You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
APELO CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
E. RODRIGUEZ STREET MALIBAY, PASAY CITY

Talahanayan ng Ispesipikasyon
Unang Lagumang Pagsusulit
First Quarter Cognitive Process Domain
and Item Placement
MELC
No. of Days Taught
Module/LAS Week No.

TOTAL NO. OF ITEMS


% of the Topic

Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
Learning

Applying

Creating
Category Code

60% 30% 10%

Masuri nang
mabuti ang mga EsP6 1 7 10 3 19
1 bagay na may PKP- 5 2 9 11 10
kinalaman sa sarili Ia-i- 40% 15 14
na makatutulong 37
sa pagbuo ng
isang desisyon.

Masuri nang EsP6 5


2 mabuti ang mga PKP- 5 40% 13 6 8 4 20
iba’t ibang Ia-i- 16 18 12 10
sitwasyon na 37 17
makatutulong sa
pagbuo ng isang
desisyon

Maisagawa ang
mga hakbang na 21
makatutulong sa EsP6 22 23 5
pagbuo ng isang PKP- 5 20% 24
desisyon sa Ia-i- 25
pamamagitan ng 37
pagsang-ayon sa
pasya ng bawat
miyembro ng
pamilya.

Inihanda ni:

MELISSA F. PANAGA
Guro sa ESP
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
APELO CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
E. RODRIGUEZ STREET MALIBAY, PASAY CITY

Pangalan: __________________________________ Pangkat: ________________ Petsa:______


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at ang mga pagpipilian ng sagot. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inilaang patlang bago ang bilang.

_____1. Kailangan ng isang mabuting tao ang isang kongkreto, mahusay at matalinong desisyon
sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. plano b. pasiya c. pasimuno d. katapatan
____ 2. Sa paggawa ng isang desisyon, sino-sino ang dapat nating isaalang-alang?
a. ang ating sarili, pamilya at kapwa-tao
b. ang ating sarili lamang at wala ng iba pa.
c. ang ating sarili, mga kalaro, kaibigan at mga kaklase.
d. ang ating sarili at ang ating mga matatalik na kaibigan.
____ 3. Ano ang nararapat nating gawin sa pagbibigay ng desisyon?
a. Magbigay ng desisyon ng wala sa kalooban.
b. Mag desisyon agad-agad upang matapos na.
c. Pag-isipan ng maigi lalo na ang maging kalalabasan nito.
d. Magbigay ng desisyon nang hindi na inaalintana ang epekto nito.
____ 4. Nakapulot si Jojo ng pitakang may lamang pera. Siya ay kilala sa pagiging mabuti, tapat
at matalinong bata. Alin kaya sa mga sumusunod na desisyon ang gagawin niya?
a. Itatago niya ang pitakang napulot.
b. Ipamimigay niya sa mga batang nagpapalimos ang pera.
c. Ibibili niya ng gamit na matagal na niyang gustong mabili ang laman ng pitaka.
d. Gagawa siya ng paraan kung paano matunton ang may-ari ng pitaka at isasauli niya ito ng personal.
____ 5. Alam ni Rose na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa
mas marami ng gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga
magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob. Si Rose ay isang batang may ___.
a. Pagkamatiyaga c. pagkamahinahon
b. Pagmamahal sa katotohanan d. Pagkabukas ng isipan
____ 6. Maraming basura ang nakita ni Marie sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha
ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at
dustpan si Marie upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa
ibang mag-aaral. Anong katangian mayroon si Marie?
a. Pagiging malinis c. Mapanuring kaisipan
b. May paninindigan d. Pagiging mahinahon
____ 7. Inimbita ka ng iyong matalik na kaibigan na magpunta sa kanilang bahay pagkatapos ng
klase. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil babantayan mo ang nakababata
mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan
mong umuwi ng maaga. Alin sa mga sumusunod ang taglay mong katangian?
a. Ikaw ay may kaalaman.
b. Ikaw ay may lakas ng loob.
c. Ikaw ay isang mapag-alalang bata.
d. Ikaw ay responsible at may paninindigang bata
____ 8. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang
gagawin mo?
a. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
b. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
c. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
d. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa klase
at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng kaniyang
madalas na pagliban sa klase.
____ 9. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Science. Mayroong paligsahan sa inyong
paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong
gagawin?
a. Sasali sa paligsahan.
b. Hindi ka sasali sa paligsahan.
c. Sasabihin mo sa guro na iba na lang ang isali sa paligsahan.
d. Sasabihin mo sa inyong guro na hintaying pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
____ 10. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at
mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ka sasamang maligo sa ilog at pagsabihan sila na hindi tama ang kanilang gagawin.
b. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
c. Sasama ka ngunit hindi maliligo at babantayan mo lamang sila.
d. Sasama kang maligo sa ilog upang masaya ang barkada.
____ 11. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Habang naglalakad,
pauwi natuklasan mong sobra ang isinukli sa iyo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
a. Babalik ka sa tindahan at ipambibili mo ng kendi ang sobrang sukli para sa iyong nakababatang
kapatid.
b. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
c. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
d. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.
____ 12. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian
na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
a. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
b. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
c. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
d. Bigyang ito ng halaga, respeto at tumulong upang makabuo ng desisyong
makakabuti para sa lahat.
____ 13. Ang pamilya Lopez ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama-sama ring
nananalangin sa araw-araw. Sama-sama rin silang nag-uusap sa mga bagay na kailangang
pagpasiyahan. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
a. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan ng suporta sa bawat kasapi ng pamilya.
b. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
c. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
d. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
____ 14. Bakit natin pinahahalagahan kung ano ang makakabuti para sa nakakarami?
a. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
b. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
c. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
d. Lahat ng binanggit.
____ 15. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip,
may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang
sagot o desisyon.
a. malikhaing pag-iisip c. pagkabukas ng isipan
b. mapanuring pag-iisip d. pagsusuring personal
____ 16. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may
kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa isa.
a. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba
b. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan
c. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon
d. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon
____ 17. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka,
ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay daan
upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.
a. pagsusuring personal c. mapanuring pagsusuri
b. malikhaing pag-iisip d. pagkabukas ng isipan
____ 18. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon?
a. Nakakatulog ka ng mahimbing
b. Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga
c. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.
d. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.
____ 19. Kapus ang pamilya mo sa pera subalit nais mong magpatuloy ng pag-aaral upang
makatapos. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang maisakatuparan ang iyong
ninanais?

I.Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.


II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.
III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon
mo na sa elementarya.
IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring magamit
upang maipagpapatuloy ang pag-aaral.
V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang
maipagpatuloy ang pag-aaral.

a. I, II, at III b. II, IV, at V c. II, III, at V d. III, IV, at V

_____20. Nasa ugali nating mga Pilipino ang mapanuri sa mga bagay bago magpapasiya lalo na
kung ito ay tungkol sa ating pamilya. Alin sa mga sumusunod ang gumagamit ng
mapanuring pag- iisip?
a. Magbibigay agad ng pasiya upang matapos ang problema.
b. Alaming mabuti ang problema at ang pinakamabisang solusyon nito.
c. Ipagdasal na lang at hayaan na lang kung ano ang kahihinatnan nito.
d. Kimkimin na lang at idaan sa pag-iinom ng alak.
____ 21. Sa pampamilyang pagpapasya, sino ang dapat na masusunod?
a. Tanging tatay lamang ang magpapasiya.
b. Tanging nanay lamang ang magpapasiya.
c. Tatay at nanay lang ang dapat na magbuo ng pagpapasiya.
d. Ang mga magulang at mga anak ang makikilahok sa pagpapasiya.
____ 22. Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasiya lalo na kung tungkol sa ating pamilya?
a. Mahirap dahil kailangan mong pag-aralang mabuti ang magiging bunga nito.
b. Mahirap dahil nakakapagod mag-isip, nakakalito at nakapagpapainit ng ulo.
c. Mahirap dahil nakasalalay rito ang kapakanan ng iyong buong pamilya.
d. Mahirap dahil isaalang-alang mo ang kabutihan at ang magiging epekto nito sa iyong pamilya.
____ 23. Paano mararating ang tamang pasiya?
a. Pag-iisipan at timbanging mabuti ang mga pagpipiliang pasiya.
b. Pakikinggan ang boses ng mas matanda kahit na may masasaktan.
c. Magbigay ng pasiya ng hindi inalam ang mga bagay ukol sa pagpapasiyahan.
d. Iiwasang makibahagi sa sitwasyong kinakailangang pagpapasiyahan upang hindi masisi.
____ 24. Paano makakapekto sa sariling pamilya at sa ibang tao ang isang pasiya?
a. Ang pasiya ay maaaring magdulot ng mabuti o hindi mabuti sa sariling pamilya o sa ibang tao kaya dapat
itong pag-isipan nang mabuti.
b. Ang maagap na pasiya ay ikatutuwa ng lahat ng tao sa iyong paligid.
c. Ang pasiya ay naglalayong mapabuti o mapasama ang iyong kapwa.
d. Ang pasiya ay tanging sarili mo lamang ang iniintindi na bubuti.
____ 25. Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya??
a. Upang makapag-isip at makapanimbang ka ng tama at kung ano ang pinakamabisang pasiya para sa
lahat.
b. Upang hindi iinit ang iyong ulo at mauwi sa kaguluhan ang pag-uusap at pagpapasiya.
c. Upang walang may mumungkahi ng mga posibleng solusyon sa pagpapasiyahan
d. Upang mapabilib mo ang mga taong sangkot sa dapat na pagpapasiyhan.

You might also like