You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN V
HOME ECONOMICS

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Test Level of Thinking
No.

Competency Code

Bilang ng Aytem
Bilang ng Araw

Bahagdan

Understanding
Remembering

Evaluating
Pamantayan sa Pagkatuto

Analyzing
Applying
1.1 Napapangalagaan ang sariling
kasuotan (EPP5HE 1,2,
-Oc-6) 5 6 12 4 5 6
1.1.1 naiisa-isa ang mga paraan upang 3
mapanatiling malinis ang kasuotan
1.2 naisasagawa ang wastong paraan
ng paglalaba EPP5HE-
0c-7 6 7 14 7,8 9,10 11 12 13
1.2.1 napaghihiwalay ang puti at di-
kulay
(EPP5HE 14,
17,
1.7 naisasagawa ang wastong paraan ng -0d-8) 6 7 14 15 19 20
18
pamamlantsa 16
21
1.2 natutukoy ang mga bahagi ng (EPP5HE 22 26,
makinang de-padyak -0g-17) 6 7 14 25
23 27
24
1.3 nakabubuo ng kagamitang
(EPP5HE 31
pambahay na maaring pagkakitaan 29,
-0g-18) 7 8 16 32 34 35
1.4 nakalilikha ng isang malikhaing 28 30
33
proyekto
1.1 naisasagawa ang pagpaplano at
pagluluto ng masustansiyang pagkain (EPP5HE 39
-0i-24) 5 5 10 36 37 38
(almusal, tnanghalian, at hapunan) ayon 40
sa badyet ng pamilya
1.2 naisasagawa ang pamamalengke ng
mga sangkap sa pagluluto (EPP5HE 41, 44,
1.3 naipapakita ang husay sa pagpili ng -0i-28) 5 5 10 43
42 45
sariwa, mura at masustansiyang
sangkap
(EPP5HE
1.1 naihahanda ang mga sangkap sa -0j-29) 5 5 10 46, 48 49 50
pagluluto 47
100
TOTAL
45 50
%
17 13 9 6 4 1

Inihanda ni : Sinuri ni:

Teacher III School Guidance Coordinator

PINAGTIBAY :

School Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN V
HOME ECONOMICS

Pangalan: _____________________________________________________________ Iskor: _________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang nararapat gawin kung ang damit ay nangangamoy?


A. ilagay sa labahan C. pahanginan
B. plantsahin D. tiklupin at ilagay sa cabinet
2. Alin sa mga sumusunod ang gagawin kung may sira o butas ang mga damit?
A. ihanger ang damit sa cabinet
B. sulsihan o kumpunihin ang mga butas ng damit
C. isuot at gamitin ang mga damit
D. ipamigay ang mga damit sa kapitbahay
3. Ito ay isinasagawa kung may sira o punit ang damit.
A. pagsusulsi B. paglalaba C. pamamalantsa D. pagtutupi
4. Ano ang dapat gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
A. ayusin ang pleats ng palda C. basta nalang umupo
B. ipagpag muna ang palda D. ibuka ang palda
5. Umakyat sa puno ng mangga si Nestor, nalagyan ng mantsa ng mangga ang kanyang damit alin dito ang
kanyang gagawin?
A. tanggalin ang mantsa C. labhan ang damit
B. plantsahin ang damit D. sulsihan ang damit
6. Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?
A. upang mapakinabangan ito sa loob ng mahabang panahon
B. upang ikaw ay kaaya-ayang tingnan
C. upang mapanatili ang kagandahan ng kasuotan
D. lahat ay tama
7. Ano ang dapat gagawin sa mantsa ng dugo bago ito kusutin at sabunin?
A. lagyan ng kalamansi C. ibabad sa tubig
B. buhusan ng mainit na tubig D. lagyan ng yelo
8. Kung ang iyong damit ay nadikitan ng chewing gum, ano ang iyong gagawin pag–uwi sa bahay?
A. lagyan ng asin at kalamansi
B. ibabad sa araw ang mantsa
C. lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas ito bago kaskasin
D. buhusan ng mainit na tubig
9. Ang alkohol ay isa sa mga kagamitan sa pag–alis ng mantsa, alin sa mga sumusunod na mantsa ito
gagamitin?
A. putik B. kalawang C. tinta D. tsokolate
10. Alin sa sumusunod ang mabisang pang – alis ng kalawang sa damit?
A. mainit na tubig B. pulbos C. kalamansi at asin D. zonrox
11. Ang mga bata ay mahilig kumain ng matatamis na pagkain, lalo na ang tsokolate. Hindi maiwasan na
magkaroon ng mantsa ang kanilang mga damit habang sila ay kumakain. Ano ang tamang paraan sa
pagtanggal sa mantsa ng tsokolate?
A. labhan ng sabon at tubig ang mantsa
B. kusutin sa tubig na may asin
C. ibabad ang mantsa sa mainit na tubig
D. lagyan ng zonrox ang mantsa
12. Ang ihi ay isa sa mga mantsa na karaniwang makikita sa damit ng mga bata. Paano mo tanggalin ang
mantsa?
A. basain ng thinner C. sabunin ng tubig na may suka
B. ibabad sa mainit na tubig D. ibabad gamit ang zonrox
13. Paano mo tatanggalin ang putik na kumapit sa damit mo?
A. Lagyan ng katas ng kalamansi at asin at kusutin.
B. Ibabad ang damit sa mainit na tubig, sabunin at kusutin.
C. Kuskusin ang mantsa gamit ang brush bago ito sabunin at labhan.
D. kuskusin ito ng panligong sabon
14. Punasan ang ilalim ng plantsa ng basang basahan bago ito painitin upang makasigurong wala itong
kalawang o dumi na maaring dumikit sa damit.
A. tama B. mali C. ewan D. hind siurado
15. Ano ang temperature ng plantsa kapag nagplaplantsa ng damit na gawa sa koton at linen?
A. pinakamataas na temperature C. pinakamababang temperature
B. katamtamang temperature D. wala sa nabanggit
16. Ano ang huling hakbang sa pamamalantsa ng Short/Pantalon?
A. Plantsahin ang kaliwang hita at isunod ang kanang bahagi.
B. Baligtarin ang damit at plantsahin muli ang baywang at balakang na bahagi ng bulsa.
C. Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng tahi sa zipper.
D.Plantsahin hanggang maging makinis ang kabuuan ng pantalon.
17. Mahalagang sundin ang mga hakbang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi. Maging maingat sa lahat
ng oras upang makaiwas sa sakuna.
A. tama B. mali C. wala D. ewan
18. May pupuntahan si Nena at kinakailangan niyang plantsahin ang kanyang gagamiting damit, saang lugar
siya dapat magplantsa?
A. sa kusina kung saan nagluluto ang kanyang nanay
B. sa lugar na walang maaabala at maliwanag
C. sa labas ng bahay para walang makaistorbo sa kanya
D. wala sa mga nabanggit
19. Bakit kinakailangang tiyaking tuyo ang kamay bago isaksak ang plug ng plantsa?
A. para maiwasan ang disgrasya C. para hindi magkaugat-ugat ang kamay
B. para di masunog ang kamay D. wala sa mga nabanggit
20. Bakit kinakailangang huwag iiwan ang pinaplantsa kung kailangang may gawing ibang bagay?
A. para makaiwas sa sakuna C.para makatipid sa kuryente
B. para madagdagan ang init ng plantsa D. wala sa nabanggit
21. Pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makina.
A. spool pin B. kabinet C. needle bar D. feed dog
22.Ito ang nagsisilbing kabitan ng karayom.
A. treadle B. needle clamp C. tension regulator D. bobina
23. Ito ay takip na metal na maaring buksan upang umalis o mapalitan ang bobina.
A. kabinet B. drive wheel C. bobbin case D. thread guide
24. Lahat ng mga nabanggit ay dapat gawin bago gamitin ang makina maliban sa Isa, alin dito?
A. punasan ang makina ng basahan na may zonrox bago gamitin
B. tingnan kung gumagana ang makina
C. tingnan ang bobina kung may laman na sinulid
D. punasan ang makina ng tuyong pamunas
25. Tapos nang manahi si nanay at kinakailangan na niyang iligpit ang makina na kanyang ginamit, saang
parte ng makina niya dapat itago ang ulo ng katawan ng makina?
A. kahon B. treadle C. balance wheel D. spool pin
26-27. Piliin ang titik na tutugon sa gamit ng bahagi ng makinang de padyak.
A. B. C. D.

26. Ito ang bahagi ng makina na


pum ipigil o umiipit sa tela habang
tinatahi.
27.Ito ang bahagi ng makina na tinatapakan para umandar ito.
28.Ano ang ipinapatong sa damit upang hindi marumihan kapag naghahanda ng pagkain?
A. Apron B. padron C. bimpo D. tuwalya
29. Ilang sentimetrong sukat ang dapat idagdag sa laylayan ng apron na gagawin?
A. 2-3 cm B. 4-5 cm C. 6-7 cm D. 7-8 cm
30. Kunin ang sukat sa dibdib. Ilagay paikot ang medida sa pinakamalaking bahagi ng dibdib at sa ilalim ng
braso. Panatilihing tuwid ang likod ng iyong sinusukatan.
A. Tama B. mali C. hindi D. ewan
31. Ang mga kagamitang ito ay ginagamit sa paglikha ng malikhaing proyekto, maliban sa isa, alin dito?
A. Gunting B. makinang pantahi C. sinulid D. ballpen
32. Gagamitin ng nanay mo ang ginawa mong apron, paano niya ito isusuot?
A. nakaekis B. nakahilis C. nakatayo D. nakahiga
33. Natapos nang ihalbana ni aling Nita ang lupi at tahiin sa makina ang tupi ng apron na gagamitin, ano ang
susunod na hakbang na dapat na niyang gawin?
A. Gawin ang lupi sa taas ng apron. C. Tahiin ang bulsa.
B. Tastasin ang hilbana. D. Ikabit ang tahi.
34. Bakit mahalagang gumamit ng padron sa paggawa ng isang gamit pangkusina tulad ng apron?
A. upang matiyak ang maayos na tahi
B. upang maiwasan ang pag-aaksaya ng lakas, panahon at pera
C. upang mas maganda ang magagawang apron
D. upang makuha ang tamang sukat ng apron
35. Pananahi ng apron ang proyektong gagawin ng mga batang mag – aaral sa ikalimang baitang.
Naghahanda na sila sa paggawa ng padron. Upang maging wasto ang paggawa nito, gawing mas
_________ ang padrong pangharap kaysa padron panglikod
a. makitid c. malaki
b. maikli d. malapad
36. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan.
A. Taba B. bitamina C C. protina D. madadahong gulay
37. Aling sustansiya ang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay, mais, patatas, at ubi na
nagbibigay init ng katawan.
A. taba at langis B. carbohydrate C. bitamina D. mineral
38. Alin dito ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng
pagkain.
A. talaan ng paninda B. resipe C. meal plan D. talaan ng putahe
39. Alin dito ang inihahain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi?
A. agahan B. hapunan C. tanghalian D. meryenda
40. Sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na salik maliban sa
isa, alin dito?
A. kasarian B. gulang C. oras sa paghahanda D. ugali
41. Kung naghahanda ng pagkain para sa pamilya dapat________
a. isagawa ng maayos upang masiguro masarap at malinis ang nilulutong pagkain
b. maalat at di presko ang mga sangkap ng pagkaing niluluto
c. gusto o paborito ng mag-anak
d kulang sa sangkap ang ginamit sa niluluto
42. Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng sariwang isda MALIBAN sa _______________.
A. Mapupula ang hasang.
B. Kapit na kapit sa balat ang mga kaliskis.
C. May di-kanais-nais na amoy.
D. Matatag ang laman at bumabalik sa dating anyo kapag pinipisil.
43. Ano ang dapat gawin upang walang makalimutang sangkap o mahalagang bagay kapag namamalengke?
A. Gumawa ng listahan ng mga bibilhin.
B. Hayaan nalang na may makalimutan.
C. Ipakabisado sa kasama ang mga dapat bilhin.
D. Hindi na mamamalengke.
44. Si Ana ay inutusan ng kanyang ina na bumili ng karneng baboy sa palengke. Aling katangian ng sariwang
baboy ang dapat niyang bilhin?
A. Mala-rosas ang kulay ng laman, hindi mapulang-mapula o nangingitim, at maputi ang taba.
B. May di kanais nais na amoy.
C. Mayroong pasa ang karne. .
D Malambot ngunit di bumabalik sa dating anyo kapag pinipisil.
45. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan upang ikaw ay makakatipid sa pamamalengke MALIBAN sa
__________.
A. Bumili ng pagkaing napapanahon.
B. Huwag mahiyang tumawad sa bilihin.
C. Bilhin ng maramihan ang mga pagkaing araw-araw na ginagamit tulad ng bigas, asin, at iba pa.
D. Bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan.
Panuto :Basahin ang maikling kwento at sagutin ang iilang mga katanungan na nasa bilang 46-48.
ANG MASARAP NA SANGKAP NI RITA
May isang payak na mag-anak ang masayang naninirahan sa isang liblib na bayan sa Leyte. Isang
araw, ang ina ng mag-anak na si Aling Nena ay dumating galing sa palengke dala ang mga sangkap na
kanyang nabili na gagamitin sa pagluluto ng paboritong pagkain ng mag-anak, ang sinigang na baboy.
Tinawag ni Aling Nena ang kanyang anak na babae na si Rita at inutusan na ihanda ang mga sangkap na
kanyang lulutuin. Ginawa agad ni Rita ang ipinag-uutos ng ina, hinugasan niya ang mga sangkap tulad ng
karne ng baboy at mga pampalasa gaya ng sampaloc, kamatis at okra. Hiniwa niya ang mga ito ayon sa
hugis at laki nito. Siniguro niya na malinis ang lahat ng sangkap bago ito lutuin dahil sabi ng kanyang ina,
“Mas masarap ang mga sangkap ng pagkain kung malinis ang paghahanda at paghahain”. Masaya ang ina
ni Rita dahil marunong na itong maghanda ng mga sangkap sa pagluluto ng sinigang na baboy.

46. Anong uri ng putahe ang planong ihanda ni Aling Nena para sa kanyang pamilya?
A. Sinigang na baboy B. nilagang baboy C. sinigang na isda D. sinigang na baka
47. Sino ang inutusan ni Aling Nena para lutuin ang putahing ihahanda para sa mag-anak?
A. Nena B. Rita C. Nita D. Nela
48. Anu-ano ang mga sangkap na pinamili ni Aling Nena sa palengke?
A. karne ng baboy, sampalok, kamatis at okra
B. karne ng kambing, sinigang mix, okra at sibuyas
C. karne ng baka, sampalok, kamatis at okra
D. karne ng manok, sampalok, kamatis at sitaw
49. Magluluto si Lisa ng pagkain, ano ang dapat niyang gawin sa mga sangkap?
A. Dapat kumpletuhin ang sangkap na gagamitin.
B. Hayaan na lang na kulang ang mga sangkap para makatipid.
C. Dapat niyang tipidin ang mga sangkap na ihahalo sa pagkain.
D. Bumili ng kahit kunting sangkap lamang ang mahalaga may sangkap na ihahalo.
50. Ang paghahain at pagdudulot ng mga pagkain sa hapagkainan ay isang paraan upang mahikayat ang mga
kakain kaya naman gawin itong kaakit-akit. Kailangan ang mga kagamitan ay nasa tamang ayos o lalagyan.
Ayusin ang mga kagamitan ayon sa tamang pagkakaayos Isulat ang titik ng may tamang pagkakaayos ng mga
kagamitan..

A C

B
D

Inihanda ni : Sinuri ni:

Teacher III School Guidance Coordinator

PINAGTIBAY :
School Principal I

You might also like