You are on page 1of 4

Learning Area Filipino Grade Level Ikaanim

W2 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Gamit ng Pang-angkop at Pangatnig


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig
COMPETENCIES (MELCs) F6WG-IIIh-11 / F6WG-IIIi-10
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
● Natutukoy ang mga pang-angkop at pangatnig
● Nakasusulat ng talata o usapan gamit ang pangatnig at
pang-angkop.
● Naipapakita ang pagpapahalaga sa kasanayan sa paggamit
ng wika sa komunikasyon.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning
Time Frame
Activities
A. Introduction 30 minuto Inaasahang sa araling ito ay mapapaunlad mo ang iyong
Panimula kasanayan sa paggamit ng mga pangatnig at pang-angkop sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon at pagsulat ng talata.

Sa mga nakalipas na taon ay napag-aralan mo na ang pang-


angkop at pangatnig.
Ano ba ang pangatnig?
Ano ba ang pang-angkop?
May pagkakaiba ba sa pangatnig at pang-angkop?

Upang lubos mong maunawaan at mapalawak ang iyong


kaalaman sa aralin, basahin mo at unawain ang nasa ibaba.

Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita at


parirala. Nakatutulong ang mga pangatnig na ito sa pagbubuo ng diwa
sa buong pangungusap.

Ginagamit ang mga pangatnig na o, ni, maging bilang pamukod.


Pinagbubukod ng mga ito ang mga kaisipang pinag-uugnay.
Halimbawa: Ayaw kitang madapa ni makagat ng
lamok noong maliit ka pa.

Ginagamit naman ang at, saka, pati kapag may idaragdag na


salita , panimula, o sugnay.
Halimbawa: Ang mga lumang bote at papel ay maaari pang
mapakinabangan.

Kapag sinalungat ang ikalawang kaisipang unang ipinahayag na


kaisipan, pangatnig na ngunit, subalit, datapwa’t, at iba pa ang
ginagamit.
Halimbawa: Dumating ako sa tagpuan natin ngunit
wala ka na.
Narito pa ang ilang halimbawa ng pangatnig: sa , bagkus, sakali,
kaya,kapag, samantala, anupa’t , datapwat, at iba pa.

Ang pang-angkop naman ay mga katagang ng, na at g. Inuugnay


nito ang dalawang magkaibang salita upang makabuo ng parirala

Narito ang gamit ng mga nasabing pang-angkop:


ng - ginagamit kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa mga
patinig at idinurugtong ito sa nasabing unang salita.
Halimbawa: trahedyang masaklap
na - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa katinigna n, Inihihiwalay ito sa unang salita.
Halimbawa: masaklap na trahedya

g - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig


na n at idinurugtong ito sa unang salita.
Halimbawa: bayang kawawa
B. Development 20 minuto Marahil ngayon ay lubos mo nang naunawaan ang paggamit ng
Pagpapaunlad pang-angkop at pangatnig.
Subukan mo nang sagutan ang mga gawain sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa panaklong ang angkop na


pangatnig o pang-angkop upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang
sagot sa isang malinis na papel.

1. Mahalagang pagtuunan ng ibayong pansin ang agham at


teknolohiya (dahil, upang ngunit) ____umunlad ang ating bansa.
2. Dahil sa pag-unlad ng transportasyon at industriya (kaya, ngunit, saka)
___________may problema sa polusyon.
3. Ang agham (at, o, na) _________teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa
isang tiyak na mapaglikhang karunungan ng tao.
4. Umalis pantungo (na, g, ng) ____________probinsiya ang mag-anak.
5. Ipinangako niya sa sarili (g, ng, na) ________lalo siyang
magsisipag sa pag- aaral.

Sagutin: Paano ginamit ang mga pang-angkop at pangatnig sa


bawat pangungusap?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at suriin ang talata sa ibaba.


Tukuyin ang mga pang-angkop at pangatnig na ginamit dito.
Pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa pagbuo ng pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Napakayaman ng Lungsod ng Cavite sa kagandahang


naipagkaloob ng kalikasan, tulad ng magandang tanawin, malalago at
masaganang pananim Dahil dito, maraming turista ang mga dumarayo.
Lalo na ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang dako ng bansa upang
maipakita ang suporta bilang pagtangkilik sa sariling atin.
1.
2.
3.
4.
5.
C. Engagement 30 minuto Ngayong napagtagumpayan mo na ang mga gawain sa unang
Pakikipagpalihan bahagi dumako ka na sa susunod na mga pagsasanay.
Pagtibayin mo ang iyong mga natutuhan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pumili ng isa sa mga larawan na


may kaugnayan sa iyong karanasan. Sumulat ng talatang
naglalarawan o nagsasalaysay tungkol dito. Salungguhitan
ang mga pang-angkop at pangatnig na ginamit mo sa iyong
talata.

Rubrik sa Paggawa ng Talata

3 2 1
Nilalaman
□ pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
□ wastong gamit ng wika/salita
□ baybay, bantas. estruktura ng pangungusap
Hikayat
□ lohikal na daloy ng mga ideya
□ pagkakaugnay ng mga ideya

Gawain sa Pagkatuto bilang 4: Gumawa ng usapan o dayalogo


tungkol sa mga pangyayaring naganap sa inyong pamilya
ngayong panahon ng
Pandemya. Gumamit ng mga pangatnig at pang-angkop. Isulat ito
sa isang malinis na papel.

Rubrik para sa Dayalogo


3 2 1
Nilalaman
□ pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
□ wastong gamit ng wika/salita
□ baybay, bantas. estruktura ng pangungusap
Hikayat
□ lohikal na daloy ng mga ideya
□ pagkakaugnay ng mga ideya

D. Assimilation 10 minuto Sa pagkakataong ito, alamin natin ang yong mga natutuhan.
Paglalapat Basahin mo at unawain ang nasa ibaba at punan ng tamang sagot ang
bawat patlang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sa aking mga isinagawang gawain ay natutuhan ko ang wastong


paggamit ng mga at .

Ang ay samantalang ang naman ay


.

Mahalaga ang at dahil .

V. ASSESSMENT 20 minuto Sagutin ang pagtataya na ginawa ng guro.


(Learning Activity
Sheets for A. Sagutin ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipinadala ng guro.
Enrichment,
Remediation B. Bilang isang mag-aaral sa ikaanim na baitang, ikaw ay lantad sa
o mga pangyayari sa iyong paligid. Sumulat ng isang talatang
r Assessment to be nagsasalaysay kaugnay ng isang pangyayari na iyong nasaksihan.
given on Weeks 3 Gamitin ang mga pang-angkop at pangatnig na iyong natutuhan. Isulat
and 6) ito sa isang malinis na papel.

Rubrics para sa Talatang Nagsasalaysay


3 2 1
Nilalaman
□ pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
□ wastong gamit ng wika/salita
□ baybay, bantas. estruktura ng pangungusap
Hikayat
□ lohikal na daloy ng mga ideya
□ pagkakaugnay ng mga ideya
VI. REFLECTION 10 minuto Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .

Inihanda ni: BONIFACIO G. PAGAYANAN JR. Iniwasto ni: MARIBETH C. RIETA


EPS sa Filipino

You might also like