muli itong isulat at ilahad sa klase kung
paano ito iwinasto.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Mga Pagsasanay

A. Gawin ang hinihingi ng bawat sumusunod na bilang.

1. Ipaliwanag ang ugnayan ng gramatika at retorika.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Magbigay at ipaliwanag ang mga paraan upang makamit ang layunin ng retorika na
makapagpahayag nang may kahusayan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

B. Salungguhitan ang angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag.

1. Mag-ingat ka anak (kapag, kung) nagmamanrho ka.


2. Huwag kang humarang sa (pintuan, pinto) at (ng, nang) maisara na ang (pintuan,
pinto).
3. Akyat-panaog ang ama sa (hagdanan, hagdan) (habang, samantalang) hinihintay
ang paglabas ng panganay nila.
4. Hindi siya nakapasok kahapon sa trabaho (dahil sa, dahil) sumikat ang kanyang
ulo.
5. (Bitiwan, bitawan) moa ko (kundi, kung di) ay sisigaw ako.
6. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng mabigat na salita sa kapwa.
7. (Umikut-ikot, Umiikit-ikit) muna sa sila sa loob ng tunnel bago nila nahanapan ang
daan palabas.
8. Wala siyang (kaimik-imik, kakibu-kibo) kung matulog.
9. (Kumibo, umimik) (nang, ng) bahagya ang apoy ng kandila.
10. Iniibig (kata-kita) (nang, ng) walang hangganan.

▪ REFERENCES

Bendalan, N.M.B. (2018). Retorika: Mabisa at Masining na Pagpapahayag at Pagsasalin para sa


mga Milenyal. Quezon City: Wiseman’s BooksTrading, Inc.

Bernales, R.A. et.al. (2018). Retorika: Ang Sining Pagpapahayag. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.

You might also like