You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 6

Kwarter 3

Pangalan: _________________________________________________________

Pangkat at Baitang: ___________________________________ Petsa: Pebrero 19- 23, 2023

Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita at parirala. Nakatutulong ang mga pangatnig na ito sa pagbubuo
ng diwa sa buong pangungusap.

Ginagamit ang mga pangatnig na o, ni, maging bilang pamukod.


Pinagbubukod ng mga ito ang mga kaisipang pinag-uugnay.

Halimbawa: Ayaw kitang madapa ni makagat ng lamok noong maliit ka pa.

Ginagamit naman ang at, saka, pati kapag may idaragdag na salita , panimula, o sugnay.
Halimbawa: Ang mga lumang bote at papel ay maaari pang mapakinabangan.

Kapag sinalungat ang ikalawang kaisipang unang ipinahayag na kaisipan, pangatnig na ngunit, subalit, datapwa’t, at iba pa ang
ginagamit.
Halimbawa: Dumating ako sa tagpuan natin ngunit wala ka na.

Narito pa ang ilang halimbawa ng pangatnig: sa , bagkus, sakali, kaya,kapag, samantala, anupa’t , datapwat, at iba pa.

Ang pang-angkop naman ay mga katagang ng, na at g. Inuugnay nito ang dalawang magkaibang salita upang makabuo ng
parirala

Narito ang gamit ng mga nasabing pang-angkop: ng - ginagamit kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa mga
patinig at idinurugtong ito sa nasabing unang salita.
Halimbawa: trahedyang masaklap na - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa katinigna
n, Inihihiwalay ito sa unang salita. Halimbawa: masaklap na trahedya

g - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n at idinurugtong ito sa unang salita. Halimbawa: bayang
kawawa

Marahil ngayon ay lubos mo nang naunawaan ang paggamit ng pang-angkop at pangatnig.

Subukan mo nang sagutan ang mga gawain sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa panaklong ang angkop na pangatnig o pang-angkop upang mabuo ang pangungusap.
Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Mahalagang pagtuunan ng ibayong pansin ang agham at teknolohiya (dahil, upang ngunit) ____________ umunlad ang ating
bansa.
2. Dahil sa pag-unlad ng transportasyon at industriya (kaya, ngunit, saka) ___________may problema sa polusyon.
3. Ang agham (at, o, na) _________teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak na mapaglikhang karunungan ng tao.
4. Umalis pantungo (na, g, ng) ____________probinsiya ang mag-anak.
5. Ipinangako niya sa sarili (g, ng, na) ________lalo siyang magsisipag sa pag- aaral.

Sagutin: Paano ginamit ang mga pang-angkop at pangatnig sa bawat pangungusap?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at suriin ang talata sa ibaba. Tukuyin ang mga pang-angkop at pangatnig na ginamit
dito. Pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa pagbuo ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Napakayaman ng Lungsod ng Pantukan sa kagandahang naipagkaloob ng kalikasan, tulad ng magandang tanawin,


malalago at masaganang pananim Dahil dito, maraming turista ang mga dumarayo. Lalo na ang mga Pilipinong naninirahan sa
ibang dako ng bansa upang maipakita ang suporta bilang pagtangkilik sa sariling atin.

1. ________ 2. _______ 3. _______ 4. _______ 5. ________

Ngayong napagtagumpayan mo na ang mga gawain sa unang bahagi dumako ka na sa susunod na mga pagsasanay.
Pagtibayin mo ang iyong mga natutuhan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pumili ng isa sa mga larawan na may kaugnayan sa iyong karanasan. Sumulat ng
talatang naglalarawan o nagsasalaysay tungkol dito. Salungguhitan ang mga pang-angkop at pangatnig na ginamit mo
sa iyong talata.

Rubrik sa Paggawa ng Talata

3 2 1
Nilalaman
□ pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
□ wastong gamit ng wika/salita
□ baybay, bantas. estruktura ng pangungusap
Hikayat
□ lohikal na daloy ng mga ideya
□ pagkakaugnay ng mga ideya

Sagutin ang pagtataya na ginawa ng guro.

A. Bilang isang mag-aaral sa ikaanim na baitang, ikaw ay lantad sa mga pangyayari sa iyong paligid. Sumulat ng isang talatang
nagsasalaysay kaugnay ng isang pangyayari na iyong nasaksihan. Gamitin ang mga pang-angkop at pangatnig na iyong
natutuhan. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Nilalaman 3 2 1
□ pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
□ wastong gamit ng wika/salita
□ baybay, bantas. estruktura ng pangungusap
Hikayat
□ lohikal na daloy ng mga ideya
□ pagkakaugnay ng mga ideya

You might also like