You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 6

W3 4
Markahan Apat Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa paglutas ng simpleng
suliranin ng pamilya at komunidad.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa paglutas ng simpleng
(MELCs) suliranin ng pamilya at komunidad.

III. PANGUNAHING NILALAMAN Pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa paglutas ng simpleng


suliranin ng pamilya at komunidad.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang iba’t ibang pangangailangan ng isang pamilya at ng komunidad.
Naipaliwanag mo rin kung ano ang magandang naidulot ng pagtulong sa komunidad.
Ngayon naman, matututunan mo kung paano maibabahagi ang iyong kaalaman at kasanayan sa
paglutas ng simpleng suliranin sa pamilya at komunidad.
Isa ba ang pamilya at komunidad mo sa naapektuhan ngayong pandemya? Sa paanong paraan kayo
naapektuhan ng kasalukuyang sitwasyon?
Marami ang naapektuhan ngayong pandemya, lalong- lalo na ang mga miyembro ng pamilya na siyang
naghahanapbuhay para maitaguyod at masuportahan ang pamilya. Dahil sa “lockdown” na dulot ng
pandemya, marami ang nagsarang pagawaan, naluging negosyo at nawalan ng trabaho.
Ngunit hindi ito kailangang maging hadlang at dahilan upang tayo ay mawalan ng pag-asa. Kailangan
nating magpatuloy at umisip ng iba’t ibang paraan para makatulong sa pamilya at sa komunidad.
Sa araling ito ay inaasahang maibabahagi mo ang iyong kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng
pag-iisip ng paraan kung paano makatutulong sa pamilya at komunidad kahit nasa panahon ng pandemya.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Isa sa suliraning kinakaharap natin ngayon na dulot ng pandemya ay ang kawalan ng trabaho dahil sa
pagsasara ng mga pagawaan at pagkalugi ng ilang negosyo.

Ano anong mga paraan ang maaari nating imungkahi sa ating kapamilya na nawalan ng trabaho?
Ano ano ang mga bagay na patok o nauuso ngayon na maaaring pagkakitaan?

Gamit ang ating kaalaman at kakayahan, narito ang ilan sa maaari nating imungkahi sa ating kapamilya
at kabarangay upang may pagkakitaan, kung sila ay nawalan ng trabaho ngayong pandemya:

1. Pagbebenta ng iba’t ibang pagkain online. Kung may kakayahang magluto ay maaaring magluto ng
almusal, meryenda at mga ulam at ibenta ito online. Ipopost lamang ito sa mga social media sites
tulad ng “Facebook” para makita at makapili ang sinuman saka ito ihahatid sa kostumer.
2. Pagbebenta ng iba’t ibang produkto online. Kung walang pampuhunan, maaaring maging isang
“reseller” ng iba’t ibang produkto na madalas kailanganin sa panahon ngayon tulad ng facemask,
face shield, alcohol at iba pa.
3. Pagiging “Food Delivery Rider” o tagahatid at tagakuha ng mga pagkain at produkto. Ito ay maaari ring
gawin sa panahon ngayon sapagkat maraming tao ang ayaw lumabas ng kanilang bahay. Kung may
kaalaman sa pagmamaneho at mayroong magagamit na sasakyan tulad ng motorsiklo at bisikleta,
maaari itong gawing pagkakakitaan.
4. Pagpapaupa ng iba’t ibang serbisyo. Kung mayroong kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ng
mga sirang kagamitan, sirang muwebles at marunong sa larangan ng konstruksiyon, maaaring
mamasukan o pagkakitaan ito.
5. Pagtatanim ng iba’t ibang halaman. Isa ito sa mga napapanahong pagkakitaan ngayon sapagkat
marami ang natutuon ang pansin sa ganda ng iba’t ibang halaman. Maaari kang magtanim at
magparami ng halaman upang maibenta ito.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Alin sa mga pamamaraang ito ang alam mo at pamilyar ka?

Ang mga ito ay hindi lamang makatutulong sa atin para tayo ay kumita, kundi makatutulong din sa ating
komunidad. Sa pamamagitan ng mga sebisyong ito, lalo na ang “online selling/buying” at paggamit ng
“delivery services”, nalilimitahan at nababawasan ang paglabas ng mga tao ng sa gayon hindi na
lumaganap pa ang virus na COVID-19. Isa pa, nabibigyan din ng serbisyo ang mga taong
naghahanapbuhay din sa kanilang mga tahanan o naka “Work from Home” na walang gaanong oras
para mamili sa labas.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Basahin at unaawin ang bawat pangungusap. Iguhit ang sa patlang bago ang bilang kung ito ay
nagsasaad ng pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga suliranin ng pamilya at komunidad,,
naman kung hindi.

_______ 1. Masaya si Maria dahil marami ang tumatangkilik sa kaniyang ibinebentang mga kakanin.
_______ 2. Umasa na lamang si Diego sa kaniyang mga magulang nang mawalan sya ng trabaho.
_______ 3. Naisip ni Perla na magbenta ng mga facemask online para makatulong sa mga gastusin.
_______ 4. Masarap magluto ng ulam si nanay kaya naisipan niyang magbenta sa aming mga kapitbahay
habang hindi pa nakakabalik si tatay mula sa trabaho.
_______ 5. Ibinenta ni Allan ang “relief goods” na nakuha niya galing sa gobyerno.
_______ 6. Gamitin ang kaalaman at kasanayan na mayroon ka sa pag -iisip ng mapagkakakitaan.
_______ 7. Tumunganga na lamang at hintayin ang ayuda na ibibigay para may makain ang pamilya.
_______ 8. Maging mabait at magalang sa mga suki at bumibili ng iyong produkto.
_______ 9. Tuwing lalabas, sundin ang ipinatutupad na protocol ng IATF tulad ng pagsusuot ng facemask at face
shield.
_______ 10. Makatutulong na tayo sa ating komunidad sa pamamagitan ng paglalagi sa loob ng tahanan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Kung isa sa iyong magulang ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, anong paraan ang gagawin
mo upang magkaroon ang iyong pamilya ng pansamantalang pagkakakitaan batay sa iyong taglay na
kaalaman at kasanayan?
Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit ng isang poster. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa
paggawa.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Paano mo maibabahagi ang iyong kaalaman at kasanayan sa paglutas ng simpleng suliranin sa
pamilya at komunidad ayon sa mga sitwasyon na nakasaad sa ibaba? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tumanggap ng tahiin ang iyong nanay para makatulong sa gastusin dahil nabawasan ang araw ng pagpasok
sa trabaho ng iyong tatay dahil sa umiiral na ECQ. Nakita mong nahihirapan siyang maglagay ng sinulid sa
karayom dahil medyo malabo na ang mata ng iyong nanay. Ano ang gagawin mo?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
2. Ang iyong ate ay abala sa pagpo-post online ng mga ibinebenta niyang damit. Taposmo ng gawin ang iyong
takdang -aralin sa online class at sabik na sabik ka ng maglaro ng mobile games. Ano ang nararapat mong
gawin?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
3. May mga umiikot na opisyal sa inyong Barangay at inanunsyo na bawal lumabas ang mga batang may edad
15 taong gulang pababa. Kinaumagahan ay niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro sa labas ng bahay. Ano
ang gagawin mo?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
4. Gusto mong mapabilang sa online class kung saan gagamit ng gadget o cellphone para kayo ay maturuan at
matuto. Subalit ang iyong nanay ay ginagamit din ang cellphone upang makapagbenta sya ng mga damit
online. Iisa lamang ang cellphone ninyo sa bahay, ano ang iyong mas mainam na gawin?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
5. Nabalitaan ninyong mag-anak na mamimigay ang munisipyo ng ayuda. Pero bago kayo makakuha, may mga
kailangan kayong ihandang mga dokumento. Ano ang gagawin niyo?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Balikan at suriin ang iyong mga sagot sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Kilalanin kung ang iyong mga
solusyon sa bawat sitwasyon ay makatutulong sa pamilya, sa komunidad o sa parehong pamilya at komunidad.
Lagyan ng tsek ( / ) ang tamang kolum.

Makatutulong sa
Bilang Makatutulong sa Pamilya Makatutulong sa Komunidad Pamilya at
Komunidad
1
2
3
4
5
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: _________)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 10 minuto)


Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3 Bilang 4

VII. SANGGUNIAN https://imgv2-2-


f.scribdassets.com/img/document/415976356/original/8a41df3a24/1615461332?v=1

Inihanda ni: Juliet S. Maravilla Sinuri nina: Nida C. Tagalag


Santa Rosa ES Central-1 Noruel M. Donato
Simonet P. Estopace
Nida C. Tagalag,, EdD

You might also like