You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII-SOCCSKSARGEN
Schools Division Office of Cotabato
MAKILALA CENTRAL DISTRICT
Poblacion, Makilala, Cotabato
Table of Specification
Quarter 2
SUMMATIVE ASSESSMENT NO. 1 – ESP 6
SY 2021 -2022
Second Quarter Cognitive Process Domain

TOTAL NO. OF ITEMS


MELC and Item Placement
Module/LAS Week No.

No. of Days Taught

Understanding
% of the Topic

Remembering
Learning

Evaluating
Analyzing
Category Code

Applying

Creating
60% 30% 10%
Naipapakita ang
kahalagahan ng EsP6
pagiging P- 1 3 5 4 19
1 IIa-c- 4 50% 2 7 6 10
responsable sa 8
kapwa 30 9
sa pagtupad sa
pangako
Naipakikita ang
kahalagahan ng EsP6 11 10 13 15
2 pagiging P- 4 50% 12 14 20
16 10
responsable sa IIa-c- 17
kapwa 30 18
sa pamamagitan
ng pagtupad sa
napagkasunduan
TOTAL 8 100% 4 8 2 4 1 1 20

Prepared by: Checked by:

ADELITA G. FAMULAGAN SALOME S. SUMALINOG


Teacher III District Curriculum Coordinator/Principal I

MARY MIELDRED C. MOLINA


Principal I

Address: Cotabato Provincial Capitol Compound Email Address: Cotabato.division@deped.gov.ph


Amas, Kidapawan City Telefax No.: (064) 577-7017
9400 Website: www.depedcotabatodivision.com

Page 1 of 6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Cotabato Division
MAKILALA CENTRAL DISTRICT
Poblacion, Makilala, Cotabato

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
Unang Lagumang Pagsusulit sa Ikalawang Markahan
SY 2021-2022

Pangalan: _____________________________________________ Pangkat: ___________________


Paaralan: _____________________________________________ Petsa: _____________________

Panuto: Basahin nang mabuti, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang na inilaan bago
ang bilang.

_____ 1. Ito ay isang kasunduan na may katumbas na obligasyon o responsibilidad na dapat


tuparin ng sinumang nagsabi nito.
a. pagbiro b. pabor c. pangako d. pasaring

_____ 2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.


a. kapuwa b. kapitbahay c. kaibigan d. pamayanan

_____ 3. Sino sa mga sumusunod ang dapat tularan?


a. Nangako si Robert sa kanyang guro na pagbubutihin ang pag-eensayo para sa araw
ng paligsahan sa paaralan ngunit hindi siya sumipot dahil takot siya na matalo.
b. Pumunta si Belinda sa kaarawan ng matalik niyang kaibigan kahit pagod sa
maghapong pagtatrabaho dahil nangako siyang dadalo.
c. Hindi na halos natutulog si Rienna kapag nabuksan ang Facebook kahit na nangako
siyang hindi magbabad dito.
d. Binalewala ni Johnny ang kanyang pangako sa nakababatang kapatid na bigyan ng
laruan ito sa kanyang kaarawan.

_____ 4. Alin sa mga sumusunod na gawain o asal ang hindi dapat paiiralin?
a. Tinupad ni Marina ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na maging isang
guro.
b. Humiram si Bob ng aklat sa kaibigan niya. Napagkasunduan nilang dalawa na isasauli
niya ito pagkatapos niyang masagot ang takdang-aralin niya. Pagkatapos niyang
gamitin ang aklat ay agad niya itong isinauli sa kanyang kaibigan.
c. Napagkasunduan ninyo ng tatay mo na bibilhan ka niya ng bagong sapatos. Nang
dumating siya, agad niyang iniabot ang sapatos na binili niya para sa iyo. Umasim ang
mukha mo dahil hindi mo nagustuhan ang brand nito.
d. Nagbabayad ng renta ng bahay ang mga magulang mo ayon sa takdang panahon ng
pinagkasunduan nila ng may-ari.

_____ 5. Naipangako mo sa mga kasamahan mo sa grupo na ikaw ang gagawa at


magpapaganda ng front page ng inyong proyekto sa ESP. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamainam mong gagawin?
a. Magsaliksik ng mga magagandang disenyo o gumawa ng sariling disenyo na angkop
sa ginawang proyekto para sa buong pangkat.
b. Mangulekta ng pera sa mga kasamahan bilang pabuya sa sarili sa pagpapaganda ng
proyekto.
c. Isasali lamang sa ginawang proyekto ang mga pangalan ng malalapit sa iyong
kalooban.
d. Ipagawa mo sa isa sa mga kasamahan ninyo ang ipinangako mong responsibilidad.
_____ 6. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa isang pangako?
a. Naghintay si Aling Rosa sa restoran kung saan magkikita sila ng kanyang kumareng si
Aling Lety na siya nilang napagkasunduan. May tumawag sa kanyang isang lalaki at
bigla na lang siyang umalis sa nasabing lugar.
b. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa paaralan para sa pagsasanay
ng sayaw na itatanghal sa Lunes. Lahat ay tumupad sa napag-usapan upang
mapaganda ang kalalabasan ng nasabing pagtatanghal.
c. Hindi sinabi ni Carol ang totoong nangyari sa mga magulang ni Beth dahil nangako siya
sa kaibigang hindi niya sasabihin ang buong katotohanan sa ginawa nitong kasalanan.
d. Nangako si Brix na dadalaw sa lolo niyang nasa ospital subalit hindi ito pumunta kahit
minsan man lamang.

_____ 7. Alin ang tamang gawi sa ginawang pangako?


a. Pagsasawalang kibo upang makalimutan ang hindi natupad na pangako.
b. Pagtupad sa anumang kasunduan sa tahanan man o sa paaralan.
c. Paghahanap ng dahilan upang matakasan ang ipinangako sa kaibigan.
d. Pagbibigay ng pangako kahit na alam na hindi ito kayang tuparin.

_____ 8. Sina Farrah, Abdul, Sara, Jinky at Petter ay mga magagalang, masunurin at matatapat
na mga bata. May takot at matinding pagmamahal sila sa Dakilang Lumikha. Alin sa mga
gawain ang hindi nila tanggap at di pinapahalagahan bilang mga mabubuting mga bata?
a. Pagpapasa ng mga proyekto sa itinakdang oras.
b. Pagbibitaw ng mga pangakong hindi kayang tuparin.
c. Sinusubukan ang lahat ng paraan upang tuparin ang pinangako.
d. Paghingi ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi natutupad ang ipinangako.

_____ 9. May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin ang puno kung alam
mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.
b. Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
c. Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo itong tuparin.
d. Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas na makasakit ng
damdamin ng iyong kapwa.

____ 10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?


a. Si Jaypee na I sinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa takdang oras.
b. Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang.
c. Si Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kaniyang
mga magulang.
d. Si Mico na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila
ay hindi na mahirapang pumasa.

_____ 11. Alin ang dapat gawin o isaalang-alang bago magbigay ng pangako?
a. Mag-isip muna nang mabuti. c. Mangako at bawiin pagkatapos
b. Magbigay agad ng pangako. d. Mangako agad upang matapos ang usapan.
_____ 12. Ano ang dapat gawin kapag hindi natupad ang napagkasunduan?
a. Magtago sa taong pinagkasunduan.
b. Magkunwaring walang sinabi at naalala.
c. Buong katapatang humingi ng paumanhin.
d. Kumilos lang nang parang walang nangyari.

_____ 13. Sinisikap mo bang tuparin ang iyong pangako kahit kaninuman?
a. Opo, upang hindi na magkakagulo.
b. Opo, dahil iyon ang nararapat gawin.
c. Hindi, dahil nabigla lang ako sa nasabi ko.
d. Hindi, dahil pwede rin namang sa ibang araw na iyon tutuparin.
_____ 14. Nangako si Yssa sa nanay nya na tutulungan niya ito sa paglalaba kinabukasan. Alin
ang dapat gawin ni Yssa?
a. Gumising nang maaga at mag facebook muna.
b. Gumising nang maaga at ihanda ang mga labahan.
c. Gumising nang maaga at manood muna ng telebisyon.
d. Gumising nang maaga at makipaglaro sandali sa mga kaibigan.

_____ 15. Nangako ka na hinding-hindi ka na magsisinungaling kahit saan at kahit kaninuman.


Nakita mo ang kuya mo na kumuha ng pera sa pitaka ng tatay ninyo. Binalaan ka
niyang susuntukin kapag nagsumbong ka. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa tatay ko ang nakita ko upang mapangaralan at maitama ang
ginagawa ni kuya.
b. Hindi ko sasabihin sa tatay namin ang nakita ko para hatian ako ni kuya ng perang
kinuha niya.
c. Sasabihin ko sa tatay namin ang nakita ko para masaktan si kuya at ng makaganti ako
sa kanya.
d. Hindi ko sasabihin sa tatay namin ang nakita ko dahil ayaw kong masaktan at
maparusahan si kuya.

_____ 16. Nagkasundo kayo ng ka Team Quiz mo na magkikita kayo sa bahay ng inyong guro sa
ganap na ika-2:00 ng hapon upang magsasanay. Alin ang dapat mong gawin?
a. Aalis ng 2:00 ng hapon sa bahay at mamasyal muna sa plasa.
b. Maaga kang maghanda upang makarating sa oras na napagkasunduan.
c. Sa ganap na ika-2:00 pa ng hapon maghanda papunta sa bahay ng inyong guro.
d. Pupunta sa bahay ng inyong guro makalipas ang isang oras sa napagkasunduan.

_____ 17. Napagkasunduan ninyo sa grupo ninyo sa klase na gagawin ang itinakdang proyekto
ng inyong guro sa TLE sa araw ng Sabado sa inyong bahay. Gagawin ninyo ito sa
umaga upang maging maayos ang pagkagawa. Alin ang tamang gagawin ng iyong mga
ka grupo?
a. Pumunta nang umaga at magsimula sa paggawa.
b. Pumunta nang maaga at makikinood ng cartoons.
c. Pumunta nang umaga at mag facebook dahil may wifi kayo.
d. Pumunta nang umaga at maglalaro muna dahil malawak ang bakuran ninyo.

_____ 18. Napagkasunduan ninyo ng mga magulang mo na magtitipid sa lahat ng bagay dahil
mahirap ang pangkabuhayan sa ngayon dulot ng pandemya. Alin ang nararapat mong
gawin?
a. Gamitin lahat ng mga gamit sa bahay na de-kuryente upang mapadali ang mga
gawain.
b. Magtitiyaga sa pagkukusot ng mga labahan at pagtupi nang maayos sa mga malinis
na damit.
c. Hayaang nakabukas ang mga ilaw sa sala, sa hapagkainan, sa palikuran at maging
sa likod ng bahay.
d. Magbili ng ulam o mga lutong pagkain sa restoran araw-araw upang makatipid sa
kuryente at hindi na mapagod.

_____ 19. Nangako ka sa iyong mga magulang na pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral kahit pa
man sa gitna ng nararanasang pandemya. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo
bilang pagtugon sa iyong pangako?
a. Pag-iibayuhin ko ang pagbabasa, pag-unawa sa mga leksiyon at pagsagot sa mga
module ko.
b. Iipunin ko ang lahat ng module ko sa buong kwarter bago ko sasagutan ang mga ito.
c. Ipasagot ko sa mga ate, kuya, nanay at tatay ko ang aking mga module.
d. Susulatan ko lang ng mga pangalan ko ang mga module.

20. Paano mo pahahalagahan ang iyong pangako o mga pangakong binitiwan kaninuman?
Isulat ang iyong sagot sa linyang inilaan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PERFORMANCE TASK 1
QUARTER 2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _____________________________________________ Pangkat: ________________

II. Panuto: Gumawa ng Slogan tungkol sa kahalagahan ng pagtupad ng isang pangako. Gawin
ito sa loob ng kahon na nasa ibaba. Gawing batayan ang rubrik upang makuha ang sampung
puntos(10 points).

Rubrik sa Paggawa ng Slogan


Mga 5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos Puntos
Batayan/Krayterya
Napakalinaw at Hindi gaanong Walang direksiyon
napakahusay ng malinaw ang ideya ang mga naipahayag
Nilalaman ideya tungkol sa isang tungkol sa pangako na mga ideya.
pangako
Wasto ang baybay ng May iilang mali sa Maraming mali sa
Kayarian mga salita at may mga baybay ng mga baybay ng mga
tumpak na tugmang salita at walang salita, wala ring
magkaugnay.. malinaw na tugma tugma na makikita o
kapag binigkas. marirnig kapag
binigkas.

Kabuuang Puntos
___________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Tagapag-alaga

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT - EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

SUSI SA PAGWAWASTO

I. II. Performance Task


(Gagamitan ng rubrik)
1. c 11. a

2. a 12. c

3. b 13. b

4. c 14. b

5. a 15. a

6. b 16. b

7. b 17. a

8. b 18. b

9. b 19. a

10. a 20.

You might also like